You are on page 1of 40

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA

AT KULTURANG FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 1-2
Aralin 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika)
LAYUNIN NG TALAKAYAN

matukoy ang kahulugan,teorya at kahalagahan ng


wika;
makilala ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas;
makapagbigay ng sariling pakahulugan sa wika; at
makapagtala ng mga sitwasyong nagpapakita ng
magkahiwalay na gamit ng dalawang opisyal na wika ng
Pilipinas.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Gleason (1961) – ang wika ay


masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit sa
pakikipagtalastasan ng mga taong
nasa iisang kultura.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Finnocchiaro (1964) – ang wika ay


isang sistemang arbitraryo ng
simbolong pasalita na nagbibigay
pahintulot sa mga taong may kultura
o ng mga taong natutunan ang
ganoong kultura upang
makipagtalastasan o di kaya’y
makipag-ugnayan.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Sturtevant (1968) – ang wika ay


isang Sistema ng mga simbolong
arbitraryo ng mga tunog para sa
komunikasyong pantao.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Hill (1976) – ang wika ay ang


pangunahin at pinakaelaboreyt na
anyo ng simbolikong pantao.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Brown (1980) – ang wika ay


masasabing sistematiko. Set ng mga
simbolikong arbitraryo, pasalita,
nagaganap sa isang kultura, pantao,
at natatamo ng lahat ng tao.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan


ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
isang tiyak na lugar, para sa isang
partikular na layunin na ginagamitan ng
mga verbal at viswal na signal para
makapagpahayag.
Webster (1990) – ang wika ay kalipunan
ng mga salitang ginagamit at naiintindihan
ng isang maituturing na komunidad.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Thomas Carlyle – itinuturing ang wika


bilang saplot ng kaisipan.
Vilma Resuma at Teresita Semorlan –
ang wika ay kaugnay ng buhay at
instrunento ng tao upang matalino at
efisyenteng makilahok sa lipunang
kinabibilangan.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Pamela Constantino at Galileo Zafra –


ang wika ay isang kalipunan ng mga
salita at ang pamamaraan ng
pagsasama –sama ng mga ito para
magkaunawaan o makipagkomyunikeyt
ang isang grupo ng mga tao.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Roderick Hemphill Ang wika ay isang


masistemang kabuuan ng mga sagisag
na sinasalita o binibigkas na
pinagkaisahan o kinaugalian ng isang
pangkat ng mga tao kung saan sila’y
nagkakaunawaan, nagkakaisa at
nagkakaugnay.
Kahulugan Ng Wika
Sa pangkalahatan…
Ano nga ba ang wika?
• Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang
“lengua” na ang literal na kahulugan ay dila
at wika. Maraming kahulugan at kabuluhan
ang wika tulad ng; ito ay behikulo ng
paghahatid ng mga impormasyon saan mang
lugar ka naroon, sa paaralan, tahanan o kahit
saan. Instrumento din ito ng komunikasyon
sa pamamagitan din ng wika, mabilis na
naipapalaganap ang kultura ng bawat
pangkat.
Kahulugan Ng Wika
Sa pangkalahatan…
Ano nga ba ang wika?
• Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na
binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita
at ng mga simbolong isinusulat.
• Ang salitang wika ay nagmula sa wikang
Malay,samantalang ang salitang lengguwahe
naman ay nagmula sa Latin at isinalin sa Ingles
bilang language.
• Wika- Ang wika ay anumang anyo ng
pagpaparating ng damdamin o ekspresyon,may
tunog man o wala.
Kahulugan Ng Wika
Sa pangkalahatan…
Ano nga ba ang wika?
• Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan.
Ginagamit ito upang epektibong makapagpahayag
ng damdamin at kaisipan.

• Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito,


kung kaya mahalaga rin ang papel na
ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at
pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito.
Mga Teorya sa Pagkatuto ng wika
1. Teoryang Behaviorism o behaviorst
Approach
Si B.F. Skinner ( 1904-1990) na isang
tagapagtaguyod na teoryang ito ay naniniwalang ang
pagkatuto ng wika ay pag-uugaling napag-aralan.
Pinaniniwalaang ng mga behaviorist na ang kilos at
gawi ng isang tao ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkokontrol ng kapaligiran.
Mga Teorya sa Pagkatuto ng wika
2. Teoryang Innative o Nativist Approach
Si Noam Chomsky (1928) na nagtaguyod ng
teoryang ito ay nagbigay katawagan sa likhang isip na
aparato na kung tawagin ay language-acquisition device
o LAD
Ayon sa teoryang ito,lahat ng tao ay may likas na
kakayahang matuto at matutunan ang wika dahil sa
paniniwalang lahat ay ipinapanganak ay taglay na
kaalaman.
Mga Teorya sa Pagkatuto ng wika
2. Teoryang Kognitib
Nakasalig ang teoryang ito sa pananaw ni Jean
Piaget (1896-1980).Ayon sa kanya ang pagkatuto ng
wika ng isang bata ay nakaugnay sa kakayahang nitong
mag-isip.
3. Teoryang Makatao
Ang pananaw na ito ay nakasalig sa teorya ni
Stephen Krashen (1941)
Sa teoryang ito sinasabi na mas mapapabilis ang
pagkatuto ng wika kung may positibong saloobin ang
isang tao na matutunan ito.
Pinag-ugatan ng Wika

• Teoryang Bow-wow
Naninindigan ang teoryang ito na ang wika ay
nagsimula sa pamamagitan ng panggagaya ng tao sa
mga tunog ng kalikasan.

• Teoryang Pooh-pooh
Lumilikha ang tao ng tunog sa pamamagitan ng
pagpapalabas ng kasihian ng kaniyang damdamin
tulad ng galit,galak,lungkot,takot at iba pa.
Pinag-ugatan ng Wika

• Teoryang Dingdong
May kaugnayan sa teoryang bow-wow subalit ito ay hindi
limitado sa
tunog ng kalikasan, maging ang mga bagay na likha
ng tao.

• Teoryang Yum-yum
Ito ay pinaniniwalaan na ang wika ay nagmula sa
pamamagitan ng paggamit sa ibat-ibang bahagi ng katawan
ng tao.

• Teoryang Ta-ta.
Ang wika ay nag-ugat sa paggaya ng dila
Pinag-ugatan ng Wika
• Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. 
Ang unang wika ay nag-ugat sa mga bulong mula sa
mga sinaunang tao kapag sila ay nagsasagawa ng ritwal.

• Teoryang Sing-song
Ayon sa teoryang ito,ang wika ay nabuo sa
pamamagitan ng mga awitin at pagsasayaw ng mga
sinaunang tao.
Konseptong pangwika
Ang Unang Wika ay ang wikang katutubo na kinagisnan at
natamo mula sa pagkasilang hanggang sa oras na magamit at
maunawaan ng isang indibidwal.

Ito rin ay sinasabing likas, ang wikang nakagisnan, natutuhan at


ginagamit ng pamilyang nabibilang sa isang linggwistikong
komunidad.
Konseptong pangwika

Ang Unang Wika ay tinatawag ring mother


tongue, katutubong wika o sinusong wika. Ang
wika kung saan nakilala at pamilya ang isang
indibidwal kaya nagkaroon ng kakayahang
maangkin ito sa tulong ng kinalakhang komunidad.
Konseptong pangwika

Ayon sa artikulo ni Lee nailathala noong 2013,


“ The Native Speaker” narito ang mga gabay
upang matukoy kung ang isang tao ay katutubong
tagapagsalita ng isang wika.
Konseptong pangwika
1. Natutuhang indibidwal ang wika sa murang edad.
2. Ang indibidwal ay may likas at instruktibong kaalaman at kamalayan sa
wika.
3. May kakayahan ang indibidwal na makabuo ng mataas at
importansyang diskurso gamit ang wika.
4. Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibidwal gamit ang wika.
5. Kinilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala bilang kabahagi ng isang
lingguwistikong komunidad.
Konseptong pangwika
Sa paglipas ng iba’t ibang salik lahi at sa pagsibol naman ng mga
makabagong henerasyon, tayo ay nagkaroon ng maraming barayti at
baryasyon ng wikang Pilipino.

