You are on page 1of 21

12

Filipino sa Piling Larang


(Academic)
Unang Markahan – Modyul 5:
KAHULUGAN AT KATANGIAN NG
BIONOTE
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Kahulugan at Katangian ng Bionote
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Roshelle G. Abella
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido
Tagasuri: Arlene L. Decipolo, Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T.
Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
12
Filipino sa Piling Larang
(Academic)

Unang Markahan–Modyul 5:
KAHULUGAN AT
KATANGIAN NG BIONOTE
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Kahulugan at Katangian ng Bionote!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Kahulugan at Katangian ng Bionote!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

KAHULUGAN AT KATANGIAN NG BIONOTE

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling


akademikong sulatin. (CS_FA11PU-0d-f-92)
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
(CS_FA11PUOd-f-93)

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta? Handa ka na ba sa isang


bagong talakayan at pagkatuto? Kung gayon ang modyul na ito ay
makatutulong sa iyo para sa isang bagong kaalaman ukol sa
akademikong sulatin na tinatawag na bionote.
Ano ba ang Bionote? Bakit nga ba ito kinakailangang pag-
aralan? Ang bionote ay isang uri ng sulatin na nagpapakilala sa isang
propesyonal, bilang isang mag-aaral mahalaga itong pag-aralan dahil
ito’y magagamit para sa inyong kahaharaping propesyon.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakapagbibigay ng kahulugan, katangian at karaniwang layunin ng salitang


bionote;
2. Nakapagsusulat ng isang bionote gamit ang tamang estilo at teknikal na
pangangailangan nito; at
3. Naisaalangalang ang etika sa bubuuing bionote.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at alamin kung ito ba ay tama o mali.
Isulat ang letrang T kung tama ang pahayag at letrang M kung mali ang pahayag.

________ 1. Ginagamit ang pangatlong panauhan sa pagsulat ng bionote.


________ 2. Ang bionote ay isang impormatibong talata na nagpapaalam
sa mga mambabasa kung ano ang nagawa mo biang
propesyunal.
________ 3. Ang bionote at autobiograhy ay magkatulad.
________ 4. Ang talambuhay ay mas maikli at mas siksik kaysa sa bionote.
________ 5. Ang biodata at bionote ay magkaiba.
________ 6. Ang curriculum vitae at bionote ay iisa lamang.
________ 7. Kinakailangang mahaba ang gagawing bionote upang mas
makilala ang manunulat.
________ 8. Sa pagsulat ng bionote mahalagang kilalanin muna ang iyong
mambabasa.

2
________ 9. ang bionote ay mahalaga sapagkat ito’y ginagamit upang
itanghal ang mga natamo ng isang indibidwal.
________ 10. Sa pagsulat ng bionote mahalagang baguhin ang mga
natamo ng isang indibidwal upang mas galangin siya ng
mambabasa.

II. Pag-iisa-isa

Panuto: Magbigay ng limang (5) mga katangian ng mahusay na bionote.


1. ______________
2. ______________
3. ______________
4. ______________
5. _______________

Magaling! Naging positibo ba ang


resulta ng panimulang pagtataya? Sakaling
hindi, huwag kang mag-alala dahil ang
modyul na ito ay may malaking maiambag sa
iyo upang mas lalo mong maintindihan kung
paano gumawa ng isang bionote.

TUKLASIN

GAWAIN 1

Bago mo pag-aaralan ang nilalaman ng modyul na ito, may inihandang gawain na


kailangan mo munang sagutin. Makikita sa ibaba ang isang larawan, kilala mo ba
kung sino siya? Ano ba ang kanyang pangalan? Saan nga ba siya nag-aral at ano
ang kanyang natapos? at Ano-ano ba ang kanyang nagawa sa larangan ng politika?

3
Ipakilala ang taong makikita sa ibaba sa tulong ng mga gabay na tanong
na iyong binasa. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________
tps://bit.ly/31kFgbX
__________________________________________

SURIIN

PAGSUSURI

Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot.

1. Base sa gawain, naging madali ba ang pagkilala sa taong nasa larawan?


Bakit?

2. Paano kaya nakatutulong sa iyo ang gawaing iyon, dito sa aralin na iyong
pag-aaralan?

4
PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Pag-aralan mo…

Ano ang Bionote?


