You are on page 1of 65

C.

FILIPINO BILANG WIKA


NG KAUNLARAN
IMEE ROSELENE G. REDILLAS
TAGA-ULAT
Ang Istandardisasyon ng
Wika at ang Pagsulong
ng Filipino sa Akademya
Istandardisasyon
 Tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang
sinusunod na bagay. Ito ay maaaring isang
wika, balangkas, panuto, at iba pa.

 Mahalaga ito upang masiguro ang kaayusan


sa mga proseso.
 Isang pamamaraan o proseso kung paano maaaring
tanggapin at gamitin ng nakararaming taong
gumagamit ng wika ang isang tiyak na talaan ng mga
talasalitaan o bokabularyo sa isang tiyak na disiplina
ng karunungan

 Ang halimbawa nito ay ang istandardisasyon ng


wikang Filipino. Layunin nito na mapaunlad ang ating
wikang pambansa at maayos ang anumang kalituhan
sa paggamit nito.
Dalawang Kahalagahan ng
Istandardisasyon
 Maiiwasan ang kaguluhan sa
paggamit ng mga salita o
katawagan sa alin pa mang
disiplina ng karunungan.
Ang Filipino ay higit na
uunlad at maitataas ang antas
nito bilang wika.
Dalawang Aspekto ng
Istandardisasyon
 Istandardisasyon sa Ortograpiya
ng Filipino

 Istandardisasyon ng Talasalitaan
Istandardisasyon sa Ortograpiya
ng Filipino

1.Ortograpiya
2.Filipino
3.Istandardisasyon
Ortograpiya
Paraan ng pagbibigay
ng simbolo sa wikang
pasalita sa paraang
pasulat.
Filipino
Wikang Pambansa na
nililinang natin o mas
kilala na “national
lingua-franca”
Istandardisasyon
Ang proseso ng pagiging
magkahango,magkahawig ng
isang wika para sa
malawakang pagtanggap at
paggamit nito.
PAGSASALING-WIKA
 Ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas ng diwa o
mensaheng isinasaad sa wikang isinasalin
(Finalay 1971)
- Diwa o mensahe ang isinasalin at
hindi salita.
Jose watered the plants.

Dinilig ni Jose ang mga halaman.

Ang mga halaman ay dinilig ni Jose.


His paper was soaked in water

Basa ang kanyang papel.

Basa sa tubig ang kanyang papel

Basa ang kanyang sulatang papel.


Flying big kites can be dangerous

Maaaring mapanganib ang lumilipad na malalaking


saranggola.

Maaaring mapanganib ang pagpapalipad ng


malalaking saranggola.
Mga Simulain sa Pagsasalin

1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong


likas na gumagamit nito.

2. Bawat wika ay may sariling paraan sa pagbubuo ng


mga salita at pangungusap.

3. Ang isang salin upang maituring na mabuting salin ay


kailangang maunawaan at tanggapin ng pinag-
uukulang pangkat na gagamit nito.
Ang Pagpapayabong at Intelektwalisasyon ng wikang
Filipino: Mula sa Paninging Teoretikal, Historikal at
Sosyolohikal.
1.Paninging Teoretikal:
Haugen at Ferguson – modelo ng paglinang ng
wika
Haugen – ang paglinang ng isang wika ay apat na
“x”
Charles Ferguson - ipinagpatuloy at ginawa
niyang popular.
Modelo sa pag-unlad ng Wika
2.
1.SELEKSYON
ISTANDARDISASYON

3. DESIMINASYON 4. KULTIBASYON o
PAGPAPAYABONG

Intelektwalisasyon
INTELEKTWALISASYON
Tumutukoy sa nagaganap o
isinasagawang proseso upang ang isang
wikang di pa intelektwalisado ay maitaas
at mailagay sa antas na intelektwalisado
nang sa gayon ay mabisang magamit sa
mga sopistikadong lawak ng karunungan.
Isang bahagi ng pagpapayabong ng isang
wika mula sa pinakamababaw tungo sa
pinakamataas na antas ng karunungan
ay tinatawag na INTELEKTWALISASYON
O INTELLECTUALIZATION
Ilang paraan ng Intelektwalisasyon

Nagsimulang gamitin sa panitikan lalo na sa larangan ng malikhaing


panitikan; tulang liriko, prosa, kwento at sanaysay.

