You are on page 1of 5

DON HONORIORepublic

VENTURA STATE UNIVERSITY


of the Philippines
Bacolor, Pampanga
COLLEGE OF EDUCATION

IKALIMANG KABANATA
ANG MGA DATING KURIKULUM

I. Ang Kurikulum sa Primarya

Kung babalikan ang kasaysayan ng kurikulum sa sistema ng edukason sa primarya,


magugunitang napasimulan ito noong 1901 sa pamamagitan ng Circular No. 2 s. 1901 of the Bureau of
Education.

Binalangkas dito ang tatlong taong tentatibong kurikulum sa mga paaralang primarya at
binigyang-pansin ang pagtuturo ng Ingles. Ang mga sabdyek dito ay (1) reading, (2) writing, (3)
arithmetic, (4) geography, (5) physiology, (6) music, (7) drawing, (8) physical education, (9) manual
training at (10) nature study.

Hinabaan ang oras ng pag-aaral ng mga mag-aaral at pinagtuunan ng pansin ang industrial work.
Naging sabdyek ang Good Manners and Right Conduct. Sa unang pagkakataon ay naipalathala ang
Kurso ng Pag-aaral sa ilalim ng Primary Curriculum of 1915 na naging epektibo hanggang 1924.

Samantala, sa The Primary Curriculum of June 1924 ay nabigyan ng tamang minuto ng pagtuturo
ang mga sabdyek bawat linggo para sa bawat saklaw ng sabdyek. Sa tulong ng The Primary Curriculum
for School Year 1934-1935 ay naidagdag ang dalawang bagong sabdyek, ang health education at
elementary science. Tinanggal naman ang industrial work sa Baitang 2 at Baitang 3. Batay sa kautusang
ipinatupad ng Commonwealth Act No.1, pinasimulang ipaturo ang preparatory military training sa mga
batang lalaki. Bukod dito, binigyan ng bagong pangalan ang social science at tinawag itong social
studies. Dinagdagan ang minuto ng pagtuturo ng arithmetic at binawasan ang minutong pagtuturo ng
language and spelling.

II. Ang Kurikulum sa Sekundarya

Nagsimula ang kurikulum sa sekundarya noong 1904 at ipinatupad ang mga sumusunod na
kurikulum: (1) General Secondary Curriculum ng apat na taon, (2) Secondary Normal Curriculum ng
dalawang taon, (3) Commercial Curriculum ng apat na taon, (4) Trade Curriculum ng dalawang taon, (5)
Agricultural Curriculum ng tatlong taon at (6) Experimental Vocational Curricula.

Binago ang Secondary Curriculum noong 1906. Sa halip na dalawang taon ng pag-aaral ay
ginawa itong ng apat na taon. Naipatupad ang Revised General Secondary Curriculum noong taong
panuruan 1957-1958 at ipinairal ang 2-2 plan. Sa mga mag-aaral na kukuha ng kurso sa kolehiyo ay
pinahintulatan silang mag-enrol sa non-technical courses at ang magiging electives nila ay English o
Social Sciences. Sa mga mag-aaral naman na kukuha ng kursong bokasyonal ay ibinigay sa kanila ang
dalawang periods sa panahong sila ay nasa ikatlo at ikaapat na taon.

Noong 1973 ay inaprubahan ng National Board of Education ang Revised Secondary Education
Program (REP) para sa taong panuruan 1973-1974. Isinama sa kurikulum ang pagtuturo ng Philippine
History and Constitution. Napagtibay rin ang pagkakaloob ng elective vocational subjects. Sa Batayang
DON HONORIORepublic
VENTURA STATE UNIVERSITY
of the Philippines
Bacolor, Pampanga
COLLEGE OF EDUCATION

Edukasyon Kurikulum ng 2002, niliwanag ng Kagawaran ng Edukasyon na sa bagong kurikulum, dapat


ay taglay na ng mag-aaral hindi lamang ang mga kasanayang pangwikang batayan at interpersonal,
kundi pati ang mga kasanayang pangwikang kognitib at akademik. Nililinang nito ang mapanuring pag-
iisip sa mga sumusunod na antas:

