You are on page 1of 3

Panukala sa Pagpapatayo ng Health

Center sa Barangay Namo

Mula kina

Twinkle Esteves

Aron Mark Villarente

Arlan Troy Torres

Tim Giba

Ella Mae Gracilla

Zionram Benito

Geri Julian Dela Torre

Naga College Foundation Inc.

Barangay Namo

Bulan, Sorsogon

Ika-21 ng Marso, 2023

Haba ng Panahong Gugulin: 3 buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang Barangay Namo ay isa sa mga barangay na matiwasay sa lalawigan ng Bulan,


Sorsogon. Kilala ang Barangay Namo bilang isang barangay na nagtataglay ng mayamang
agrikultura sa yamang pangisdaan at ang mga mamamayan dito ay simpleng namumuhay.
Maraming magagandang katangian ang lugar na ito subalit may isa itong pangunahing
kinakaharap na problema.

Isa sa mga suliraning kinakaharap ng Barangay Namo ay ang kawalan ng access sa


pangangalagang pangkalusugan. Ang problemang ito ay nagdudulot ng pagkabahala sa mga
mamamayan ng Barangay Namo na magpakonsulta sa mga propesiyonal kaya ginagamot
nalang nila ang mga may sakit sa bahay. Ang pangunahing sanhi ng suliranin ay malayo sila sa
siyudad ng Sorsogon kung saan nandoon ang mga pasilidad pangkalusugan. Umaabot ng isang
oras ang biyahe mula sa kanilang lugar patungong siyudad at ang pamasahe ay masakit sa
bulsa, ito ay nagkakahalagang 150 hanggang 200 pesos. Dahil dito, nangangailangan ang
Barangay Namo ng isang health care center na magiging takbuhan ng mamamayan sa oras ng
pangangailangan pagdating pangkalusugan. Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na
kakailanganin pang bumiyahe ang mga mamamayan patungong siyudad. Higit sa lahat,
mababawasan ang kanilang gastusin sa mga kailangan nila sa pangangalagang pangkalusugan.
Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa mabuting
kalusugan ng mga mamamayan ng Barangay Namo.

II. Layunin

Makapagpagawa Ng health center sa barangay namo. Tunguhing maagapan agad ang


nangangailangan ng maagang gamutan o nangangailangan Ng pangunahing lunas bago idala
sa malaking ospital at mag bigay din Ng libreng checkup at gamot para sa senior citizens,
buntis at mga bata. Layunin din mag bigay serbisyo pangkalusugan sa abot kayang presyo at
ang mga gamot ay mura na kaya ng masa.

III Plano ng Dapat Gawin

1. Pagpapaapruba sa munisipyo, Mayor (7 araw)

2. Bidding, Contractor (7 araw)

3. Pagpulong sa paghanap ng pharmacist, doctor, nurse (7 araw)

4. Pagpapatayo ng Health Center (2 buwan)

5. Pagbasbas (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Magiging halaga sa pagpapagawa ng Php 1, 000,000.00
pasilidad batay sa napiling contractor
II. Mga materyales at sweldo ng mga Php 700,000.00
trabahador
III. Sweldo ng pharmacist, doctor, at nurse Php 100,000.00
na magtratrabaho sa pasilidad
IV. Gastusin sa pagpapasinaya at pagbasbas Php 20,000.00
Kabuoang Halaga Php 1, 820,000.00

VI. Benipisyo ng proyekto at mga makikinabang nito

Ang pagpapatayo ng Barangay Health Center ay magiging kapakipakinabang sa lahat ng


mamamayan ng Barangay Namo. Madaming mamamayan ang makikinabang sa libreng checkup
at libreng maintenance para sa mga matatanda.

Isa din sa mga benibisyo ng pagpapatayo ng mga Barangay Health Center sa mga pamayanan
ay para makatipid ang ating mga mamamayang walang sapat na pera upang makapagpagamot
sa mga malalaking hospital,ang mga karaniwang sakit ng mga tao ay pwedeng malunasan o
mabigyan ng paunang lunas ng walang bayad o libre. Makakatulong din ito sa mga kapos palad
nating mga kababayan na hindi makapag pagamot dahil na rin sa kakulangan ng pera. Ang
mga Barangay Health Center ay nagpapatupad ng libreng Health Education, Family Planning,
Maternity and Child care seminar upang matuto at mag bigay impormasyon sa ating mga
kapwa mamamayan. Ang libreng pagbabakuna o Childhood Immunizations o Vaccines ay
ginaganap o ipinapatupad sa mga local Health Center sa ating pamayanan upang magbigay
proteksyon para sa mga bata.

You might also like