You are on page 1of 17

TIYAK NA URI

Taga - ulat:

Jasmin Alvarez James Harold Flores

Ricka Jane Belisario Rinalyn Andaya


Haiku
Ito ay isang uri ng maikling tula na nagmula sa bansang Japan. Ito ay
binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.
Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring
magkapalit-palit din na ang kabuuan ay labimpito pa rin.
Halimbawa ng Haiku:
Ang ka/gu/ba/tan 5
Da/pat ay pro/Tek/ta/han 7
Da/pat I/nga/tan 5
Bilang ng pantig - Labimpitong pantig
Bilang ng taludtod - Tatlong taludtod (3)
Sukat ng bawat taludtod - 5-7-5
Tema o Paksa - Kalikasan
Pantun
Ang Pantun ay nagmula sa Malaysia na nangangahulugang
tradisyunal na tula. Ginagamit ng mga Malay sa lahat ng
pagkakataon, maging bata man o matanda. Ang Pantun ay
isang talata o saknong na may apat na taludtod na ang
tugmaan ay ABAB.
Halimbawa ng Pantun ni Jose Villa Panganiban
Sa Kauri
Ang botante kung matino A
Ay boboto sa magaling. B
Ang botante kung makatao A
Boboto sa kahit duling B
Pakyawan
Noong araw kung umibig A
Taus-puso’t minsan lamang; B
Ngunit ngayon, ang umibig A
Panay laro’t maramihan. B
Soneto
Ang tulang Soneto ay nabibilang sa tulang liriko na may labing
apat (14) na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan , na
may malinaw na paksa ukol sa pagkatao at naghahatid ng
aral sa mga mambabasa.
Halimbawa ng Soneto:
May pinahirapang puso ng pag-ibig,
Dahil sa paghanap ng isa pang puso,
Ang pusong nakita’y katulad ng langit,
Magandang-maganda puso ng pagsuyo,
Ang dalawang puso’y masayang nabuhay,
At sa püso’y hindi na raw magtataksil,
Naniwala silang ang pagmamahalan….
Pag likas at wagas ay walang kahambing,
Bubuyog at kamya’y laging nag-uusap,
Laging nagsasalo sa dusa’t ligaya,
Sapagkat ang kamya’y langit ng pagliyang,
Ang bubuyog nama’y puso ng pag-irog,
Ang puso ng tao’y ligayang may dusa,
Di lahat ng puso’y laging maligaya.
Tulang Liriko
• Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin lamang sa
damdamin ng makata o sumusulat ng tula. Walang
anumang konsiderasyon sa pagsulat nito ngunit ang
damdamin o emosyon lamang ng sumusulat.
• Hindi nito kinakailangan na mayroong tauhan o karakter sa
isusulat na tula. Tumatalakay lamang ang tulang ito sa
perspektibo, pagpapahalaga, emosyon, o iniisip ng
makata.

Tanaga
Ang tanaga ay isang sinauna at maikling tulang Tagalog.
Ito ay may instrukturang 4 na taludtod, binubuo ng
pitong (7) pantig sa bawat taludtod at naglalaman ng
isang diwa ng makatang Pilipino. Naglalaman ito ng
mga matatalinhagang salita.
Nagtataglay ito ng isang tugmaan na a-a-a-a, ngunit ang
makabagong tanaga ngayon ay kakikitaan na rin
ng mga tugma na salitan – a-b-a-b at sunuran
a-a-b-b.
A-A-A-A

Ang hating-gabing kulay


Tulad ng aking buhay
Kailan magkakatunay
Ang pag-ibig na tunay?

Ikaw lang,
walang iba
Ikaw lang nakikita
Ng aking mata, Sinta
At sana’y maniwala
A-B-A-B

Sa aking buhay na ‘to


Wala nang umiiba
Ngunit sa pagdating mo
Mundo ko ay nagiba

Isang punong mataas


Walang tinatakutan
Siya ay may angking lakas
Ngunit di masamahan
A-A-B-B

Tumatawag sa langit
Sana ay ‘wag magalit
Tadhana’y makita
Malimot pagdududa

Ang pusong malimutin


Sana ay baliktarin
At hindi na aalis
Ang ngiti mong matamis.

Oda
ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o
ng iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng
pantig o taludtod sa isang saknong.

Halimbawa ng Oda:
Bayan Ko
by José Corazón de Jesús
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto't bulaklak

Pag-ibig na sa kanyang palad


Nag-alay ng ganda't dilag.
Epiko
Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi
mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan.
Halimbawa ng Epiko:
Epiko ng Luzon
Biag ni Lam-ang (Ilocos)
Epiko ng Visayas
Maragtas (Bisayas)
Epiko ng Mindanao
Bantugan
Elehiya
Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng
pagbubulay-bulay o guni-guni hinggil sa kamatayan.
Elemento ng elehiya:
1. Tema
2. Tauhan
3. Tagpuan
4. Kaugalian o Tradisyon
5. Wikang Ginamit Pormal
6. Simbolismo
Monologong Dramatiko
• Ang dramatikong monologo ay isang dramatikong
uri na binubuo ng isang tula na nagsisiwalat ng
pagkatao ng isang tauhan.
• Ang mga dramatikong monologo ay isang kagamitan sa
panitikan na ginamit mula pa noong sinaunang Griyego
na teatro — ngayon, sila ay isang pangkaraniwang
kasangkapan sa mga modernong dula at pelikula Sa
dramatikong monologo, ang nagsasalita ay
kumakatawan sa nag-iisang tinig na may access sa
mambabasa.
Tulang satiriko
Ito ay isang pang-uri na naglalarawan na sitire o isang
gawa na inilaan upang ipahiya o pag tawaan ang mga
pagkukulang at pagkakamali ng isang tao
o grupo.

You might also like