You are on page 1of 6

HOLY ROSARY ACADEMY OF LAS PIÑAS CITY

TAONG PANURUAN 2021-2022


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
SENIOR HIGH SCHOOL
Baitang 11
IKALAWANG MARKAHAN

I. Aralin 2: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino


(Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal)
II. Nilalaman:

Alam Mo Ba?
 Siya ay isang mahusay, kilala at maimpluwensiyang
lingguwista at anthropologist na maituturing na “higante” sa
dalawang nabanggit na larangan.
 Mas naging interesado sa simpleng tanong na “ Paano ba
nakikipagtalastasan ang isang tao?”

 Siya ay isinilang sa Portland, Oregon, United States noong


Hunyo 7, 1927.

Dell
Hathaway Hymes
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang
maging maayos ang komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos ang
dalawang taong nag-uusap.

Kakayahang Komunikatibo
(communicative competence)
 Ayon sa kanyang orihinal na ideya, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon ng
kakayahang lingguwistika o gramatikal upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat
din niyang malaman ang paraan ng wika ng lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang
matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin.
 Ang isang tao ay may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lamang ng kaalaman tungkol dito
kundi ng kahusayan, kasanayan at galling sa paggamit ng wikang naaangkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo. (Bagaric et al. 2007)
 Kailangang pantay na isaalang-alang ang mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian
(gramatika) ng wikang ginamit sa teksto. (Higgs at Clifford 1992)
 Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002), na ang paglinang ng wika ay nakapokus sa
kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay,
makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan ng lubusan ang kagandahan ng buhay ng kanilang
ginagalawan.
Silid-aralan ang Daan Tungo sa Paglinang ng Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino

Silid-aralan

 Dito nagaganap ang pormal na pagkatuto ng


wika
 Ayon kay Cantal-Pagkalinawan (2010), isang
propesor ng Hawaii, ang mahusay na klasrum
pangwika ay yaong may aktibong inter-aksiyon
sa pagitan ngu guro at ng estudyante, at sa
estudyante sa kanyang kapwa/estudyante.
 Ang guro ay nagsisilbing tagapatnubay/facilitator.
Mungkahing Konsepto ng Kakayahang Lingguwistiko o Kakayahang Gramatikal
(Celce-Murcia, Dornyei, at Thurell (1995))

Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo

 Sintaks
Pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan

 Estruktura ng pangungusap
 Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
 Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, padamdam)
 Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan)
 Pagpapalawak ng pangungusap
 Morpolohiya
Mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi ng pananalita

 Iba’t ibang bahagi ng pananalita


 Prosesong derivational at inflectional
 Pagbubuo ng salita

 Leksikon
Mga salita o bokabularyo

• Pagkilala sa mga
 content words (pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
 function words (panghalip, mga pang0ugnay tulad ng pangatnig, pang-ukol, pang-angkop)
• Konotasyon at denotasyon
• Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita)

 Ponolohiya o Palatunugan
 Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaas-
pagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening).
• Segmental
 katinig, patinig, tunog
• Suprasegmental
 diin, intonasyon, hinto

 Ortograpiya
 Ito ay sining ng pagsulat ng mga salita na may tumpak na titik alinsunod sa wastong gamit, wastong
baybay
• Mga grafema
 titik at di titik
• Pantig at Palapantigan
• Tuntunin sa pagbaybay
• Tuldik
• Mga bantas
SINTAKS

MORPOLOHIYA

MGA BAHAGI NG PANANALITA 

I. PANGNGALAN/NOUN 
1. Pangngalan - salitang tinutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop o pangyayari. 

II. PANGHALIP/PRONOUN 
1. Panghalip - panghalili ng mga pangngalan. 
2. Pronoun - is a part of speech that is used in place of a noun. 

III. PANG-URI/ADJECTIVE 
1. Pang-uri - bahagi ng panalita na naglalarawan o tumuturing sa pangngalan o panghalip. 

IV. PANDIWA/VERB 
1. Pandiwa - bahagi ng panalita na nagsasaad ng kilos. 
V. PANG-ABAY/ADVERB 
1. Pang-abay - tumuturing sa Pang-uri, Pandiwa, at Kapwa Pang-abay. 

VI. PANGATNIG/CONJUNCTION 
1. Pangatnig - nag-uugnay ng mga magkapanunod na salita, parirala o sugnay. 

VII. PANDAMDAM/INTERJECTION 
1. Pandamdam - mga salitang nagdadamdam ng malakas na emosyon. 

VIII. PANTUKOY/PREPOSITION 
1. Pantukoy - ginagamit upang ipakilala ang pangngalan o panghalip sa pangungusap. 

IX. PANG-UKOL/ARTICLE 
1. Pang-ukol - mga salitang ginagamit sa pantukoy kung ang pangngalan ay definite or indefinite. 

X. PANG-ANGKOP 
1. Pang-angkop - bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga panuring (pang-uri, pang-abay) sa
tinuturingan nito. 

XI. PANGAWING 
1. Pangawing - nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap. 
A. Bigyang-kahulugan ang ilang mahahalagang salitang nagging bahagi ng talakayan gamit ang sarili mong
pananalita batay sa iyong pagkaunawa sa bawat isa.
1. Kakayahang pangkomunikatibo_________________________________
2. Kakayahang lingguwistiko _________________________________
3. Linguist _________________________________
4. Sintaks _________________________________
5. Ortograpiya _________________________________
PAGTATAYA #2

Ibigay kung SINO o ANO ang hinihingi sa bawat bilang.

_________1. Siya ay isang mahusay, kilala at maimpluwensiyang lingguwista at anthropologist na


maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit na larangan.

_________2. Ito ay pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan.

_________3. Dito nagaganap ang pormal na pagkatuto ng wika

_________4. Ito ay pag-aaral ng mga ponema.

_________5. Kailangang pantay na isaalang-alang ang mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o


kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto.

Takdang-aralin: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ilagay ito sa inyong kwaderno.

1. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa epektibong komunikasyon?


2. Ayon kay Savignon, ano ang pagkakaiba ng competence at performance?
3. Bakit mahalagang magkaroon ng kakayahang pangkomunikatibong sosyolingguwistiko?

III. Sanggunian:
 Dayag, Alma M. (2017), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. Quezon
City. Phoenix Publishing House, Inc. ph. 146-154
 https://prezi.com/kknbwiq_btms/kakayahang-lingguwistiko/

You might also like