You are on page 1of 46

ARALIN 4

Pagsulat ng
Panukalang Proyekto
Pagpapalalim na Gawain

Sa arling ito ay masusubukan mong bumuo


ng sariling panukalang proyekto para sa
paaralan o pamayanang kinabibilangan
Mahalagang Tanong

Bakit mahalagang matutuhan ang wastong


paraan ng pagsulat ng panukalang
proyekto?
Simulan Natin

Anong pinakahuling proyekto sa inyong


paaralan o pamayanan ang iyong nabalitaan
o natatandaan na nagdulot ng malaking
pakinabang para sa iyo at sa maraming tao?
Sagutin sa pamamagitan ng Pyramid
Diagram
Panglan/
Pamagat ng Proyekto

Nagpanukala o nanguna sa proyekto

Lugar kung saan isinagawa o


Ipinatupad

Petsa ng pagpapatupad

Tao/mga taong nagpapatupad/


nagsasagaw ng proyekto

Pakinabang o magandang dulot ng


proyekto
Ang Panukalang Proyekto

•Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The


Community Empowerment Collective, isang
samahang tumutulong sa mga non-governmental
organization (NGO) sa paglikha ng mga pag-
aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay
isang proposal na naglalayong ilatag ang mga
plano o adhikain para sa isang komunidad o
paaralan
Panukalang Proyekto
•Ito ay nangangahulugang isang
kasulatan ng mungkahing naglalaman
ng mga plano ng gawaing ihaharap sa
tao o samahang pag-uukulan nito na siyang
tatanggap at magpapatibay nito.
Panukalang Proyekto
•Ayon naman kay Besim Nebiu, may akda ng
Developing Skills of NGO Project Proposal Writing,
ang panukalang proyekto ay isang
detalyadong deskripsyon ng mga
inihahaing gawaing maglalayong
lumutas ng isang problema o suliranin.
Panukalang Proyekto
• Una sa lahat, ito ay kailangang maging tapat
na dokumento na ang pangunahing
layunin ay makatulong at
makalikha ng positibong
pagbabago.
Panukalang Proyekto

• Ayon kay Bartle (2011),


kailangan nitong magbigay ng
impormasyon at makahikayat ng
positibong pagtugon mula
sa pinag-uukulan nito.
Mga Dapat Gawin sa
Pagsulat ng Panukalang
Proyekto
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto

Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa


kanilang aklat na A Guide to Proposal Planning
and Writing, sa pagsasagawa ng panukalang
papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong
mahahalagang bahagi at ito ay ang
sumusunod:
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto
a. Pagsulat ng Panimulang Panukalang
Proyekto
b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto
c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at
Mga Makikinabang Nito
A. Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto
•Ang unang mahalagang hakbang na
dapat isagawa ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad,
samahan, o kompanyang pag-uukulan
ng iyong project proposal.
A. Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto
•Tandaan na ang pangunahing dahilan
ng pagsulat ng panukalang proyekto ay
upang makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago. Higit na
magiging tiyak,napapanahonat akma
kung matutumbok mo ang tunay na
pangangailangan ng paguukulan nito.
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
•Maisaagawa ang unang bahaging ito sa
pamamgitan ng pagmamasid sa pamayanan o
paaralan. Maaring magsimula sa pagsagot sa
sumsusunod na mga tanong:
1.Ano-ano ang mga pangunahing suliranin na
dapt lapatan ng agarang solusyon?
2.Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan
o paaralang ito na nais mong gawan ng
panukalang proyekto?
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
• Mula sa mga makukuha sa mga nakatalang
tanong ay makakakalap ka ng mga ideyang
magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ng
panukalang proyekto. Ilang halimba nito ay ang
sumusunod:
Sa Barangay Pagkakaisa, ang dalawang suliraning
nararanasan ng mga mamamayan ay ang
sumusunod:
1. Paglaganap ng sakit na dengue.
2. Kakulangan ng suplay ng tubig.
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
• Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang
mga kailangan ng Barangay Pagkakaisa upang
malutas ang kanilang mga suliranin.
1. Paglaganap ng sakit na dengue
a.
b.
2. Kakulangan sa suplay ng tubig
a.
b.
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
• Mula sa halimbawa, mapapansing
maaaring magkaroon ng maraming
solusyon para sa suliranin. Ngunit
higit na makabubuti kung
magbigay-tuon lamang sa isang
solusyon na higit na mahalagang
bigyang-pansin. Dito ngayon iikot
ang isusulat na proyekto.
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
• Mula rito ay maaari nang isulat ang
panimula ng panukalang
proyekto kung saan ito ay
naglalaman ng suliraning
naranasan ng pamayanan o
paaralang pag-uukulan nito at
kung paano isasagawa.
Halimbawa ng Pagpapahayag ng
Suliranin
B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto
• Matapos na mailahad ang
panimulang naglalahad ng
suliranin ng gagawing proyekto ay
isunod na gawin ang
pinakakatawan ng sulatin. Ito ay
binubuo ng layunin, plano na
dapat gawin at badyet.
B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto
• Layunin-makikita ang mga
bagay na gusting makamit o ang
pinaka-adhikain ng panukala.
Kailangang maging tiyak ang
layunin ng proyekto.
Layunin

