You are on page 1of 12

FILIPINO SA PILING LARANGAN

PANUKALANG PROYEKTO
PAGPAPAHAYAG:
- Pangalan/Pamagat ng Proyekto
- Nagpanukala o nanguna sa proyekto
- Lugar kung saan isinagawa o ipinatupad
- Petsa ng pagpapatupad
- Tao/mga Taong nagpapatuppad / nagsagawa ng proyekto
- Pakinabang o magandang dulot ng proyekto

PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO


- Ano nga ba ang panukalang proyekto?
- Isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan. (Dr. Phil
Bartle)
- Isang detalyadong deskripsyon ng mga inihaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
(Besim Nebiu)
- Layunin: tapat at totoo
- MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
- Tatlong Mahalagang bahagi ng Panukalang Proyekto
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
 PAGSISIMULA: pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan
ng iyong project proposal.
 PANGUNAHING DAHILAN: makatulong at makalikha ng positibong pagbabago, maging tiyak,
napapanahon at akma kung matutumbok mo ang tunay na pangangailangan ng pag-uukulan nito.
 Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.
 Maisasagawa ang unang bahagi sa pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o kompanya.
Magsisimula sa pagsagot sa mga sumusunod na mga tanong:
1. Ano-ano ang pangunahing suliranin na dapat lapatan ng agarang solusyon?
2. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahang ito na nais mong gawan ng panukalang
proyekto?
(Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakalap ka ng mga ideyang magagamit sa pag-uumpisa
ng pagsulat ng panukalang proyekto.)
HALIMBAWA: BARANGAY PAGKAKAISA:
Dalawang Suliranin ng mga Mamamayan:
1. Paglaganap ng sakit na dengue
2. Kakulangan sa suplay ng tubig
(Mula sa mga nabanggit na suliranin, itala ang mga kailangan ng Barangay Pagkakaisa upang
malutas ang kanilang suliranin.)
a. Paglaganap ng sakit na dengue
a. Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng
kapaligiran upang maiwasan ang paglaganap ng dengue.
b. Pagsagawa ng fumigation apat na beses sa isang taon.
b. Kakulangan sa suplay ng tubig
a. Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig.
b. Pagpagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay.
PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN (Panimula)

Isa sa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias
sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agrikultural bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang
mga pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking
pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan
tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang
pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis
na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatayo tiyak na hindi na kakailanganin pang
ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho
ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para
sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
PAGLALAHAD NG PANIMULA (pagpapahayag ng suliranin)
 malinaw
 maikli
 direkta o hindi paligoy-ligoy
 maikling paglalarawan ng pamayanan
 suliraning naranasan nito
 pangangailangan upang masolusyunan ang suliranin
 nakapaloob ang mga benepisyo o mga kabutihang idudulot kung maisakatuparan ang
proyekto
B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
Binubuo ang KATAWAN ng:
1. LAYUNIN
Makikita ang mga bagay na gusting makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala:
a. Kailangan maging tiyak ang layunin
b. Kailangan batay sa inaasahang resulta
c. Kailangan maging SIMPLE
a. Specific – nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa proyekto
b. Immediate – nakasaad ang tiyak petsa kung kalian matatapos
c. Measurable – may basehan o patunay na maisakatuparan ang proyekto
d. Practical – nagsasaad ng solusyon sa binaggit na suliranin
e. Logical – nagsasaad ng paraan kung papaano makakamit ang proyekto
f. Evaluate – masusukat kung papaano makatutulong ang proyekto
HALIMBAWA: Barangay Bacao
SULIRANIN: Pagbaha tuwing tag-ulan
PANGANGAILANGAN: breakwater o pader na pipigil sa sa pag-apaw ng tubig
LAYUNIN:
◦ Makapagpagawa ng breakwater o pader na makakatulong upang mapigilan ang pag-apaw ng
tubig sa ilog,.
2. PLANO NA DAPAT GAWIN
Halimbawa:
PLANO SA PAGGAWA NG BREAKWATER O PADER PARA SA ILOG NG BARANGAY BACAO
 Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw)
 Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng
breakwater o pader (2 linggo)
 Ang mga contractor ay inaasahang magpapasa o magsumite ng kani-kanilang tawad
para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
 Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng
breakwater (1 araw)
 Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor
para sa kabatiran ng nakararami.
 Pagpapatayo ng breakwater isa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao 93 na
buwan)
 Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)
3. BADYET
 talaan ng mga gastusin na kailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
 MAHALAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PAGGAWA NG BADYET:
a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o
sangay ng pamahalaan o institusyon na mag-aaproba at magsasagawa nito.
b. pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon upang medaling sumahin.
c. Isama sa badyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng pamahalaan, o
maaring kompanya na magtataguyod ng proyekto ay kadalasang nagsasagawa ng pag-
aaral para sa itataguyod nilang proposal.
d. Sigurado wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga
bura o erasure sapagkat ito ay nangangahulugan ng integridad at karapat-dapat na
pagtitiwala para sa iyo.
MGA GASTUSIN HALAGA
I. Halaga ng pagpapagawa ng Php 3,200,000.00
breakwater batay sa isinumite ng
napiling contractor (kasama na rito
ang lahat ng materyales at suweldo
ng mga trabahador)
II. Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20,000.00
pagbabasbas nito.
Kabuoang Halaga Php 3,220,000.00

