You are on page 1of 22

12 FILIPINO

Filipino sa Piling Larang-Akademik

Ikalawang Markahan – Modyul 5:


Pagsulat ng Sanaysay ng Larawan

Filipino sa Piling Larang - Akademik

Karapatang-sipi ©2020 ng DepEd Bohol


Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaring ilathala o ilabas sa
anumang anyo, kasama na rito ang mga video, nang swalang nakasulat na pahintulot ang
tagapaglathala at mga may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling aklat na ilalathala sa
mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na mat tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive, Cogon
District, Tagbilaran City, Bohol.

May-akda:
Romulita V. Salaum

Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, Ph.D
Josephine D. Eronico, Ph.D
Jocelyn T. Rotersos, R.L

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Romulita V. Salaum
Tagasuri: Wilfreda O. Flor, Ph.D, Josephine D. Eronico, Ph.D, Jocelyn T. Rotersos, R.L
Tagaguhit: Ginalyn Quimzon
Tagalapat: Ginalyn Quimzon
Tagapamahala: Bianito A. Dagatan, EdD, CESO V
Schools Division Superintendent
Carmela M. Restificar, Ph.D
OIC – CID Chief
Josephine D. Eronico, Ph.D
EPS, LRMS
Wilfreda O. Flor, Ph.D
EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education – Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone: (038) 412- 4938 (038) 411- 2544 (038) 501- 7550
Telefax: (038) 501- 7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph
12
FILIPINO

Filipino sa Piling Larang-Akademik

Ikalawang Markahan – Modyul 5:


Pagsulat ng Sanaysay ng Larawan/
Pictorial Essay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang-Akademik ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling “Pagsulat ng Sanaysay ng Larawan / Pictorial Essay”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili,
pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang-Akademik ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa “Pagsulat ng Sanaysay ng Larawan / Pictorial Essay”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto


at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at
interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng konsepto ng
nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol ang
kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa pagkagising ng kanilang
damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong
bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may ibat-ibang kompetensi para sa ikalimang linggo
ng Ikalawang Markahan. Ito ay ang mga:
 Aralin 5- Pagsulat ng Sanaysay ng Larawan / Pictorial Essay
 Unang Araw: Sanaysay ng Larawan/ Pictorial Essay
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
(CS_FA11/12PT-Om-o-90)

 Ikalawang Araw: Mga Paraan ng Paggawa ng Sanaysay ng Larawan / Pictorial Essay


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
(CS_FA11/12PT-Om-o-90)

 Ikatlong Araw: Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Pictorial Essay


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nabibigyang-kahulugan ang mgaterminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
(CS_FA11/12PT-Om-o-90)

 Ikaapat na Araw: Pagbuo ng Sariling Sanaysay ng Larawan / Pictorial Essay


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin
(CS_FA11/12PU-Op-r-94)

95
Subukin

A. Panuto: Isulat ang TAMA sa puwang kung ang pahayag ay tumutukoy sa mga bagay
na may kaugnayan sa pagsulat ng pictorial essay at MALI kung ito ay walang
kaugnayan.
______1. Ang paglalagay ng larawan sa pictorial essay ay dapat isinaayos sapagkat ito ang
magpapakita ng kabuoan ng kaisipang nais ipahayag.
______2. Dapat isaalang-alang ang mga manonood o titingin ng iyong pictorial essay upang
maibatay ang larawan sa kanilang kaisipan at interes.
______3. Ang mga nakatalang katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan
hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.
______4. Sa pagsulat ng sanaysay ng larawan ay maaaring maglagay ng mga larawang may
iba-ibang kaisipan.
______5. Tandaan na kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa
ng
pictorial essay.

B. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot sa mga salitang
nasa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa iyong sagutang papel.

1.Ito ay gumamit ng mga pahayag na nagpapakita ng kawilihan sa paksa.


2.Dito isasaayos ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
3.Pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo.
4.Kailangan dito ang malalim na pag-unawa, pagpapahalaga, at tamang obserbasyon sa paksa.
5.Isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa salita o panulat.

