You are on page 1of 2

PANUKALA SA PAGLINIS NG KANAL SA BARANGAY SAN MIGUEL, NABUA

CAMARINES SUR

Mula kay:
Rallyn C. Peñales Kyle Cedie Oida
Joanna Baldago Myra Vargas
Zhouji Pesebre Walter Bacsain
Khyle Andrei Buena Mary Nicole Laresma
Shaira Belle Escuro Ronel Abalos
Barangay San Miguel
Nabua Camarines Sur
Ika- 25 ng Disyembre
Haba ng Panahong Gugulin: 5 buwan at kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang pagbaha ay isa sa pangunahing resulta ng hindi saktong pagtapon ng mga
basura sa basurahan. Ito rin ang isang problema na nararanasan tuwing may
dumadaang kalamidad o bagyo sa Barangay San Miguel, Nabua, Camarines Sur. Ang
nasabing barangay ay natural nang bahain dahil sa dami ng mga basurang itinatapon
kung saan-saan lalo na sa mga estero dulot ng mga pasaway na mamamayan na
siyang nagiging sanhi ng pagbara ng mga daluyan ng tubig. Bilang resulta, nahihirapan
na dumaloy ng maayos ang tubig palabas. Isa sa mga problema ng Barangay San
Miguel ay ang baradong kanal; mga baradong kanal na nagiging sanhi ng baha kung
kaya’t maraming napipinsala na mamamayan . Kung hindi barado ang mga kanal ay
hindi ito magsasanhi ng baha, kaya naman nagiging barado ang mga kanal dahil sa
mga taong hindi naglilinis o nagtatanggal ng basura at sa padagdag na padagdag na
labak sa mga kanal. Dahil dito nangangailangan ang barangay ng sapat na paglinis na
sa isang lingo may gaganaping aktibidad para maiwasan na ang mabahong amoy dahil
sa mga basura sa kanal at nang maiwasan ng mga mamamayan na mag kasakit.
Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan
at kaligtasan ng mga mamamayan.
II. Layunin
Ang proyektong ito ay may layuning:
1. Naglalayong bawasan ang dami ng basura.
2. Panatilihin ang kalinisan ng pamayanan.
3. Mahigpit na babantayan ang kapaligiran upang masiguro na walang magtatapon sa
maling tapunan o sa paligid..
III. Plano ng Pagsasagawa
1. Ipaalam sa munisipyo ang nasabing proyekto at humingi ng permiso upang
maipatupad ang nasabing proyekto.
2. Ipaalam sa mga mamamayan ng Barangay San Miguel na magkakaroon ng
pagpupulong para sa nasabing proyekto.
3. Suriin ang mga kanal sa Barangay San Miguel sa tulong ng mga barangay
officials.
4. Maghanap ng lugar na pag – iimbakan ng mga basura.
5. Bumili ng mga kakailanganing gamit sa paglilinis ng mga kanal.
6. Umpisahan ang paglilinis ng mga kanal.
IV. Badyet
Mga Kagamitan Bilang Presyo Kabuuang Presyo
Garbage Bag 50 piraso 10.00 ₱ 500.00
Walis Ting – ting 30 piraso 15.00 ₱ 450.00
Basurahan (Drum) 20 piraso 95.00 ₱ 1,900.00
Pala 30 piraso 250.00 ₱ 7,500.00
Sako 100 piraso 15.00 ₱ 1,500.00
Dustpan 30 piraso 85.00 ₱ 2,550.00
Merienda N/A 5,000.00 ₱ 5,000.00
Renta sa Truck N/A 2,500.00 ₱ 2,500.00
Gasolina 50 litro 68.00 ₱ 3,400.00
TOTAL ₱ 25,300

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito


Ang paglilinis ng mga kanal ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng taong
naninirahan sa Barangay San Miguel. Ang panganib sa pagkakaroon ng mga
malulubhang karamdaman ay maiiwasan at masososlusyunan. Hindi na makakaamoy
ang mga mamamayan ng alingasaw ng mabahong amoy ng kanal na maaaring
magdulot ng mga sakit dulot ng basura at hindi na magdudulot ng malaking epekto sa
kanilang kabuhayan at pamumuhay . Higit sa lahat, ay magkakaroon ng kapanatagan
ng puso at masasayang mga ngiti ang mga mamamayan na naninirahan rito.

You might also like