You are on page 1of 8

FILIPINO 11

Filipino sa Piling Larang (AKADEMIK)


ACTIVITY SHEET – Kwarter 2 Week 7

Pangalan: _________________________________ Baitang 11: _________________

Paksa: PANUKALANG PROYEKTO


ALAMIN
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
CS_FA11/12PU-0d-f-93

Kasanayang Pampagkatuto
Inaasahan na sa katapusan ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay;
1. Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling
sulatin.
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng panukalang
proyekto
3. Nakasusulat nang wasto at organisadong panukalang proyekto

SUBUKIN
Sitwasyon: Anong pinakahuling proyekto sa inyong paaralan o pamayanan ang iyong
nabalitaan o natandaan na nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at sa maraming
tao? Ibahagi o ipahayag mo ang ilang mahahahalagang bagay hinggil sa nasabing proyekto
sa pamamagitan ng pagkompleto sa piramiding dayagram sa ibaba.

BALIKAN

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang Replektibong Sanaysay?
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga pamantayan sa pagsulat ng replektibong sanaysay?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
TUKLASIN

Ang panukalang proyekto ay isang aplikasyon tungkol sa pag abruba para sa isang proyekto
(Oro, 2017).
 Detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong malunasan ang isang
suliranin.
 Maari itong nakasulat o oral na presentasyon, internal o sa kinabibilangang grupo o eksternal o
di-kinabibilangang organisasyon, maaari ring hiningi (solicited/invited) o hindi hiningi (unsolicited
/ prospecting).
 Ang maikling panukalang proyekto ay may 2 hanggang 10 pahina na nasa anyong liham lamang,
samantalang mahigit sa 10 pahina ang isang mahabang panukala. Maaaring may parehong
bahagi ang 2 ngunit mas elaborated at sumusunod sa structured format ang mahabang
panukala.

Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto


1. Panimula – dito inilalahad ang mga rasyonal o ang mga suliranin, at motibasyon.

Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto


➢ Tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, paaralan, klasrum, o kompanyang
paguukulan ng project proposal upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.
➢ Gawing tiyak ,napapanahon, at akma ang gagawing panukalang proyekto.
➢ Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.
➢ Ang panukalang proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga taong
makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan.
➢ Ang panimula, ang unang bahagi ng iyong panukalang proyekto, ang magiging paksa ng
araling ito. Dito mo tutukuyin ang kaukulang pangangailangan ng iyong pamayanan.
➢ Ang bahaging ito ay dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang punto.

2. Katawan – dito inilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin at ang iminumungkahing
badyet para sa mga ito

Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto


A. Layunin -Kailangang maging tiyak at isulat batay sa inaasahang resulta ng panukalang
proyekto. Ito ay dapat S.M.A.R.T. o S.I.M.P.L.E.
• Specific – bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
• Immediate – tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
• Measurable – may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto
• Practical - solusyon sa suliranin
• Logical - paraan kung paano makakamit ang proyekto
• Evaluable – nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto.

B. Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan
ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas
ang suliranin. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng
pagsagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain.
Suriin ang plano ng mga gawain sa pagpapatayo ng breakwater o pader para sa Barangay
Bacao sa ibaba.

C. Badyet – pinakamahalagang bahagi ito ng anumang panukalang proyekto. Ang badyet ay ang
talaan ng mga gastusin ( tulad materyales at sweldo sa manggagawa, allowance sa magbabantay
at iba pang kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.

3. Kongklusiyon – dito inilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng proyekto at kung
bakit ito dapat aprubahan

Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito


Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa
pagsasakatuparan ng layunin hal. mga bata, mamamayan, kababaihan, magsasaka, mahihirap na
pamilya, mga negosyante at iba pa. Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o
kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito, ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung
bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto .

Mga Espisipikong Laman/Balangkas ng Panukalang Proyekto


1. Pamagat – dapat malinaw at maikli
2. Proponent/Nagpadala ng Proyekto – tumutukoy sa tao o organisasyong
nagmumungkahi ng proyekto
3. Kategorya ng Proyekto (Opsyonal) – ang proyekto ba ay seminar, o kumprensiya,
palihan, pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o outreach program?
4. Petsa – kailan ipapadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto
5. Rasyonal – ilalahad dito ang suliranin at ang mga pangangailangan
sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang kahalagahan nito
6. Deskripsiyon ng Proyekto – isusulat dito ang panlahat at tiyak na
layunin; nakadetalye dito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto
at ang inaasahang haba ng panahon
7. Badyet – itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng
proyekto
8. Pakinabang –Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maaapektuhan nito-
sa ahensiya o indibidwal na tumulong upang maisagawa ang proyekto?
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto (American Red Cross, 2006)
1. Magplano nang maagap – pagkausap sa mga stakeholder upang matalakay ang mga
pangangailangan at masuri ang panukalang proyekto.
2. Gawin ang pagpaplano nang pangkatan – kolaboratibong paghahati ng gawain
3. Maging realistiko sa panukala – kung ano lamang ang kakayanin sa loob ng
panahong nakatalaga at kung ano ang maaaring makamit. Sundin ang S.M.A.R.T.
(specific, measurable, attainable, realistic at time-bound)
4. Matuto bilang organisasyon – sa karanasan ng sarili at ng iba
5. Maging makatotohanan at tiyak – may pokus at iwasang maging
masaklaw/malawak
6. Limitahan ang paggamit ng teknikla na jargon – gumamit ng mga salitang
pangkaraniwan at naiintindihan ng lahat sa halip na mga teknikal o espesyalisadong
salita.
7. Piliin ang pormat na malinaw at madaling basahin – makatutulong ang
kasimplehan ng pormat at anyo
8. Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang pinansyal – tiyaking top
of the list na prayoridad ng mag-aapruba ang panukala.
9. Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukala – kabilang dito ang mga
salitang simulan, ikumpara, maghandog, magsagawa, mag-organisa, suportahan,
magpakahulugan, gumawa, gumamit at iba pa.
SURIIN
Isa-isahin ang nilalaman ng bawat bahagi ng Panukalang Proyekto. Ibigay ang mga
ispisipikong aytem o laman na dapat nakasulat/makikita sa bawat isang bahagi. Ang unang
bahagi ay may sagot na. (20pts=Kumpleto, Wasto, Malinaw)

Bahagi ng Panukalang Proyekto Sagot

PAMAGAT Ang pamagat o pangalan ng proyektong


gagawin

PROPONENT

KATEGORYA

PETSA

LAYUNIN

BADYET

KAPAKINABANGAN/BENEPISYO
PAGYAMANIN
PAGKILALA SA NILALAMAN NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO
Panuto: Matapos makilala ang mga pangangailangan, problema o suliranin, sumulat ka na ng
Panimula sa Panukalang Proyekto –Tinatawag ito ng sulatin na “Pagpapahayag ng Suliranin”.
Tunghayan ang halimbawang nakatala sa ibaba.

Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng


bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang
agrikultural bagamat unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa
lugar na ito. Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa
kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay
nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira
ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang
pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na
nanggagaling sa bundok. Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng
isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pagapaw ng tubig mula
sa ilog . Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na kakailanganin pang ilikas
ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang
patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na
ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan
ng mga mamamayan.

Gawain 1 WRITTEN WORK: (INDIBIDWAL) Kilalanin ang nilalaman ng


panukalang proyekto sa ibinibigay ng halimbawa sa itaas . Isulat ito sa sagutang
papel. (20 pts)

A. Maikling B. Suliraning C. Pangangailangan D. Benepisyo o mga


paglalarawan ng naranasan nito upang kabutihang dulot
pamayanan masolusyunan ang
nabanggit na
suliranin
ISAISIP
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang Panukalang Proyekto?

