You are on page 1of 18

Baybay City Division

Baybay City, Leyte

Week No. 12
Information Sheet No. 1

Subject : Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Grade Level 12
Subject Type : Applied-Academic
Prepared by : Steven P. Santos, T-I, Plaridel National High School
Learning Competency : Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon
sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo
CS_FA11/12PN-0a-c-90
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan
ng pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.
CS_FA11/12PU-0d-f-93
Objectives : Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:
Nakasusulat ng panimula at katawan ng panukalang
proyekto batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika .CS_FA11/12WG-0p-r-93
I. DIPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA (DEFINITION OF TERMS)

Panukalang Proyekto- Ayon kay Besim Nebiu,may-akda ng Developing Skills of


NGO Project Proposal Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong
deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o
suliranin.

II. MGA PANGUNAHING KONSEPTO (KEY CONCEPTS)


A. Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication Empowerment Collective, isang
samahang tumutulong sa mga non-governmental organizations (NGO) sa paglikha ng
mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para isa komunidad o samahan.
Nangangahulugang ito’y kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawain
ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.
Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang
proyekto. Kaya naman, masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman,
kasanayan, at maging sapat na pagsasanay. Una sa lahat , ito ay kailangang maging
tapat na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago. Ayon kay Bartle (2011), kailangang nitong magbigay ng
impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito.
Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon pagyayabang o panlilinlang, sa halip ito
1
Baybay City Division
Baybay City, Leyte
ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin.

B. Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang aklat na “A Guide to Proposal
Planning and Writing,” sa pagsasagawa ng panukalang papel, ay kailangang magtalay
ng talong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:
1.Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto,
2.Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
3.Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito

C. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto


➢ Tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, paaralan, klasrum, o
kompanyang paguukulan ng project proposal upang makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago.
➢ Gawing tiyak, napapanahon, at akma ang gagawing panukalang proyekto.
➢ Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.
➢Ang panukalang proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga
taong makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan.
➢ Ang panimula, ang unang bahagi ng iyong panukalang proyekto, ang magiging paksa
ng araling ito. Dito mo tutukuyin ang kaukulang pangangailangan ng iyong pamayanan.
Batay dito, maaari mo nang mailahad ang layunin ng iyong proposal. Dapat ay nakasaad
din kung bakit mo ipinapalagay na ito ay mahalagang pangangailangan.
➢ Ang bahaging ito ay dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang punto. Dapat
na nakapaloob dito ang paglalarawan ng iyong pamayanan at kung paanong
makatutulong sa pangangailangan ng pamayanan ang panukalang proyektong iyong
ibinigay.

Narito ang halimbawa ng panukalang solusyon para sa suliranin ng isang barangay.


Suliranin # 1
1. Paglaganap ng sakit na dengue
Mga bagay na kailangan:
a. Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng
kapaligiran upang maiwasan ang dengue
b. Pagsagawa ng fumigation apat nab eses sa isang tao.
Suliranin # 2
2. Kakulangan ng suplay ng tubig
Mga bagay na kakailanganin:
a. Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig/
b. Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay.

Ano ang napansin mo sa ibinigay na halimbawa? Ang isang suliraning


pampamayanan ay maaaring may dalawa o higit pang solusyon.

2
Baybay City Division
Baybay City, Leyte
D. Pagsulat ng katawan ng Panukalang Proyekto
Ito ay binubuo ng:
1. Layunin -Kailangang maging tiyak at isulat batay sa inaasahang resulta ng panukalang
proyekto. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2005) , ang layunin ay kailangang
maging SIMPLE.
• Specific – bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
• Immediate – tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
• Measurable – may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto
• Practical - solusyon sa suliranin
• Logical - paraan kung paano makakamit ang proyekto
• Evaluable – nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto.
2. Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang
talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa
upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng pagsagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng mga gawain. Dapat maging makatotohanan at kailangang
ikonsidera ang badyet sa pagsasagawa nito. Makakatulong kung gagamit ng tsart o
kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain.

Suriin ang plano ng mga gawain sa pagpapatayo ng breakwater o pader para sa


Barangay Bacao sa ibaba.

Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao

1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw)


2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata sa paggawa ng
breakwater o pader (2 linggo)
▪ Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kanikanilang tawad
para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa ng
breakwater. (1 araw)
▪ Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontraktor para sa
kabatiran ng nakararami.
4.Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao
(3 buwan)

3. Badyet – pinakamahalagang bahagi ito ng anumang panukalang proyekto. Ang


badyet ay ang talaan ng mga gastusin (tulad materyales at sweldo sa manggagawa,
allowance sa magbabantay at iba pang kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin. Maaaring
magsagawa ng bidding sa mga kontraktor na kadalasan ay may panukalang budget
para sa gagawing proyekto. Maaaring magkaroon ng tatlo o higit pang bidder na
pagpipilian. Ibigay o ipagkatiwala ang proyekto sa kontraktor na magbibigay ng
pinakamababang halaga ng badyet. Sa mga karagdagang kagamitan o materyales, mas
makabubuti kung maghahanap muna ng murang bilihan para makatipid din sa mga
gastusin. Huwag ding kaligtaang isama sa talaan ng badyet ang iba pang mga gastusin
tulad ng sweldo ng mga manggagawa, allowance para sa mga magbabantay sa
pagsasagawa nito.
Mga dapat tandaan sa paggawa ng badyet para sa panukalang proyekto ayon sa mga
3
Baybay City Division
Baybay City, Leyte
datos mula sa modyul tungkol sa pagsulat ng panukalang proyekto na may pamagat na
“Paghahanda ng Isang Simpleng Proyekto”
https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02

Narito ang halimbawa ng badyet na maaaring gamitin sa pagpapagawa ng breakwater


ng Brgy.Bacao.

Ano ang natutuhan mo sa paghahanda ng isang panukalang badyet? Sa palagay


mo ba ay mahirap itong gawin? Hindi ito mahirap kung isasaisip mo ang mga
sumusunod:
1. Gawing simple at malinaw ang iyong badyet. Dapat na malaman agad ng ahensiyang
magtataguyod ang mga bahagi nito. Ang mahahalagang detalye ng gastusin ay dapat
na malinaw ang pagkakasaad.

2. Ayusing mabuti ang iyong panukala. Pagpangkat-pangkatin ang mga gastusin ayon
sa klasipikasyon ng mga ito. Siguraduhing nakahanay ang mga halaga upang madaling
sumahin ito.

3. Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin


ang mga bagay na kailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan upang
makasama ang iyong panukala sa kanilang itataguyod. Sa ganitong paraan mas malaki
ang tsansang maaprobahan ang iyong proyekto. Maaari ka ring manghingi ng kopya ng
mga naaprobahan nilang mga proyekto upang maikumpara ang gawa mo.

4. Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo. Ang mga ahensiyang
nagtataguyod ng mga proyekto ay kadalasang gumagawa ng pag-aaral para sa
itataguyod nilang proposal.

5. Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng iyong


integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.

E. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito


Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang
makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin hal. Mga bata, mamamayan,
kababaihan, magsasaka, mahihirap na pamilya, mga negosyante at iba pa. Maaari na
ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa
bahaging ito, ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang
ipinasang panukalang proyekto. Tunghayan ang halimbawang nakasulat sa ibaba.

Paano Mapakinabangan ng Barangay Bacao ang panukalang proyekto?


Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang
sa lahat ng mamamayan ng Brgy.Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil
4
Baybay City Division
Baybay City, Leyte
sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Di na makararanas ang mga
mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na
nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon
na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang
hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng mga opapatayong mga pader.

F. Balangkas ng Panukalang Proyekto


1. Pamagat ng Panukalang Proyekto - hinango sa inilahad na pangangailangan bilang
tugon sa suliranin.

2. Nagpadala- tirahan ng sumulat ng paanukalang proyekto

3. Petsa- araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel isinama na rin kung gaano
katagal gagawin ang proyekto.

4. Pagpapahayag ng Suliranin- nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat


maisagawa o maibigay ang pangangailangan,

5. Layunin – dahilan o kahalagahan kung bakit isagawa ang panukala


6. Plano na dapat gawin- talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing para
pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin
ang bawat isa.

