You are on page 1of 5

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Aralin 1. Mga Konseptong Pangwika

Ang opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at diyalekto sa ating bansa ay hango sa Census of
Population and Housing (CPH) na isinasagawa tuwing isa ng dekada ng National Statistics Office (NSO).
Ayon sa datos ng CPH noong 2000, may humigit-kumulang 150 wika at diyalekto sa bansa. Tagalog ang
nangungunang wika na ginagamit ng 5.4 milyong sambahayan.

Ang wika ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon. Ito ay mula sa pinagsama-samang


makabuluhang simbolo, at tuntunin ay ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng ng
kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mga
mensahe sa isa’t-isa. Ito ay mula sa salitang Latin na lingua na nangangahulugang “dila” at “wika” o
“lengguwahe”

Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan. Ang wikang panturo naman ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon.

Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging
opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at
pribado man. Tinatawag itong Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).

Aralin 2. Monolingguwalismo, Biingguwalismo, at Multilingguwalismo

Unang Wika (L1) ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.

Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, at arterial na wika. Sa wikang ito
pinakamatatas o pinakamahusay na naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at
damdamin.

Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid na
maaaring magmula sa telebisyon, o sa iba pang tao. Dito ngayon umuusbong ang kanyang
pangalawang wika (L2).

Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ang mga taong
nakasasalamuha niya, gayun din ang mga lugar na kanyang nararating, mga palabas na kanyang
napapanood sa telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa at tumataas din ang antas ng kanyang
pag-aaral. Ang wikang ito ang ginagamit niya sa pakikiangkop sa lumalawak na mundong kanyang
ginagalawan. Ito ang ikatlong wika o L3.

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa
sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon at iba pa. Maliban sa edukasyon, sa sistemang
monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersyo, wika ng negosyo, at
wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw araw na buhay.
Bilingguwalismo ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay
kanyang katutubong wika. Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang
dalawang wika ng matatas sa lahat ng pagkakataon.

Multilingguwalismo. Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 na
wika at wikain.

Aralin 3. Mga Barayti ng Wika

Dayalek-ito ay ginagamit ng partiikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad
ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Hal. Dayalek ng wikang Tagalog ang barayti ng Tagalog sa Morong,
Tagalog sa Maynila, at Tagalog sa Bisaya.

Idyolek- Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling
paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang
natatangi ng taong nagsasalita. Hal. Kris Aquino, “Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla!

Sosyolek- Ito ang barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal
ng mga taong gumagamit ng wika. Hal. Wika ng mga beki, wika ng mga conyo o sosyal, wika ng mga
jejemon.

Etnolek- Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Mula sa pinagsamang etniko
at dialek, taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.

Register-Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita
kung ang kausap niya ay isang taong may mas mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda,
o hindi niya masyadong kakilala.

