You are on page 1of 29

Sining Pantanghalan

Sining Pantanghalan

ay isang sangay ng Teatro na mabisang gamitin bilang lunsaran ng


pagtuturo ng Wika at Panitikan.
Ang Sining ng Sabayang Pagbigkas

“ Ang Sabayang Pagbigkas ay isang masining na


pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng
panitikan sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa nang
malakas ng isang koro o pangkat”
-Andrade, 1984
• Hindi sapat na mabigkas lamang ang piyesa nang sabay-sabay.

• Higit na kailangang mabigyan ng interpretasyon at pakahulugan


ang piyesa sa pamamagitan ng masining at malikhaing
pamamaraan.

• Ang Sabayang Pagbigkas ay maituturing na digmaan ng


interpretasyon.
Nabanggit din ang pariralang “. . . sa anumang anyo ng panitikan”

• Nagpapahiwatig ito na hindi lamang tula ang maaaring gamiting piyesa sa


Sabayang Pagbigkas.
• Maaaring gumamit ng iba pang anyo ng panitikan tulad ng mga piling bahagi
ng isang kwento, dula o nobela.
• Nakasanayan ang paggamit ng TULA bilang piyesa ng Sabayang Pagbigkas dahil
ito’y kawili-wiling gamitin sapagkat ito’y magaan at madulas bigkasin dahil
nagtataglay ito ng naiibang indayog at ritmo na nagmumula sa sukat at tugma.
Ang Sining ng Sabayang Pagbigkas

• Isang koro o pangkat ang bumigkas nang malakas.

• Maituturing na ideyal na bilang ang dalawampu’t limang (25)


mambibigkas para sa pagtatanghal ng isang Sabayang
Pagbigkas.
Idinagdag pa ni Andrade (1984) ang mga sumusunod na pakahulugan
sa Sabayang Pagbigkas:

“Ito’y isang matimbang at maindayog na pangkatang tinig na


nagpapahayag ng isang uri ng kaisipang masining at
madamdamin”.
“Nagtataglay ito ng kaisahan at kagandahang halos katulad
ng kahulugang pangkoro sa musika, isang pamamaraan ng
masinig na pagbigkas sa pamamagitan ng sama-sama,
magkakatugma, magkakabagay at magkatugong-tinig, isang
tuluy-tuloy na aliw-iw ng mga salita”.
• Ang koro ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng tinig.

• Pinagsasanib-sanib ang mga ito nang ayon sa wasto nilang


tunog, himig, puwersa at lakas ng siyang nagbibigay ng
kariktan.
Ayon naman kay Pat Villafuerte (2012)

“ang sabayang pagbigkas ay isang pandulaang pagtatanghal ng


isang akdang pampanitikan”.
Ayon naman sa pakahulugang inilahad ni Abad (1996)

“ang Sabayang Pagbigkas ay isang kawili-wiling pamaraan ng


pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng pagsanib-
sanib ng mga tinig ng koro ayon sa wasto nilang tunog,
puwersa at lakas. Taglay nito ang mabisang panghikayat o
pamukaw sa damdamin dahil sa natitigatig nito ang pandinig,
paningin at pandama ng tao”.
Ang pakikilahok sa sabayang pagbigkas ayon kay Andrade (1993)
ay nagdudulot sa mga mag-aaral ng mga sumusunod:

1. Ito ay mabisang pamaraan ng pagkatuto ng wika.


2. Mabisa itong pamaraan sa paglinang at isang panghikayat sa pagkakaroon ng
kabatiran at lugod sa pagpapaunlad ng panitikan.
3. Ito’y isang pangunahing pagsanay sa pagtatalumpati, pagbigkas nang isahan,
pagpapakahulugan at pag-arte sa tanghalan.
4. Naglalaan ito ng malawak na kakayahan sa pagkalugod sa sinig.
5. Nakatutulong ito sa ikapagtatamo ng pang-unawa sa lipunan bunga ng isang
gawaing pagkatan, pakikiisa at pakikibagay.
6. Isa itong panimulang kasanayan sa mahusay at mabisang paraan ng
pakikipagtalastasan.
Kahalagahan ng Sabayang Pagbigkas (Villafuerte,2012)

