You are on page 1of 24

Kakayahang

Sosyolingguwistiko
ARALIN 5

Komunkasyon at Pananaliksik Bb. Jessica


LAYUNIN:
Naipaliliwanag ang kahulugan ng
kakayahang Sosyolingguwistiko
Naiisa-isa ang epektibong
komunikasyon
Napipili ang angkop na mga salita at
paraang paggamit nito sa mga usapang
o talakayan batay sa kausap, pinag-
uusapan, lugar, panahon, layunin at
grupong kinabibilangan ( F11PS - IIe -
90 )
PAGGANYAK
#SAGOTSATANONGIBABAHAGIKO
Ang epektibong komunikasyon ay may
malaking gampanin sa ating buhay sapagkat
ito ang nagbibigay daan upang mapaunlad
natin ang ating pagkikipag-ugnayan sa ibang
tao.

Mga Dapat Isaalang-alang


sa Epektibong
Komunikasyon

Ginamit ni Dell Hymes ang


SPEAKING bilang akronim
upang isa-isahin ang mga
dapat isaalang-alang para
magkaroon ng mabisang
pakikipagtalastasan
S (Setting)
Lugar kung saan ka
nakikipagtalastasan.
Dapat iakma ang mga
salita at paraan ng
pananalita sa lugar na
inyong kinaroroonan.
P (Participant)
Taong ating kausap. Dapat
nating isaalang-alang ang
kung sino ba ang ating
kausap, upang maiakma
ang salita at paraan ng
pananalita sa kanya
E (Ends)
Layunin ng pakikipag-
usap. Dapat isaalang-
alang ang layunin kung
bakit ka nakikipag-usap.
Tulad na lamang ng
paghingi mo ng pabor.
A (Act sequence)
Daloy ng usapan. Minsan ay
nag-uumpisa tayo sa maiinit
na usapan at kapag mahusay
o maayos ang pakikipag-
usap ay madalas ito ay
humahantong sa
mapayapang pagtatapos.
K (Keys)
Tono ng pakikipag-usap.
Nararapat ding isaalang-
alang ang sitwasyon ng
usapan, kung ito ba ay
pormal o di pormal upang
maiakma natin ang ating
tono ng pananalita sa
kausap.
I (Instrumentalities)
Midyum na ginagamit sa
pakikipag-usap, pasalita
man o pasulat. Inaangkop
natin ang midyum o tsanel
na gagamitin sa kung ano ba
ang sasabihin natin at kung
saan natin ito sasabihin.
N (Norms)
Paksa ng usapan.
Mahalagang alamin kung
ano ang usapan. May mga
sensitibong paksa na minsan
ay hindi abot ng ating
isipang taglay.
May mga paksa ring pambabae, panglalaki,
at pangmatanda at iba pa.
G (Genre)
Diskursong ginagamit, kung
nagsasalaysay,
nakikipagtalo, o
nangangatwiran.
TANONG
1. Paano ka nakikipag-usap sa iyong magulang? guro at sa iba pang mga
nakatatanda? katulad lamang ba ito ng pakikipag-usap mo sa iyong
mga kaibigan o kaklase?
2. Sa lahat ba ng lugar at pagkakataon ay malaya kang magsalita nang
magsalita ng anomang iyong nais sabihin? o may mga sitwasyong
nangangailangan ng pagtitimpi?
Kakayahang
Sosyolingguwistiko
Ang kakayahang
sosyolingguwistiko ay
ang pagsaalang-alang
ng isang tao sa ugnayan
niya sa mga kausap, ang
impormasyong pinag-
uusapan, at ang lugar
ng kanilang pinag-
uusapan.
Ayon kay Fantini (sa Pagkalinawan, 2004), isang propesor
sa wika, may mga salik-panlipunang dapat isaalang-alang
sa paggamit ng wika, ito ay ang ugnayan ng nag-uusap,
ang paksa, lugar, at iba pa.
1. Participant
Ang isang taong may ganitong uri ng
kakayahan ay iniaangkop ang wika
sa kanyang kausap, kung ang
kanyang kausap ba ay batà o
matanda, propesyonal o hindi pa
nakapagtatapos, lokal ba o dayuhan.
2. Settings
Iniaangkop din niya sa lugar na
pinag-usapan, tulad ng kung nasa
ibang bansa o lugar ba siya na hindi
masyadong nakauunawa ng
kanyang wika.
2. Norms
Isinasa-alang-alang din niya ang
impormasyong pinag-uusapan, ito
ay tungkol sa iba-ibang paniniwala
tungkol sa politika, o tungkol sa iba-
ibang pananampalataya.
kailangang alam at magamit ng nagsasalita ang angkop na wika para
sa hinihinging pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang
taong mahusay lang magsalita kompara sa isang katutubong
nagsasalita ng wika. Madalas ang isang mahusay lang magsalita ay
maaaring magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na maaaring
magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya'y walang galang,
mayabang, o naiiba.
SPEAKING
S- Setting
P- Participant
E- Ends
A- Act Sequence
K- Keys
I- Instrumentalities
N- norms
G- Genre

You might also like