Professional Documents
Culture Documents
O Batay nina Bernales et al. (2002), “ang wika ay bilang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng simbolo na maaaring berbal o di-berbal.”
O Paliwanag naman nina Mangahis et al. (2005), “ito ay may mahalagang papel na ginagampanan
sa pakikipagtalastasan. Ginagamit bilang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at
pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.”
O Dagdag pa ni Alfonso Santiago (2003), “sumasalamin ang wika sa mga mithiin, lunggati,
pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad,
paniniwala at mga kaugalian ng tao sa lipunan.”
O Mula naman kay Pamela Constantino at Galileo Zafra (2000), “ang wika ay isang kalipunan ng
mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-
usap ang isang grupo ng mga tao.”
O Ayon kay Bienvenido Lumbera (2017), “parang hininga ang wika sa bawat sandali ng buhay
natin ay nariyan ito.”
O Para sa Pilipinolohistang si Zeus Salazar, “naipapahayag sa wika ang mga kaugalian, isip at
damdamin ng bawa’t grupo ng mga tao at maging sa larangan ng kaisipan, ang wika rin ang
impukan – kuhanan ng isang kultura.”
KAHALAGAHAN NG WIKA
INSTRUMENTO
SUMISIMBOLO SA KULTURA
KASANGKAPAN SA PAGKATUTO
PAGPAPAHAYAG NG SALOOBIN
KATANGIAN NG WIKA
Masistemang Balangkas –
Sinasalitang Tunog –
Natatangi –
Buhay o Dinamiko –
BIBLIKAL
Teoryang Tore ni Babel
Hango ito sa aklat ng Genesis, may iisang wika lamang na ginagamit ng tao. Naisip nilang
magtayo ng tore subalit nakita ito ng Diyos kaya sinira niya ang tore at pinag-iba- iba ang wika ng mga
tao.
Hango sa Bagong Tipan na nagsasabing sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo, natuto ang
mga apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman.
Siyentipikal
Teoryang Bow – wow
Teoryang Dingdong
Hango ito sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay sa paligid. Basehan nito ang instinktibong
kakayahan ng tao batay sa mga impresyon mula sa paligid
Teoryang Tata
Natuto raw ang tao na mangusap dahil sa damdaming nais ipahayag tulad ng galit, tuwa,
lungkot, takot, pagkabigla at iba pa.
Natuto raw ang tao na mangusap dahil sa damdaming nais ipahayag tulad ng galit, tuwa,
lungkot, takot, pagkabigla at iba pa.
Teoryang Pooh – Pooh
Natuto raw ang tao na mangusap dahil sa damdaming nais ipahayag tulad ng galit, tuwa,
lungkot, takot, pagkabigla at iba pa.
Teoryang Yoheho
Pinaniniwalaan na ang wika ay nagmula sa mga ingay na nilikha ng mga taong magkatuwang
sa kanilang pagtatrabaho gaya ng pagbubuwal ng kahoy o pag-aangat ng malaking bato.
Teoryang Taraboom de – ay
Ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na nililikha ng mga sinaunang tao mula sa ritwal at dasal.
Likas sa mga sinaunang tao ang paggamit ng ritwal sa lahat ng kanilang gawain tulad ng pagkakasal,
pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, panggamot, pagdarasal at iba pa.
Ang diyalekto ay ginagamit ng maliit na bilang o pangkat ng tao. Nakikita ito kaugnay ng
pinanggalingang lugar ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang
sosyal. Nagkakaiba rin sa tono, bigkas at talasalitaan.
BERNAKULAR –
Ito ay tinatawag na wikang katutubo ng isang pook. Isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang
lugar na hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal. Tinatawag din itong wikang panrehiyon.
BILINGGUWALISMO –
Tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging bilingguwal ng isang tao kung
nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan.
MULTILINGGUWALISMO –
Wikang Pambansa –
Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987 nakasaaad na, “Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay ang Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin
pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Malinaw na nakasaad rito na
ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ang Filipino.
Wikang Pambansa –
Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987 nakasaaad na, “Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay ang Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin
pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Malinaw na nakasaad rito na
ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ang Filipino.
Wikang Panturo –
Sa Konstitusyon ng 1987 (Artikulo XIV, Seksiyon 6-9), malinaw na itinakda ang Filipino bilang
wikang pambansa ng Pilipinas. Kasunod nito ang pagpapagamit sa Filipino bilang midyum ng pagtuturo
sa mga tiyak na asignatura.
Wikang Opisyal –
Antas ng wika
Pambansa –
Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat pangwika at nagsasaalang-alang sa paggamit ng
gramatika. Ginagamit din itong wikang panturo sa mga paaralan at wikang ginagamit sa pakikipag-
ugnayan sa pamahalaan.