Unang Baitang: Inaasahang nakabibigkas at nakababasa ang mag-aaral ng mga alpabeto at simpleng
salita nang may wastong tunog, nakagagamit ng magalang na pagbati sa pang-araw-araw na pag-uusap;
naisusulat ang sariling pangalan at nakasusulat ng mga payak na pangungusap.
Ikalawang Baitang: Nakapagsasabi ang mag-aaral ng pangunahing diwa na napakinggan;
nakapaglalarawan ng mga tao, bagay at pook; nakababasa nang wastong paglilipon ng mga salita at
nakasusulat nang kabit-kabit na mga titik na may wastong bantas.

Ikatlong Baitang: Nakapagsasalaysay ang mag-aaral ng buod ng napakinggan/ nabasa; naibibigay ang
sariling palagay tungkol sa isyung pinag-uusapan; nakababasa at naipaliliwanag ang kahulugan ng mga
salita; natutukoy ang pagkakaiba ng opinyon at katotohanan; nakababasa nang may pang-unawa at
naisusulat ang idiniktang iba't-ibang uri ng teksto.

Ikaapat na Baitang: Nakapagpapahayag ng sariling ideya at kaisipan tungkol sa mga naririnig;


nakapagbibigay rin ng reaksiyon at nakalalahok sa iba't ibang talakayan; nakagagamit ng
matalinghagang salita at mga ekspresyong tuwiran at di tuwiran; natutukoy ang mga pangyayaring nag-
uugnay sa sanhi at bunga ng mga pangyayari at napagsusunod-sunod ang mga ideya at sitwasyon;
nakikilala ang iba't ibang bahaging babasahin at nakasusulat ng mga maikling komposisyon.

Ikalimang Baitang: Nakapagbubuod ng nabasa at napakinggan; nakabubuo ng iba't ibang


pangungusap; nakagagamit ng iba't ibang sanggunian sa paghahanap ng impormasyon at nakasusulat
na ng iba't ibang pahayag at sulatin na may 15-20 pangungusap.
Ikaanim na Baitang: Nakapag-aayos ng napakinggang teksto at naililipat ang impormasyon tungo sa iba
pang anyo ng pagpapahayag; nagagamit ang ibat ibang pangungusap sa pagpapaliwanag;
nakapagbibigay ng solusyon sa mga suliranin batay sa karanasan at mga natutuhang kaalaman sa
anumang sitwasyon at nakasusulat na ng ilang uri ng salaysay o dayalog sa tulong ng mga ideya/tale na
binuo ng klase.
Ang Secondary Education Development Program (SEDP)
ni Prof. Patrocinio V. Villafuerte

Ang Secondary Education Development Program (SEDP) ay ang naging tugon sa


pangangailangan upang maipagpatuloy ang pag-unlad ng mga mag-aaral na napasimulan ng The
Program for Decentralized Educational Development (PRODED). Kasama sa programang ito na makuha
ang resulta ng pananaliksik na kakailanganin ng mga mag-aaral upang lalong mapahusay ang kanilang
perpormans sa Science, Mathematics at Communication Arts. Saklaw rin dito ang naging bunga ng
pananaliksik sa hindi mahusay na pagtuturo ng mga guro, kakulangan sa mga pasilidades at mga
kagamitang panturo na nakaapekto sa hindi mahusay na perpormans ng mga mag-aaral. Nasuri rin sa
programa ang paraan ng pagpapahusay ng mga kautusan at maragdagan ang kahusayang internal ng
sistema. Ang mga Tunguhin ng SEDP:

1. Mapahusay ang kalidad ng mga mag-aaral na nagtapos at ang kahusayang ng sistema.


2. Mapalawak ang pag-access sa makalidad na edukason sa sekundarya.
3. Mailunsad ang equity ng alokasyon ng resorses partikular sa lokal na lebel.
DON HONORIORepublic
VENTURA STATE UNIVERSITY
of the Philippines
Bacolor, Pampanga
COLLEGE OF EDUCATION

