You are on page 1of 21

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Sariling Pagpapakahulugan
Panuto: Bigyang kahulugan ang ilang mahahalagang
salitang natutuhan mo sa naunang aralin.

1. Kakayahang Lingguwistiko ____________________


2. Linguist ___________________________________
3. Ortograpiya ________________________________
4. Gramatika _________________________________
5. Sintaks ___________________________________
Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon
Sa ikaapat na aralin nabatid mong hindi sapat na ang
tao’y matuto ng lengguwahe at makapagsalita , dapat ding
maunawaan at magamit niya ito nang tama. Ayon sa
linggwistang si Dell Hymes, magiging mabisa lamang ang
komunikasyon kung ito ay isasaayos, at sa pagsasaayos ng
komunikasyon, may mga bagay na dapat isaalangalang.
Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING bilang acronym upang
isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng
mabisang pakikipagtalastasan. Binuo niya ang modelo upang
makatulong sa pagsusuri ng diskurso.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon

S- ( Setting )
P- ( Participant )
E- ( Ends )
A- ( Act Sequence )
K- ( Keys )
I- ( Instrumentalities )
N- ( Norms )
G- ( Genre )
S- ( Setting )- Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o
nakikipagtalastasan ang mga tao. Mahalagang salik ang
lugar kung saan nag-uusap ang mga tao.
P- ( Participant )- Ang mga taong nakikipagtalastasan.
Isinasa-alang-alang din natin ang ating kausap upang
pumili ng paraan kung paano siya kakausapin.
E- ( Ends ) Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan.
Dapat bigyan ng konsentrasyon ang pakay o layunin ng
pakikipag-usap.
A- ( Act Sequence )- Ang takbo ng usapan. Binigyang-
pansin din ang usapan, minsan ay nag-uumpisa tayo sa
mainit na usapan na kapag mahusay ang nakikipagusap
ay madalas itong humahantong sa mapayapang
pagtatapos.
K- ( Keys )- Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o
pook, nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng
usapan, kung ito ba ay pormal o di- pormal.
I- ( Instrumentalities )- Tsanel o midyum na ginamit,
pasalita o pasulat. Dapat isaisip ang midyum ng
pakikipagtalastasan.
N- ( Norms )- Paksa ng usapan. Mahalagang alamin
kung tungkol saan ang usapan. May mga sensitibong
bagay na kung minsan ay limitado lamang ang ating
kaalaman.

