You are on page 1of 2

Panukala sa Pagpapagawa ng Drainage Canal

sa Barangay Bangag

Para kay: John Gil Doca


Purok 3, Barangay Bangag,
Solana, Cagayan
Ika-17 ng Oktubre, 2023
Haba ng Panahong Gugugulin: 3 buwan at 1 linggo

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang barangay Bangag sa madalas na nakararanas ng mabilis na pagbaha sa
bayan ng Solana. Ito ay nananatiling pamayanang agrikultural sa kabila ng mabilis na
pagbaha dulot ng mahabang oras ng pag-ulan kahit pa mahina lamang ang buhos ng
ulan.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng barangay Bangag sa kasalukuyan ay ang
matinding pagbaha dahil sa kawalan ng drainage canal sa daan tuwing panahon ng tag-
ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng
kanilang mga pananim at paglilinis sa marumi at mabahong kalat na naidulot ng
pagbaha. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang o kawalan ng drainage canal sa
daan.
Dahil rito, nangangailangan ang barangay ng drainage canals sa mga daan na
sakop ng barangay na siyang magsisilbing daluyan ng tubig sa tuwing umuulan o
panahon ng tag-ulan. Kung ito ay maipagagawa, tiyak na hindi na kakailanganin pa ng
mga mamamayan na maglinis ng marumi at mabahong kalat na inanod ng tubig-baha.
Higit sa lahat, malaki ang posibilidad na makaiiwas sa sakit ang mga mamamayan na
maaaring idulot ng tubig-baha. Ang proyektong ito ay kailangang maisagawa sa lalong
madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

II. Layunin
Makapagpagawa ng drainage canal sa mga daan upang mapigilan ang pagbaha
sa lugar nang sa gayon ay matiyak ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga taong
naninirahan rito.

III. Plano na Dapat Gawin


1. Pagpasa, Pag-aaproba, at Paglalabas ng badyet. (5 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata sa
pagpapagawa ng drainage canal. (2 linggo)
Ang mga kontraktor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa
pagpapagawa ng drainage canal kasama ang gagamiting plano para dito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa ng
drainage canal. (1 araw)
Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontraktor
para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapagawa ng drainage canal sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng
Barangay Bangag. (10 linggo o 2 buwan at 2 linggo)
5. Pagbabasbas at pagpapasinaya ng drainage canal. (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


1. Presyo o halaga ng pagpapagawa
ng drainage canal batay sa
isinumite ng napiling kontraktor 1,352,900.00 pesos
(kalakip na rito ang sweldo ng mga
trabahador at ng kontraktor)
2. Halaga ng mga gastusin sa 20,000.00 pesos
pagpapasinaya at pagbabasbas
nito.
KABUUANG HALAGA 1,372,900.00 pesos

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito


Ang pagpapagawa ng drainage canal ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng
taong naninirahan sa Barangay Bangag. Ang panganib sa pagkakaroon ng mga
malulubhang karamdaman na dulot ng baha ay maiiwasan at masosolusyunan. Hindi na
makararanas ang mga mamamayan ng madalas na pagbaha na siyang rason ng malaking
epekto o pagkalugi sa kanilang kabuhayan at pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon
ng kapanatagan ng loob at masasayang mga ngiti ang mga mamamayang naninirahan
rito.
Tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan ng Barangay Bangag.
Ipagawa ang drainage canal na magsisilbing daluyan ng tubig-ulan lalong lalo na sa
panahon ng tag-ulan.

You might also like