You are on page 1of 58

ANG PANUKALANG

PROYEKTO
• Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The
Community empowerment Collective,
isang samahang tumutulong sa mga
nongovernmental Organization (NGO) sa
paglikha ng mga pag-aaral sa
pangangalap ng pondo, ang panukala ay
isang proposal na naglalayong ilatag ang
mga plano o adhikain para sa isang
komunidad o samahan.
PANUKALANG
PROYEKTO
isang kasulatan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano ng
gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nitong
siyang tatanggap at
magpapatibay nito.
• Ayon kay Besim Nebiu, may-akda ng
Developing Skills of NGO Project
Proposal Writing, ang panukalang
proyekto ay isang detalyadong
deskripsyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng isang
problema o suliranin.
• Mahalagang maging maingat sa
pagpaplano at pagdidisenyo ng
panukalang proyekto.
• Ang paggawa nito ay
nangangailangan ng kaalaman,
kasanayan, at maging sapat na
pagsasanay.
•Una sa lahat, ito ay
kailangang maging tapat
na dokumento na ang
pangunahing layunin ay
makatulong at makalikha
ng positibong pagbabago.
•Ayon kay Bartle (2011),
kailangan nitong magbigay ng
impormasyon at makahikayat
ng positibong pagtugon mula
sa pinag-uukulan nito.
• Walang lugar sa sulating ito ang
pagsesermon, pagyayabang, o
panlilinlang, sa halip, ito ay
kailangang maging tapat at
totoo sa layunin nito.
Mga Dapat Gawin
sa Pagsulat ng
Panukalang
Proyekto
• Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) sa
kanilang aklat na A Guide to Proposal Planning
and Writing, sa pagsasagawa ng panukalang
papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong
mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:
a) Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
b) Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
c) Paglalahad ng benepisyo ng proyekto
A. PAGSULAT NG
PANIMULA NG
PANUKALANG
PROYEKTO
• Bago mo lubusang isulat ang
panukalang proyekto, ang unang
mahalagang hakbang na dapat
isagawa ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad,
samahan, o kompanyang pinag-
uukulan ng iyong project proposal.
• Tandaan na ang
pangunahing dahilan ng
pagsulat ng panukalang
proyekto ay upang
makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago.
• Maisasagawa ang unang bahaging ito sa
pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o
kompanya. Maaaring magsimula sa mga
sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang pangunahing suliranng dapat
lapatan ng agarang solusyon?
2. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan
o samahan na nais mong gawan ng
panukalang proyekto?
• Halimbawa nito ang sumusunod:
Sa Barangay Pagkakaisa, ang dalawang
suliraning nararanasan ng mga mamamayan
ay ang sumusunod:
1. Paglaganap ng sakit na dengue
a. Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa
pangangalaga ng kalinisan ng kapaligiran
upang maiwasan ang paglaganap ng dengue
b. Pagsasagawa ng fumigation apat na beses sa
isang taon
2. Kakulangan sa suplay ng tubig
a. Pagtuturo sa mga mamamayan ng
wastong paggamit at pagtitipid ng
tubig
b. Pagpapagawa ng poso para sa bawat
purok ng barangay.
Maraming suliranin ang maaaring makita
sa isang pamayanan, kompanya, o samahan.
Sa pamayanan, maaaring kakulangan sa maayos
na ilaw sa kalsada, kawalan ng basketball court,
kakulangan ng mga health center sa mga
makabagong gamot at gamit.
• Sa mga kompanya naman o sa
mga institusyon, kakulangan sa
conference room, kakulangan sa
maayos na daloy ng komunikasyon
sa bawat opisina, kakulangan ng
pondo para sa mga proyekto, at
iba pa.
Higit na makabubuti kung magbibigay-tuon
lamang sa isang solusyon na sa palagay mo
ay higit na mahalagang bigyang-pansin.

• Dito ngayon iikot ang iyong isusulat na


proyekto.
• Mula rito ay maaari mo nang isulat ang
panimula ng panukalang proyekto.

• Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin


sa Pagpapahayag ng Suliranin.
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad
na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay
nananatiling pamayanang agrikultural bagama’t unti-
unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar na
ito.
Isa sa mga suliraning nararanasan sa kasalukuyan
ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan.
Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga
mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay,
kagamitan, at maging mga pananim. Ang pangunahing
sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na
nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay
ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis
na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay
maipatatayo, tiyak na di na kakailanganin pang
ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar.
Higit sa lahat, maiiwasan din ang patulot na
pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang
maisagawa na ang proyektong ito sa madaling
panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga
mamamayan.
Kapansin-pansing malinaw,
maikli, at direkta o hindi
paligoy-ligoy ang pagkakalahad
ng panimula.
Makikita rito ang maikling
paglalarawan ng pamayanan, ang
suliraning nararanasan nito, at
ang pangangailangannito upang
masolusyonan ang nabanggit na
suliranin.
Nakapaloob din dito ang mga
benepisyo o mga kabutihang
maaaring idulot nito kung
maisasakatuparan ang
panukalang proyekto.
B. PAGSULAT NG
KATAWAN NG
PANUKALANG
PROYEKTO
• Matapos mailahad ang
panimulang naglalahad ng
suliranin ng gagawing panukalang
proyekto ay isunod na gawin ang
pinakakatawan ng sulating ito.