C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang nito


 BENEPISYO: makatutulong sa mga mamamayan at negosyante
 MAKIKINABANG: lahat ng mamamayan ng isang pamayanan, ang mga empleyado ng isang
kompanya, o miyembro ng isang samahan (bata, kababaihan, mga magsasaka, mahirap na
pamilya, mga negosyante, at iba pa)
(Maaring sumulat ng konklusyon sa bahaging ito ng proyekto)

BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO:


1. PAMAGAT NG PANUKALANG PROYEKTO
Hango sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
2. NAGPADALA
Naglalaman ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. PETSA
Araw kung kalian ipinasa ang panukalang papel. Isinama sa bahaging ito ang
tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
4. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o mabigay ang
pangangailangan.
5. LAYUNIN
Naglalaman ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala.
6. PLANO NG DAPAT GAWIN
Makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gaawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto gayundin din ang petsa at bilang ng araw na gagawin
ang bawat isa.
7. BADYET
Kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagaawa ng proyekto.
8. PAANO MAPAKIKINABANGAN NG PAMAYANAN?SAMAHAN ANG PANUKALANG
PROYEKTO
Nagsisilbing konklusyon ng panukala na nakasaad ang mga taong makikinabang ng
proyekto at benepisyong makukuha rito.

PAGSULAT NG TALUMPATI
TALUMPATI
• Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang
partikular na paksa.
(karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng tagapakinig, hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap
ng madla)
• PANGKALAHATANG URI NG TALUMPATI
1. BIGLAANG TALUMPATI (IMPROMTU)
 ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.
 agad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
 susi ng katagumpayan nito ay nakasalalay sa mahalagang impormasyong kailangang
maibahagi sa tagapakinig.
2. MALUWAG (EXTEMPORANEOUS)
 nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang
ibinigay bago pa ito ipahayag.
 madalas na outline lamang ang isinusulat ng mananalumpati
3. MANUSKRITO
 ginagamit sa mg kumbensyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan ng
mabuti at dapat na nakasulat.
 ang nagsasalita ay nakadarama ng pagtitiwala sa sarili sapagkat naisasaayos niya nang
mabuti ang kanyang sasabihin.
 matagal na panahon ang paghahanda dahil itinatala
 limitado ang opurtunidad ng tagapagsalita na maiangkop ang sarili
 Nawawala ang pakikipag-ugnayan ng tagapagsalita sa kanyang tagapakinig dahil sa
pagbabasa ng manuskritong ginawa.
4. ISINAULONG TALUMPATI
 katulad ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay na pinag-aralan at hinabi nang maayos bago
bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
 may opurtunidad na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi
binabasa ang ginawang manuskrito kundi isinaulo at binibigkas ng tagapagsalita
 isang kahinaan ay pagkalimot sa nilalaman ng manuskritong ginawa.

• URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN


1. TALUMPATING NAGBIBIGAY NG IMPORMASYON
 Layunin: ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari (malinaw at
makatotohanan) gumamit ng mga dokumentong mapagkatiwalaan. (i.e. panayam at ulat)
 Makakatulong: paggamit ng tsart, larawan at dayagram, atbp.
 Halimbawa: State-of-the-Nation Adress (SONA)
2. TALUMPATING PANLIBANG
 Layunin: magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig
 Makakatulong: lahukan ng mga birong nakatatawa na may kaugnayan sa paksang
tinatalakay
 Halimbawa: saluslo, pagtitiipong sosyal, mga pulong ng samahan
3. TALUMPATING PAMPASIGLA
 Layunin: magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig, ang nilalaman ay napupukaw at
makapagpasigla sa damdamin at isipan ng mga tao
 Makatulong: ang magsalita ay handang-handa sa pagsasagawa ng talumpati, maging pokus
at interesado ng mga nakikinig
 Halimbawa: pagtatapos sa mga paaralan at pamantasan, pagdiriwang ng anibersaryo
ng mga samahan at organisasyon, kumbensiyon, at iba pang pagdiriwang.
4. TALUMPATING PANGHIKAYAT
 Layunin: hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa
pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.
 Halimbawa: sermong naririnig sa mga simbahan, kampanya ng mga politiko sa panahon ng
halalan, talumpati sa Kongreso, abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman.
5. TALUMPATI NG PAGBIBIGAY-GALANG
 Layunin: tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon
 Ginagawa: bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang tungkulin
6. TALUMPATI NG PAPURI
 Layunin: magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan
 Makakatulong: talumpati sa pagtatalaga sa bagong hiraang na opisyal, talumpati ng
pagkilalasa isang taong namatay na tinatawag na eulogy, talumpati sa paggagawad ng
medalya o sertipiko ng pagkilala sa isang tao o samahang nakipag-ambag nang malakisa
isang samahan o sa lipunan, atbp.

PAGSULAT NG TALUMPATI: Dapat isaalang-alang


A. Uri ng Tagapakinig
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig
• iakma ang nilalaman ng paksa at ang wikang gagamitin
2. Ang bilang ng mga makikinig
• ilan ang mga taong makikinig
3. Kasarian
• Magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman, pananaw hinggil sa isang partikular na
paksa (babae at lalaki)
4. Edukasyon o antas sa lipunan
• Malaman ang antas ng edukasyon ng nakakaraming dadalo sa pagtitipon maging ang antas ng
kanilang buhay sa lipunan
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig
• Mabatid kung gaano kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga nakikinig tungkol sa paksa
B. Tema o Paksang Tatalakayin
• kailangang matiyak ang tema ng ng pagdiriwang o pagtitipon
• Kailangan ang sapat na paghahanda, pagpaplano, at pag-aaral tungkol sa paksa
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI
a. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin
 Maaring maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng impormasyon sa
ensayklopedya, aklat, pahayagan, magasin, at dyornal
b. Pagbuo ng tesis
 Nagsisilbing pangunahing ideya kung ang layunin ng talumpati ay magbigay kabatiran,
argumento o posisyon, manghikayat, magtaguyod ng pagkakaisa ng damdamin ng mga
makikinig.
c. Pagtukoy sa mga pangunahing kaisipan o punto
 Mahimay o matukoy ang mahalagang detalyeng biigyang-pansin upang maging komprehensibo
ang susulatin at bibigkasing talumpati.
C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
• hulwaran o balangkas sa pagbuo ng talumpati.
• 3 HULWARANG MAARING GAMITIN SA PAGSULAT NG TALUMPATI
1. Kronolohikal na Hulwaran
 Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkasunod-sunod ng
pangyayari o panahon.
2. Topikal na Hulwaran
 Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay ssa pangunahing paksa.
3. Hulwarang Problema-solusyon
 Nahahati sa dalawang bahagi: paglalahad ng suliranin at pagtalakay sa solusyon.
 Ginagamit sa panghikayat at nagpapakilos.
D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati
3 BAHAGI NG TALUMPATI
1. Introduksyon – panimula, nilalaman na angkop na pambungad sa katawan ng talumpati.
KAHALAGAHAN NG ISANG MAHUSAY NA PANIMULA:
- mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig
- makuha ang kanilang interes at atensyon
- maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa
- maipaliwanag ang paksa
- mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
- maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe
2. Diskusyon o Katawan – tinatalakay ang mahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig,
pinakakaluluwa ng talumpati.
KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG TALUMPATI
- Kawastuhan – wasto at maayos ang nilalaman , totoo at maipaliliwanag nang mabisa ang lahat ng
kailangang detalye.
- Kalinawan – maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas upang maunawaan ng mga nakikinig.
MAHALAGANG TANDAAN:
1. Gumamit ng mga angkop at tiyak na salitang mauunawaan ng mga nakikinig.
2. Umiwas sa madalas na paggamit ng mahabang hugnayang pangungusap.
3. Sikaping maging direkta sa pagsasalita at iwasang magpaligoy-ligoy sa pagpapahayag ng paksa.
4. Gawing parang karaniwang pagsasalita ang pakikipag-usap sa mga tagapakinig.
5. Gumamit ng mga halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag ng paksa.
• Kaakit-akit – gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa,
sikaping mapaniwala ang mga nakikinig sa mga katotohanang inilalahad ng talumpati.
3. Katapusan o Konklusyon – dito nakasaad ang pinaka-konklusyon, nilalagom ang mga patunay at
argumentong inilahad sa katawan, maikli ngunit malaman, ilagay rito ang pinakamatibay na paliwanag at
katwiran upang mapakilos ang mga tao ayon sa layunin talumpati.
4. Haba ng Talumpati – nakasalalay kung ilang minute o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon,
malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman ang tiyak na nilaang oras.