7. Badyet- kalkulasyon ng mga guguling gagamiti sa pagpapagawa ng proyekto

8. Paano mapakinabangan ng pamayanan o samahan ang panukalang proyekto-


konklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang
ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito

SANGGUNIAN (REFERENCES)
Ailene, Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan
(Akademik) Phoenix Publishing 2016
Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc.
2016
Department of Education. 2016. Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Teacher's
Guide. Manila: Department of Education.

5
Baybay City Division
Baybay City, Leyte

Week No. 12
Activity Sheet No. 1

Pangalan _ Iskor
Baitang at Seksyon _ Petsa

Subject : Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Grade Level 12
Subject Type : Applied-Academic
Prepared by : Steven P. Santos, T-I, Plaridel National High School
Learning Competency : Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon
sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo
CS_FA11/12PN-0a-c-90
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan
ng pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.
CS_FA11/12PU-0d-f-93
Objectives : Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:
Nakasusulat ng panimula at katawan ng panukalang
proyekto batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika .CS_FA11/12WG-0p-r-93

PAGPAPAHAYAG: GAMIT ANG PIRAMIDING DAYAGRAM:


Sitwasyon: Anong pinakahuling proyekto sa iyong paaralan o pamayanan ang iyong
nabalitaan o natandaan na nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at sa maraming
tao? Ibahagi o ipahayag mo ang ilang mahahahalagang bagay hinggil sa nasabing
proyekto sa pamamagitan ng pagkompleto sa piramiding dayagram sa ibaba. Isulat sa
sagutang papel.

6
Baybay City Division
Baybay City, Leyte

Week No. 12
Activity Sheet No. 2
Subject : Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Grade Level 12
Subject Type : Applied-Academic
Prepared by : Steven P. Santos, T-I, Plaridel National High School
Learning Competency : Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon
sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo
CS_FA11/12PN-0a-c-90
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan
ng pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.
CS_FA11/12PU-0d-f-93
Objectives : Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:
Nakasusulat ng panimula at katawan ng panukalang
proyekto batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika .CS_FA11/12WG-0p-r-93

PAGKILALA NG TAMA O MALI:


Panuto: Suriin ang pahayag at sabihin ang TAMA kung ito ay may katotohanan at MALI
naman kung hindi naglalahad ng katotohanan. Isulat sa sagutang papel.

_______1. Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga


inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.

_______2. Sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtatalaglay ng


apat na mahahalagang bahagi.

_______3. Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy ng


layunin, plano na dapat gawin at badyet.

_______4. Ang paggawa ng panukalang proyekto ay nangangailangan ng kaalaman,


kasanayan at maging sapat na pagsasanay.

_______5. Makikita sa panimula ng panukalang proyekto ang maikling paglalarawan ng


pamayanan, ang suliraning nararanasan nito, at ang pangangailangan nito
upang masolusyunan ang nabanggit na suliranin.

7
Baybay City Division
Baybay City, Leyte

Week No. 12
Activity Sheet No. 3

Pangalan _ Iskor
Baitang at Seksyon _ Petsa

Subject : Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Grade Level 12
Subject Type : Applied-Academic
Prepared by : Steven P. Santos, T-I, Plaridel National High School
Learning Competency : Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon
sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo
CS_FA11/12PN-0a-c-90
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan
ng pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.
CS_FA11/12PU-0d-f-93
Objectives : Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:
Nakasusulat ng panimula at katawan ng panukalang
proyekto batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika .CS_FA11/12WG-0p-r-93

PAGTUKOY NG PANGANGAILANGAN SA PAMAYANAN:


Ano-anong mga bagay ang kailangang-kailangan ng iyong barangay o lungsod? May mga
suliranin ba ito na nangangailangan ng agarang lunas? Mag-isip ng dalawang suliraning
kinakaharap ng iyong barangay o lungsod ngayon.
1.________________________________________________________________________
2._______________________________________________________________________

Pansinin ang halimbawa: Sa Brgy. Pagkakaisa, ang dalawang suliraning nararanasan ng mga
mamamayan ay ang sumusunod:
1. Paglaganap ng sakit na dengue
2. kakulangan ng suplay ng tubig
Mula sa nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng Barangay Pagkakaisa
upang malutas ang kanilang mga suliranin.