Makikita sa iba’t ibang anyo sa larangan ng pananampalataya.

Sa simula ay sa paraang may sukat at tugma at pagkatapos


makaraan ang ilang panahon ay mahahaluan na ng malayang t

May pagbabago sa paksang may kinalaman sa agham at teknolohiya.


LAYUNIN NG INTELEKTWALISASYON
NG WIKANG FILIPINO

Magamit ang wikang Filipino


bilang wika ng karunungan at
sa iskolarling talakayan.
Paninging Historikal- Ang intelektwalisasyon
ng Filipino
Ayon sa ulat ni Chirino at kanyang
mga kasama, nang dumating ang mga
Kastila noong 1565 upang totohanang
sakupin ang ating mga pulo ang
lahat diumano ng mga tribo ay may
ginagamit na sariling uri ng pagsulat
o alibata.
Ang Alibata ay sapilitang pinapalitan ng
mga titik-Romano bilang kasangkapan o
midyum sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo pero may mga mahabang
salaysay na ating napanatili tulad ng
epiko, kundimang awit ng mga tribo na
naninirahan sa kapatagan, mga bugtong
at marami pang iba.
Sa kasalukuyang panahon ang intelektwalisasyon ng
Tagalog ay nagsimula sa larangan ng teolohiya sa
tradisyon ng Katoliko Romano, Isinalin sa wikang Tagalog
ng mga Kastila prayle ang kanilang Eskolastikong
Teolohiya mula sa Latin o Kastila (Gonzales 1985)

Nang magkaroon ng imprenta. Nilimbag ang Doctrina


Cristiana at pinalawak noong 1593; novenario at
devocionario gayundin ang Artes at Vocabularios na
sinimulan noong panahon ni Francisco Blancas de San
Jose at di kilalang Dominikano.
May itinatag na paaralang sekundarya noong ika-17
siglo; mga colegio at seminario, unibersidad,
beaterio na sinundan ng kolehiyo para sa mga
babae na ang wikang panturo ay Kastila at hindi
wikang lokal.

Ika-19 siglo sa panitikan nababanaag ang Nobelang


Urbana at Felisa at sinundan ng maraming maikling
kwento at hanggang sa pasalaysasay na tulang
sinulat ni Francisco Balagtas; Florante at Laura
Siya ay gumamit ng tayutay, metapora at
alegorya.

Mararangal at matatayog na kaisipang


sinambit ng mga tauhan.
Political Writing
Hindi pa lubusang napag-aaralan upang
maunawaan noon ngunit naipagpatuloy sa
pamamagitan ng paminsang-minsang paggamit ng
Tagalog sa mga pahayagan na kailan man ay hindi
naging regular hanggang matapos ang “Malolos
Period”.

Tulad ni Rizal, ang kanyang pagsisikap ay hindi


naisakatuparan .
Ika-20 siglo
Nakita ang malawakang paghahangad nga mga Pilipino na matuto ng
wikang Ingles.

Masasabing hindi yumabong ang malikhaing pagsulat sa Tagalog.

Ang intelektwalisasyon ng Pilipino ay nagsimula lamang noong 1937


nang simulant ang pagpili sa wikang Pambansa at maipalimbag ang
unang balarila sa Tagalog.

Nalathala ang Tagalog Wordlist ng Surian sa pangunguna ni Cecilio


Lopez at Cirio Panganiban.
Ang malaking pagsulong ng intelektwalisasyon sa Kagawaran ng Edukasyon
noong 1974

Ang Edukasyong Bilinggwal ay nagtatakda sa paggamit ng Pilipino bilang


wika ng pagtuturo mula sa Unang Baitang ng mababang paaralan
hanggang sa kolehiyo para sa mga araling panlipunan agham panlipunan.

Ipinagamit din itong wikang panturo ang Filipino sa mga piling kursong
told ng Rizal, Pagbubuwis at Reporma sa Lupa, Kasaysayan at Pamahalaan
ng Pilipinas.