PAGPUPULONG: MEMORANDUM
PAGPUPULONG
 naging bahagi ng buhay ng tao sa kasalukuyan na pangkaraniwang gawain ng bawat organisasyon, kompanya,
paaralan at institusyon, at iba pa.
 3 MAHALAGANG ELEMENTO (maayos, organisado at epektibo)
A. MEMORANDUM o MEMO
- kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain, tungkulin o utos.
- NAKASAAD SA MEMO: layunin, pakay ng gagawing miting ( upang maging malinaw sa dadalo ang
inaasahan)
 LAYUNIN
- pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alintuntunin na dapat isakatuparan (i.e pagdalo sa isang
pulong, pagsasagawa o pagsunod sa bagong Sistema ng produksyon o kompanya)
- maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at
pagbabago sa mga polisiya.
 COLORED STATIONARY
- puti – gingamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba o impormasyon
- pink o rosas – gingamit sa mga requests o order na nanggagaling sa purchasing department
- dilaw o luntian – gingamit sa mga nanggagaling sa marketing at accounting department
 3 URI NG MEMORANDUM AYON SA LAYUNIN NITO:
- Memorandum para sa kahilingan
- Memorandum para sa kabatiran
- Memorandum para sa pagtugon
 Palatandaan sa isang maayos at malinaw na impormasyon:
1. Letterhead ( logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon, lugar at telepono)
2. Para sa / Para kay / kina (pangalan ng tao, grupong pinag-uukulan ng memo)
- impormal na memo: Para kay Ailene
- pormal na memo: isulat ang buong pangalan, ilagay ang pangalan ng depatamento, G., Gng., Bb.
3. Mula kay (naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo)
4. Petsa (iwasan ang gumamit ng numero (11/12/14). Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang
dinaglat na salita at araw, taon)
5. Paksa (payak, malinaw na nais ipabatid)
6. Mensahe (maikli lamang, ngunit detalyadong memo)
Nagtataglay ng mga sumusunod:
- Sitwasyon – makikita ang panimula, layunin ng memo
- Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuunan ng pansin
- Solusyon – nagsaad ng inaasahang dapat gawin ng kinaukulan
- Paggalang o pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamgitan ng pagpapasalamat at pagpapakita
ng paggalang
7. Lagda (nagpadala, kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging “Mula kay….”

