You are on page 1of 4

Memorandum para sa kahilingan:

Boy Scout of the Phillippines


Saint Matthew Academy
Brgy. Acacia, Catarman, Cebu

MEMORANDUM

Para Kay: Sr. Mary Jane Santos OP, School Directress and Principal
Mula Kay: Alva May M. Costuna, Bise Presidente, GSP – SMA Chapter
Petsa: Hulyo 2013
Paksa: Pagkakaroon ng Pampaaralang Proyektong Karatula

Maligayang Araw! Bilang isang bise presidente sa organisasyong


kinauukulan, hinihiling ng GSP – SMA Chapter na magkaroon ng proyektong
karatula na pagmamay-ari ng institusyon. Ito ay sa kadahilanan na iilan lamang
ang mga karatulang nakapaskil sa loob ng paaralan. Sa pagkakaroon ng karatula
ay mas magiging organisado at maayos ang sistema ng paaralan sa
pamamagitan lamang ng pagsunod sa mga karatulang nakapaskil.
Inaasahan namin na sa aming patuloy na serbisyo, makukuha po naming
ang iyong pagtugon. Maraming salamat po!
Memorandum para sa kabatiran:

Boy Scouts of the Philippines


Saint Matthew Academy
Brgy. Acacia, Catarman, Cebu

MEMORANDUM

Para Sa: Mga Miyembro ng Girl Scouts of the Philippines – SMA Chapter
Mula Kay: Alva May M. Costuna, Bise Presidente, GSP – SMA Chapter
Petsa: 4 Hulyo 2013
Paksa: Unang Pagpupulong para sa Taon

Ang unang pagpupulong ay magaganap sa Lunes, Hulyo 9, 2013, alas 4


hanggang alas 5 ng hapon sa silid ng ika-labindalawang baitang seksyon
Solidarity. Tayo’y magpupulong tungkol sa mga responsibilidad ng bawat
miyembro sa paaralan at mga proyektong ipapapatupad para sa buong taon.
Memorandum para sa pagtugon:

Boy Scouts of the Philippines


Saint Matthew Academy
Brgy. Acacia, Catarman, Cebu

MEMORANDUM

Para Kay: Sr. Mary Jane Santos, OP, School Directress and Principal
Mula Kay: Alva May M. Costuna, Bise Presidente, GSP – SMA Chapter
Petsa: 4 Hulyo 2013
Paksa: Pagtugon sa Provincial Senior and Cadet GSP Encampment

Magandang araw! Lubos po naming tinatanggap ang iyong alok na sumali


ang GSP – SMA Chapter sa isang kampamento na gaganapin sa ika-26
hanggang 30 ng Octobre 2013. Ikinagagalak ng bawat kasapi sa organisasyon
na makasali sa isang kampamento kasama ang mga mahuhusay na lider sa iba’t
ibang lugar ng Northern Samar. Sa katunayan, pinaghahandaan na nila ang
kaganapan para sa mga paligsahang sasalihan. Maaasahan po ninyo ang aming
aktibong partisipayon sa lahat ng aspeto.

You might also like