Malinaw na Paksa Kawilihan Pokus

Pictorial Essay Lohikal na Estruktura Orihinalidad

96
Aralin 5
PAGSULAT NG SANAYSAY NG
LARAWAN/ PICTORIAL ESSAY
Ikalimang Linggo

Sa araling ito’y matutunghayan ang pagpapakahulugan ng sanaysay ng larawan / pictorial


essay, sangkap at katangian, gayundin ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng sanaysay ng larawan /
pictorial essay.
Ang pagsagot ng mga katanungan ay nagpapaunlad sa iyong kasanayan sa pag-unawa ng
iyong binabasa. Higit pa rito ay mahahasa rin ang kakayahan mo sa pagpapaliwanag, at pagpapahayag
ng sariling ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pagsulat.

Balikan
Naranasan mo na ba na kumuha ng mga larawan sa mga lugar o bagay na nagustuhan mo?
Ano ang ginawa mo sa mga larawang ito? Magsulat ng maikling pagsasalaysay tungkol sa ginawa mo
sa mga larawang nakolekta mo?

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat ang


inyong tamang sagot.

97
Tuklasin
Ano-ano ang iyong nalalaman tungkol sa sanaysay ng larawan / pictorial essay?
Ibahagi ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagpuno sa graphic organizer sa ibaba.

Sanaysay ng Larawan /

Pictorial Essay

98
Suriin

Alam mo ba na…

Ang pictorial essay ay isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita o
panulat. May pagkakataong magkaugnay ito sa isang lakbay-sanaysay lalo na’t karamihan ng lakbay-
sanaysay ay may kasamang larawan. Ito ay isang kamangha-manghang anyo ng sining na
nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagita ng paghahambing sa mga larawang sinusundan ng
maikling kapsyon kada larawan.

Sangkap ng Pictorial Essay:

TEKSTO LARAWAN
Madalas may “ Journalistic
feel”.Ngunit ang ang
pinakainiikutan nito ay ang mga
larawan mismo. Tipikal sa
pictorial essay ay pagkakaroon
ng pamagat at pokus sa isang
tema.

Katangian ng Mahusay na Pictorial Essay


1. Malinaw na Paksa- pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo. Hindi
kailangang engrande ang paksang pipiliin.
2. Pokus- huwag na huwag lumihis sa paksa. Angniyong malalim nap ag-unawa,
pagpapahalaga, at tamang obserbasyon sa paksa ay mahalagang sangkap tungo sa
matagumpay na pictorial essay.
3. Orihinalidad
 Mainam kung ikaw mismo ang kukuha ng larawan
 Maaari ring gumamit ng potoshop o iba pang software ng kompyuter
 Kung hindi ito magagawa, kumuha ng mga larawan sa mga lumang album o magasin
bilang panimula
 Gumawa ng collage upang makalikha ng bagong larawan.
 Kailangang ang pangkalahatang kahulugang ipinapahayag ng nalikhang larawan ay
orihinal sa iyo.
4. Lohikal na estruktura-isaayos ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
Kailangang may kawili-wiling simula, maayos na paglalahad ng katawan at kawili-wiling
wakas.
5. Kawilihan- gumamit ng mga pahayag na nagpapahiwatig na kinwiwilihan mo ang iyong
paksa nang kawilihan din ng mga mambabasa.
6. Komposisyon- Yung artistic na kuha. Ikonsider ang kulay, ilaw, at balance ng komposisyon.
7. Mahusay na paggamit ng wika- iorganisa nang maayos ang teksto. Sikapin din ang
kawastuhang gramatikal sa pagsulat. Ang mga pagkakamali sa baybay, bantas,gamit ng salita
at iba pang tuntuning pangwika ay mga kabawasan sa husay ng pictorial essay.