PAGPUPULONG: AGENDA
ADYENDA (AGENDA)
 nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
 Isang maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
 KAHALAGAHAN NG ADYENDA NG PULONG:
1. Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:
a. mga paksang tatalakayin
b. mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa
c. oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkasunud-sunod ng paksang tatalakayin at kung gaano
katagal pag-uusapan ang mga ito.
3. Nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay
kasama sa talaan.
4. Nagbibigay nag pagkakataonsa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o
pagdedesisyon.
5. Nakatutulong nang Malaki upang mapanatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.

 HAKBANG SA PAGSULAT NG ADYENDA


1. Magpadala ng memo na nakasulat sa papel o kaya naman sa e-mail – nagsasaad na magkakaroon ng pulong
tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras, at lugar.
2. Kailangan lagdaan bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail – kinakailangang magpadala sila ng
kanilang tugon, ipaliwanag sa dadalo sa memo na mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang
kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minute na kanilang kailangan upang pag-
usapan ito.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na
o nalikom na. Kailangan nakalatag sa talahanayan ang o naka table format kung saan makikita ang agenda o
paksa, taong magpapaliwanag, at oras kung gaano ito katagal pag-uusapan. Ang naatasan ay kailangang
mapanuri at matalino.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala
ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong, at kung kalian at saan ito gaganapin.
5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

PETSA: Disyembre 5, 2015 Oras: 9:00 n,u – 11:00 n.u.


LUGAR: Academy of Saint John (conference Room)
PAKSA/LAYUNIN: Preparasyon para sa Senior High School
MGA DADALO:
1. Daisy Romero (Principal)
2. Nestor Lontoc (Registrar)
3. Joselito Pascual ( Finance Head)
4. Atty. Ez Pascual (Physical Resource Head)
5. Vicky Gallardo (Academic Coordinator)
6. Gemma Abriza (Guro - SHS)
7. Ailene Posadas (Guro – SHS)
8. Onie Ison (Guro – SHS)
MGA PAKSA o AGENDA TAONG TATALAKAY ORAS
Badyet sa pagpapatayo ng Building para sa SHS Pascula 20 minuto
Loteng Kailangan sa Pagpapatayo ng gusali Atty. Pascual 20 minuto
Feedback mula sa mga magulang ng SHS Romero 10 minuto
Kurikulum/Track ns ibibigsy ng ASJ Romero 20 minuto
Pagkuha at pagsasanay ng guro sa SHS Lontoc 20 minuto
Pagiiskedyul ng asignatura Gallardo 15 minute
Estratehiya sa paghikayat ng mag-aaaral sa ASJ Gallardo 10 minuto

 MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG ADYENDA


1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahalagang paksa.
3. Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailngan.
4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda.
5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng adyenda.

