You are on page 1of 6

PANUKALA SA

PAGPAPAGAWA NG DIKE O
PADER PARA SA
SITIO KANANGKAAN
Mula kay John Eric Torita Tajor
Purok 7
Barangay Matica-a
Ika-23 ng Octobre, 2023
Haba ng Panahong gugulin: 6 buwan at kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Sitio Kanangkaan sa kasalukuyan ay ang
malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan Ito ay nagdudulot ng malaking
problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay kagamitan,
at maging pag guho ng kanilang palayan. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang
pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito nangangailangan ang sitio ng isang dike o pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng
tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatayo tiyak na di kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa
ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog
Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahun para sa kapakanan at kaligtasan ng
mga mamamayan.
II. Layunin
1. Makapaggawa ng dike a pader na makatutulong upang mapigilan ang pag apaw ng ilog at ang
pagguho nang lupa sa kalapit na bahagi nito.
III. Plano at Dapat Gawin
1. Pagpapasa Pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (2 linggo)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata a pagpapagawa ng dike o
pader (2 linggo)
• Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa
pagpapatayo ng dike kasama ang gagamiting plano para rito.
• Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor
para sa kabatiran ng nakakarami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Matica-a
(6 na buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng dike (1 araw)

IV. Badyet
Gastosin Halaga
Materiales Php 2,000,000
Panganga-ilangan sa Kuryente at Tubig Php 100,000
Emergency Fund Php 500,000
Sahod sa mga Mang-gagawa Php 1,000,000
Total: Php 3,600,000
V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito
Proteksyon sa Baha: Ang dike ay makakatulong sa pag-iwas sa baha sa mga lugar na
prone sa pag-apaw ng tubig. Ito ay magsisilbing pangunahing depensa laban sa
pagkakaroon ng malalang baha.
Proteksyon sa Agrikultura: Ang mga dike ay maaaring magbigay proteksyon sa mga
sakahan at agrikultura mula sa sobrang pag-ulan o pag-apaw ng tubig. Ito ay
makakatulong sa pagpapababa ng pinsala sa mga pananim at hayop.
Proteksyon sa mga Pamayanan: Ang mga dike ay nagbibigay proteksyon sa mga
komunidad at pamayanan mula sa mga epekto ng baha, tulad ng pagkasira ng mga tahanan
at ari-arian.
Pag-iipon ng Tubig: Maaring gamitin ang mga dike para sa pag-iipon ng tubig,
lalo na sa mga lugar na may kakulangan sa suplay ng tubig. Ito ay maaaring maging
reserba para sa pangangailangang pang-agrikultura, pang-industriya, o pang-pamayanan.
Paggamit ng Enerhiya: Maaaring gamitin ang mga dike para sa pag-generate ng
enerhiya, tulad ng hydroelectric power, sa pamamagitan ng kontroladong pag-
release ng tubig mula sa mga imbakan.
Turismo at Rekereasyon: Ang mga dike ay maaaring maging lugar para sa turismo
at rekreasyon. Ang mga tanggulan na may magandang tanawin at kalikasan ay
maaaring maging atraksyon para sa mga bisita.

You might also like