99
Ang paggawa ng pictorial essay ay kailangang:

 Pumili ng paksang malapit sa puso


 Isaalang-alang ang iyong audience

 Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkamit
ng iyong layunin:

 Kumuha ng maraming larawan- walang dahilan para limitahan ang mga larawang
pagpipilian, mas higit ang posibilidad na may mapiling magagamit at angkop na mga
larawan.

 Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod

 Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan.

100
Sa pagsulat ng pictorial essay dapat lamang tandaan ang sumusunod:
 Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang
magpapakita ng kabuoan ng kuwento o kaisipang nais ipahayag,
 Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan
kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.
 May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay ng
mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin.
 Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay bata, kabataan,
propesyonal, o masa upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang
ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng mga caption.

Halimbawa ng Pictorial Essay

Pictorial Essay: Tahanan

Nanumbalik ako sa lumang bahay na nagturo sa akin ng simpleng pamumuhay. Apat na taon na rin
ang lumipas noong ito’y iniwan namin upang lumipat sa mas malaking tirahan, mas komportableng
bahay ika pa nila. Wala namang malaking pagbabago sa istraktura nito, bagkus napangalagaan ito ng
mga taong tumira dito. Labas pa lamang ay mawawari mo nang hindi may-kaya ang nakatira sa lugar
na ito. Nilulumot na ang pader at kinakalawang na ang pinto. Kung mamasdang mabuti, maaaring
masabi mo na nasa simpleng pamumuhay o di kaya ay isang mahirap ang namamalagi sa bahay na ito.
.

101
Ito ang tahanan na nagluwal sa akin. Literal, sapagkat dito ako pinanganak. Ito ang unang nakarinig
ng paghikbi ko, at nang iba pang pag-iyak ko. Ang di ganun kalaking salas ay siyang naging palaruan
ko, ang nagbigay ng peklat sa ilang bahagi ng katawan ko dahil sa kalikutan ko. Ramdam na ramdam
rito ang taginit at tagulan. Sentralisado ang pasok ng hangin at hindi kulong sa artipisyal na lamig ng
aircon. Ikinagalak ng loob ko noong madatnan ko itong malinis at maayos.

Payak na payak na ito. Kaunting gamit na lamang ang ngayo’y naririto kumpara sa masikip at punong
puno ng gamit na silid noon. Palibhasa’y mula sa medyo malaking pamilya, ngayon ay mag-asawa na
lamang ang nakatira rito. Naroroon pa rin ang aming lumang kalendaryo at ang poster na ginamit ko
noong kinakabisado ko ang mga planeta sa kalawakan. Puro pekas na ang mga pader, kahit umaga pa
lamang ay mukha nang madilim ang silid.

Ito iyon noon. Halos wala ka nang madaanan dahil lahat ay naookupahan ng kagamitan. Telebisyon,
mga naglalakihang cabinet, aparador, lamesa at mga upuan. Dito kami lumaking magkakapatid. Dito
kami napalo dahil sa aming kalikutan. Dito kami nagaway away at dito rin kami umuuwi at
nakukumpleto bilang isang buong pamilya pagsapit ng hapon. Buhay na buhay ang silid na ngayo’y
tila nagmumukhang napaglipasan na ng panahon.

102
Malaking bahagi ng buhay ko ang silid na ito. Ang lugar kung saan madaming oras ng pagkabata ko
ang nagugol dito. Mahilig kasi akong matulog at magpahinga lang. Ito ang aming silid tulugan na
dating may tabi tabing kama kung saan lahat kaming pamilya ay magkakatabi at nagsisiksikan. Doon
ako palaging nakapuwesto noon sa may tabi ng pader, sapagkat malamig ang pader nito. At kahit
hindi kami naka-aircon noon, ramdam na ramdam pa rin ang simoy ng hangin sa paligid dahil sa mga
bukas na bintana.

Ito iyon noon. Parehong pareho pa rin ang puwesto ng nakasabit na larawan ni Winnie the Pooh. Mas
maliwanag nga lamang ang kulay ng dingding at puno ng mga bata. May mas malapad na kama at
imahen ng birheng Maria. Kinakatakutan ko ang larawang iyon noon sapagkat masyado itong
madilim para saakin. Musmos na musmos pa ako sa larawang ito, ako yung batang paborito ang
malaking t-shirt at pajama na nadala ko hanggang sa aking paglaki.