PAGPUPULONG: KATITIKAN NG PULONG


 pagtatala ng mga napag-usapan o napagkasunduan
 opisyal na tala sa pulong
 pormal, obhetibo at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.
 Nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya o organisasyon na maaaring magamit bilang
prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa mga susunod na pagplano at pagkilos.
 MAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG
1. HEADING (naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran, petsa, lokasyon at
oras sa pagsimula ng pulong)
2. MGA KALAHOK O DUMALO (nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong, pangalan ng
lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin, pati ang mga pangalan ng liban o hindi nakadalo nakatala
rin)
3. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG NAGDAANG KATITIKAN NG PULONG (makikita ang nakalipas na katitikan
ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa)
4. ACTION ITEMS o USAPING NAPAGKASUNDUAN (kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o
nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong, makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang
tinalakay, sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito)
5. PABALITA O PATALASTAS (hindi ito laging nakikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang
pabalita o patalastas mula sa mga dumalo : i.e suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaring
dito ilagay)
6. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG (itinatala kung kalian at saan gaganapin ang susunod na pulong)
7. PAGTATAPOS (inilalagay kung anong oras nagwakas ang pulong)
8. LAGDA (ilagay ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite)
 MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG KUMUHA NG KATITIKAN NG PULONG
1. Hangga’t maari ay hindi partisipante sa nasabing pulong.
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kumpletong heading.
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong.
3 Uri o estilo sa pagsulat ng Katitikan ng pulong:
a. ULAT NG KATITIKAN (lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala: pangalan ng taong
nagsalita o tumalakay ng paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong
isinagawa)
b. SALAYSAY NG KATITIKAN (isinasalaysay lamang ang mahalagang detalye ng pulong, ito ang itinuturing na
legal na dokumento)
c. RESOLUSYON NG KATITIKAN (nakasaad ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan, hindi na
itinatala ang pangalan ng mga tumatalakay at maging ang mga sumang-ayon dito: mababsa ang
katagang “Napagkasunduan na….” o “Napagtibay na ……”
 MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG
 BAGO ANG PULONG
o Magpasya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin (maaring gumamit
ng bolpen at papel, laptop, tablet, computer o recorder)
o Tiyaking nasa maayos na kondisyon ang gamit, may sapat na baterya na kakailanganin sa
pagpupulong.
o Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng
pulong, maglaan ng espasyo para sa bawat paksa para mapabilis na maitala ang mga mapag-
usapan.
 HABANG ISINASAGAWA ANG PULONG
o Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at lagdaan ito ng bawat isa, madaling
matukoy ang lumiban sa pulong at maging ang mga panauhin sa araw na iyon.
o Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo na matukoy kung
sino ang nagsasalita sa oras ng pulong.
o Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
o Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.
o Itala ang mga mosyon o suhestiyon, ang taong nagbanggit, sumang-ayon at naging resulta ng
botohan.
o Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan o pagdedesisyunan pa sa susunod na
pulong.
o Itala kung anong oras natapos ang pulong.
 PAGKATAPOS NG PULONG
o Gawin o buoin agad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip
ang lahat ng mga tinalakay.
o Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng komite, uri ng
pulong, (lingguhan, buwanan, taunan, o espesyal na pulong) at maging ang layunin nito.
o Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
o Isama sa listahan ang mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna na pagpapadaloy ng
pulong. (Isulat sa huli ang “ Isinumite ni”)
o Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling
pagwawasto.
o Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.

REPLEKTIBONG SANAYSAY
PAGLALAHAD
• isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook, o ideya.
• (Ingles: expository writing) pagpapaliwanag na obhetibo, walang pagkakampi, at may sapat na detalye na
pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang bibigyang-linaw nang lubos na mauunawaan ng may interes.
• Pinaggagamitan: pagbibigay-kahulugan, pagsunod sa panuto, pangulong tudling, suring-basa, ulat, balita, at
sanaysay
SANGKAP O ELEMENTO
• Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay.
• Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan.
• Malinaw at maayos na pagpapahayag.
• Paggamit ng larawan, balangkas, at iba pang pantulong upang madali ang pag-unawa sa ipinaliliwanag.
• Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na nasasaklaw ng tao.
SANAYSAY
• (mula sa salitang Pranses: essayer – “sumubok o tangkilikin”
• (Francis Bacon) isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay.
• (Paquito Badayos) naglalahad ang sanaysay ng matalinong kuro at makatwirang paghahanay ng kaisipan.
• (Alejandro Abadilla) nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
URI NG SANAYSAY
• PORMAL nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na
pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.
• tinatawag ding impersonal o siyentipiko –binabasa upang makuha ang impormasyon.
• IMPORMAL pamilyar o personal, at nagbibigay diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may akda.
• naglalarawan ng pakahulugan ng may-akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang
pagbulay-bulay, at naglalahad ng kanyang kuro-kuro o pala-palagay.
• 12 Natatanging Uri ng Sanaysay
• Nagsasalaysay
• Naglalarawan
• Mapag-isip o di praktikal
• Kritikal o mapanuri
• Didaktiko o nangangaral
• Nagpapaalala
• Editoryal
• Makasiyentipiko
• Sosyo-political
• Sanaysay na pangkalikasan
• sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan
• mapagdili-dili o replektibo
NAHAHATI SA (3) KABUOAN ANG SANAYSAY:
1. PANIMULA nakatatawag ng pansin o napupukaw sa damdamin ng mambabasa.
2. KATAWAN ang pinakanilalaman ng akda ay kinakailangang maging mayaman sa kaisipan.
3. WAKAS nababasa ang pangkalahatang impresyon ng may-akda, buod o konklusyon ng sumulat.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
• Nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
• Nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
Halimbawa:
• Librong katatapos lamang basahin
• Praktikum tungkol sa isang kurso
• Paglutas sa isang mabigat na suliranin
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
•Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.
•Isulat gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap na gamitin ang panghalip na ako, ko, at akin sapagkat
ito ay kadalasang nakasalig sa personal na karanasan.
• Tandaan: nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong
mga naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang
pagkakasulat nito.
• Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay kabilang sa akademikong sulatin.
• Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing
pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga babasa.
• Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay, introduksyon, katawan, at kongklusyon.
• Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.
HAKBANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
• SIMULA (sa pagsisimula maaring mag-umpisa sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
• Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa?
• Paano ito makaapekto sa aking buhay?
• Bakit hindi ito makaapekto sa aking pagkatao?
(Lagumin ang ang iyong sagot sa loob ng isang pangungusap –magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan
na siyang magiging gabay o batayan sa pagsulat ng iyong replektibong sanaysay.)
• dapat na mapukaw sa atensyon ng mga mambabasa.
• maaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsulat ng mahusay na panimula.
• maaring gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o quotation, tanong, anekdota, karanasan, at
iba pa.
• sundan ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng
kabuoan ng sanaysay.
• isulat sa loob ng isang talata.
• KATAWAN
• inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula.
• maglagay ng mga obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na
mapagtibay ang kaisipang iyong ipinaliliwanag.
• gumamit ng mga pantulong na mapagkakatiwalaang mga sanggunian bilang karagdagang datos na
magpapaliwang sa paksa.
• makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay-nilay o mga natutuhan.
• kung paano umunlad ang iyong pagkatao mula sa mga karanasan o mga gintong aral na napulot.
• magbigay ng mga patotoo kung paano nakatulong ang mga karanasang ito sa iyo.
• WAKAS O KONGKLUSYON
• banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay.
• lagumin sa pmamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa
hinaharap.
• magbigay (wakas) ng hamon sa mga mambabasa na sila man ay magnilay sa kanilang buhay hinggil sa
iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maari nilang pag-isipan.
• Tandaan: ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya tungkol sa isang paksa na maaring
makapagdulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.