Pidgin at creole- Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native
language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taong
nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di
magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa. Hal. Ang nangyari nang dumayo ang mga
Espanyol sa Zamboanga at makipag-usap sila sa mga katutubo roon. Dahil pareho silang walang
nalalaman sa wika ng bawat isa kaya nagkaroon sila ng tinatawag sa makeshift language. Sa kaso ng
mga Espanyol at katutubo ng Zamboanga, nakalikha sila ng wikang may pinaghalong Espanyol at
wikang katutubo. Pidgin ang tawag sa nabuo nilang wika.
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
1. 1. Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino ( Kakayahang Sosyolingguwistiko) “Ang
wika’y mabisang instrumento sa pakikipag-ugnayan. Ito ay daan upang magkaunawaan”
2. 2. Ayon sa mga pag-aaral na isinigawa ni Dua (1990) ang ilan sa mga pangunahing dahillan
sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang taong nag- uusap ay pwedeng mag-ugat sa talong
posibilidad na maaring magmula sa taong nagsasalita tulad ng : • Hindi lubos na
nauunawaan ng nagsasalita ang kanyang intensyon • Hindi maipahayag ng maayos na
nagsasalita ang kanyang intensyon
3. 3. • Pinipili ng nagsasalitang huwag nalang sabihin ang kanyang intensyon dahil sa iba’t
ibang kadahilanan tulad nang nahihiya siya, at iba pa. Ang hindi pagkakaunawaan ng
dalawang nag-uusap ay maari ring mag-ugat sa tagapakinig tulad ng mga sumusunod: •
Hindi narinig at hindi naunawaan
4. 4. • Hindi gaanong narinig at hinde gaanong naunawaan • Mali ang pagkakarinig at mali rin
ang pagkaunawa • Narinig at naunawaan
5. 5. Mga Dapat Isaalang- alang sa Epektibong Komunikasyon • Ayon sa lingguwistang si Dell
Hymes, maging mabisa lamang ang komikasyon kung ito ay isasaayos, at sa pagsasaayos
ng komunikasyon, may mga bagay na dapat isaalang- alang.
6. 6. DELL HATHAWAY HYMES( June 7, 1927) - isang lingguwista, sosyolingguwista,
anthropologist, and folklorist na nagtatag ngmga pundasyon ng pandisiplina para sa
ethnograpikong pag- aaralng paggamit ng wika.
7. 7. SPEAKING S - pakikipag-usap ng maayos sa lugar at sitwasyon. Pook o lugar kung saan
nag-uuusap o nakikipagtalastasan ang mga tao. ( Saan ginaganap ang pag-uusap?)
8. 8. P(participant) - mga kalahok sa pag-uusap. Isaalang-alang ang taong pinagsasabihan /
kinakausap. (Sino-sino ang mga kalahok sa sitwasyon?) E (ends) - pakay / layunin at
inaasahang banga ng pangungusap . (Ano ang pakay/layunin ng pag-uusap?)
9. 9. A (act sequence) - Ang daloy / takbo ng pangungusap. (Paano ang naging takbo ng
usapan?) K (keys) - tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding
isaalang-alang ag sitwasyon ng usapan. Kung ito ba ay pormal / di- pormal. (Ano ang tono
ng pag-uusap?)
10. 10. I (instrumentalities) - medium ng pakikipag-usap. Iniaangkop natin ang tsanel na isa-isip
ang medium ng pakikipagtalastasan. (Anong tsanel/midyum ang ginamit sa pag-uusap?) N
(norms) - paksa ng usapan. e;g (usapang pangmatanda,usapang pambabae lamang,
usapang panlalaki lamang)
11. 11. G (genre) - Diskursong ginagamit kung nagsasalaysay, nakikipagtalo /nangangatuwiran.
Dapat iangkop ang uri ng diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasan. nagsasalaysay ba?
Naglalarawan ba? (Anong uri ng diskurso ang ginagamit?)
12. 12. KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO ( KAKAYAHANG
SOSYOLINGGUWISTIKO)
13. 13. Sa modelong ginagamit nina Canale at Swaiin, inisa-isa nila ang tatlong kakayahang
pangkomunikatibo; *Lingguwistiko / gramatikal -Ang kakayahang Linggwistiko ay tumutukoy
sa kakayahan o abilidad ng pag-aaral ng tatlo o higit pang mga lenggwahe, wika, at
dayalekto.
14. 14. Mungkahing komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Kakayahang Gramatikal
15. 15. • Sintaks • Morpolohiya • Leksikon • Ponolohiya / Palatunugan • Ortograpiya
