You are on page 1of 31

MGA TEORYA AT

PANINIWALA NG
PINAGMULAN NG
WIKA
 BOW-WOW - Ayon sa teoryang ito,
maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang
mga primitibong tao diumano ay kulang na
kulang sa mga bokabularyong magagamit.
Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa
kanilang paligid ay natutunan nilang
tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na
nalilikha ng mga ito.
 DING-DONG- Ayon kay Max Muller, ang
bawat bagay sa mundo ay may kasama o
kaugnay na tunog. Halimbawa: kampana-
ding-dong o kalembang. Ang tunog na ito ay
siyang kahulugan ng nasabing bagay Ngunit
may kahinaan ang teoryang ito dahil sa
maraming bagay ang walang tunog at
maraming tunog ang walang katumbas na
bagay.
 YUM-YUM
- Ito ay nagsasaad na ang tao ay
tumutugon sa pamamagitan ng pagkumpas
sa alin mamg bagay na nangangailangan ng
aksyon. ng bahagi ng pagtugong ito ay
ginagawa sa pamamagitan ng bibig.
Halimbawa: sa pagkain o pagnguya ay may
tunog na naririnig, ang tunog “yum-
yum” o “nam-nam.”
 YO-HE-YO
- Ayon kay D.S Diamond, isang
linggwista, ang tao ay natututong
magsalita bunga ng pwersang pisikal.
 SING-SONG
Ayon sa Danish na linggwistang si
Jespersen, ang wika ay buhat sa di
mawatasang pag-awit ng mga kauna-
unahang tao. Karaniwang may melodiya at
tono sa pag-usal ng unang tao sa mundo.
 POOH-POOH
-Ito ay nagsasaad na natutong
magsalita ang mga tao dahil sa mga
masisidhing damdamin na kanilang
naranasan, at nagpabulalas sa mga ito
ng mga di-sinasadyang tunog.
 Ta-RA-RA-BOOM-DE-AY
 Sateoryang ito, ang mga tunog na galing sa
mga rituwal na mga aktibidades ng mga
sinaunang tao ay nagbigay daan upang
magbago at lumago ang pananalita.
 TATA
 Itoay ang mga gestures o kumpas ng
katawan at kamay ay nagproduce ng mga
tunog na ginaya ng mga tao.
 COO COO
 Ayonsa teoryang ito, ang wika ay nagmula
sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.
Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng
mga matatanda bilang pagpapangalan sa
mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa
paniniwala ng marami na ang mga bata ang
nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
Tungkulin Ng Wika

Isang proseso ng pagpapalitan ng


impormasyon na kadalasan na ginagawa sa
pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga
simbolo ang komunikasyon. Ang araling
pangkomunikasyon ang disiplinang pang-
akademya kung saan pinag-aaralan ang
pakikipagtalastasan.
 Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.
halimbawa:
pasalita: pangangamusta
pasulat: liham pang-kaibigan

 Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan.


halimbawa:
pasalita: pag-uutos
pasulat: liham pang-aplay
 Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng
iba.
halimbawa:
pasalita: pagbibigay ng direksyon
pasulat: panuto
 Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o
opinyon.
halimbawa:
pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
pasulat: liham sa patnugot
 Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa
malikhaing paraan.
halimbawa:
pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan
pasulat: mga akdang pampanitikan
 Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos.
halimbawa:
pasalita: pagtatanong
pasulat: survey
 Informative- nagbibigay ng mga
impormasyon.
halimbawa:
pasalita: pag-uulat
pasulat: balita sa pahayagan
MGA ANTAS NG WIKA

 Balbal
 salitang kalye pinakamababang uri wikang ginagamit ng
tao, nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na
nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
 Halimbawa:
 lespu (pulis)
 epal (mapapel)
 chibog (pagkain)
 Kolokyal
o Salitang ginagamit sa
pangarawaraw ng pakikipag usap.
 Halimbawa:
 kumare
 pare
 tapsilog
 Lalawiganin o Salitain o dayalekto ng mga
katutubo sa lalawigan.
 Halimbawa:
 adlaw (araw)
 balay (bahay)
 babaye (babae)
 Pambansa o Ginagamit ng buong bansa Mga salitang
kabilang sa wikang Filipino

Halimbawa:
 malaya
 sabaw
 paniwala
 .Pampanitikan o ginagamit ang mga salita sa iba pang
kahulugano ginagamit pangkatha ng dula at iba pang
likhang pampanitikan.

Halimbawa:
 sanggunian
 tahanan
 kabiyak
BARAYTI NG WIKA

 Angsalitang “barayti” sa simpleng


pagpapakahulugan ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng pagkakaiba.
Kahulugan at mga halimabawa
 Idyolek –bawat indibidwal ay may sariling istilo ng
pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa.
Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng
wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng
kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod
tangi at yunik.
 Halimbawa:
 Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
 Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
 Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong
heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular
na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-
ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. Meron
tatlong uri ng Dayalek:

 Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)


 Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
 Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
 Mga halimbawa ng Dayalek:
 Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
 Tagalog= Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako
 Sosyolek – na minsan ay tinatawag na
“Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti
lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng
isang partikular na grupo.

 Halimbawa
 Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na
akong pera)
 Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin
kita!)
 Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang
gelpren mo o kaya ay pangit ng gelpren mo)

 Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula


sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa
pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat
ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging
bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.

 Halimbawa
 Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
 Kalipay – tuwa, ligaya, saya
 Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
 Ekolek – barayti ng wika na kadalasang
ginagamit sa loob ng ating tahanan.

 Halimbawa
 Palikuran – banyo o kubeta
 Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
 Pamingganan – lalagyan ng plato
 Pappy – ama/tatay
 Mumsy – nanay/ina
 Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang
pormal na estraktura. Ito ay binansagang
“nobody’s native language” ng mga dayuhan.

 Halimbawa
 Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang
babae.)
 Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para
sa akin.)
 Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay
maganda.)
 Creole – mga barayti ng wika na nadebelop
dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang
sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular
na lugar.
 Halimbawa
 Buenas dias – Magandang umaga
 Buenas tardes – magandang hapon
 Buenas noches – Magandang gabi
 Register – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng
wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na
domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
 a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa
larangan ng mga taong gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng
komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
 Halimbawa
 Mga salitang jejemon
 Mga salitang binabaliktad
 Mga salitang ginagamit sa teks
BARYASYON NG WIKA
 -itinuturing na wika ng kalye na ginagamit sa karaniwang usapan.
 -Produkto lamang ang wikang ito ng pagkamalikhain ng taong bumubuo ng
mga salitang may natatanging kahulugan
 -kolektibong wikang gamit ng partikular na pangkat ng mga tao sa lipunan
 Sosyolingguwistika
 -wikang gamit sa tiyak na konteksto
 Propesyon
 -Barayti ng wika na masasabing "personal"o "ekslusibo"
 -pag-aaral ng mga katangiang lingguwistiko ng wika na may halagang
panlipunan sa mga taong gumagamit nito sa loob ng isang speech community
(Yule,2010)

You might also like