Pampanitikan –
Dito nakasalalay at nakikita ang kagandahan, yaman, kariktan at retorika ng wika. Masinin,
mabisa at maingat ang paggamit dito ng mga salita.
Lalawiganin –
Ang ginagamit na wika sa mga tiyak at partikular na pook at lalawigan. Makikita ito sa
pagkakaiba ng mga punto o tono sa pagsasalita. Ito ay diyalekto ng isang wika, may tanging
pamamaraan kung
Kolokyal –
Itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito ng slang sa Ingles. Nalilikha ito
ng mga grupo ng tao upang magsilbing koda sa kanilang pag-uusap.
Ang instrumental ay ginagamit upang tumugon sa pangangailangan. Pangunahing instrumento ang wika
upang makuha o matamo ng tao ang kanyang mga lunggati o pangangailangan.
Heuristiko Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa tungkol sa
mundo, sa mga akademiko at/o propesyunal na sitwasyon.
Ang wika ay Imahinatibo ay may kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang imahinatibo na bagay.
Halimbawa nito ay pagtula, pag-awit, pagkwento, pagbasa ng nobela at iba pa.
Tinatawag na Lingua Franca ang wikang ginagamit sa komunikasyon ng dalawang tao o higit pa
na may magkaibang pangunahing wika. Ito ay nagsisilbing tulay ng unawaan ng iba’t ibang grupo
ng taong may kaniya-kaniyang wikang ginagamit.
WIKANG TAGALOG
Tagalog ang wika sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque,
ilang parte ng Nueva Ecija, Puerto Prinsesa at pati Metro Manila. Ito kung gayon, ay isang wikang
natural, may sariling mga katutubong tagapagsalita.
WIKANG PILIPINO
Samantala, ang Wikang Pilipino ay ang Filipino National Language noong 1943 na batay sa
Tagalog mula noong 1959, nang ipasa ang Department Order No. 7 ng noo’y Sec. Jose Romero, ng
Department of Education.
WIKANG FILIPINO
Mula ito sa binagong konsepto ng wikang pambansa na batay sa lahat ng wika sa Pilipinas,
kasama ang Ingles at Kastila. Ang pinakaubod ng konseptong ito ay ang pagiging pambansang lingua
franca nito.
Bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila sa Pilipinas ay may sarili nang sistema ng
pamumuhay, kultura, panitikan at wika ang ating mga ninuno. Ang matibay na patotoo nito ay ang ating
lumang paraan ng pagsusulat, ang tinatawag na baybayin.
Dalawa ang teorya ng pinagmulan ng baybayin. Ayon kay Gregoria F Zaide ( Kasaysayan ng
Republika ng Pilipinas, 1989), ito raw ay nagmula sa alpabetong Asoka ng India. Mula naman kina
Mahistrado Villamor Alejandro at Pineda (1978) na ang abakadang Pilipino ay nabuhat sa matandang
abakadang Malayo.
MGA BANTAS NA GINAGAMIT SA BAYBAYIN
Sistema ng Pagsulat
|| (Kumakatawan sa tuldok)
| (Kumakatawan sa kuwit)
Ito ang artifact na nagpapatunay na may sistema ng pagsulat ang ating ninuno. Natagpuan ito sa
Laguna de bai noong 1989. Pinaniniwalaang ginamit ito noong 900 A. D.
Noong dumating ang mga Kastila sa ating bansa, marami na ang nagbago sa Pilipinas at isa na
rito ang romanisasyon ng Baybayin. Itinuro ng mga Kastila ang alpabetong Romano o ABECEDARIO at
ipinalit ito sa Baybayin.
Isa sa mga layunin ng mga Kastila ay ang ipalaganap ang Katolisismo sa bansang Pilipinas subalit
nagkaroon ng malaking hadlang sapagkat magkaiba ang wikang ginagamit ng mga Pilipino at ng mga
mananakop.
Para kay Gobernador Tello ay dapat turuan ang mga Pilipino ng wikang Espanyol. Gayundin ang
paniniwala ni Carlos I at Felipe II na kailangang maging bilingguwal ang mga Pilipino at
kailangang ituro ang mga doktrina sa Espanyol.
Noong ika-2 ng Marso 1634 hindi rin sinang-ayunan ng mga prayle ang kagustuhan ni Haring
Felipe II na muling ituro ang Espanyol sa mga Pilipino.
Noong ika-2 ng Marso 1634 hindi rin sinang-ayunan ng mga prayle ang kagustuhan ni Haring
Felipe II na muling ituro ang Espanyol sa mga Pilipino.
Noong ika-29 ng Disyembre, lumagda rin si Carlos IV sa isang decreto na nag-uutos na
gamitin ang Espanyol sa loob ng paaralan. Hindi rin ito pinayagan ng mga prayle.