POSISYONG PAPEL
 isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan
at napapanahong isyu.
 naglalaman ng katuwiran, ebidensya para suportahan ang paninindigan.
 Mahalagang ang posisyon at mga katuwiran ng kataliwas o katunggaling panig.
 Katuwiran – “tuwid” - na nagpapahiwatig ng tama, maayos, may direksyon o layon.
 Paninindigan – “tindig” – nagpapahiwatig ng pagtayo, pagtatanggol, palaban, at maari ding pagiging tama.
 MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
1. pumili ng paksang malapit sa iyong puso.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
3. Bumuo ng Thesis Statement o pahayag ng tesis
4. Subukin ang katibayan o kakalasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buoin ang Balangkas ng Posisyong Papel
I. PANIMULA
A. Ilahad ang paksa
B. Maikling paliwanag/kahalagahan sa paksa
C. Ipakilala ang tesis o stand o posisyon sa isyu
II. PAGLALAHAD NG COUNTERARGUMENT o MGA ARGUMENTONG TUMUTUTOL o
KUMOKONTRA SA IYONG TESIS
A. Ialahad ang argumentong tutol sa iyong tesis
B. Ilahad ang mga kinakilangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit na
counterargument
C. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na iyong inilahad
D. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginawang panunuligsa
III. PAGLALAHAD NG IYONG POSISYON O PANGANGATWIRAN TUNGKOL SA ISYU
A. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
a. Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa unang punto.
b. Maglahad ng mga patunay at ebidensya na hinango sa mapagkakatiwalaang
sanggunian.
B. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
a. Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikalawang punto.
b. Maglahad ng mga patunay at ebidensya na hinango sa mapagkakatiwalaang
sanggunian.
C. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag.
a. Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikatlong punto.
b. Maglahad ng mga patunay at ebidensya na hinango sa tatlong
mapagkakatiwalaang sanggunian.
D. KONGKLUSYON
a. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis.
b. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na makakatulong sa
pagpapabuti ng kaso o isyu.
Ang pinakamabisa at pinakasimpleng paraan ng pagwawakas ng posisyong papel ay sa
pamamagitan ng muling pagbanggit sa tesis sa ibang paraan ng paglalahad nito at ang
pagtalakay sa mga magiging implikasyon nito.
 MGA SANGGUNIAN NA SA PANGANGALAP NG MGA KATIBAYAN
URI NG IMPORMASYON URI NG SANGGUNIANG MAARING GAMITIN
 panimulang impormasyon at  Talatinigan, esayklopedia, handbooks
pangkalahatang kaalaman tungkol sa paksa.
 mga pag-aaral hinggil sa paksa o isyu  Aklat, ulat ng pamahalaan
 mapagkakatiwalaang artikulo  Dyornal na pang-akademiko
 napapanahong isyu  Pahayagan, magasin
 estadistika  Sangay ng pamahalaan at mga organisasyon/samahan