Nagkaroon rin pangangailangan sa mga aklat sa nasusulat sa Filipino sa


mga araling panlipunan (Kasaysayan ng Pilipinas, Pamayanan ng Pilipinas,
Pamahalaan ng Pilipinas at Ekonomiya at Kaysayan ng Daigdig sa antas
Sekundarya.
Sa antas kolehiyo at unibersidad ang pagsulat ng
mga aklat ay madalang at pasulpot-sulpot lamang
dahil nga sa ang mga awtor na nasanay sa Ingles ay
nahirapan sa paggamit ng Pilipino.

Matapos marebisa ang patakaran sa edukasyong


bilinggwal (DECS Memo Bldg. 52, s. 1987)inaasahang
magkakaroon ng panibaging parakaran na higit na
mabisang maisakatuparan ang proseso ng
intelektwalisasyon sa wika sa antas tersiyarya.
Mga insayt na hango sa mga karanasang pangwika

Ang isang wika ay maaaring manatiling gamit na wika sa aktwal na


lugar ng pagtatalastasan ng isang pangkat ay hindi kinakailangang
maging intelektwalisado.

Nag-iiba-iba ang pangangailangan ayon sa sitwasyon at maaaring


maging tiyak sa ilang gamit ng wika o lawak ng karunungan.

Nagkakaroon lamang ng sagabal sa malayang pag-unlad ng isang


katutubong wika sapagkat ang wikang (pangalawa o dayuhan tulad
ng Ingles) ay ginagamit na nga bayan.
Sa ngayon Ingles ang pangunahing wika ng
bansa bilang kasangkapan ng mga Pilipino
sa kanilang adhikaing pansosyal at
pangkabuhayan ngunit sa katagalan
malamang na siyang maging dahilan sa
pagpapanatili rito ng Ingles ay ang patuloy
na pangangailangan natin sa wikang Ingles
bilang wika ng agham at teknolohiya o
bilang wika ng modernisasyon.
Ang Papel ng Katutubong Wika
sa Pag-unlad ng Wikang
Pambansa
Panahon ng Katutubo
800 B.C- 800 A.D.
Pinaniniwalaan na mayroong 3 pangkat ng tao ang
dumating sa Pilipinas; Negrito, Indones, Malay
Syllabic Writing o Pagpapantig (Sanskrit, Alibata o
Baybayin)
Natuklasan ang isang espisimen sa isang banga na may
nakaukit na mga sinaunang letra.
Impluwensiya ng Malay
abo dahoon itim patay
agiw dalaga lamok paying
ama anak gutom lasa
sakay hari lugi sulat
bato baso ilaw mata
Panahon ng Tsino
New Stone Age
10th Century- 15 Century
(Tang, Yuan at Sung Dynasties)
May layuning makipagkalakalan.
Sa simula ang ugnayan ng Tsina sa Pilipinas ay para
lamang sa kalakalan ngunit di nagtagal ay nagustuhan
na nilang manirahan sa bansa.
Bilang ambag ay tinuruan nila ang mga katutubo na
makipagkalakalan at maghanapbuhay.
Nakita ni Paul Versoza ang pagkakahawig ng wikang
Instik sa wikang Tagalog sa pamamagitan ng pag-uulit
ng ugat.
Tagalog Instik

