You are on page 1of 10

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BAHAY-

AMPUNAN PARA SA MGA LIGAW NA ASO


NG BARANGAY TAG-ABACA

Inilalahad nina: Benitez, Angel Heaven S.


Ebueza, Erich S.
Desio, Paolo Cesar M.
Estubio, Karl Martin T.
Mula kay Erich S. Ebueza
Purok 8 Tag-Abaca, Basilisa, Dinagat Islands
Ika-21 ng Nobyembre, 2023
Haba ng Panahong Gugulin:

I. Pagpapahayag Ng Suliranin

Sa lungsod ng Basilisa, ang Barangay Tag-abaca ang sentro sa


kabuoan ng 27 dalawampu’t pitong barangay na nakapaluob sa
lungsod. Ito ay isang pamayanang unti-unti ng umuunlad sa aspeto
ng healthcare services, transportasyon, turismo at iba pa para sa
mga mamamayan bagama’t nakakaligtaan at nakakalimutan ng
lokal na pamahalaan ng Tag-abaca ang pangangalaga sa mga
hayop, lalo na sa mga aso.
Alinsunod sa batas para sa karapatan at kapakanan ng hayop sa
Pilipinas, ang Batas Republika bilang 8485 o kilala bilang
“Animal Welfare Act”. Sa Barangay Tagabaca, makikita ang
dumaraming ligaw na aso na nangangailangan ng pag-aaruga at
ligtas na lugar. Ang kawalan ng sapat na pasilidad at pangangalaga
para sa kanilang kalusugan at kagalingan ay nagdudulot ng mga
pangkaraniwang isyu tulad ng pag-atake sa mga residente,
pagkalat ng sakit, at disgrasya sa transportasyon, kung saan ang
mga ito ay madalas na tumatawid sa gitna ng mga kalsada at
highways. Ang pangangailangan na tugunan ang suliraning ito ay
hindi lamang sa aspeto ng pangangalaga sa mga hayop kundi pati
na rin sa pagpapabuti ng kaligtasan at kahandaan ng buong
komunidad sa Barangay Tag-abaca.
II. Layunin
Ang pagpapagawa ng bahay-ampunan para sa mga
ligaw na aso ay upang magbigay ng ligtas na tahanan at
pangangalaga para sa mga ligaw na aso sa Barangay Tag-
abaca. Nais nating mapanatili ang kanilang kalusugan,
mapanagot na pag-aalaga, at mabawasan ang mga isyu sa
komunidad na may kinalaman sa ligaw na mga aso.

III. Plano ng Dapat Gawin:

1. Pagpapasa, pag-aaproba, at pagpapalabas ng badyet (7 araw)


• Review at pag-audit ng detalyadong badyet.
• Pagsusuri at pagtatalaga ng pondo para sa yugto ng proyekto.

2. Pagsasagawa ng bidding para sa kontraktor ng bahay-ampunan (2 Linggo)


• Paghahanda ng dokumentasyon para sa bidding process.
• Paglilinaw ng mga alituntunin at kwalipikasyon para sa mga kontraktor.
• Pag-audit sa mga sumite ng kontraktor at pagsusuri ng kanilang plano para sa
bahay-ampunan.
3. Pagpupulong ng konseho ng Barangay Tag-abaca para sa paghahalal
ng kontraktor (1 Araw)
• Pag-audit sa mga sumite ng kontrakto
• Paghahanda ng sistema para sa transparent na pagpili ng kontraktor.
• Opisyal na pagpapahayag ng napiling kontraktor sa harap ng konseho.

4. Pagpapatayo ng bahay-ampunan sa ilalim ng pamamahala ng konseho


ng Barangay Tag-abaca (6 Buwan)
• Pagpaplano ng konkreto at detalyadong disenyo ng bahay-ampunan.
• Regular na pagmomonitor ng progreso ng konstruksiyon at pagtatalaga ng
point person para sa koordinasyon.

5. Regular na Komunikasyon sa Komunidad (Buong Panahon ng Proyekto)


• Pagbuo ng sistema para sa regular na update sa komunidad hinggil sa
progress ng proyekto.
• Pag-audit ng feedback mula sa mga residente upang makakuha ng insights
at suhestiyon.

6. Pagtutok sa Environmental Impact (Buong Panahon ng Konstruksiyon)


• Pagsusuri at pagtutok sa mga hakbang na makakatulong sa pagmiminimize
ng environmental impact ng konstruksiyon.
8. Pagsusuri at pagsasanay sa paggamit ng bahay-ampunan
(Pagkatapos ng Pagpapasinaya)
• Pagsasanay sa mga tagapangalaga ng bahay-ampunan ukol sa mga
protocols para sa pangangalaga ng mga aso.
• Pagsusuri at audit sa kalagayan ng bahay-ampunan upang mapanatili ang
kalidad nito.

9. Pagsasanay sa Komunidad Tungkol sa pet adoption


(Pagkatapos ng Pagpapasinaya)
• Pagbuo ng programa para sa tamang proseso ng pet adoption
• Pagsasanay sa mga interesadong adopters ukol sa responsableng pag-
aalaga ng alagang hayop.
IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


Konstruksiyon ng Pasilidad
Pagtatayo at pagpapagawa ng ligtas, at ng
komprehensibong pasilidad batay sa
isinumite ng napiling kontraktor (kasama 5,500,000.00
na ang halaga ng materyales, sweldo,ng
mga trabahador at iba pang kagamitan).

Pagkuha ng permit, lupa, at iba pang 1,200,000.00


gastos.
Pangangalaga sa mga Aso
Veterinarian services (check-up, bakuna, 500,000.00
vitamins etc.)
Pagkakaroon ng trained staff 1,800,000.00
Pagkakaroon ng supply ng pagkain at iba 2,500,000.00
pang pangangailangan
Emergency Fund
Reserbang pondo para sa mga hindi 300,000.00
inaasahang pangangailangan
Pabasbas
Gastusin para sa papapasinaya at pabasbas 10,000.00
ng pasilidad.
Kabuoang Halaga Php11,810,000
V. Benipisyo Ng Proyekto At Mga Makikinabang Nito

Ang proyektong ito ng pagtatayo ng bahay-ampunan para sa mga


ligaw na aso sa Barangay Tag-abaca ay magdadala ng malawakang
benepisyo sa komunidad. Sa pamamagitan ng pagbigay ng ligtas at
malusog na tahanan para sa mga hayop, ito ay makakatulong sa
pagbawas ng mga insidente ng pag-atake ng ligaw na aso, nagreresulta
sa isang mas ligtas na kapaligiran para sa mga residente. Bukod dito, ang
edukasyon sa komunidad ukol sa responsableng pag-aalaga ng alagang
hayop ay magbibigay ng karagdagang kaalaman at pag-unawa sa
pangangalaga ng aso. Ang proyektong ito ay hindi lamang naglalayong
tugunan ang pangangailangan ng mga hayop, kundi pati na rin
nagpapalakas ng samahan at pangmatagalang kaayusan sa Barangay
Tag-abaca, na maaaring magsilbing inspirasyon sa ibang barangay para
magtayo rin ng kanilang sariling bahay-ampunan. Sa pangkalahatan, ito
ay isang hakbang patungo sa mas responsableng pamamahala at
pangangalaga sa mga alagang hayop sa komunidad.
MARAMING
SALAMAT !!

You might also like