Suliranin # 1
1. ________________________________________________________________

Ang mga bagay na kailangan:


a.
________________________________________________________________
b.
________________________________________________________________
8
Baybay City Division
Baybay City, Leyte

Suliranin # 2
1. ________________________________________________________________

Ang mga bagay na kailangan:


a.
________________________________________________________________
b.
________________________________________________________________

9
Baybay City Division
Baybay City, Leyte

Week No. 12
Activity Sheet No. 4

Pangalan _ Iskor
Baitang at Seksyon _ Petsa

Subject : Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Grade Level 12
Subject Type : Applied-Academic
Prepared by : Steven P. Santos, T-I, Plaridel National High School
Learning Competency : Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon
sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo
CS_FA11/12PN-0a-c-90
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan
ng pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.
CS_FA11/12PU-0d-f-93
Objectives : Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:
Nakasusulat ng panimula at katawan ng panukalang
proyekto batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika .CS_FA11/12WG-0p-r-93

PAGKILALA SA NILALAMAN NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO:


Panuto: Matapos makilala ang mga pangangailangan, problema o suliranin, sumulat ka
na ng Panimula sa Panukalang Proyekto –Tinatawag itong sulatin na “Pagpapahayag ng
Suliranin” Tunghayan ang halimbawang nakatala sa ibaba.

Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General


Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agrikultural bagamat unti-unti na ring
nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar na ito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang
malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ualn Ito ay nagdudulot ng malaking problema
sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan,at maging
ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog
na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa
mabilis na pagapaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na
kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat,
maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang
maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan
ng mga mamamayan.

10
Baybay City Division
Baybay City, Leyte

Gawain: Kilalanin ang nilalaman ng panukalang proyekto sa ibinibigay ng halimbawa sa


itaas. Isulat ito sa sagutang papel.

A. Maikling paglalarawan ng pamayanan:


B. Suliraning naranasan nito
C. Pangangailangan upang masolusyunan ang nabanggit na suliranin:
D. Benepisyo o mga kabutihang dulot

11
Baybay City Division
Baybay City, Leyte

Week No. 12
Activity Sheet No. 5

Pangalan _ Iskor
Baitang at Seksyon _ Petsa

Subject : Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Grade Level 12
Subject Type : Applied-Academic
Prepared by : Steven P. Santos, T-I, Plaridel National High School
Learning Competency : Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon
sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo
CS_FA11/12PN-0a-c-90
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan
ng pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.
CS_FA11/12PU-0d-f-93
Objectives : Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:
Nakasusulat ng panimula at katawan ng panukalang
proyekto batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika .CS_FA11/12WG-0p-r-93

AYOS KRONOLOHIKAL SA PANUKALANG PROYEKTO:


Panuto: Isaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ang panukalang proyekto. Isulat ang titik
A-J sa sagutang papel.
______1. 324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Barangay Bacao
General Trias, Cavite

______2. Haba ng Panahong Guguglin: 3 buwan at kalahati

______3. Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang


pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga
mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa
susunod na mga buwan.

______4. PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY


BACAO
______5. Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng
General Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agrikultural bagamat unti-unti
na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar na ito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang
malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema
12
Baybay City Division
Baybay City, Leyte
sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging
ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog
na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil
sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na
kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat,
maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang
maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan
ng mga mamamayan.

