You are on page 1of 25

SIMULAIN SA

PAGHAHANDA AT
EBALWASYON NG
KAGAMITANG PANTURO
Mga Batayang Simulain sa Kagamitang
Panturo mula sa powerpoint
presentation nina Maria Mae Tolosa at
Angelie Mae Roldan Basia.
 Prinsipyo at Teorya
Sa paghahanda ng kagamitang panturo,
kinakailangan na isaalang-alang at maunawaan
nang mabuti ang mga prinsipyo at teorya sa
paggamit at pagdisenyo ng kagamitang panturo.
Ang Teorya ay tumutukoy sa kung gaano
kaganda ang pagkakapaliwanag sa isang bagay
na pinaghandaan.
 Prinsipyo at Teorya
Ayon kay Reigeluth (1983), ang teorya ay
isang set ng modelo at ang prinsipyo at
teoryang ito ay matutukoy lamang sa
pamamagitan descriptive at perspective na
anyo. Ayon naman kay Seels (1997), ang
teorya ay paliwanag ng penomina at
pangyayari na makakatulong sa mag-aaral na
lubusang maunawaan ang talakayan.
1. Gawing malinaw at tiyak ang
layunin ng pagtuturo.
 Bawat proseso ng pagtuturo ay nagsisimula sa
pagtukoy ng guro sa mga layunin ng
pagtuturo.
2. Iangkop sa paksang-aralin
ang kagamitan.
 Kritikal sa pagpaplano ng pagtuturo ang
pamimili ng kagamitang gagamitin.
3. Kilalanin ang katangian at
karanasan ng mga mag-
aaral.

 Nararapat ding isaalang-alang ang


katangian ng mga mag-aaral sa
paggagamitan nito.
4. Tiyakin ang tagal ng panahon
ng paggamit ng kagamitan.

 Mahalagang iayon sa haba o ikli ng


pagtuturo ang ihahandang kagamitan.
5. Alamin ang tamang paraan
ng paggamit.
 May mga kagamitang sadya nang nakahanda
upang gamitin sa pagtuturotulad halimbawa ng
mga bagay na nabibili (tsart, modelo,
interactive educational materials) , elektronikong
kagamitan (kompyuter, LCD
projector, telebisyon ) at iba pang kagamitan na
hindi mismo ang guro ang gumawa o naghanda.
6. Tiyaking may mapagkukunan at
abot ng badyet ang mga
kagamitan.

 Kung magpaplanong gumamit ng mga


kagamitan, kinakailangang tiyakin na may
magagamit upang hindi masira ang
nakaplanong pagtuturo.
Halimbawa nito ay ang pagpaplanong
magpanood ng pelikula o film, tiyaking may
kinakailangang kagamitan tulad ng DVD player,
telebisyon, kuryente, at iba pa upang maging
tuloy-tuloy ang pagtuturuan at walang
maging sagabal.
B. KAHALAGAHAN NG MGA
KAGAMITANG PANTURO
1. Nagiging makatotohanan sa mga
mag-aaral ang talakayan. Sapagkat
nakikita nila at nararanasan ang
talakayan.
2. Walang naaksayang panahon at oras sa
mag-aaral at guro sapagkat may
direksiyon ang pagtuturo at pagkatuto.
3. Nababawasan ang pagiging
dominante ng guro sa pagsasalita o
pagtatalakay ng aralin sa loob ng
klasrum.
4. Tumutulong sa pagsasakatuparan ng mga
layunin sa pagtuturo. Sabi na nga
sa talakay sa iba pang kahalagahan, ang
kagamitang panturo ay gabay ng guro sa
talakayan.
5. Gumising sa kawilihan ng mag-aaral at
humihikayat ng inter-aksiyon.
Ngayong panahon, ang karamihan sa mag-
aaral ay visual at kinesthetic learners.
Natututo sila kapag may nakikita o
nagagawa nila ang isang bagay.
C. KALIKASAN
AT
KATANGIAN
NG
EPEKTIBONG
Hango kay Tomlison (1998), may dalawang
pangunahing katangiang dapat taglayin ang
anumang kagamitang ihahanda ng guro para
sa pagtuturo.

1. May impak- Kailangang masaling ang


kuryusidad, interes at atensyon ng mga mag-
aaralupang masabing nagkakaroon ng impak
sa kanila ang mga kagamitang ginamit.
Natatamo ang impak sa pamamagitan ng
mga sumusunod na aspekto:

a.orihinalidad- pagiging bago o kakaiba


b.pagkakaiba-iba – may baryasyon sa iba’t
ibang pagkakataon
c. kaluguran – kahali-halina sa mata o
paningin tulad ng paggamit ng mga
makukulay na presentasyon, larawan at iba
pa.

d. kawilihan – pumupukaw ng interes ng


mga mag-aaral
Mga
Panuntunan at
Dapat Tandaan
 Lahat ng instruksyunal na mga kagamitan ay
pantulong sa pagtuturo. Hindi nito hinahalinhan
ang guro. Ang mga materyales na ito ay
nakatutulong sa pagtuturo ng guro sa silid-aralan
upang maging kawili-wili,
kasiya-siya at kalugod- lugod ang pag-aaral ng
mga mag-aaral.
 Piliin ang instruksyunal na kagamitang
pinaangkop at pinakaakma sa iyong mga
layunin.
 Kailangang gumamit ng barayti ng mga
kasangkapan at kagamitan tulad ng video,
computer, overhead projector, at chalkboard.
Napapanatili ng mga ito ang interes ng mga
mag-aaral sa pagtanggap ng
kabatiran sa iba’t ibang paraan.

You might also like