You are on page 1of 6

ARALIN 3

AKADEMIKONG SULATIN: PAGSULAT NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO

Dr. Phil Bartle


(The Communication Empowerment Collective)

 ang panukalang proyekto ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang
komunidad o samahan

 Nangangahulugang ito’y kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawain na ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.

Besim Nebiu
(Developing Skills of NGO Project Proposal Writing)

 ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng
isang problema o suliranin

Bartle (2011)

 ito ay kailangang maging tapat na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago

Katangian:

 kailangang nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan


nito

 Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon pagyayabang o panlilinlang.

 kailangang maging tapat at totoo sa layunin

MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

Jeremy Miner at Lynn Miner (A Guide to Proposal Planning and Writing)

 kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:

• Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto

• Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto

• Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito.

Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto

 Tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, paaralan, klasrum o kompanyang pag-uukulan ng


project proposal.

 Gawing tiyak, napapanahon at akma ang gagawing panukalang proyekto.

 Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.


Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto

Ang panukalang proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga taong makatutulong sa pagkamit
ng layunin para sa pamayanan.

1. Panimula

 tutukuyin ang kaukulang pangangailangan ng iyong pamayanan

 ilahad ang layunin ng iyong proposal

 Dapat ay nakasaad din kung bakit mo ipinapalagay na ito ay mahalagang pangangailangan.

 maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang punto

 nakapaloob dito ang paglalarawan ng iyong pamayanan at kung paanong makatutulong sa pangangailangan ng
pamayanan ang panukalang proyektong iyong ibinigay

Halimbawa:

Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling
pamayanang agrikultural bagamat unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar na ito. Isa sa mga
suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito
ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at
maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa

bundok. Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng
tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na
lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang
proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

ARALIN 4

AKADEMIKONG SULATIN: PAGSULAT NG KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKTO

PAGSULAT NG KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKTO

1. Layunin - Kailangang maging tiyak at isulat batay sa inaasahang resulta ng panukalang proyekto. Ayon kina Jeremy
Miner st Lynn Miner (2005), ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.

SIMPLE:

Specific – bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto

Immediate – tiyak na petsa kung kailan ito matatapos

Measurable – may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto

Practical - solusyon sa suliranin

Logical - paraan kung paano makakamit ang proyekto

Evaluable – nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto.


2. Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari ng buuin ang talaan ng mga gawain o plan of
action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.

- Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsagawa nito


kasama ang mga taong kakailanganin.

Dapat maging makatotohanan at kailangang ikonsidera ang badyet sa pagsasagawa nito. Makatutulong kung gagamit ng
tsart o kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain.

Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao

1. Pagpapasa ,pag-aaproba ,at paglabas ng badyet (7 araw)

2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata sa paggawa ng breakwater o pader (2


linggo)

 Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo ng
breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.

3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa ng breakwater. (1 araw )

 Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontraktor para sa kabatiran ng
nakararami.

4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 buwan)

5. Pagpapasinaya at pababasbas ng breakwater (1 araw)

3. Badyet – pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto. Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin
(tulad materyales at sweldo sa manggagawa, allowance sa magbabantay at iba pa) na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin.

Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin. Maaaring magsagawa ng bidding sa mga
kontraktor na kadalasan ay may panukalang budget para sa gagawing proyekto. Maaaring magkaroon ng tatlo o higit
pang bidder na pagpipilian. Ibigay o ipagkatiwala ang proyekto sa kontraktor na magbibigay ng pinakamababang halaga
ng badyet.

Sa mga karagdagang kagamitan o materyales, mas makabubuti kung maghahanap muna ng murang bilihan para
makatipid din sa mga gastusin

Halimbawa ng badyet na maaaring gamitin sa pagpapagawa ng breakwater ng Brgy. Bacao

MGA GASTUSIN HALAGA


I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa isinumeti ng napiling
kontraktor (kasama na rito ang mga materyales at sweldo ng mga Php 3,200,000.00
trabahador )

II. Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito. Php 20,000.00

Kabuuang Halaga Php 3,220,000.00

MGA DAPAT TANDAAN


1. Gawing simple at malinaw ang iyong badyet. Dapat na malaman agad ng ahensiyang magtataguyod ang mga
bahagi nito. Ang mahahalagang detalye ng gastusin ay dapat na malinaw ang pagkakasaad.

2. Ayusing mabuti ang iyong panukala. Pagpangkat-pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon ng mga ito.
Siguraduhing nakahanay ang mga halaga upang madaling sumahin ito.

3. Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin ang mga bagay na
kailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan upang makasama ang iyong panukala sa kanilang
itataguyod. Sa ganitong paraan mas malaki ang tsansang maaprobahan ang iyong proyekto. Maaari ka ring
manghingi ng kopya ng mga naaprobahan nilang mga proyekto upang maikumpara ang gawa mo.

4. Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo. Ang mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto ay
kadalasang gumagawa ng pag-aaral para sa itataguyod nilang proposal.

5. Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng iyong integridad at karapat-dapat na
pagtitiwala para sa iyo.

PAGLALAHAD NG BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO

Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng


layunin hal. mga bata, mamamayan, kababaihan, magsasaka, mahihirap na pamilya, mga negosyante at iba pa.

PAGLALAHAD NG BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO

Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o konklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito, ay
maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto.

Paano Mapakinabangan ng Barangay Bacao ang panukalang proyekto.

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan ng


Brgy. Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Di na
makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng
malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa
tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng mga ipatatayong mga
pader.

BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO

Pamagat ng Panukalang Proyekto - hinango sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin

Nagpadala - tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto

Petsa - araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel isinama na rin kung gaano katagal gagawin ang proyekto

Pagpapahayag ng Suliranin - nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan

Layunin – dahilan o kahalagahan kung bakit isagawa ang panukala

Plano na dapat gawin - talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing para pagsasakatuparan ng proyekto gayundin
ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.

Badyet - kalkulasyon ng mga guguling gagamiti sa pagpapagawa ng proyekto

Paano mapakinabangan ng pamayanan o samahan ang panukalang proyekto - konklusyon ng panukala kung saan
nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito.
PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO:

Panuto: Gumawa ng sariling panukalang proyekto. Maaari mong ipagpatuloy ang nasimulan mo ng gawain o malaya
kang pumili ng bagong papaksain ayon sa suliranin sa iyong barangay o pamayanan. Ilagay ito sa bondpaper at
siguraduhing masusunod ang mga bahagi ng pagsulat nito.

You might also like