tuktok tok
kutkot khot
lamlam lam
pipi pi
pukpok phok
saksak shak
Panahon ng Kastila
1565-1872
 March 16, 1521 – Dumating si Magellan sa Pilipinas
 February 13, 1565 – Dumating si Legaspi para sakupin ang
Pilipinas.Samar, Limasawa, Cebu at Bohol. Sinunod nila
ang tinahak na daan ni Magellan ngunit hindi
nagtagumpay.
 Ipinag-utos ng Hari ng Espanya na turuan ng Wikang Kastila
ang mga katutubo
 Hindi itinuro ng mga Kastila ang kanilang wika, sa halip ay
sila nag-aral ng wika ng mga katutubo
 Ginawang sapilitan ang pag-aaral. Vernakular ang wikang
ginamit
Wikang Kastila sa pamahalaan,
Vernakular naman sa paaralan.
Gayumpaman, nakabuti ang pasyang
ito dahil nasimulan ang paglinang sa
mga rehiyunal na wika.
Nalimot ng mga taong-bayan ang
kanilang PAGANISMO, ngunit hindi
ang kanilang katutubong wika
 Nakaambag ang mga Kastila sa Panitikan ng
Pilipnas.
1. Romanisasyon ng Alibata o Baybayin
(Abecedario)
2. Pagkakasulat ng Aklat Gramatika ng iba’t
ibang wikain sa Pilipinas
 Nagsulat ang mga Prayle ng disyunaryo,
naging bihasa sila sa katutubong wika at ito’y
kanilang gamit sa pagtuturo ng katekismo.
 Nagbukas sila ng paaralan sa layuning maituro
ang relihiyon.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan
1872-1898
 Panahonng Kamulatan – namulat ang isipan at
damdaming makabayan ng mga Pilipino
 Pinangunahan ng mga panagkat ng Ilustrado:
Rizal, Luna, del Pilar, Lopez Jaena atbp.
 Naitatag ang KARTILYA NG KATIPUNAN (Emilio
Jacinto) na nakasulat sa wikang Tagalog
 Maraming naisulat na akdang pampanitikan sa
wikang Tagalog tulad ng tula, sanaysay, kuwento,
liham at talumpati upang magising ang mga
Pilipino.
 Nobyembre 1, 1897 – Sa pamamagitan ng
Saligang Batas ng Biak- na- Bato na
nakasaad na “Ang Wikang Tagalog ang
siyang magiging wikang opisyal ng mga
Pilipino.

 Itinadhanasa Artikulo 123 na ang ituturo sa


elementarya ay wastong pagbasa,
pagsasalita at pagsulat ng wikang opisyal na
Tagalog at ang pangunahing at ang
pangunahing simulain ng Ingles .
Panahon ng Amerikano
1898-1990
 Ang pagdating ng Amerikano ay nagbunsod ng malaking pagbabago sa kalagayang
pangwika sa Pilipinas.
 Nagpatayo ng pitong pambayang paaralan sa Maynila.
 Naging unang guro ang mga sundalong Amerikano na nagturo ng Ingles.

 March 4, 1900 – alinsunod sa Pangkalahatang Kautusan Blg. 41, si Kapitan


Alberto Todd ay nagsagawa ng mga hakbang tungo sa pagtatatag ng isang
sistema ng edukasyon .
 Pagtatatag ng isang komprehensibong modernong Sistema ng edukasyon
 Paggamit sa wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo
 Pagpapatupad ng patakarang sapiliyang pagpasok ng mga mag-aaral
 1901 – pinagtibay ng Philippine Commision sa Bisa Batas 74 na gawing panturo
sa mga paaralan ang wikang Ingles.
 Oryentasyon ng mga Amerikano sa Edukasyon – pagpilit
sa paggamit ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo at
malugod rin itong tinaggap ng mga katutubo dahil:
 Mabuti ang pakikisama ng mga Amerikano
 Uhaw ang mga Pilipino sa isang uri ng pag-aaral na liberal
 Mga Paksa sa Paaralan: Kulturang Amerikano, Literatura,
Kasaysayan, Pulitika at Ekonomiya.
 Ipinagbawal ang pag-aaral sa anumang bagay sa Pilipino.
 Nagkaroon ng Alphabet (A is for Apple kahit walang Apple sa
Pilipinas)
 Lokal – baduy, Promdi/ Imported - With Class/ Sosyal
 Pinaghalo ang wikang Ingles at Tagalog (Enggalog o Taglish)
 Nagkaroon ng Cebuana-English, Ilokano-English, Carabao-English
1925 – MONROE EDUCATIONAL COMMISION
- Nakita ang sa serbey na mabagal matuto
ang mga batang Pilipino kung wikang Ingles
ang wikang Panturo sa Paaralan.

