You are on page 1of 3

Panukala sa Feeding Program para sa mga Mag-aaral ng San

Andres Elementary School

I. Pamagat
Panukala sa Feeding Program para sa mga Mag-aaral ng San Andres
Elementary School
II. Proponent ng Proyekto
Mula kay Christine Mae B. Tabo at Arjay L. Peña mula sa 12-STEM B
San Andres Sto. Domingo, Albay
0919 605 9431
Ika – 26 ng Enero, 2023
Haba ng Panahong Gugugulin: apat (4) na linggo
III. Klasipikasyon
Ang feeding program na ipatutupad sa San Andres Elementary
School ay alinsunod sa ipinalabas ng Department of Health na
Waksian ang Malnutrition! program na may layuning tumulong
mapaunlad ang kalusugang pisikal ng mga bata.
IV. Pondong Kailangan
Aytem Halaga
 Mga sangkap ₱ 5,000.00
 Kagamitan sa pagluluto ₱ 2,000.00
 Kagamitan sa pagkakainan ₱ 1,000.00
 Sertipiko ng mga guro ₱ 400.00
Kabuuan: ₱ 8,400.00

V. Rasyonal
Halos siyam sa sampung bata ang nabibilang na sa porsyento
ng malnutrisyon, bukod doon, madali silang kapitan ng mga
malulubhang sakit tulad ng karaniwang sipon, Flu, Gastroenteritis,
Chickenpox, at iba pa. Kaya’t nais ilunsad ang proyektong ito upang
magsilbi na rin sa mga magulang na hindi basta-basta ang
pagpapakain sa mga bata ng pagkaing hindi nakatutulong sa
resistensya ng kanilang anak. Ang proyektong ito ay gaganapin sa
San Andres Elementary School at nakapukos sa mga mag-aaral ng
Elementarya.
VI. Deskripsyon ng Proyekto
A. Panimula
Ang Feeding Program ay isang programang naglalayon na
magkaroon ng malusog at masustansyang pagkain sa pamamagitan
ng paghahain sa kanila nito.
Ang gawaing ito ay makatutulong para ganahan ang mga mag-
aaral na mas pag butihin ang kanilang pag-aaral at pagkakaroon
masiglang isip pagdating sa akademik at iba pang gawain. At
matututunan nila ang pagkain ng masusustansyang pagkain dahil
ito’y mainam sa ating katawan.
Bilang konklusyon, madaming benipisyo sa mga bata ang
“feeding program.” Una ay sa kalusugan ng mga bata at para
maiwasan ang mga malulubhang sakit. At ikalawa, sa pagkakaroon
ng maganda at masiglang ekonomiya.
B. Estratehiya
1. Planning Stage
-Pagkakaroon ng pagpupulong kasama ang mga kalahok sa
prokto.
-Pagsasaayos ng sulat ng pag-apruba para sa nakatataas na
opisyal.
2. Pre-Implement Stage
-Paghahanda ng mga sangkap at mga kinakailangan.
-Pagplano sa mga ihahain na pagkain.
3. Implementasyon
-Paglunsad ng Feeding Program.
-Pakiki-isa ng mga magulang at guro sa pagbabahagi ng
pagkain sa mga mag-aaral.
4. Post-Implement Stage
-Pagsasaalang-alang ng mga magulang sa paghain ng
masustansyang pagkain sa kanilang anak.
C. Program Chart
Baitang Unang Pangalawang Ikatlong Pang-apat
Linggo Linggo Linggo na
Linggo
Kinder ✓
Grade 1 ✓
Grade 2 ✓
Grade 3 ✓
Grade 4 ✓
Grade 5 ✓
Grade 6 ✓

VII. Layunin
A. Mga Layunin ng Proyekto
1. Mababawasan ang mga batang nabibilang sa malnutrisyon.
2. Maiwasan ang mga sakit na dulot ng malnutrisyon.
3. Matulungan ang mga magulang.
4. Mahikayat ang mga bata na kumain ng masustanyasiyang
pagkain.
B. Time Frame
Ang programa/proyekto ay magtatagal ng isang buwan mula
Enero 30 hanggang ika-24 ng Febrero taong 2023 sa San Andres
Elementary School. Tatlong beses sa isang linggo kada-11 ng umaga.

You might also like