2. Ano kahalagahan ng mahusay na kasanayan sa pagsulat ng Panukalang Proyekto?

3. Ano-ano ang mga dapat tandaan at mga nilalaman sa pagsulat ng Panukalang Proyekto?

ISAGAWA
GAWAIN 2: PERFORMANCE TASK (PANGKATANG GAWAIN)
Bumuo ng isang panukalang proyekto para sa ating paaralan. Isulat ito sa isang malinis na
papel/word document na ipapasa sa inyong guro. Pagkatapos, lumikha ng isang maikling
bidyo (3-5 minuto) para sa presentasyon ng inyong panukalang proyekto. Isaalang-alang ang
mga hakbang, dapat tandaaan at mga nilalaman ng bawat bahagi ng panukalang
proyekto.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Isinulat na Panukalang Proyekto

Kawastuhan ng Nilalaman ng mga Bahagi - 10 pts


Katotohanan at Kapakinabangan - 10 pts
Kalinawan at Organisasyon - 10 pts
Kabuuan 30 pts

Pamantayan sa Pagmamarka ng Bidyo ng Panukalang Proyekto


Kalinawan at Organisasyon ng Bawat Bahagi -10pts
Impak at Pagkamalikhain -10 pts
Kabuuan 20 pts

TAYAHIN: AYOS KRONOLOHIKAL SA PANUKALANG PROYEKTO

Panuto: Isaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ang panukalang proyekto. Isulat ang titik A-J sa
sagutang papel.

______1. 324 Purok 10,Tiburcio Luna Avenue


Barangay Bacao
General Trias ,Cavite
______2. Haba ng Panahong Guguglin: 3 buwan at kalahati
______3. Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw
ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-
arian at hanapbuhay sa susunod na mga buwan.
______4. PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO
______5. Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa
Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agrikultural bagamat unti-unti na ring nagsusulputan ang
mga pabrika sa lugar na ito.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha
tuwing panahon ng tag-ualn Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng
pagkasira ng kanilang mga bahay ,kagamitan,at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi
ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.

Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pag-
apaw ng tubig mula sa ilog . Kung ito ay maipatatayo , tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang
mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat ,maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga
lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa
kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
_______6. Mula kay Leah Grace L. Delgado
_______7 .Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat
ng mamamayan ng Brgy.Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng
baha ay masosolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang
tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay.Higit
sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil
alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng mga opapatayong mga pader.
_______8. Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao

1.Pagpapasa ,pag-aaproba ,at paglabas ng badyet (7 araw )


2.Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata sa paggawa ng
breakwater o pader (2 linggo)

▪ Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang tawad para


sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.

3.Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa ng


breakwater. (1 araw )
▪ Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontraktor para sa
kabatiran ng nakararami.
4.Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3
buwan)
5.Pagpapasinaya at pababasbas ng breakwater ( 1 araw)
_______9. ika-11 ng Disyembre 2015
_______10.

Mga Gastusin Halaga


I.Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa Php 3,200,000.00
isinumeti ng napiling kontraktor (kasama na rito ang
mga materyales at sweldo ng mga trabahador )
II.Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas Php 20,000.00
nito.
Kabuuang Halaga Php 3,220,000.00

Sanggunian:
Bernales, Rolando A., Pagsulat sa Filipino. 2016
Gabiane, Ruth O., Panukalang proyekto_kaligiran.pptx, 2018
https://www.slideshare.net/tinelachica04/pagsulat11panukalang-proyekto
https://prezi.com/ooxkojhzdib3/panukalang-proyekto
https://www.coursehero.com/file/25423386/FILIPINOdocx/
https://thoughtsofafilipino.wordpress.com/2018/08/12/panukalang-proyekto/ JOHN ANDREI AROLLADO AT MARIA EUNICE DACUMOS
https://martinesblog268548854.wordpress.com/2018/10/14/halimbawa-ng-panukalang-proyekto-2/
Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik )Phoenix Publishing 2016
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) ;DepEd Division of Cagayan de Oro City

You might also like