You are on page 1of 4

ARALIN 3: KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO

Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ni Dua (1990), ang ilan sa TAONG


NAGSASALITA ga pangunahing dahilan sa HINDI pagkakaunawaan ng dalawang
taong nag-uusap ay puwedeng mag-ugat sa tatlong posibilidad na maaaring
magmula sa tulad ng:
>Hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita ang kanyang intensiyon.
>Hindi maipahayag nang maayos ng nagsasalita ang kanyang intensiyon.
>Pinipili ng nagsasalitang huwag na lang sabihin ang kanyang intensyon dahil sa
iba’t ibang kadahilanan tulad nang nahihiya siya, at iba pa.

Ayon pa rin kay Dua (1990), ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang nag-uusap
maaari ring mag-ugat sa TAGAPAKINIG tulad ng sa sumusunod na sitwasyon:
> Hindi narinig at hindi naunawaan
> Hindi gaanong narinig at hindi gaanong naunawaan
> Mali ang pagkakarinig at mali rin ang pagkaunawa
> Narinig at naunawaan

Sannoniya (1987)
Gayunpaman, kahit parehong may kontribusyon ang nagsasalita at tagapakinig
sa hindi pagkakaunawaan, madalas na mas matindi ang nagawa ng isa sa kanila.
Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Sannoniya (1987), ang tagapakinig ay
nakagbibigay ng maling interpretasyon sa narinig kahit hindi naman ito ang ibig
sabihin ng kanyang kausap base sa kanyang inaasam, inaakala, kalagayang
emosyonal, at personal na relasyon sa nagsasalita.

Mga Dapat Isaalang-alang sa EpektIbong Komunikasyon


Ayon sa lingguwistang si Dell Hymes, magiging mabisa lamang ang
komunikasyon kung ito ay isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may
mga bagay na dapat isaalang-alang. Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING bilang
acronym upang isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng
mabisang pakikipagtalastasan. Binuo niya ang modelo upang makatulong sa
pagsusuri ng diskurso.

SETTING
Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao.
Mahalagang salik ang lugar kung saan nag-uusap ang mga tao. Katulad ng
pananamit, ikino-konsidera din natin ang lugar na pinangyayarihan ng
pakikipagtalastasan upang maiangkop ang paraan ng ating pananalita.
Halimbawa, kapag tayo ay nanonood ng isang pormal na palatuntunan, hindi
tayo nakikipag-usap sa iba na parang tayo ay nasa kalsada lamang o nása isang
kasayahan.

PARTICIPANT
Ang mga taong nakikipagtalastasan. Isinasa-alang-alang din natin ang ating
kausap upang pumili ng paraan kung paano siya kakausapin. Hindi natin
kinakausap ang ating guro sa paraang ginagamitnatin tuwing kausap natin ang
ating mga kaklase o kaibigan. Sinisikap nating magbigay-galang sa ating guro
habang sa ating mga kaklase o kaibigan ay kaswal o kampante ang ating
pamamaraan.

END
Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng konsiderasyon
ang pakay o layunin sa pakikipag-usap. Hindi ba’t kung tayo ay hihingi ng pabor
ay gumagamit tayo ng paraan na nagpapakita ng pagpapakumbaba? At kung
nais din nating kumbinsihin ang kausap ay iba ang ating pamamaraan?
Samakatuwid, nararapat na isaalang-alang ang layunin natin upang maiangkop
natin ang paraan ng ating pakikipagtalastasan.

ACT SEQUENCE
Ang takbo ng usapan. Bigyang-pansin din ang takbo ng usapan. Minsan ay nag-
uumpisa tayo sa mainit na usapan at kapag mahusay ang nakikipag-usap ay
madalas ito humahantong sa mapayapang pagtatapos. Kung minsan naman ay
biruan na nagbubunga ng pagkapikon at alitan. Ang isang mahusay na
komyunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan.

KEYS
Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding isaalang-
alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal o di pormal. Wala
sigurong makagugusto kung mga salitang balbal ang gagamitin natin sa isang
pormal na okasyon.

INSTUMENTALITIES
Tsanel o midyum na ginamit, pasalita o pasulat. Dapat Isaisip ang midyum ng
pakikipagtalastasan. Iniaangkop natin ang tsanel na gagamitin sa kung ano ba
ang sasabihin natin at kung saan natin ito sasabihin.
NORMS
Paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan. May mga
sensitibong bagay na kung minsan ay limitado lamang ang ating kaalaman. Sa
mga ganitong sitwasyon, suriin muna natin kung ang ilalahad natin ay tama o
hindi. O di kaya minsan ay may mga paksang eksklusibo, kagaya ng sinasabi ng
mga nakatatanda, may mga “usapang pangmatanda,” “usapang pambabae
lamang,” at “usapang panlalaki lamang.”

GENRE
Diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo o nangangatwiran.
Dapat iangkop ang uri ng diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasan. Minsan
dahil sa miskomunikasyon sa genre ay hindi nagkakaunawaan ang magkausap.

Kakayahang Sosyolingguwistiko
Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay ang pagsaalang-alang ng isang tao sa
ugnayan niya sa mga kausap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar ng
kanilang pinag-uusapan.

Savignon (1972)
Sa pagtalakay ng kakayahang sosyolingguwistiko ay maaari nating balikan ang
mga usapin tungkol sa pagkakaiba ng competence o kagalingan o kakayahang sa
performance o pagganap. Sa gitna ng maraming diskusyon, maganda ang naging
pananaw ni Savignon (1972), isang propesor sa university of Illinois, sa
pagkakaiba ng competence at performance. Ayon sa kanya, ang competence ay
ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika habang ang
performance ay ang paggamit ng tao sa wika. Idinagdag niya na ang kakayahan
o kaalaman ng tao sa wika ay makikita, madedebelop, at matataya lamang
gamit ang pagganap. Itinutumbas niya ang kakayahang pangkomunikatibo sa
kakayahang gamitin ng tao ang isang wika.

Frantini
Ayon kay Frantini (sa Pagkalinawan, 2004), isang propesor sa wika, may mga
salik-panlipunang dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika, ito ay ang ugnayan
ng nag-uusap, ang paksa, lugar, at iba pa. Ang isang taong may ganitong uri ng
kakayahan ay iniaangkop ang wika sa kanyang kausap, kung ang kanyang kausap
ba ay batà o matanda, propesyonal o hindi pa nakapagtatapos, lokal ba o
dayuhan. Iniaangkop din niya sa lugar na pinag-usapan, tulad ng kung nasa
ibang bansa o lugar ba siya na hindi masyadong nakauunawa ng kanyang wika.
Isinasa-alang-alang din niya ang impormasyong pinag-uusapan, ito ba ay tungkol
sa iba-ibang paniniwala tungkol sa politika, o pananampalataya-ibang
pananampalataya.

Kailangang alam at magamit ng nagsasalita ang angkop na wika para sa


hinihinging pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong
mahusay lang magsalita kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika.
Madalas ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng
salitang gagamitin na maaaring magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya’y
walang galang, mayabang, o naiiba.

You might also like