• Ito ay binubuo ng layunin, planong


dapat gawin, at badyet.
Layunin- makikita ang mga bagay na
gustong makamit o ang pinakaadhikain
ng panukala. Kailangang maging tiyak
ang panukala. Ayong kina Jeremy Miner
at Lynn Miner (2008), ang layunin ay
kailangang SIMPLE.
Specific- nakasaad ang mga bagay na nais makamit
o mangyari sa panukalang proyekto.
Immediate- tiyak na petsa kung kailan matatapos
Measurable – may basehan o patunay na naisakatutuparan
ang nasabing proyekto.
Practical- solusyon sa binabanggit na suliranin
Logical- paraan kung paano makakamit ang
proyekto.
Evaluable- nasusukat kung aano makatutulong ang
proyekto.
Halimbawa ng Barangay Bacao
Layunin: Makapagpagawa
ngbreakwater o pader na makatutulong
upang mapigilan ang pag-apaw ng
tubig sa ilog upang matiyak ang
kaligtasan ng mga mamamayan at
maging ang kanilang mga ari-arian at
hanapbuhay sa susunod na mga buwan.
2. Plano ng Dapat Gawin

Matapos maitala ang mga layunin ay maaari


nang buoin ang talaan ng mga gawain o plan
of action na naglalaman ng mga hakbang na
isasagawa upang malutas ang suliranin.
Mahalagang maiplano itong mabuti
ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng
pagsasagawa nito kasama ang mga taong
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga
gawain.
Ito rin ay dapat makatotohanan o
realistic
• Kailangang ikonsidera rin ang
badyet sa pagsasagawa nito.
• Mas makabubuti kung isasama sa
talatakdaan ng gawain ang petsa
kung kailan matatapos ang bawat
bahagi ng plano at kung ilang araw
ito gagawin.
•Kung hindi tiyak ang mismong
araw na maaaring matapos ang
mga ito ay maaaring ilagay na
lamang kahit ang linggo o
buwan.
3. BADYET
•Pinakamahalagang bahagi ng
anumang panukalang proyekto
ay ang wasto at tapat na
paglalatag ng kakailanganing
badyet para dito.
• Ang badyet ay ang talaan ng mga
gastusin na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin.
• Mahalagang ito ay mapag-aralang
mabuti upang makatipid sa mga
gugugulin.
•Maaaring magsagawa ng bidding
sa mga contractor na kadalasan
ay may mga panukalang badyet
na para sa gagawing proyekto.
• Maaaring magkaroon ng tatlo o higit
pang bidders na pagpipilian.
• Ibigay o ipagkatiwala ang proyekto sa
contractor na magbibigay ng
pinakamababang halaga ng badyet.
•Sa mga karagdagang materyales
o kagamitan, mas makabubuti
kung maghahapap muna ng
murang bilihan para makatipid
din sa mga gastusin.
• Huwag ding kaligtaang isama sa
talaan ng badyet ang iba pang mga
gastusin tulad ng sweldo ng mga
manggagawa, allowance para sa
mga magbabantay sa pagsasagawa
nito, at iba pa.
a. Gawing simple at malinaw ang
badyet upang madali itong
maunawaan ng ahensiya o sangay
ng pamahalaan o institusyon na
mag-aaproba at magsasagawa nito.
b. Pangkatin ang mga
gastusin ayon sa
klasipikasyon nito upang
madaling sumahin ang mga
ito.
C. Isama sa iyong badyet
maging ang huling sentimo.
d. Siguraduhing wasto o tama
ang ginawang pagkukuwenta
mga gastusin.
C. PAGLALAHAD NG
BENEPISYO NG PROYEKTO AT
MGA MAKIKINABANG NITO
• Maaaring ang makinabang nito ay
mismong lahat ng mamamayan ng
isang pamayanan, ang mga
empleyado ng isang kompanya, o
kaya naman ay miyembro ng isang
samahan.
•Mahalagang maging
espisipiko sa tiyak na grupo
ng tao o samahang
makikinabang sa
pagsasakatuparan ng
layunin.
• Maaari na ring isama sa bahaging ito
ang katapusan o kongklusyon ng iyong
panukala.
• Sa bahaging ito ay maaaring ilahad ang
mga dahilan kung bakit dapat aprobahan
ang ipinasang panukalang proyekto.
BALANGKAS NG
PANUKALANG PROYEKTO
•Maraming balangkas ng
pagsulat ng panukalang
proyekto ang maaaring
gamitin depende sa may-akda
na naghahain nito.
• Ngunit para sa higit na payak na
balangkas para sa pagsulat ng
panukalang proyekto ay maaaring
gamitin ang sumusunod:
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto-
Kadalasan, ito ay hinango mismo sa
inilahad na pangangailangan bilang
tugon sa suliranin.
2. Nagpadala- naglalaman
ito ng tirahan ng sumulat
ng panukalang proyekto.
3. Petsa- araw kung kailan
ipinasa ang panukalang papel.
Isinasama rin sa bahaging ito ang
tinatayang panahon kung gaano
katagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng
Suliranin- nakasaad ang
suliranin at kung bakit dapat
maisagawa o maibigay ang
pangangailangan.
5. Layunin- naglalaman ng
dahilan o kahalagahan kung
bakit dapat isagawa ang
panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin-
makikita ang talaan ng
pagkakasunod-sunod ng mga
gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto
gayundin ang petsa at bilang ng
araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet- kalkulasyon
ng mga guguling
gagamitin sa
pagpapagawa ng
proyekto.
8. Paano mapapakinabangan ng
pamayanan/Samahan ang
panukalang Proyekto- nagsisilbing
kongklusyon ng panukala kung saan
nakasaad dito ang mga taong
makikinabang ng proyekto.

You might also like