Nais kong lamnan at muling ibalik ang ala-ala ng aking pagkabata ang bahay na ito. Hindi man ito
kalakihan, pero kung papipiliin ako kung gusto ko uling manirahan dito, ay sasang ayon ako. Gusto
kong gawing matingkad muli ang kulay ng mga pader. Takpan ng makulay na linoleum ang sahig nito
at punuin ang silid ng kwentuhan, bangayan, at kahit anong ingay basta magkakasama ang pamilya
ko.

Ito ang dahilan kung bakit parati akong bumabalik sa ala-ala ng tahanang ito. Dahil ito rin ang mga
panahon kung saan tumitira pa kami sa iisang bubong ng pamilya ko. Wala pang nagkokolehiyo, wala
pang nangingibang bansa, wala pang nagtetraining para maging pulis. Anim pa kami sa bahay at hindi
apat lamang kapag pa umuwi ako sa amin. Harapan kaming nagkikita kita at hindi lamang sa
videocall.

Maraming mababakas na alaala ng aking pagkatuto sa bahay na ito. Dito unang nakipaglaro, sa mga
kaibigan na nagbigay kasiyahan ngunit ngayo’y napaglipasan na ng panahon. Dito ako unang natuto,
sa mga dingding na sinulatan at sa mga poster na naglalakihan. Dito ko naramdaman ang tampo sa
aking magulang, sa aking nanay na mas binibigyang oras ang lesson plan kaysa sa amin at sa tatay
kong kinakain ng trabaho ang madaming oras. Dito ako tumapang, ang dating kaduwagan ko sa

103
pagpunta sa parte ng aming tahanan na madilim ay unti unti nawala sa paglipas ng panahon. Dito
nahubog ang malaking parte ng aking pagkatao. Dito ko unti unting nakilala ang aking sarili.

Sa paglabas ko ay nagpasalamat ako sa munti naming tahanan dati. Sa tahanan nang aking pagkabata.
Sa tahanan na nakakita ng aking paglaki. Sa pagbigat ng hamon na dala ng buhay, ang pagbalik na
lanag sana sa tahanang ito ang tumatakbo sa aking isipan. Gusto kong maramdaman ang gaan at
payapang pagiisip na mayroon ako kapag ako’y naroroon. Kaya’t tunay ngang nagpasalamat ako dahil
pinamahal niya sakin ang pamumuhay ng simple lamang. Pinaunawa nya ang kahalagahan ng saya,
ng tawa, lungkot, at inis basta magkakasama ang buong pamilya na hinding hindi matutumbasan ng
materyal na bagay. Hindi nito pinaangat sa ulo ko ang yaman o ang salaping dumadating sa aming
pamilya, tinuruan ako nitong makuntento lamang sa kung anong mayroon ako. Pinakita na hindi
parati ay kailangan natin ng labis sa kailangan natin kahit mayroon naman tayong pambili. At kahit
hindi naging maganda ang mga huling araw ko sa tahanang ito – ito at ito pa rin ang pipiliin ko higit
sa malaking bahay at condo na ngayo’y tinitirahan ko.

Sa pagbuo ng photo essay ay siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa. Kailangang alamin


din kung magiging interesado ba sa paksa ang mambabasa o titingin nito. Mahalaga ring kilalanin
kung sino ang mambabasa. Kailangang malinaw sa kung ano ang nais patunguhan ng photo essay.
Kailangan ding may kaisahan ang mga larawan sa photo essay. Isaalang-alang ang konsistensi sa
framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulang maliban na lamang kung may nais na idiing
ideya o damdamin

Hindi nalalayo ang photo essay sa iba pang uri ng sanaysay. Gumagamit ito ng mga teknik at
epektibong paglalahad ng mga ideya at pagsasalaysay ng mga pangyayari. Isinaalang-alang nito ang
tema, organisasyon ng mga kaisipan, tono, target na mababasa, at iba pa. Ang kaibahan lamang ay ang
paggamit nito ng mga larawan na siyang pangunahing pinagkukkunan ng kahulugan sa isang photo
essay. Madalas na nating sabihing sanlibong salita ang katumbas ng isang larawan, maaring higit pa
rito ang kapangyarihan ng larawan.