1. Nalilinang ang kasanayan sa mabisang pakikipagtalastasan.


2. Napagtutuunan ng pansin ang paraan ng paggamit ng wika tulad ng
pagpapahayag ng damdamin, panghihikayat, atbp. (Jakobson,2003)
3. Nasasanay sa wastong pagbigkas ng mga salita at pangungusap.
4. Nagagamit bilang estratehiya sa pagtuturo ng wika, pagbasa at panitikan.
5. Naipapamalas ang pagiging masining, malikhain at nagagamit ang kritikal
na pag-iisip sa panahon ng pagpaplano, pagpapasya at pagtatanghal.
6. Naipapanaig sa diwa at puso ang halaga ng pagkakaisa, pamumuno,
paggalang sa opinion at Karapatan ng iba, pagkakaroon ng tiwala sa sarili
at sa kapwa, atbp.
Mga Uri ng Sabayang Pagbigkas:

PAYAK- ito’y isang payak o simpleng pagtatanghal ng Sabayang Pagbigkas na


maaaring binabasa lamang ang pyesa.

WALANG KILOS- sa uring ito, kailangang saulalo ng mga mambibigkas ang pyesa.

MADULA- ito’y isang Pang-Teatrong Pagtatanghal.


Mga Anyo ng Sabayang Pagbigkas:

SYNCHRONIZED (sabayang tinig)

CHOREOGRAPHED (sabayang kumpas, kilos, galaw at sayaw)

STRUCTURED (binalangkas na sagutang pagbigkas)

THEOTRICAL (pandulaang pagtatanghal ng piyesa)


Mga Hakbang sa Pagtuturo ng Sabayang Pagbigkas:

• Ang piyesang pipiliin ay nararapat lamang na maging angkop sa okasyon o


pagdiriwang.
• Dapat ang piyesa ay angkop sa edad, interes at karanasan ng mga manonood.
• Piliin din ang piyesa na may uring pagkamaitatanghal – madula,
mapagpakahulugan, mapaghamon, madamdamin at maaksyon.
• Ayon naman kay BUYS (1989), sa pagpili ng piyesa para sa Sabayang Pagbigkas,
nararapat na ang napiling piyesa ay makapagpapakilos ng imahinasyon ng
manonood o tagapakinig at kinakilanagng nagtataglay ng mga katangiang gaya ng
mga sumusunod :
1. Naantig nito ang emosyon ng mga manonood.

2. Nagtataglay ng katangiang ng isang mahusay na akdang pampanitikan.

3. May mga makatawag-pansing mga karakter o tauhang may kani-kaniyang


kakaiba, natatangi at kakatwang karakterisasyon.

4. Mayaman sa talinghaga, imahen, aliterasyon, tayutay at simbolismo.

5. Nagtatampok ng Tunggalian at naghahain ng makahulugang mga kilos at galaw.


Pagbuo ng Iskrip

Ang iskrip na gagamitin ay nahahati sa dalawang uri:


 Tradisyonal o De-kahon – ito ay uri ng Iskrip sa Sabayang Pagbigkas na
inihahanay at hinahati sa apat na kolum ang mga sumusunod:

Pangkat/Tinig
Linya/Taludtod/Diyalogo
Interpretasyon/Kilos/Koreograpi?Blocking
Props/Costume/Pag-iilaw/Musika
De-kahon ang tawag sa uri ng iskrip sapagkat ang iskrip ay ginagamitan ng mga
Pananda, Sagisag, Bantas, Simbolo, Guhit at Ilutrasyon gaya ng mga ss:

Pangkat

I Unang Pangkat na maaaring nagtataglay ng mga


mambibigkas na may tinig na uring mataas o matinis

II Ikalawang Pangkat na maaaring nagtataglay ng


karaniwang tinig
III Ikatlong Pangkat na nagtataglay ng mga tinig na
malalagong
L - Lahatang tinig/Sabay-sabay o Lagumang Bigkas
SOLO - Isahang Pagbigkas/Soloista
Mbgl Mabagal
N Normal
Mbls Mabilis
Mblss Mabilis na mabilis
Pbls Pabilis
Pbgl Pabagal
LAKAS
Mh Mahina
K Katamtaman
Mlks Malakas
Mlkss Malakas na malakas
Plks Palakas
Phna Pahina
Pbl Pabulong
E Pa-echo/pa-alingawngaw
Halimbawa ng mga Sagisag

/ Hindi gaanong mabagal na


paghinto
// Matagal nang kaunti ang paghinto
/// Matagal na paghinto
Kn Kanan
Kl Kaliwa
Lkd Likod
Atbp. . .

You might also like