You are on page 1of 12

Pagsulat ng Panukalang

Proyekto
Pangalan/
Pamagat ng Proyekto

Nagpanukala o nanguna
sa proyekto

Lugar kung saan isinagawa o ipinatupad

Petsa ng pagpapatupad

Tao/ mga taong nagpapatupad/nagsasagawa ng proyekto

Pakinabang o magandang dulot ng proyekto


MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) sa kanilang aklat na A Guide to Proposal Planning and Writing,sa
pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtagay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito
ay ang sumusunod:
Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
Pagsulat ng Katawan Ng Panukalang Proyekto
Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito

A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto- Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto,
ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad,
samahan, o kompanyang pag-uukulan ng iong project proposal. Tandaan na ang pangunahing dahilan ng
pagsulat ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Higit na
magiging tiyak,
B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto -Ito ay binubuo ng layunin, planong dapat gawin, at
badyet.
1. Layunin- bahaging layunin makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-adhikain
ng panukala. Kailangang maging tiyak ang layinin ng proyekto. Kailangang isulat ito batay sa
mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano makakamit ang
mga resultang to. Ayon Kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008), ang layunin ay kailangang
maging SIMPLE.
Specific -nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
Measurable- may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto
Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
Evaluable -masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
Layunin: Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa
ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa
susunod na mga buwan.

2. Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng
mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang
suliranin. Mahalagang maplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa
nito kasama ang mga taong kakailangamin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Ito rin ay dapat na
maging makatotohanan o realistic. Kailangans ikonsidera rin ang badyet sa pagsasagawa nito.

3. Badyet-Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat


na paglalatag ng kakailanganing badyet para dito. Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang
makatipid sa mga gugugulin. Maaaring magsagawa ng bidding sa mga contractor na kadalasan ay
may mga panukalang badyet na para sa gagawing proyekto.
a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng
pamahalaan o institusyon na mag-aaproba ar magsasagawa nito.
b.Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga ito.
c.Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng pamahalaan, o
maaaring kompanya na magtataguyod n nasabing proyekto ay kadalasang nagsasagawa in ng pag-
aaral para sa itataguyod nilang proposal.
d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura o
erasure sapagkat ito ay nangangahulugan

Mga Gastusin Halaga


1.Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa isinumite ng napiling Php 3,200,00.00
contractor (kasama na rito ang lahat ng materyales at suweldo ng mga
trabahador)
2.Gartysun para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito Php 20,00.00

Kabuuang halaga Php 3,220,000.00


Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito
Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaaprubahan kung malinaw na nakasaad dito kung sino
ang matutulungan ng proyekyo at kung paano ito makatutulong sa kanila. Maaaring ang
makinabang nito ay mismong lahat ng mamamayan ng isang pamayanan, ang mga empleyado ng
isang kompanya, o kaya naman ay miyembro ng isang samahan. Mahalagang maging
espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin.

Balangkas ng Panukalang Proyekto


Maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto ang maaaring gamitin depende sa
may-akda na naghahain nito. Sa ibang sanggunian, tulad halimbawa ng isinulat ni Besim Nebiu
sa kanyang akdang Developing Skills & NGO's Project Proposal Writing (2002), bahagi ng
panukalang proyekto ang Abstrak o executive summary ng panukala lalo na kung medyo may
kahabaan ang isinulat na papel. Ito ay makatutulong sa mg abalang opisyal na kailangang
magbasá ng maraming mga panukala kung kaya kadalasan an executive summary na lamang ang
kanilang binabasa.
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto Kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang
tugon sa suliranin.
2. Nagpadala- - Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang
proyekto.
3. Petsa- o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging ito ang
tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin Dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang
pangangailangan.
5. Layunin- Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin- Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto.
8. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto kadalasan, ito rin ang
nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga tong makikinabang ng proyekto at
benipisyong makukuha nila mula rito.
PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER
PARA SA BARANGAY BACAO

Mula kay Leah Grace L. Delgado


324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Barangay Bacao
General Trías, Cavite
Ika-11 ng Disyembre, 2015
Habang Panahong Gugulin: 3 buwan at kalahati
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay
nanatiling pamayanang agrikultural bagama"'t unit-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha twing panahon
ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay,
kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhing pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa log na nanggagaling
sa bundok.
Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng
tubig mula sa log. Rung ito ay maipatatayo. tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan
sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog.
Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga
mamamayan.
1. Layunin
Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa ilog
upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa
susunod na mga buwan

Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng breakwater o
pader (2 linggo)
Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo ng
breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1 araw)
• Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa kabatiran ng
nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 na buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

Mga Gastusin Halaga

1.Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa isinumite ng napiling Php 3,200,00.00


contractor (kasama na rito ang lahat ng materyales at suweldo ng mga
trabahador)
2.Gartysun para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito Php 20,00.00
Kabuuang halaga Php 3,220,000.00
V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito
Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-
Pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao. Ang panganib sa pagkawala. ng buhay dahil sa
panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan.
Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mea kagamitan na tunay
na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumukay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng
kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang
tubig sa ilog sa tulong ng ipatatayong mga pader.
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa paglilikas ng
mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa twine lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiwasan
ang pagkasira ng pananim ng mga magsasaka na karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga
mamamayan nito.
Tivaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao.
Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsisilling proteksiyon sa panahon ng tag-ulan.

You might also like