16. 16. *Sosyolingguwistiko • (Sosyolek - isang partikular na pangkat) -Ang kakayahang
sosyolingguwistiko ay ang pagsaalang- alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap,
ang impormasyon piinag-uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag- uusapan. Ang ugnayan
ng wika sa lipunan nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang
tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon EX: 1.Magandang araw po! Kumusta po kayo?
(pakikipag-ugnayan sa mga nakatatanda at may awtoridad,
17. 17. *Istratedyik Ito tumutukoy at nangangahulugan ng isang kakayahang nagpapakita ng
masinsing pagpaplano kung papaano gagawi o isasagawa ang isang bagay . Ang
kakayahang ito ay kakikitaan ng tinatawag na Strategy.
18. 18. *Pragmatic Ang kakayahang pragmatiko ay tumutukoy sa isangkakayahang sosyo-
linggwistika na ginagamit ng mga tao sa araw- araw. Kabilang narito ang pagkakaroon ng
kakayanang makaintindi ng sinasabi o paggalaw ng tao atkung ito ay angkop sa
nangyayaring sitwasyon. Kasama rito ang pagtukoy sa emosyon o ibig sabihinng tinuran o
sinabi ng isang tao
19. 19. *Diskorsal Ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa mismong kakayahan na matiyak o
masigurado na tama ang isa o higit pang kahulugan ng teksto at sitwasyon na nakapaloob o
nakaayon sa konteksto.
20. 20. Sa pagtatalakay sa kakayahang sosyolingguwistiko ay maari nnating balikan ang mga
usapin tungkol sa pagkakaiba ng competence o kagalingan o kakayahang sa performance o
pagganap.
21. 21. Competence – ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika.
Performance – ay ang paggamit ng wika. Pananaw ni Savignon
22. 22. Sa mga bagay na dapat isaalang-alang para sa epektibong komunikasyon na inisa-isa ni
Hymes sa kanyang acronym na SPEAKING, mapapansing tatlo sa mga ito ay ang
participant, setting, at norm na binibigyan din ng konsiderasyon ng isang taong
sosyolingguwistik.
23. 23. Ayon kay Fantini ( Sa pagkalinawan 2004) May mga salik-panlipunang dapat isaalang-
alang sa paggamit ng wika , ito ay ang ugnayan ng nag-uusap, ang paksa, lugar, at iba pa.
Ang isang taong may ganitong uri ng kakayahan ay inaangkop ang wika sa kanyang
kausap ba ay bata/ matanda, hindi nakapagtapos, lokal ba/ dayuhan.
24. 24. Inaangkop din niya sa lugar na pinag-uusapan, tulad ng kung nasa ibang bansa/ lugar
ba siya na hindi masyadong nauunawaan ng kanyang wika. Isinasa-alang –alang din niya
ang impormasyong pinag-uusapan, ito ba ay tungkol sa iba-ibang paniniwala tungkol sa
politika, o tungkol sa iba- ibang pananampalataya. Kailangan alam at magamit ng
nagsasalita ang angkop sa wika para sa hinihinging pagkakataon.
25. 25. Ang paglaganap ng paggamit ng Beki Language Ang sagot ni Kalihim Luistro nang
tanungin hinggil sa paggamit ng Beki Language: “Ang paggamit ng bagong nabubuong
kolokyal na kagaya ng “beki” ay kasama sa pagbabago ng mga wika at hindi natin
mapipigilan. Kapag ang ganitong salita ay naging katanggap-tanggap na sa lipunan at
ginagamit ng mayoridad, Saka palang ito naisasali sa opisyal na
26. 26. Ang pagkabihasa ng maraming mag-aaral sa wikang Ingles kaysa wikang Filipino Ang
sagot ni Kalihim Luistro nang tanungin hinggil sa maraming mag-aaral na bihasa sa
paggamit ng wikang Ingles : “Ang naumpisahan na nating reporma sa bagong K-12
Curriculum na nagnanais na tumugon sa hamon na mahasa ang ating kabataan na gamitin
at palawigin ang wikang ating kinagisnan pati narin ang ating Pambansang Wika. Kasama
narito ang paggamit ng kanilang unang wika.”
27. 27. Ang pagkakaroon ng Mother Tongue Based-Multilingual Education Ayon kay DepEd
secretary Brother Armin Luistro, FSC, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa
mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong upang mapaunlad ang wika at kaisipan ng
mga mag-aaral at makapagpatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.”

You might also like