Noong 1593, nailimbag ang kauna-unahang aklat sa bansa, ang Doctrina Christiana. Nakasulat
ito sa wikang Tagalog at Espanyol na kapwa nakalimbag sa Baybayin at Alpabetong Romano.
87 pahina
Kaya’t nagtatag sila ng kilusang Propaganda at naglabas ng pahayagang La Solidaridad na may artikulo
ng mga propagandista sa wikang Espanyol na naghahangad ng mga reporma para sa Pilipinas.
Noong 1897 sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato, itinadhanang Tagalog ang Opisyal na wika.
Tagalog ang wikang ginamit sa pahayagang Kalayaan ng Katipunan na may unang paksa ukol sa paglaban
sa mga Kastila at paghihimasik para sa kalayaan ng bayan.
Sa Konstitusyon ng Malolos noong Enero 21, 1899, itinadhanang pansamantalang gamitin ang Espanyol
bilang opisyal na wika at opsyonal na wika ang Tagalog.
Ayon sa kasunduang Kastila-Amerikano na nilagdaan sa Paris noong Disyembre 10, 1898, nailipat sa
Amerika ang pamamahala sa Pilipinas noong 1899. Sa simula ay dalawang wika ang ginamit, Ingles at
Espanyol.
ALPABETONG INGLES
Noong Marso 4, 1899, Ingles ang naging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong
Schurman.
Batas Watawat
Batas ng Sedisyon
PANAHON NG HAPON
Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas mula 1942 hanggang 1945 noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating nasa ilalim ng
kapangyarihan ng Estados Unidos.
PANAHON NG HAPON
Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas mula 1942 hanggang 1945 noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating nasa ilalim ng
kapangyarihan ng Estados Unidos.
PANAHON NG PAGSASARILI
Nobyembre 13, 1936 - Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184 na may pamagat na “
Isang Batas na Nagtatakda ng Surian ng Wikang Pambansa at Nagtatakda ng mga Kapangyarihan at
Tungkulin nito.
Enero 12, 1937 - Paghirang ni Pangulong Quezon sa mga kapulungang bubuo sa Surian.
Nobyembre 7, 1937 - Inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gagawing saligan ng pambansang
wika.
Disyembre 30, 1937- Ipinatupad ni Pangulong Manuel Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134 na ang paggamit ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
Abril 1, 1940- inilabas ang Kautusang Tagapaglaganap Blg. 263 ipinag uutos nito ang:
b) Pagtuturo ng wikang pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga paaralang publiko at
pribado sa buong kapuluan.
Abril 1, 1940- inilabas ang Kautusang Tagapaglaganap Blg. 263 ipinag uutos nito ang:
Abril 1, 1940- inilabas ang Kautusang Tagapaglaganap Blg. 263 ipinag uutos nito ang:
b) Pagtuturo ng wikang pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga paaralang publiko at
pribado sa buong kapuluan.
Hunyo 4, 1946- ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg.570 ipinahayag na ang Wikang
Pambansa ay isa nang wikang opisyal sa Pilipinas.
Setyembre 1955 – Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 Inilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng
Wika sa Agosto 13 -19 bilang paggunita sa kaarawan ng ating “Ama ng Wikang Pambansa” na si
Pangulong Manuel L. Quezon.
Agosto 13, 1954 – Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Bl. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay
tatawaging Pilipino.
Oktubre 24, 1967 – Paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96,
na nag-uutos na ang lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay dapat nakasulat sa Pilipino.
Marso 27, 1968 – Sa bisa ng Memorandum Sirkular Blg. 96 ang paggamit ng Wikang Pilipino sa mga
opisyal na komunikasyon sa mga transaksyong pampamahalaan.
Oktubre 24, 1967 – Paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96,
na nag-uutos na ang lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay dapat nakasulat sa Pilipino.
Marso 27, 1968 – Sa bisa ng Memorandum Sirkular Blg. 96 ang paggamit ng Wikang Pilipino sa mga
opisyal na komunikasyon sa mga transaksyong pampamahalaan.
Bago o pagtapos ng Pebrero 25, 1970 - Naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementraya sa
bisa ng Resolusyon Blg. 70.
1973 – Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 Pagtupad sa patakarang edukasyong maging bilingguwal sa
bansa.
1978 - Iniatas ng Kautusan Pangministri Blg. 22 ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagkakaroon ng (6) na
unit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat kumuha ng
(12) yunit.
Marso 12, 1987- Pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas ang Filipino, kasunod ng pagpapatibay sa
Konstitusyon ng 1987.
Nakasaad sa Artikulo 6, Seksyon 6 na: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig ng umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika.