You are on page 1of 3

KATITIKANG PULONG

KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG YES-O NOONG IKA-17, NG HULYO TAONG


2017, GANAP NA IKA-11:25 NG UMAGA SA AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL, BALER,
AURORA

Mga Dumalo:

ENRIQUE SARMIENTO III – LIDER NG PULONG

AMIA CLARISSE NOHAY – TAGA-TALA

JEAN MARIE PAEL – MGA PINUNO

JANSSEN DELA TORRE – MGA PINUNO

BHONG CARLO SARINA – MGA PINUNO

REBECCA AIRA BALITON – MGA PINUNO

PRINCES K-C BABILONIA – MGA PINUNO

DALOY NG USAPAN:

PANIMULA

1.) Panalangin

2.) Pagpapatibay Sa Nakaraang Katitikan

3.) Presentasyon Ng Mga Suliranin

4.) Pagtanggap Ng Mga Suhestyon Sa Solusyon

5.) Botohan

6.) Pagpaplano Ng Pagsasagawa Ng Mga Solusyon

7.) Pagtatapos

PANIMULA

Sinimulan ang pulong sa pamamagitan ng pambungad na panalangin na pinamunuan ni Bb.


Amia Clarisse Nohay.

Bb. ACN– Bago natin simulan ang pagpupulong ay inaanyayahan muna ang lahat na tumayo at
damhin ang presensya ng panginoon para sa ating pambungad na panalangin.

Png. ESS(III)- Inaanyayahang tumayo si Bb. Nohay upang bigkasin ang nakaraang katitikan.

Bb. ACN- Noong Biyernes, ika-14 ng Hunyo taong 2017, ay napagusapan natin ang mga pangunahing
suliranin na kinaharap ng ating paaralan. Ang maling paraan ng segregasyon ng basura at patuloy na
pagkakalat ng mga estudyante sa paaralan. Ang mga ito ay matagal nang problema ng paaralan na sa
kabila ng mga paalala ay patuloy pa rin itong isinasagawa ng mga magaaral lalo’t dahil na rin sa
kawalan nila ng disiplina. Ang hindi maayos na segregasyon ay matagal nang problema ng ating
paaralan. Ang pagkalutas nito ay magdudulot talaga ng malaking tulong, hindi lamang sa paaralan
kundi para sa komunidad. Ang pagkakalat sa paligid ng paaralan ay patuloy paring lumalaganap gayon
na rin ang pagkakalat ng ilang estudyante sa kabila ng mga paalala. Ngunit ang pagkalutas nito ay
lubhang makakapagpabawas sa mga trabahong paglilinis na aktibidad sa paaralan.

Png. ESS(III)- Ngayong nailatag na ang mga suliraning nilalayon nating lutasin, maaari nang magbigay
ng suhestyon na solusyon para sa mga suliranin.

Ms. JDT- Sa segregasyon, maaaring magkaroon ng Material Recovery Facility. Dito mas madaling
maiipatupad ang segregasyon kung mgakakaroon ng malinaw at matibay na dibisyon and MRF ang
paaralan. Mas maganda ito at mas malilinawan ang mga estudyante kung saan dapat nila ilagay ang
mga iba’t ibang klase ng mga basura, tulad na lamang ng basurahang may malinaw na simbolo ng
inilalagay dito.

Png. ESS(III)- Maraming salamat sayong suhestyon Janssen. Mayroon pa bang ibang suhestyon?

Ms. PKB- Mas magiging epektibo ito kung lalagyang ng karampatang multa. Ito ay makakapagpigil sa
mga nagkakalat. Ito ay magdadala ng napakahalagang sandali upang pag-isipan kung katumbas nga ba
talaga ng simpleng paglalakad papunta sa basurahan o pagtapon ng basura sa tamang lalagyan ang
pagmumulta na maaari na rin sanang gamiting pamasahe.

Ms. RAB- Makaka-enganyo sa mga estudyante kung maiisip nila na may agad-agarang insentibo sa
kanila ng hindi pagkakalat, lalo na’t kasabay ito ng suhestyon ni K-C. Hindi lamang sila mapapaisip
dahil sa posibilidad ng kawalan kundi pati narin sa posibilidad ng may makukuha.

Png. ESS(III)- Maraming salamat sa inyong mga suhestyon. Kung wala nang idaragdag na suhestyon, ay
maaari na nating simulan ang botohan para palawigin ang segregasyon.

Ang botohan ay nagging patas kaya lahat ng suhestyon ay ipapatupad.

Png. ESS(III)- Ngayon naman ay tatalakayin ang mga hakbang na gagawin upng maisagawa ang mga
plano na ito. Maari kayong magbahagi muli ng mga ideya.

Ms.JMP– Maaing paglaanan ng parte ng pondo ang pagpapa-semento ng mga dibisyon para sa
segregasyon-pagkatapos ng pakikipagkasundo sa mga lider ng komunidad upang maisama an gating
paaralan sa kalinisan ng basura. Maari na din agad itong masimulan kapag naauprbahan upang
mapakinabangan pa sa mga taong pampaaralang ito.

Mr.BCS- Saa multa at insentibo, ang mga magoobserba sa pagsunod sa patakarang ito ay maaring
manggaling sa iba pang miyembro. Mabibigyan sila ng mga gawain ng maglista ng mga nagkakalat,
hindi nagsesegregate, at mga sumusunod sa patakaran.

Ms.RAB– Ang mga nailistang sumusunod sa patakaran ay magkakaroon ng pagkakatataon na manalo


ng pagkain sa canteen o di kaya ay gamit sa silid aralan.

Ms.PKB- Maari pagmulan ng pondo dito ang mga makokolektang multa.

Png.ESS(III)– May magbabahagi pa ba? Mga saloobin? Opinyon? Tanong? Kung wala na ay salamat sa
inyong lahat sa paglalaan sa inyong oras at pagdalo sa pagpupulong na ito. Bilang pagbubuuod, maari
bang magbahagi ang ating taga talang si Bb. Nohay?

Ms.ACN-Pagbubuod, sa pagpupulong na ito ay nilatag ang mga suliranin kailangan bigyan ng


atensyon-mga suliranin. Napagkasunduang isagawa ang MRF, pagmumuta, pagbibigay ng insentibo,
at naihanda na ang mga plano sa pagsasagawa.

Png.ESS(III)– Salamat Bb. Nohay. Muli salamat sa koopersayon ninyo at ikinagagalak ko sabihin
nagging matagumpay ang pagpupulong na ito. Bago tayo maghiwahiwawlay ay inaanyayahan ko kayo
yumuko at tayo ay manalangin sa pangunguna ni Bb. Dela Torre.

Ms.JDT- Tayo ay yumuko at damhin ang presensya ng Panginoon.


Itindig ang kapulungan sa ganap na 11:32 ng umaga.

You might also like