You are on page 1of 2

Depatment of Education

Region XII
Tantangan, South Cotabato
Tantangan National High School

KATITIKAN NG BUWANANG PULONG NG YOUTH AND ENVIRONMENT SOCIETY NG BAYAN NG


TANTANGAN, SOUTH COTABATO NA GINANAP SA TANTANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL,
BRGY.POBLACION NOONG IKA 17 NG SETYEMBRE, 2022

Dumalo
Bb. Kim Verly Perez Pangulo
G. Dj Casumpang Vallespin Pang. Pangulo
Bb. Nasriyah Mamalintaw Kalihim
Bb. Johaina Kamad Katulong ng Kalihim
Bb. Sarah Kalon Ingat-Yaman
G. Nestor Villanario Tagasuri
G. Arian Bulaklak Tagapagbalita
G. Benjie Aplicador Tagapamayapa
Bb. Imie Aragon
Bb. Dolly Martinez
Bb. Cristhel Joy Tinidor
Bb. Ariane joy Villanueva

Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb. Kim Verly Perez, ang Pangulo, sa ganap na 06:00 ng
hapon. Pinasimulan ito sa pamamagitan ng pambungad na panalangin na ipinagkaloob ni G.
Nestor Villanario ang Tagasuri. Kasunod ng panalangin ay ang pambungad na pananalita ng
pangulo.
At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagtatanong ni Bb.Kim Verly Perez sa mga kasapi
ukol sa posibleng proyekto na maaaring isagawa sa paaralan. Nagkaroon ng botohan sa pagitan
ng dalawang proyekto; (1) Fire Extinguisher para sa mga silid aralan, (2) Basket para sa paaralan
at sa kalikasan. Nanguna bilang may pinakamaraming boto ang proyektong “Basket para sa
paaralan at sa kalikasan” iminungkahi ni G. Benjie Aplicador. Ayon sa kanya, mahalagang
matuto ang bawat mag-aaral na magtapon ng basura sa tamang tapunan at magkaroon ng
pagbubukod ng mga basura.
Ang sumunod na pinag-usapan ay ang lugar na paggaganapan ng proyektong napili.
Muling nagkaroon ng botohan sa pagitan ng Tantangan National High School at Tantanngan
Senior High School. Naitala na may pinakamaraming boto ang Tantangan Senior High School na
paggaganapan ng iminungkahing proyekto ang dahilan nito ay upang mas maging disiplinado pa
ang mga mag-aaral ng Senior High at maging magandang halimbawa sa iba pang mga
estudyante at bukod pa rito ay mas maliit lamang ang badge tang magagasta kung dito
gaganapin ang proyekto.
Napagkasunduan rin na ang badget na ilalaan para sa proyektong ito ay
nagkakahalagang P7, 000.00, P6, 000.00 para sa mga basket na bibilhin at P3, 000.00 para sa
mga garbage plastic bag. Ito ay lilikumin sa pamamagitan ng solicitation, pagbebenta ng recycle
materials at pag-aambagan ng mga miyembro ng organisasyon. Ito ay naitakda bilang badget sa
loob ng apat na buwan.
Ang proyekto ay sisimulan sa loob ng September. Sa unang linggo magsisimula ang
paglikom ng badget at sa ikalawang lingo naman magsisimula ang aktwal na pagsasagawa ng
proyekto sa paaralan.
Natapos ang pagpupulong sa pangwakas na pananalita ni Bb. Perez at pangwakas na
panalangin ni G. Arian Bulaklak sa ganap na 6:30 ng hapon.

Inihanda ni:

Nasriyah Mamalintaw
Kalihim
Youth and Environment Society

Nagpapatotoo:
Dje Casumpang Vallespin
Pang. Pangulo
Youth and Environment Society

You might also like