Panukalang Batas bilang 577 – Gamitin


bilangn wikang panturo sa mga paaralang
primarya ang mga katutubong wika mula sa
taong panuruan 1932-1933.
Panahon ng Malasariling Pamahalaan
1935- 1942
 Angmisyon ni Quezon at Osmeña ang
nagpahalaga sa importansiya ng wikang
Pambansa

 Layunin
ng edukasyon – debeleopment ng diwa
ng pambansang pagkakaisa o nasyonalismo

 Naniniwala
ang mga lider na mahalaga ang
adapsyon ng isang panlahat na pambansang wika.
nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa
pagkakaroon ng Pilipinas ng isang wikang
pambansa.   
Sinikap na mapasama sa Saligang Batas ng
Komonwelt ang Artikulo XIV, Pangkat 3 nag
nagsasaad na “ . . . . ang Kongreso ay
gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon
ng isang wikang pambansang ibabatay sa
isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”
 1943 – nagkaroon ng Kombensyong Konstitusyunal na tinalakay ang
problema sa wika…
Kung anu nga ba ang gagamiting Opisyal na Wika?

Iminungkahi sa isinagawang deliberasyon ang mga sumusunod:


1. Ingles ang dapat maging wikang Opisyal.
2. Ingles at Espanyol ang dapat maging Wikang Pambansa.
3. Tagalog ang dapat maging Wikang Opisyal.
4. Dapat magtatag ng Akademya ng Wikang Pambansa na ang
pangunahing tungkulin ay ang pag-aaral ng isang pambansang wika
5. Tagalog ang dapat maging pambansang wika
6. Vernakular ang pambansang wika
7. Magkaloon ng isang wikang Pambansa na batay sa dayalektong
Tagalog
Napagkasunduan nila
“Dapat na katutubong Wika at hindi dayuhang Wika ang
Wikang Pambansa at magpapatuloy bilang wikang opisyal ang
Ingles at Espanyol.

 Matapos ang matamang pag-aaral, lumabas sa


rekomendasyon ng lupon  na ang Tagalog and dapat maging
batayan ng wikang pambansa sapagkat ito ang nakatugon sa
tatlong panukatan: 
 (1) sinasalita at nauunawaan ng nakararaming Pilipino,
 (2)  may mayamang panitikang nasususlat at
 (3) 
wikang sinasalita at ginagamit sa sentro ng
pamahalaan, komersyo at edukasyon.
 1935– Saligang Batas 1935 (Art. Blg.XIV, S. 3)- ang
kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang
Pambansa na ibabatay sa mga umiiral na
katutubong wika sa kalupaan.

 Nobyembre 13, 1936 – Batas Komonwelt Blg. 184 –


Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
Binigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga pag-
aaral sa lahat ng mga sinasalitang wika sa Pilipinas
at magrekomenda ng pinakalagaling na magiging
batayang ng isang pambansang wika. Tagalog ang
kanilang pinili.
 Nobyembre 9, 1939 – isinumiet ng mga miyenbro ng surian kay
Pang. Quezon ang kanilang rekomendasyong Tagalog ang
gagamiting batayan ng wikang Pambansa.
 Disyembre 30, 1939 – Nagkabisa ang Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134 – WIKANG TAGALOG ang gawing batayan sa pagpili ng
wikang Pambansa
 Disyembre 1939 – nalimbag ang kauna-unahang Balarilang Pilipino
ni Lope K. Santos na kinilalang Ama ng Balarilang Pilipino.
 Abril 1, 1940 - Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 –
Pagpapalimbag ng Dsiksyunaryong Tagalog-Ingles at ang Balarila
ng Wikang Pambansa para magamit sa mga paaralan sa buong
kapuluan.
 Hulyo 4, 1946 – sa bisa ng Batas Komonwelt blg. 570 – ang wikang
pambasa ay sisimulang ituro bilang asignatura mula unang
baitang ng elementarya hanggang ika-apat na taon sa sekondarya
Panahon ng Hapon
1942-1945
 Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 Nasarado ang lahat ng Paaralan
 Sa muling pagbubukas nito – ipinagamit na wikang panturo
ang wikang katutubo at mahigpit na pinagbabawal ang
paggamit ng wikang Ingles at maging ang paggamit ng mga
aklat o anomang peryodikong may kaugnayan sa Amerika.
 Sapamamagitan ng paaralan ay pinasimulan nila ang
paglaganap ng ideolohiyang Hapones
 Ibig ng mga Hapones na malimutan ng Pilipino ang wikang
Ingles. Naging maunlad ang
 Ang mga mag-aaral na nagsipagtapos ay nakatatanggap
ng katibayan. Mayroong tatlong uri ng katibayan ito ay
ang:
 A.) Junior
 B.) Intermediate
 C.) Senior.
Ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon
at pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan sa
pamamatnubay ng Imperyong Hapones.