 2 EBIDENSYANG MAGAGAMIT SA PANGANGATWIRAN


 MGA KATUNAYAN (facts) tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay
nakabatay sa nakita, narinig, naaamoy, nalasahan, at nadama.
 (ang mga pahayag ay magagamit bilang testimonya o patotoo, tiyaking reliable o mapagkakatiwalaan ang
testimonyang gagamitin)
 MGA OPINYON tumutukoy sa pananaw ng tao, mga ideyang nakasalig hindi sa katunayan kundi sa ipinapalagay
lamang na totoo.
 (hindi ito katunayan kundi pagsusuri o judgment ng katunayan)

LAKBAY-SANAYSAY
PAGLALAKBAY
 Kinapalolooban ng mayamang karanasan.
 Punumpuno ng masasayang pangyayari, pagkamangha, o paghanga sa magandang lugar na unang napuntahan,
mga alaalang magiging bahagi ng buhay ng isang tao.
 Ang pinakapopular na anyo ng panitikan ---- LAKBAY-SANAYSAY at PICTORIAL ESSAY.
LAKBAY-SANAYSAY (Travel Essay/Travelogue)
 isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay.
 tinatawag na sanaylakbay :binubuo ng tatlong konsepto:sanaysay, sanay, at lakbay.
MGA DAHILAN NG PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat.
Halimbawa: Travel Blog
2. Makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay.
Halimbawa: Travelogue
3. Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas sa
sarili.
Halimbawa: daily journal o diary
4. Maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan
Halimbawa: Sinulat ni Antonio Pigafetta na kasama ni Ferdinand Magellan
Marco Polo: “The Travels of Marco”
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.
- kailangan magkaroon ng itinerary
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
- susi sa mainam na pagsulat ay erudisyon o ang pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa
isang paglalakbay.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.
- batay sa human interest, tiyakin ang sakop ng nilalaman ng sanaysay o delimitasyon
4. Magtala ng mahahbang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay.
- wastong detalye na may kinalaman sa paglalakbay
5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.
- ang mga natutunan na gintong aral ang pinakapuso ng paglalakbay
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.
- sapat na kasanayan sa paggamit ng wika
BALANGKAS SA PAGBUO NG ISANG LAKBAY-SANAYSAY
 Uri ng kaisipan ng sumulat
 Panauhang ginamit sa pagsulat
 Pokus ng lakbay-sanaysay
 Mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay
 Teknikal na pagkakasulat ng sanaysay (kaisahan, kalinawan, kawastuhan at kaangkupan)

PICTORIAL ESSAY
• isang sulatin kung saan higit na nakakarami ang larawan kaysa sa salita o panulat.
• may pagkakataong nakaugnay ito ssa lakbay-sanaysay lalo na’t karamihan ng lakbay-sanaysay ay may kasamang
larawan.
• MGA DAPAT TANDAAN SA PICTORIAL ESSAY
• Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita
ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag.
• Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya’t
• Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya’t hindi
ito kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangan makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa
interes ng magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat ditto.
• May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay ng mga larawang
may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin. Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng
pagsulat o paggawa ng pictorial essay.
• Isipin ang mga manood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay mga bata, kabataan, propesyunal,
o masa upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay gayundin ang mga
salitang gagamitin sa pagsulat ng mga caption.

You might also like