G- ( Genre ) – Diskursong ginagamit, kung


nagsasalaysay, nakikipagtalo o nangangatwiran. Dapat
tanggap ang aral ng diskursong gagamitin sa
pakikipagtalasatasan.
Binuo ni Dell Hymes ang
modelo na ito upang itaguyod
ang paggamit ng diskurso
bilang serye ng usapan sa
isang kontekstong kultural.
Kakayahang
Pangkomunikati
bo ng mga
Pilipino
Kakayahang Sosyolinggwistiko
•Pag unawa batay sa Pagtukoy sa Sino, Paano,
kailan, Saan, Bakit nangyari ang Sitwasyong
Komunikatibo
• Sa ikaapat aralin ay nabatid mo ang
kahalagahan ng kakayahang komunikatibo. Sa
modelon g ginamit nina Conale at Savignon.
Inisa-isa nila ang tatlong kasanayang pang
komunikatibo, una ang linggwistiko o
gramatikal na kakayahan tinutukoy sa ikaapat
na aralin, ikalawa ay ang sosyolinggwistiko na
tatalakayin sa araling ito.
Sa pagtatalakay ng kakayahang sosoyolinggwistiko ay
maaari nating balikan ang mga usapin tungkol sa pagkakaiba ng
competence o kagalingan o kakayahan sa performance o
pagganaap sa gitna ng maraming disesyon may marka ang
naging pananaw ni Savignon ( 1972 ) isang propesor sa
University of Illinois, sa pamamagitan ng competence at
performance. Ayon sa kanya, ang competence ay ang batayang
kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika habang ang
performance ay ang paggamit ng tao sa wika.
Idinagdag niya na ang kakayahan o kaalaman ng tao sa
wika ay makikita, madedebelop, at matataya lamang gamit ang
pagganap. Itinutumbas niya ang kakayahang
pangkomunikatibo sa kakayahang gamitin ng tao ang isang
wika.
Ang kakayahang Sosyolingguwistiko ay ang pagsaalang-
aalang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap, ang
impormasyong pinag-uusapan. Isinaalangalang dito ang
kontekstong sosyal ng isang wika.
Sa mga bagay na dapat isaalangalang para sa
epektibong komuniksayon na iniisa-isa ni Hymes sa
kaniyang acronym na SPEAKING, mapapansing tatlo sa
mga ito ay ang participant, setting, at norms na
binibigyan din ng konsiderasyon ng isang taong may
kakayahang sosyolingguwistiko. Ayon kay Franklin ( sa
Pagkalinawan 2004 ) isang propesor sa wika, may mga
salik panlipunang dapat isaalang-alang sa paggamit ng
wika, ito ang ugnayan ng pag-uusap, ang paksa, lugar, at
iba pa.
Ang isang taong may ganitong uri ng kakayahan ay
iniaangkop ang wika sa kanyang kausap, kung ang
kaniyang kausap ba ay bata o matanda , propesyonal o
hindi pa nakapagtapos, lokal o dayuhan. Iniaangkop din
niya sa lugar na pinaguusapan, tulad ng kung nasa ibang
bansa o lugar ba siya na hindi masyadong nakauunawa
ng kanyang wika. Isinasaalang-alang din niya ang
impormasyong pinag-uusapan, ito bay tungkol sa iba-
ibang paniniwala tungkol sa politika, o tungkol sa iba-
ibang pananampalataya.
Kailangang alam at magamit ng nagsasalita
ang angkop na wika para sa hinihinging
pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng
isang taong mahusay lang magsalita kompara sa
isang katutubong nagsasalita ng wika. Madalas ang
isang mahusay lang magsalita ang maaaring
magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na
maaaring magbigay impresyon sa tagapakinig na
siya’y walang galang ,mayabang o naiiba.
Panuto: Isulat sa kahon ang mga salitang maiiugnay mo
sa kakayahang Sosyolingguwistiko at bumuo ng isang
pagpapakahulugan sa kakayahang Sosyolingguwistiko
mula sa mga salitang isinulat mo sa loob ng kahon. 5
puntos para sa salitag iyong maiugnay at 5 puntos
naman para sa pagpapakahulugan
Sagutin Natin Panuto: Ang mga sumusunod ay mga sitwasyong
pangkomunikatibo. Ngayon ay sumulat ng diyalogo batay sa mga
sitwasyon. Piliin ang angkop na salita at paraan ng paggamit nito
batay sa sitwasyon. Isulat ang diyalogo sa loob ng kahon.

1. May usap-usapang tatanggalin na sa puwesto ang


nakaluklok na Department Head ng isang opisina. Nakarating
ito sa kinauukulan at ito ay ikinagalit niya. Ikinasama niya ng
loob ang pagkalat ng impormasyon habang siya ay walang
kaalam-alam. Sa halip na magmukmok lamang ay pumunta
siya sa opisina ng pangulo ng kompanya upang alamin ang
katotohanan.
B. Bigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan (10
puntos)
1. Kakayahang Sosoyolinnguwitiko- ________________________
2. Competence- _____________________________________
3. Performance- _____________________________________
4. Setting- __________________________________________
5. Participant- _______________________________________
Buuin Natin Panuto: Sa isang kalahating papel. Isulat
ang sagot sa tanong na “Bakit mahalagang magkaroon
ng kakayahang Sosyolingguwistiko?” Kinakailangang
nasa limang pangungusap ang iyong kasagutan.
(5puntos)

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

You might also like