Ang bionote ay impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa
kung sino ka o ano-ano na ang nagawa mo bilang propesyonal. Inilalahad din dito
ang iba pang impormasyon tungkol sa iyo na may kaugnayan sa paksang tinalakay
sa papel, sa trabahong ibig pasukan, o sa nilalaman ng iyong blog o website. Iba
ang binonote sa talambuhay at autobiography.

Ang bionote ay maikli at siksik, samantalang mas detalyado at mas mahaba


ang talambuhay at autobiography.

Iba rin ang bionote sa biodata at curriculum vitae o CV. Hinihingi sa biodata
ang mga personal na impokrmasyon tulad ng pangalan, kasarian, edad, petsa at
lugar ng kapanganakan, tangkad, timbang, at iba pa. Karaniwan itong ginagamit ng
mga nagnanais magtrabaho sa gobyerno. Makikita naman sa CV ang mga detalye
tungkol sa natamong edukasyon, nakaraang trabaho, mga kasanayang may
kaugnayan sa inaaplayang posisyon o trabaho, mga nilahukang seminar o
kumperensya, at iba pa. Karaniwan itong ginagamit ng mga akademiko.

Bakit nagsusulat ng Bionote?


Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating
karakter kundi maging ang ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan. Ito ang
paraan upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa. Halimbawa, hindi
tatangkilikin ng mga paaralan ang isang batayang aklat sa accountancy kung
makikita sa author’s profile na wala naman talagang backgorund ang awtor sa
larangang ito. Hindi rin matatanggap bilang industrial engineer ang isang
aplikanteng ang nakasulat sa bionote ay tungkol sa mga kasanayan sa pagluluto.
Kung makikita naman ng mga mambabasa na ang isang blogger na nagsusuri ng
mga aklat ay hindi gaanong mahilig magbasa, awawalan silao ng interes na basahin
ang kaniyang mga rebyu.

5
Sa pagsulat ng bionote, mahalagang malinaw ang layunin o mga layunin
sa pagsulat nito. Kailangang ding tukuyin kung sino ang magbabasa nito at ang ibig
mong isipin nila tungkol sa iyo.

Mga Katangian ng Mahusay na Bionote


Katulad ng iba pang akademikong sulatin, hindi basta-basta ang pagsulat
ng bionote. Sa katunayan, marami ang hindi nagtatagumpay sa pagsulat nito.
Karaniwang hindi nagtutugma ang gustong sabihin ng awtor at gustong mabasa ng
mambabasa. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mahusay na bionote:

 Maikli ang nilalaman. Karaniwang hindi binabasa ang mahahabang bionote,


lalo na kung hindi naman talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na
impormasyon. Ibig sabihi, mas maikli ang bionote, mas babasahin ito. Sikaping
paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon.
Iwasan ang pagyayabang.

 Gumagamit ng Pangatlong Panauhang pananaw. Tandaan, laging gumamit


ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay
tungkol sa sarili. Halimbawa, “Si Roshelle G. Abella ay nagtapos ng MA- Filipino
sa Unibersidad ng Foundation. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Piling
Larangan sa Negros Oriental High School.”

 Kinikilala ang Mambabasa. Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa


pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng
paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap
nila. Halimbawa, ano ang kalipikasyon at kredibilidad mo sa pagsulat ng
batayang aklat.

 Gumagamit ng baligtad na tatsulok. Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang


obhetibong sulatin, unahin ang pinakamahalagang impormasyon. Bakit? Ito ay
dahil sa ugali ng maraming taong basahin lamang ang unang bahagi ng sulatin.
Kaya naman sa simula pa lamang ay isulat na ang pinakamahalagang
impormasyon.

 Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian. Iwasan ito.


“Si Ronalyn Jane ay guro/manunulat/mang-aawit/negosyante/chef.” Mamili
lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote.
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, halimbawa, hindi na kailangang
banggitin sa bionote ang pagiging negosyante o chef.

 Binabanggit ang degree kung kailangan. Kung may PhD sa antropolohiya,


halimbawa, at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan,
mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.

6
 Maging matapat sa Pagbabahagi ng Impormasyon. Walang masama kung
paminsan-minsan ay magbubuhat ng sariling bangko kung ito naman ay
kailangan upang matanggap sa inaaplayan o upang ipakita sa iba ang
kakayahan. Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon. Huwag mag-
iimbento ng impormasyon para lamang bumango ang pangalan at makaungos
sa kompetisyon. Hindi ito etikal at maaring mabahiran ang reputasyon dahil dito.