Kailangang isulat ito batay


sa mga
inaasahang resulta ng
panukalang proyekto. At HINDI batay
sa kung paano makakamit ang mga
resultang ito.
Layunin

Ayon kina Jeremy Miner at


Lynn Miner (2005), ang
layunin ay kailangang maging
SIMPLE
SIMPLE
Simple-nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari
sa panukalang proyekto.
Immediate-nakasaad amg tiyak na petsa kung kalian ito
matatapos.
Measurable-may basehan o patunay na naisakatuparan
ang nasabing proyekto.
Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin.
Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang
proyekto.
Evaluable-masusukat kung paano makatutulong ang
proyekto
Halimbawa ng Layunin
Layunin: Makapaggawa ng breakwater
o pader na makatutulong upang
mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa
ilog upang matiyak ang kaligtasan ng
mga mamamayan at maging ang
kanilang mga ari-arian at hanapbuhay
sa susunod na mga buwan.
2. Plano ng Dapat Gawin
• Matapos maitala ang mga layunin ay
maaari nang buoin ang talaan
ng mga gawain o plan of
action na naglalaman ng mga
hakbang na isasagawa upang
malutas ang suliranin.
2. Plano ng Dapat Gawin
• Mahalagang maiplano itong Mabuti
ayon sa tamang pagkakasunod-
sunod ng pagsasagawa nito
kasama ang mga taong
kakailanganin sa pagsasakatuparan
ng mga gawain. Ito rin ay dapat na
maging makatotohanan o
realistic.
2. Plano ng Dapat Gawin
• Mas makabubuti kung isasama ng
talatakdaan ng gawain ang petsa
kung kalian matatapos ang bawat
bahagi ng plano at kung ilang araw
ito gagawin. Kung hindi tiyak ang
mismong araw na maaaring matapos
ang mga ito ay maaaring ilagay na
lamang kahit lingo o buwan.
2. Plano ng Dapat Gawin
• Makatutulong kung gagamit
ng chart o kalendaryo
para markahan ang
pagsasagawa ng bawat
gawain.
Halimbawa ng Plano
3. Badyet
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng
anumang panukalang proyekto ay ang
wasto at tapat na paglalatag ng
kakailanganing badyet para dito.
Ang badyet ay ang talaan ng
mga gastusin na kakailanganin
sa pagsasakatuparan ng layunin.
Paghahanda sa Isang Simpleng
Proyekto
a. Gawing simple at malinaw ang badyet
b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa
klasipikasyon
c. Isama sa iyong badyet maging ang huling
sentimo
d. Siguraduhing wasto o tama ang
ginawang pagkukuwentang mga
gastusin.
Halimbawa ng Badyet
C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto
at Mga Makikinabang Nito.
• Kadalasan ang panukalang proyekto ay
naaaprobahan kung malinaw na nakasaad
dito kung sina ang matutulungan ng
proyekto at kung paano ito makatutulong
sa kanila. Mahalagang maging espesipiko
sa tiyak na grupo ng taong makikinabang
sa pagsasakatuparan ng layunin.
C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto
at Mga Makikinabang Nito.
• Maari na ring isama sa bahaging ito ang
katapusan o kongklusyon ng iyong
panukala. Sa bahaging ito ay maaaring
ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat
aprobahan ang ipinasng panukalang
proyekto.
Halimbawa kung Paano Mapakikinabangan ang
Panukalang Proyekto
Balangkas ng Panukalang Proyekto
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto
2. Nagdala
3. Petsa
4. Pagpapahayag ng Suliranin
5. Layunin
6. Plano ng Dapat Gawin
7. Badyet
8. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Paaralan ang
Panukalang Proyekto.
HALIMBAWA NG PANULAKANG
PROYEKTO
WORKSHEET
PALAWAKIN PA NATIN
(PERFORMANCE TASK)

You might also like