Ang Basic Education Development Program (BEC) 2002


ni Prof. Patrocinio V. Villafuerte

Ang 2002 Kurikulum ay ang muling pagre-restruktura ng NESC (1983) at ng NSEC (1989) upang
maitaas ang kalidad ng mga mag-aaral at mga nagtapos na Pilipino upang magkaroon sila ng
panghabang buhay na kaalaman. Napag-alaman sa maraming pag-aaral na karamihan sa mga mag-
aaral ay hindi natatamo ang functional literacy. Inilarawan ang functional literacy bilang a range of
cognitive, affective, and behavioral skills which enables individual to make critical and informed decisions
and function and scientific-numerical competence.

Niliwanag ng Kagawaran ng Edukasyon na ang kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 ay


isang pagrereistruktura lamang at hindi lahat ang pagbabago ng papalitang kurikulum sa sekundarya. Sa
Governance of Basic Education Act of 2001, inilahad ang mga patakarang tunguhin ng batayang
edukasyon: Linangin ang mga mag-aaral na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga batayang
kasanayan sa literasi, numerasi, kritikal na pag-iisip at mga kasanayang pampag-aaral at mga kanais-
nais na kahalagahan (values) upang sila'y maging mapagkalinga, makatayo sa sarili, maging prodaktib,
magkaroon ng kamalayang panlipunan, maging makabayan at responsableng mamamayan. Batay sa
mga nabanggit, bisyon ng DepEd na luminang ng mag-aaral na Pilipino sa mga sining at isports at may
kahalagahan ng isang mamamayang maka-kalikasan, makatao at maka-Diyos. Sa nireistrukturang
Kurikulum ng 2002, binigyan ng ibayong pansin ang pagsasanay para sa pagtatamo ng mga kasanayan
sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga kahalagahan at ang pagkilala sa ibat ibang katalinuhan ng
mag-aaral (multiple intelligences). Dagdag pa ni Dr. Espiritu, maraming kahinaan ang naobserbahan sa
datihang kurikulum na pinairal. Nagsagawa ang supervisor ng Filipino ng DepEd Central Office ng rebyu
ng SEDP kurikulum na inimulang implementa noong 1989.

Ilan sa mga obserbasyong iniulat ni G. Arturo Cabuhat ang mga sumusunod:


a) Repetisyon at overlapping ng mga itinuro lalo na sa wika mula sa elementary hanggang
tersyarya.
b) Kakulangan, kundi man kawalan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas.
c) Mababaw na nilalaman at kasanayang nililinang.
d) Walang kaayusan at pokus sa pagpiling kontent at pagtalakay sa panitikan.
e) Di-lubusang paglinang ng kahusayang magamit ang wikang natutuhan sa pagkatuto ng mga
asignaturang itinuturo sa Filipino.

Ang Understanding by Design (UbD)

Ay isang balangkas konseptuwal para sa edukasyon na nakasalig sa layunin ng pagtuturo para


maunawaan (teaching for understanding). Ito ay ipinakilala nina Jay McTighe at Grant P. Wiggins noong
1998 na naglahad ng proseso ng pabaligtad na disenyo (backward design) sa pagsulong ng kurikulum sa
paaralan.

May tatlong mithiing pang-akademiko ang UbD: (1) makakuha ng kaalaman. Pinakapuso nito ang
performace task o inaasahang pagganap, (2) maunawaan ang nilalaman. Ito ang pagtataya at bang
katibayan. Makikita ang performance task sa akronim a GRASPS (Goal, Role, Audience, Situation,
Product / Performance at Standard). (3) mailipat o maiaplay ang naunawaang kaalaman. Pinalawak din
ng UbD ang nakapaloob ditong six facets of understanding na kailangang maangkin ng mga mag-aaral:
(1) naipaliliwanag (explanation), (2) nakalilikha ng bagong kahulugan (interpretation), (3) nagagamit ang
DON HONORIORepublic
VENTURA STATE UNIVERSITY
of the Philippines
Bacolor, Pampanga
COLLEGE OF EDUCATION

natutuhan (application), (4) may kakayahang magsuri (perspective), (5) may pagdama (empathy) at (6)
kaalaman sa sarili (learning plan).

