You are on page 1of 6

Reviewer in Filipino

Etimolohiya - ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng pinagmulan ng bawat salita at


kung paano nababago ang kahulugan nito sa pagdaan ng panahon.

Epistimolohiya - kung saan pumapasok ang pilosopiya ng pagbibigaykatwiran


sa lahat ng bagay sa ngalan ng dagdag-kaalaman.
Panulaan o poetry - ay higit na tinatangkilik ng mga tao dahil isa ito sa anyo ng
sining na nagbibigay-daan upang maipahayag ang kanilang niloloob sa isang
kakaibang paraan. Nakikita ng mga tao (manunula) na maaaring gamitin ang
sining ng pagtula sa paghahatid ng makabuluhang mensahe sa kanilang kapuwa.

Alejandro G. Abadilla (1906-1969) - kinikilalang “Ama ng Makabagong


Panulaang Tagalog,” ang nagpasimula sa pagpapakawala ng panulaan sa
pamantayan nito na dapat ay may sukat at tugma. Dekada „40 nang simulan
niyang baliin ang nakasanayang pagsulat ng tula at baguhin ang nakasanayang
tema ng romantisismo na inilalapat din sa iba pang akdang pampanitikan.

Tula (poem) - ay isang uri ng panitikan na nakapaloob sa anyong panulaan


(poetry). Nakapaloob din sa panulaan ang iba pang uri ng panitikan gaya ng awit,
korido, soneto, epiko, at iba pa. ay naglalaman din ng mensaheng nais palutangin
ng manunulat gamit ang iba-ibang elementong taglay ng isang tula. Inaasahan na
ang isang tula ay mayroong sukat, saknong, tugma, talinghaga o kariktan, aliw-iw
o indayog, at persona.

*Mga Elemento ng Tula*

 Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod

(line) na bumubuo sa isang saknong (stanza). Ang pantig ay tumutukoy sa


paraan ng pagkakahati ng salita kapag ito‟y binibigkas.

 Saknong - Ito ang bahagi ng tula na binubuo ng dalawa o higit pang

taludtod. Naririto ang mga kategorya ng tula, nakabatay ito kung ilang
tuludtod ang bumubuo sa bawat saknong nito.
2 linya – couplet
3 linya – tercet
4 linya –quatrain
5 linya – quintet
6 linya – sestet
7 linya – septet
8 linya – octave
Ang couplets, tercets, at quatrains ang malimit gamitin sa isang tula.

 Tugma - Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng

huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Ito ang nagbibigay ng


kagandahan sa pagbigkas ng isang tula.

 Talinghaga o Kariktan - Tumutukoy ito sa paggamit ng

matatalinGhagang pananalita o rhetorical devices sa loob ng isang tula. Ito


ang nagpapaiba sa tula kung ihahambing sa mga akdang tuluyan (prose).
Kalimitang kakikitaan ng tayutay (figures of speech) at idyomatikong
pahayag ang isang tula.

 Indayog o Aliw-iw - Kung ang mga awit ay mayroong tono, ang

tula ay nararapat na magkaroon ng indayog habang ito ay binibigkas.


Nakadaragdag ito ng interes para sa mga manonood o tagapakinig.
 Persona - Tumutukoy naman ito sa taong nagsasalita sa tula.

Mababatid kung nasa una, ikalawa, o ikatlong panauhan ang tula depende
sa mga panghalip na ginamit dito.

sukat at tugma - ay tinatawag na malayang taludturan na siyang tinatangkilik sa


kasalukuyan.

matatalinghagang pananalita o rhetorical devices - ay sangkap na


ginagamit sa mga akdang pampanitikan upang mapalutang ang sining na taglay
nito at mahalina ang mga mambabasa at tagapakinig. Ilan sa malimit gamiting na
matatalinghagang pananalita ay nakapaloob sa tinatawag na tayutay at mga
idyoma.

Tayutay - ay paraan ng pagpapahayag kung saan sadyang inilalayo sa karaniwan


ang paglalahad ng mensahe. Layunin nitong gawing masining, matalinhaga, at
malalim ang isang pahayag.

Pagtutulad o simile - Ang hindi tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay,


tao, o pangyayari ay gumagamit ng mga pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng,
gaya ng.

Pagwawangis o metaphor - Ito ay uri rin ng paghahambing ngunit hindi


ginagamitan ng mga salitang naghahambing sa halip tuwirang inihahambing ang
dalawang magkaibang bagay.

Pagsasatao o personification - Malimit itong gamitin upang laruin ang


pahayag kung saan ang isang bagay na walang buhay ay pinakikilos na parang tao.

Pagtawag o apostrophe - Pinasisidhi nito ang damdamin ng pahayag sa


pamamagitan ng pagtawag sa mga kaisipan upang magpakita ng matinding
emosyon.

Pagmamalabis o hyperbole - Dito nilalangkapan ng malabis na paglalarawan


o eksaherasyon sa pahayag.
Pag-uyam o irony - Ito ay pahayag na hindi lantad ang pangungutya sa tao o
bagay. Sa una ay tila namumuri ang pahayag, ngunit sa hulihan ay nanunudyo
lamang ito.

Idyoma - kung saan ang mga pahayag ay nagtatago ng tunay nitong kahulugan.
Naririto ang ilang halimbawa ng mga idyoma.
 Anghel ng tahanan – anak
 Binuksan ang dibdib – ipinagtapat ang saloobin
 ‘Di-mahulugang karayom– maraming tao
 Durugin ang puso – pasakitan
 Guhit ng palad – kapalaran
 Lumaki ang ulo – naging mayabang
 Iguhit sa tubig – kalimutan
 May gatas pa sa labi – bata pa
 Magbuhat ng sariling bangko – nagyayabang
 Nagpanting ang tainga – nagalit; nainis
 Nagdilang anghel – nagkakatotoo ang sinabi
 Suntok sa buwan – mahirap abutin; malabong mangyari
 Magsunog ng kilay – mag-aaral nang mabuti
 Ningas kugon – panandalian
 Balat-sibuyas – sensitibo, iyakin
 Kahiramang suklay – matalik na kaibigan

*Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Matatalinghagang


Pananalita*
1. Pumili ng napapanahon at kagiliw-giliw na paksa.
2. Bumuo ng mga pahayag na kakikitaan ng mga tayutay.
3. Gumamit ng angkop na idyoma sa paglalarawan ng ideya.
4. Suriin ang mga nabuong pahayag batay sa kasiningan nito.
5. Magkaroon ng rebisyon kung kinakailangan.

Ang matatalinhagang pananalita ay katanggap-tanggap gamitin at


palutangin sa mga akdang pampanitikan, higit lalo sa mga tula at awit, sapagkat
ito ang pinakalayunin ng isang tula–ang itago ang totoong kahulugan nito–upang
maging mas masining at kaakit-akit para sa mga mambabasa.

You might also like