Linggwistikong Komunidad ang tawag sa mga wikang ito. Sa isang


komunidad ay may sari-saring uri ng indibidwal na nakatira. Bawat tao
o grupo ng tao ay may kanya-kanyang diyalekto na ginagamit. May
mga gumagamit ng mga katutubong salita, depende sa lugar na
kanilang pinanggalingan.
Konseptong pangwika
Wikang Pambansa – Sinasabing ito ang wikang
pinagtibay ng pambansang pamahalaan na
ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan
sa mamamayan. Ang wikang pambansa rin ang
daluyan ng komunikasyon tulad ng telebisyon,
radio, at mga pamahayagan.
Konseptong pangwika
Wikang Panturo – Ang wikang pambansa na itinadhana ng
batas ay gagamitin bilang wikang panturo upang
makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng
edukasyon. Gaya ng isinasaad sa Saligang-batas ng 1987,
Sek. 6 kaugnay ng wikang panturo na: “Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.”
Konseptong pangwika
Wikang Opisyal – Tinatawag na wikang opisyal ang prinsipal
na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, sa
politika, at maging sa komersiyo at industriya. Ito ang
ipinahayag sa Saigang-batas ng 1987 na; “Ukol sa mga
layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles.” Samakatuwid, tinatanggap
din na wikang Opisyal ang Ingles maliban sa Filipino.
Ilan pang Kaalaman Hinggil sa Wika
Heterogenous ang Ang Tagalog, Ang
sitwasyong pangwika Sinugbuanong Binisaya, bilingguwalismo ay
sa Pilipinas dahil Ilokano, Hiligaynon, tumutukoy sa dalawang
Samar-Leyte, wika.
maraming wikang
Pangasinan,
umiiral dito at may Bikol, at iba pa ay mga Ngayon, hindi na
mga diyalekto o varayti wika. bilingguwalismo kundi
ang mga wikang ito. Ang diyalekto ay multilingguwalismo
Homogenous ang nangangahulugang ang pinaiiral na
sitwasyong pangwika varayti ng isang wika, patakarang pangwika
sa isang bansa kung hindi hiwalay na wika. sa edukasyon.
iisa ang wikang Bernakular ang tawag
sinasalita ng sa wikang katutubo sa
isang pook.
mga mamamayan dito.
Dalawang Opisyal na Wika – Filipino at Ingles

Gagamitin naman ang Ingles


Gagamitin ang Filipino bilang isa pang opisyal na wika
bilang opisyal na wika sa pag- ng Pilipinas sa pakikipag-usap
akda ng mga batas at mga sa mga banyagang nasa
dokumento ng pamahalaan. Pilipinas at sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t
ibang bansa sa daigdig.
PAGTATAYA
PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo


ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa
kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin.
a. Wikang Panturo
b. Wikang Opisyal at Panturo
c. Wikang Opisyal
d. Lingua Franca
PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

2. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon.

a. Wikang Panturo
b. Wikang Ingles
c. Wikang Opisyal
d. Bilinggwal
PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

3. Dito nakapaloob na ang Filipino ang wikang


pambansa ng bansang Pilipinas.

a. Phil. Constitution 1977


b. Phil. Constitution 1997
c. Phil. Constitution 1987
d. Phil. Constitution 2007
PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

4. Makikitang nag-uusap ang dalawang tao mula sa


magkaibang katutubong wika. Halos magsigawan na
sila habang nag-uusap sapagkat di sila
magkaintindihan.

a. Wikang Bilinggwal
b. Wikang Panturo
c. Wikang Opisyal
PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

5. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa


isang tagapagsalita

a. Pantulong na wika
b. Katutubong wika
c. Ikalawang wika
d. Unang wika
Maraming
Salamat
sa Pakikinig!

You might also like