Hindi bago ang UbD, katunayan nakapaloob din dito ang maraming pagdulog at estratehiya sa
pagtuturo ng Filipino gaya ng paggamit ng higher order thinking skills (HOTS), constructivism,
kooperatiba at integratibo na magagamit ng mga mag-aaral upang maging ganap ang kanilang malalim
na pag-unawa sa mga konsepto at ideya.

Inaalis ng UbD ang dalawang kamalian ng tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo: (1) ang
pagtuturong nakapokus sa nilalaman ng aralin at (2) ang pagtuturong nakapokus sa gawain ng
pagkatuto. Sa una, hinahangad ng mga guro na maiturong lahat ang mga paksang nilalaman ng aklat
bago matapos ang taong panuruan habang naitatanong ng mga mag-aaral sa kanilang sarili kung bakit
dapat nilang makuha ang lahat ang impormasyon gayong hindi nila ganap na naunawaan ang mga ito.
Sa ikalawa, maraming gawaing ipinagagawa ang guro sa mga mag-aaral bagamat nasisiyahan sila sa
paglahok dito ay hindi pa rin maunawaan ng mga mag-aaral kung bakit ipinagawa sa kanila ang mga ito.

III. Ang Kurikulum sa Tersyarya

Sa CHED Memorandum Order (CMO) noong 2004 ay inlahad ang curriculum outline ng General
Education Courses at Professional Education Courses para sa degree programs ng Bachelor of
Elementary Education (BEEd) at Bachelor of Secondary Education (BSEd) gaya ng mababasa sa ibaba:
BEEd BSEd
General Education Courses 63 63
Professional Education Courses 54 51
Theory/Concepts Courses 12 12
Methods/Strategies Courses 27 27
Field Study Courses 12 12
Special Topics Courses 3 3
Specialization 57 69
TOTAL UNITS 174 174

Content Course for Courses BEEd

Science 12 units
Mathematics 12 units
English 12 units
Filipino 6 units
Social Studies 6 units
Music, Arts and Physical Education 3 units
Home Econiomics and Livehood Education 3 units
Values Education 3 units

Specialization Courses for Courses BSEd

Mathematics
Physical Sciences
DON HONORIORepublic
VENTURA STATE UNIVERSITY
of the Philippines
Bacolor, Pampanga
COLLEGE OF EDUCATION

Natural Sciences
English
Filipino
Social Studies
Values Education
Technology and Livelihood Education
Music, Arts, Physical and Health Education
Islamic Studies

Itinatadha ng Konstitusyon 1987 ang mahalagang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa


pambansang pakikipag-ugnayan at sa pagtatamo ng edukasyon ng mga Pilipino. Ang pagsisikap na
mapaunalad at mapalaganap ang Filipino na nangangahulugan ng intelektuwalisasyon at
istandardisasyon nito upang magamit sa mga pangkarunungang pagpapahayag ay sinusuportahan ng
Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal ng Kagawaran ng Edukasyon.

Kailangang makapagtamo ang ma Pilipino ng kasanayan sa paggamit ng Filipino upang


magampanan nila ang kanilang mga tungkulin bilang mamamayan at upang makatugon sa mga
pangangailangan ng isang maunlad industriyalisadong bansa.

Inilunsad ng Commission on Higher Education na ibahagi ang pagtuturo ng Filipino sa mataas na


lebel sa bisa ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 59 s. 1996 na nagtatadhana ng siyam (9) na yunit
sa pangangailangan sa Filipino sa batayang edukasyon sa antas tersyarya. Tungkulin ng programang ito
na malinang ang mga kasanayan sa siyam na yunit na ito tungo sa pagtatamo ng kakayahang
komunikatibo sa paggamit at pagkatuto sa Filipino sa iba't ibang disiplina. Sa pagtuturo ng Filipino,
pinagsusumikapan ng mga guro ng/sa Filipino na malinang sa mga mag-aaral.

You might also like