 Naging maunlad ang Wikang Pambansa, umunlad ang


panitikang Pilipino.
 Inalis sa kurikulum ang wikang Ingles sapilitang ipinalit ang
Wikang Pambansa at Niponggo
 Mga paksa ng pagtuturo: Pamumuhay at kulturang Hapones,
Kasaysayan ng Silangang Asya, mga awiting Pilipino at Hapones.
 Naging aktibo si Pang.Jose P. Laurel sa paglahok sa paghahanda
ng bagong konstitusyong nagtatakda ng ilang reporma sa
edukasyon
 Nobyembre 30, 1943 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 –
ituturo ang wikang Pambansa mula elementarya hanggang
kolehiyo.
 Enero 3, 1944- Binuksan ang isang Surian ng Tagalog na
magtuturo ng tagalog sa mga gurong hindi tagalog
 Walang kumontra sa mga panukala dahil sa takot ang lahat sa mga
Hapones.
Panahon ng Bagong Republika
1946 - 1972
 Hulyo
4, 1946 – Batas Komonwelt Blg. – ang wikang
Pambansa ay isa nang Wikang Opisyal sa Pilipinas
 1946
– ang wikang Pambansa at tatawaging “Wikang
Pambansang Pilipino”
 1951-
ang Wikang Pambansa ay tatawaging “Wikang
Pambansang Pilipino”
 Marso26, 1954 – Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang
Proklamasyon Blg. 13, ang Ang Pagdiriwang ng Linggo ng
Wika tuwing Marso 29- Abril 4
 Setyembre 23, 1955 - Proklamasyon Blg. 186 – Inilipat ang
petsa ng Pagdiriwang sa Agosto 13-19. Itinapat sa kaarawan
ng Pang. Manuel L. Quezon
 Agosto13, 1959 – Kautusang Pangkagawaran Blg.
7 – ang wikang Pambansa ay tatawaging PILIPINO
 1970– Resolusyon Blg. 70 – Ang wikang Pambansa
ay nagging Wikang panturo sa antas ng
Elementarya
 Hulyo29, 1971 – Memorandum Sirkular 488 –
Magdaos ng palatuntunan sa pagsiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19
 Muling
binuo ni Pang. Marcos ang SWP at itinakda
ang mga kapangyarihan nito.
Panahon ng Bagong Lipunan
1972-1985
 1972– Saligang Batas ng 1972 (Art. XV,s.2-3) Ang
Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbangn
tungo sa pagpapaunlad tungo sa pagpapaunlad at pormal
na paggamit ng pambansang wikang tatawaging PILIPINO at
hangga’t di binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang
mananatiling opisyal na wika ng Pilipinas
 1973- Resolusyon Blg. 73-7- Patakarang Edukasyong
Bilinguwal
 Setyembre10, 1983 – Ang Constitutional Commision ay
inaprubahan na pormal na pagtibayin ang FILIPINO bilang
Wikang Pambansa.
1986- Kasalukuyan
 Oktubre 12, 1986 – Pinagtibay ang implementasyon ng paggamit
ng FILIPINO bilang wikang Pambansa
 Enero1987 – Kautusang Taggapagpaganap Blg. 117 – pinalitan
ang SWP ng LWP o LINANGAN NG MGA WIKA SA PILIPINAS
 Mayo1987 – Inilabas ni Dr. Lourdes Quisumbing (Kalihim ng
Edukasyon) ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 32, FILIPINO-
wika ng literasi, ENGLISH – wika ng agham at teknolohiya
 KautusangPangkagawaran Blg.81 – nagsagawa ng reporma sa
alpabeto at sa mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino.
“Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”
 Agosto 14, 1991 – Batas Republika Blg. 7104 – Nilikha ang Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF)
 Hulyo 15, 1997 – Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg
1041. Nagpapahayag sa taunang pagdiriwang ng BUWANG NG WIKANG
PAMBANSA tuwing Agosto 1-31
Paglalahat
Maraming Salamat!

You might also like