 Halimbawa ng bionote ng isang manunulat


Bionote Ni G, Patronicio Villafuerte
Si Patrocinio Villafuerte y isang guro at manunulat sa Filipino. Siya ay
ipinanganak noong ika-7 ng Mayo 1948 sa San Isidro, Nueva Ecija. Isa siyang
manunulat na may bilang na 145 na akda. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Agham
sa Edukasyon. PAngulo siya ngayon ng Departamento ng Pilipino sa Philippine
Normal University. Marami siyang nakuhang mga parangal sa iba’t ibang pag-
gawad, tulad ng Gawad Merito na kanyang nakuha at nakamit sa Manuel Luis
Quezon University.
Tumanggap rin siya ng mga parangal. Ang kanyang kauna-unahang
nakamit ay mula sa Genoveva Edroza Matute Professional Chain in Filipino,
Sampung gawad Surian Gantimpalang Collanters. Dalawang Presidential
Awards sa Malacañan Palace at walong Carlos Palanca Memorial Awards For
Literature. Pinarangalan ng Komisyon ng Wikang Filipino, PNU Alumni
Association, Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL), Ninoy Aquino
Foundation at Philexers.
Mula kay: Dela Cruz, Mark Anthony S. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik.

Bisitahin ang link sa ibab para sa mga karagdagang halimbawa ng


bionote

https://bit.ly/31s9kme

Mga Gawain

I. Kilalanin Mo!

Panuto: Makikita sa ibaba ang isang organizational chart, base sa iyong sariling
pagkakaintindi. Isulat ang kahulugan ng salitang “bionote” sa bawat bilog
na nakapaligid dito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

7
____

____ ____
BIONOTE

____

ISAISIP

Ang bionote ay maikling


impormatibong sulatin (karaniwang isang
talata lamang) na naglalahad ng mga
klasipikasyon ng isang indibidwal at ng
kaniyang kredibilidad bilang propesyunal.
Itinatanghal dito ang kaniyang mga
natamona nagsasasbing siya ay maalam
at may awtoridad sa larangang
kinabibilangan niya.

ISAGAWA

8
PAGLALAPAT

Panuto: Sumulat ka ng isang bionote batay sa impormasyon sa ibaba. Gawin ito


sa iyong kuwaderno habang ginagabayan ka ng rubric na makikita sa
ibaba.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-aaplay ka ng trabaho.
Tumingin ka ng mga bakanteng posisyon bilang IT assistant sa isang job portal sa
Internet. Natuwa ka naman dahil maraming kompanya ang nangangailangan ng IT
assistant. Napansin mong halos lahat ng inaaplayan mo ay nanghihingi ng bionote
maliban sa resume, pormularyo ng aplikasyon, at scanned na kopya ng diploma at
transcript of records. Dahil dito, magsusulat ka ng isang bionote na babasahin ng
mga kinatawan ng HR ng kompanyang inaaplayan mo. Ang malaking puntos ng
iyong aplikasyon ay nakabatay rito, kaya kailangan mong husayan. Tatayain ang
iyong bionote ayon sa kaangkupan ng mga impormasyon sa posisyong inaaplayan,
organisasyon ng talaata, at grammar.

Krayterya 25pts. 15pts. 7pts.


Nilalaman at klarong-klaro ang Hindi gaanong Hindi klaro ang
Kaangkupan kaisipang nais klaro ang kaisipang nais
ipabatid at kaisipang nais ipabatid.at hindi
angkop na ipabatid.ngunit angkop ang
angkop ang mga medyo angkop impormasyon sa
impormasyon sa ang mga posisyong
posisyong impormasyon sa inaaplayan.
inaaplayan. posisyong
inaaplayan.
Wastong gamit at Walang mali sa May ilang mali sa Halos lahat ng
pagbaybay ng pagkagamit ng pagkagamit ng salita ay mali sa
mga salita/ mga salita at sa mga salita at sa paggamit at
organisasyon ng pagbaybay pagbaybay pagbaybay.
talata nito.Napaka- nito.Organisado Hindi gaanong
organisado ng ang talata. organisado ang
talata. talata.

Kabuuan - 50 Puntos

9
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba at magbigay ng


maikling paliwanag. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Base sa iyong napag-aralan, ano ang pinakalayunin ng isang bionote?
Ipaliwanag.
__________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang katangian ng isang bionote?