_______6. Mula kay Leah Grace L. Delgado

_______7. Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-


pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Brgy.Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng
buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Di na makararanas ang
mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na
nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay.Higit sa lahat, magkakaroon na
ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang
hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng mga opapatayong mga pader.
_______8. Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao
1. Pagpapasa ,pag-aaproba ,at paglabas ng badyet (7 araw )
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata sa paggawa
ng breakwater o pader (2 linggo)
▪ Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang
tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa ng
breakwater. (1 araw )
▪ Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontraktor
para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay
Bacao (3 buwan)
5. Pagpapasinaya at pababasbas ng breakwater (1 araw)

________9. ika-11 ng Disyembre 2015

________10.

13
Baybay City Division
Baybay City, Leyte

Week No. 12
Activity Sheet No. 6
Pangalan _ Iskor
Baitang at Seksyon _ Petsa

Subject : Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Grade Level 12
Subject Type : Applied-Academic
Prepared by : Steven P. Santos, T-I, Plaridel National High School
Learning Competency : Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon
sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo
CS_FA11/12PN-0a-c-90
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan
ng pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.
CS_FA11/12PU-0d-f-93
Objectives : Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:
Nakasusulat ng panimula at katawan ng panukalang
proyekto batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika .CS_FA11/12WG-0p-r-93

PAGBUO NG SARILING PANUKALANG PROYEKTO


Panuto: Gumawa ka ng iyong sariling panukalang proyekto. Maaari mong ipagpatuloy
ang nasimulan mo nang gawain o malaya kang pumili ng bagong papaksain ayon sa
suliranin sa iyong paaralan o pamayanan. Isulat ito sa sagutang papel at siguraduhing
masunod ang mga bahagi ng pagsulat nito.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga Hakbang sa Pagsulat ng 15
Panukalang Proyekto.
Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang 15
sulatin na Panukalang Proyekto.
Nakasusulat ng Panukalang Proyekto batay sa maingat, wasto 15
at angkop na paggamit ng wika.
Nakabatay sa pananaliksik, tiyak, napapanahon, at akma ang 15
gagawing panukalang proyekto.

KABUUAN 60

14
Baybay City Division
Baybay City, Leyte

PANANALIKSIK:
Mga Panuto:
1.Magsaliksik ka ng panukalang proyekto mula sa silid-aklatan, websites at iba pang
paghahanguan.
2.Magpasa ka ng kopya nito (hard copy) 3. Ihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba sa
kabuoang obserbasyon mo sa nasaliksik at sa iyong natutunan sa araling ating natalakay.
Isulat ito sa sagutang papel. Gamitin ang venn diagram para sa kasagutan.

15
Baybay City Division
Baybay City, Leyte

Week No. 12
Activity Sheet No. 1
Susi sa Pagwawasto
*Iba-iba ang maaaring sagot ng mag-aaral.
Rubrik sa Pagmamarka
1. Nilalaman (Kaangkupan) –8

2. Gamit ng Gramatika at Bantas –4

3. Organisasyon ng Ideya –3

KABUUAN –15

Activity Sheet No. 2


Susi sa Pagwawasto
1. TAMA 4. TAMA
2. MALI 5. TAMA
3. MALI

Activity Sheet No. 3


Susi sa Pagwawasto
*Iba-iba ang maaaring sagot ng mag-aaral.

Rubrik sa Pagmamarka
1. Kawastuhan ng sagot mula sa paksa – 2

2. Estruktura at Gramatika –2

3. Orihinalidad –1
KABUUAN –5 /
Bawat Bilang

16
Baybay City Division
Baybay City, Leyte

Activity Sheet No. 4


Susi sa Pagwawasto
A. Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng
General Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agrikultural bagamat
unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar na ito.
B. Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang
malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ualn Ito ay nagdudulot ng malaking
problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay,
kagamitan, at maging ng mga pananim.
C. Nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa
mabilis na pagapaw ng tubig mula sa ilog.
D. Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga
mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na
pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang
proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga
mamamayan.

Activity Sheet No. 5


Susi sa Pagwawasto
1. D 6. E
2. F 7. C
3. A 8. H
4. I 9. J
5. B 10. G

Activity Sheet No. 6


Susi sa Pagwawasto

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga Hakbang sa Pagsulat ng 15
Panukalang Proyekto.
Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang 15
sulatin na Panukalang Proyekto.
Nakasusulat ng Panukalang Proyekto batay sa maingat, wasto 15
at angkop na paggamit ng wika.
Nakabatay sa pananaliksik, tiyak, napapanahon, at akma ang 15
gagawing panukalang proyekto.

KABUUAN 60

17
Baybay City Division
Baybay City, Leyte

18

You might also like