You are on page 1of 3

UNIVERSITY OF NEGROS OCCIDENTAL-RECOLETOS

Bacolod City
INTEGRATED SCHOOL | GRADES 11 and 12

Filipino sa Piling Larangan (SULATF080)


Ikalawang Markahan l Ikalawang Siklo
A.Y. 2020 - 2021

Mga Kopya ng Mga Paksa

ARALIN BLG. 6 – Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Kahulugan
• Ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito
na siyang tatanggap at magpapatibay nito. – Dr. Phil Bartle
• Ang isang panukalang proyekto ay kailangang nitong magbigay ng impormasyon at
makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. – Dr. Phil Bartle
• Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin. – Besim Nebiu

Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto


Jeremy Miner at Lynn Miner
A Guide to Proposal Planning and Writing (2008)

Pagsulat ng PANIMULA ng Panukalang Proyekto

Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o


kompanya. Maaaring magsimula sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong.

1. Ano-ano? ang pangunahing suliranin na dapat lapatan ng agarang solusyon?


2. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahang ito na nais mong gawan ng
panukalang proyekto?

Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakalakap ka ng mga ideyang
magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ng panukalang proyekto.

Halimbawa:
Sa Barangay Lupok Purok Wasaag, ang dalawang suliraning nararanasan ng mga mamamayan
ay ng sumusunod:
• Paglaganap ng sakit na dengue.
• Kakulangan sa suplay ng tubig.
Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng Barangay Lupok, Purok
Wasaag upang malutas ang kanilang mga suliranin.

1. Paglaganap ng sakit na dengue.


▪ Pagturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng kapaligiran
upang maiwasan ng paglaganap ng dengue.

2. Kakulangan sa suplay ng tubig


▪ Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig.
Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok sa barangay.

Pagsulat ng KATAWAN ng Panukalang Proyekto

LAYUNIN

▪ Makikita ang mga bagay na gustong makamit o pinaka-adhikain ng panukala.


▪ Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto.
▪ Kailangang isulat ito batay sa mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi
batay sa kung paano makakamit ang mga resultang ito.

SIMPLE

S pecific - Nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto.


I mmediate - Nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
M easurable - May basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto.
P raktikal - Nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin.
L ohikal - Nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto.
E valuable - Masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.

PLANO NG DAPAT GAWIN

▪ Ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa
upang malutas ang suliranin.
▪ Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkasunod-sunod ng pagsasagawa
nito kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawin.
▪ Ito rin ay dapat na maging makatotohanan o realistic.
▪ Kailangan din ang badget sa pagsasagawa nito.
▪ Mas makabubuti kung isasama sa talatakdaan ng gawain ang petsa kung kailan matatapos
ang bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin.
▪ Kung hindi tiyak ang mismong araw na maaaring matapos ang mga ito ay maaaring
ilagay na lamang kahit ang linggo o buwan .
▪ Matutulong kung gagamit ng Chart o Kalendaryo para sa markahan ang pagsasagawa
ng bawat gawin.
BADYET

▪ Ang badget ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng


layunin.
▪ Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin.

PAGLALAHAD NG BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO

▪ Nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makakatulong
sa kanila .Maaring ang makinabang nito ay mismong lahat ng mamamayan ng isang
pamayanan, ang mga empleyadong isang kompanya o kaya naman ay miyembro ng isang
samahan.
▪ Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala.
Sa bahaging ito ay maaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang
ipinasang panukalang proyekto.

Balangkas ng Panukalang Proyekto


1. Pamagat ng Panukalang Proyekto - Kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na
pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
2. Nagpadala - Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa o Araw - kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging ito ang
tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin - Dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat
maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
5. Layunin - Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat maisagawa o
maibigay ang pangangailangan.
6. Plano ng Dapat Gawin - Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga
gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang
ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet - Ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagsasagawa ng proyekto.
8. Benepisyo - nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benipisyong
makukuha nila mula rito.

You might also like