You are on page 1of 1

Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino

(Kakayahang Sosyolingguwistiko)
Alam mo ba?
Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ni Dua (1990), ang ilan sa mga pangunahing dahilan sa hindi
pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-uusap ay puwedeng mag-ugat sa tatlong posibilidad na maaaring magmula sa
taong nagsasalita tulad ng:
Hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita ang kanyang intensiyon.
Hindi maipahayag nang maayos ng nagsasalita ang kanyang intensiyon.
Pinipili ng nagsasalitang huwag na lang sabihin ang kanyang intensiyon dahil sa iba’t-ibang kadahilanan
tulad nang nahihiya siya, at iba pa.
Ayon pa rin kayDua (1990), ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang nag-uusap ay maaari ring mag-ugat sa
tagapakinig tulad ng sa sumusunod na sitwasyon:
Hindi narinig at hindi naunawaan
Hindi gaanong narinig at hindi gaanong naunawaan
Mali ang pagkakarinig at mali rin ang pagkaunawa
Narinig at naunawaan
Gayunpaman, kahit parehong may kontribusyon ang nagsasalita at tagapakinig sa hindi pagkakaunawaan,
madalas na mas matindi ang nagawa ng isa sa kanila.
Ayon sa pag-aaral na ginawa niSannoniya (1987), ang tagapakinig ay nakapagbibigay ng maling interpretasyon
sa narinig kahit hindi naman ito ang ibig sabihin ng kanyang kausap base sa kanyang inaasam, inaakala, kalagayang
emosyonal, at personal na relasyon sa nagsasalita.Dito makikita ang higit na pangangailangan sa pagkakaroon ng
kakayahang pangkomunikatibo partikular ang kakayahang sosyolingguwistiko upang maiwasan ang mga hindi
pagkakaunawaang nag-uugat sa pagbibigay ng maling pakahulugan sa sinabi o sa narinig.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon
S(Setting) - Ang Lugar o Pook kung saan nag- uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao.
P(Participants) - Ang mga taong nakikipagtalastasan.
E(Ends) - Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan
A(Act Sequence) - Ang takbo ng usapan.
K(Keys) - Tono ng Pakikipag-usapan.
I(Instrumentalities) - Tsanel o midyum na ginamit, pasalita o pasulat.
N(Norms) - Paksa ng usapan.
G(Genre) - Diskursong Ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangangatwiran

Pag-Unawa Batay sa Pagtukoy sa Sino,Paano, Kailan, Saan, Bakit nangyari ang Sitwasyong Komunikatibo
Sa ikalawang aralin ng yunit na ito ay nabatid mo ang kahalagahan ng kakayahang pangkomunakatibo.
Sa modelong ginamit nina Canale at Swain, inisa-isa nila ang tatlong kakayahang pangkomunikatibo, una ang
lingguwistiko o gramatikal na kakayahang tinalakay sa ikalawang aralin, ikalawa ay ang sosyolingguwistiko na
ating tatalakayin sa araling ito.
Sa pagtalakay ng kakayang sosyolingguwistiko ay maaari nating balikan ang mga usapin tungkol sa pagkakaiba
ngcompetenceo kagalingan o kakayahang sa performance o pagganap.
Sa gitna ng maramingdiskusyon, maganda ang naging pananaw niSavignon (1972),isang propesor sa University
of Illinois, sa pagkakaiba ngcompetence at performance.Ayon sa kanya, angcompetenceay ang batayang kakayahan o
kaalaman ng isang tao sa wikahabang ang performanceay ang paggamit ng tao sa wika. Idinagdag niya na ang kakayahan
o kaalaman ng tao sa wika ay makikita, madedebelop, at matataya lamang gamit ang pagganap. Itinutumbas niya ang
kakayahang pangkomunikatibo sa kakayahang gamitin ng tao sa isang wika.
Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay ang pagsaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap, ang
impormasyong pinag- usapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan. Isinasa-alang-alang dito ang kontekstong sosyal
ng isang wika. Sa mga bagay na dapat isaalang- alang para sa epektibong komunikasyon na inisa- isa ni Hymes sa
kanyang acronym na SPEAKING, mapapansing tatlo sa mga ito ay ang participants, setting, at norm na binibigyan din ng
konsiderasyon ng isang taong may kakayahang sosyolingguwistik. Ayon kay Fantini (sa Pagkalinawan 2004), isang
propesor sa wika, may mga salik-panlipunang dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika,ito ay ang ugnayan ng nag-
uusap, ang paksa, lugar, at iba pa.
Ang isang taong may ganitonguri ng kakayahan ay iniaangkop ang wika sa kanyang kausap, kung ang kanyang
kausapba ay bata o matanda, propesyonal o hindi pa nakapagtatapos, local ba o dayuhan. Iniaangkop din niya sa lugar
na pinag-usapan, tulad ng kung nasa ibang bansa o lugar ba siya na hindi masyadong nakauunawa ng kanyang wika.
Isinasa-alang-alang din niya ang impormasyong pinag-uusapan, ito ba ay tungkol sa iba-ibang paniniwala tungkol sa
politika, o tungkol sa iba-ibang pananampalataya. Kailangang alam at magamit ng nagsasalita ang angkop na wika para
sa hinihinging pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita kompara sa isang
katutubong nagsasalita ng wika. Madalas ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng salitang
gagamitin na maaaring magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya’y walang galang, mayabang, o naiiba.

You might also like