104
Pagyamanin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Bakit kailangang kumuha ng maraming larawan bago pa isasagawa ang sanaysay ng larawan?
2. Bakit mainam kung malapit sa iyong puso ang pipiliin mong paksa?
3. Paano isinaayos ang mga nakuhang larawan?
4. Ano ang papel na ginagampanan ng iyong audience sa pagbuo ng iyong sanaysay ng larawan?
5. Saan maaaring isusulat ang teksto o kapsyon sa iyong gagawing pictorial essay?

Isaisip

Ang pictorial essay ay isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa salita o
panulat. May pagkakataong nakaugnay ito sa isang lakbay-sanaysay lalo na’t karamihan ng lakbay-
sanaysay ay may kasamang larawan. Ito ay isang kamangha-manghang anyo ng sining na
nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahambing sa mga larawang sinusundan ng
maikling kapsyon sa bawat larawan.

Isagawa
Basahin ang halimbawa ng pictorial essay na “ Tahanan”. Pagkatapos, sagutin ang
ibinigay na mga tanong.

 Isa-isahin ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng pictorial essay.


 Bakit kailangang maging mapili sa mga larawang ilalagay sa pagbuo ng pictorial essay?
 Paano mo mabubuo nang maganda at kahika-hikayat ang isang pictorial essay?
 Ano ang paksa ng pictorial essay na binasa? Nakita mo ba sa mga ito ang katangian ng
isang mahusay na pictorial essay? Ipaliwanag ang iyong sagot.

105
Tayahin
Panuto: Ilahad ang paraan ng paggawa ng pictorial essay gamit ang graphic organizer.

Paraan ng Paggawa ng
Sanaysay ng Larawan / Pictorial
Essay

106
Karagdagang Gawain
Sa pagkakataong ito, susubukan mong kumuha ng sariling larawan na siyang batayan sa
paglikha o pagbuo ng photo essay. Isaalang-alang ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng isang
mahusay na pictorial essay.

Pangwakas na Pagtataya:

A. Panuto: Isulat ang TAMA sa puwang kung ang pahayag ay tumutukoy sa mga bagay
na may kaugnayan sa pagsulat ng pictorial essay at MALI kung walang kaugnayan.
______1. Ang paglalagay ng larawan sa pictorial essay ay dapat isinaayos sapagkat ito ang
magpapakita ng kabuoan ng kaisipang nais ipahayag.
______2. Dapat isaalang-alang ang mga manonood o titingin ng iyong pictorial essay upang
maibatay ang larawan sa kanilang kaisipan at interes.
______3. Ang mga nakatalang katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan
hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.
______4. Sa pagsulat ng sanaysay ng larawan ay maaaring maglagay ng mga larawang may
iba-ibang kaisipan.
______5. Tandaan na kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa
ng
pictorial essay.

107
B. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot sa mga salitang
nasa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa iyong sagutang papel.

1.Ito ay gumamit ng mga pahayag na nagpapakita ng kawilihan sa paksa.


2.Dito isasaayos ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
3.Pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo.
4.Kailangan dito ang malalim na pag-unawa, pagpapahalaga, at tamang obserbasyon sa paksa.
5.Isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa salita o panulat.

Malinaw na Paksa Kawilihan Pokus

Pictorial Essay Lohikal na Estruktura Orihinalidad

Sanggunian
[ CITATION Jul162 \l 13321 ]

Julian, A. B., & Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma ( K to 12 ). Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.

Julian, A. B., & Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma ( K to 12). Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.

108
.

109
110

You might also like