Ipaliwanag.
__________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

REFLEKSIYON

Kompletuhin ang pahayag


Ang natutuhan ko sa modyul na ito ay…
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
____.

10
TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at alamin kung ito ba ay tama o
mali. Isulat ang letrang T kung tama ang pahayag at letrang M kung mali ang
pahayag.

________ 1. Ginagamit ang pangatlong panauhan sa pagsulat ng bionote.


________ 2. Ang bionote ay isang impormatibong talata na nagpapaalam
sa mga mambabasa kung ano ang nagawa mo biang
propesyunal.
________ 3. Ang bionote at autobiograhy ay magkatulad.
________ 4. Ang talambuhay ay mas maikli at mas siksik kaysa sa bionote.
________ 5. Ang biodata at bionote ay magkaiba.
________ 6. Ang curriculum vitae at bionote ay iisa lamang.
________ 7. Kinakailangang mahaba ang gagawing bionote upang mas
makilala ang manunulat.
________ 8. Sa pagsulat ng bionote mahalagang kilalanin muna ang iyong
mambabasa.
________ 9. ang bionote ay mahalaga sapagkat ito’y ginagamit upang
itanghal ang mga natamo ng isang indibidwal.
________ 10. Sa pagsulat ng bionote mahalagang baguhin ang mga
natamo ng isang indibidwal upang mas galangin siya ng
mambabasa.
II. Pag-iisa-isa
Panuto: Magbigay ng limang (5) mga katangian ng mahusay na Bionote.
1. ______________
2. ______________
3. ______________
4. ______________
5. ______________

11
12
Paglalapat / Pagpapayaman at Refleksiyon (Maaaring magkakaiba ang sagot)
Pangwakas na Pagtataya
1. T
2. T
3. M
4. M
5. T
6. M
7. M
8. T
9. T
10. M
II. (Pumili lamang ng 5 sa mga ss.)
1. Maikli ang nilalaman
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
3. Kinikilala ang mambabasa
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok
5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
6. Binabanggit ag degree kung kailangan
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
Panimulang Pagtataya
1. T
2. T
3. M
4. M
5. T
6. M
7. M
8. T
9. T
10. M
II. (Pumili lamang ng 5 sa mga ss.)
1. Maikli ang nilalaman
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
3. Kinikilala ang mambabasa
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok
5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
6. Binabanggit ag degree kung kailangan
Gawain 1 (gabay na sagot)
Si Rodrigo R. Duterte ay ipinanganak noong ika-28 ng Marso 1945 sa Maasin Southern Leyte.
Nakapagtapos siya ng Political Science sa Lyceum of the Philippines taong 1968 at nakakuha ng Law
Degree sa San Beda College of Law taong 1972. Noong taong 2016, siya ay nanalo bilang Presidente
ng Pilipinas. Ilan sa kanyang mga kampanya at binibigyang pansin ay ang paglaban kontra droga at ang
pagpapababa ng bilang ng krimen sa Pilipinas.
Pagsusuri at Mga Gawain (maaring magkakaiba ang sagot)
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Aklat
Dela Cruz, Mark Anthony S. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Diwa
Learning Systems Inc., 2016.
Alviola, Jesusito., Sanayang Aklat sa Piling Larangan. DepEd. Division of Negros
Oriental. 2017.

Internet

Hirst, K. Kris. Biography of Filipino Politician and President Rodrigo Duterte (image
only). Last Modified December 17, 2018. https://www.thoughtco.com/rodrigo-
duterte-biography-4178739
Maestro Valle Rey. Halimbawa ng Bionote: Mga Bionote Ng Iba’t Ibang Propesyon
Last Modified January 30, 2020. https://bit.ly/3hE2f82
https://en.wikipedia.org/wiki/Rodrigo_Duterte Para sa larawan

https://en.wikipedia.org/wiki/Rodrigo_Duterte#/media/File:President_Rodrigo_Dutert
e.jpg para sa larawan

13
Roshelle G. Abella Siya ay nagtapos sa kursong BSED sa
Unibersidad ng Foundation, Lungsod ng Dumaguete taong 2015.
Natapos din niya ang MAEd sa Filipino mula sa Foundation
University taong 2020. Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo ng Senior
High School sa Mataas na Paaralan ng Negros Oriental.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like