You are on page 1of 39

Hagdan ng

Karanasan
(Ginagawa)
Tuwirang Karanasan

Eksperimento Ang pag-eeksperimento


sa laboratoryo ay isang halimbawa ng tuwirang
karanasan. Dito ang mga mag- aaral ay
nasusubukang tumuklas ng bagong kaalaman sa
siyensiya. Sila mismo ang gumagawa ng gawain.
Mga Laro

Likas na mahilig sa paglalaro ang mga bata.


Nagiging masaya at aktibo sila sa
pamamagitan ng paglalaro. Kung nakikita
natin na nababagot na ang mga mag-aaral,
maaari natin silang ganyakin at pasiglahin sa
pamamagitan ng paglalaro.
Ang laro ay mabisang paraan para mabigyan-

buhay ang pag-aaral ng mga bata. Gaano man


kahirap ang liksyon ay magaganyak pa rin sila
sapagkat ganado sila sa paglalaro.
Bagamat maraming uri ng laro, ang
bibigyan- pansin dito ay iyong mga larong
maaaring
gawin sa loob ng klase at habang
nagkaklase.

Ang mga larong ito ay hindi lamang


nakalilinang sa pisikal kundi pati na rin sa
mental, sosyal at emosyunal na aspekto ng
Larong Book Baseball
• Ang paglalaro ay sa pamamagitan ng tanong- sagot. Hindi bola ang
ihahagis ng pitser kundi katanungan na siya lamang sasagutin ng batter.
Kapag nasagot nang tama ang katanungan, tatakbo sa unang beys and
batter. Ang ikalawang batter ngayon ang tatanungin ng pitser.
• Kapag nasagot niya ito nang tama, tatakbo siya sa unang beys. Ang unang
batter nama’y tatakbo sa ikalawang beys. Ganito nang ganito hanggang
may maka-homerun. Kapag ang tanong ay di-nasagot, out ang di-
nakasagot. Kapag nabuo ang tatlong out, susunod na maglalaro ang
ikalawang. Pangkat. Paramihan ito ng homerun.
Hot Potato
• Paraan:
• Maghahawak-kamay ang mga bata at bubuo sila ng pabilog na pormasyon.
Ang taya ay tatayo sa gitna at pipiringan ang mga mata. Kakanta ngayon
ang mga bata habang iniikutan nila ang taya. Paghinto ng kanta, hihinto rin
sa pag-ikot ang mga bata. Likot ngayon ang taya. Paghinto niya’y agad-
agad
niyang ituturo ang isa sa mga batang nakapaligid sa kanya. Ang batang
itinuro ay magbibigay agad ng tanong at sasagutin naman agad ng taya.
Kapag nasagot nang wasto ang katanungan, ang nagtatanong ang magiging
taya.
Kapag hindi naman nasagot nang wasto, mananatiling taya ang dating taya.
Authors Game- Laro ng mga May-
akda
• Kagamitan:
• Mga kard na may nakasulat na pangalan ng mga may-
akda
• Mga binilong papel na kung saan nakasulat ang may
akda
• Kahon na paglalagyan ng mga binilong papel
Paraan
:
• Bubunot ang mga mag-aaral ng tig-iisang kard na may nakasulat na
pangalan ng mga may akda. Dadalhin nila ang mga ito sa kanilang upuan
at magsisilbing kar nila. Pagkatapos, bubunot ang guro ng mga may-akda
na nakasulat sa papel. Babasahin niya ito. Titingnan ngahyon ng mga bata
ang hawak nilang kard. Kapag nakasulat ang pangalan ng may akda sa
hawak- hawak nilang kard lalagyan nila ng ekis ang nasabing pangalan.
Patuloy na pagbasa ng guro n mga tanong at patuloy rin ang pagmamarka
ng mga bata sa kanilang kard. Kung may batang nakapag-ekid ng limang
tamang saot sa kanyang kard ay diretsong pahalang. Bibigyan sila ng regalo
bilang pabuya.
Pahulaan
• Ang mga manlalaro ay binubuo ng dalawang pangkat. Magbibigay ng
katanungan ang guro sa unang kasapi ng unang pangkat. Pag nasgot ng
wasto ang katanungan, biigyan ng pntos ang pangkat na kinabibilangan
niya. Susunod na tatanungin ngayon ang ikalawang manlalaro na nasa unang
pangkat pa rin. Pag nasagot ulit ng tama, isang puntos ulit ang ibibigay sa
kanila. Ngunit kung hindi tama ang kasagutan, ang ikalawang pangkat na
ang sasagot. Ganito ng ganito ang gagawin hanggang sa umabot sa takdang
oras ang itinakda. Kung alin ang mas maraming puntos, iyon ang mananalo.
Magdala Ka
Kagamitan:
Mga bagay na nasa loob ng silid-aralan

Paraan:
Ang guro ay magsasabi ng bagay o mga bagay na dadalhin sa kanya.
Kapag nagsabi na siya ng bagay, unahan ngayon ang mga bata sa
paghahanap. Ang batang unang makakapagbigay sa guro na binanggit niya
ay siyang panalo.
Bugtungan
• Ang klase ay nahahati sa dalawang pangkat. Magbibigay ang guro ng
bugtong. Sinuman sa dalawang pankat ang sasagot. Ang pangkat na
nakasagot ng wasto ay may puntos at siya ring magtatanong sa kabilang
pangkat. Kaapag nasagot ng bugtong ang nasabing pangkat ay ganoon din
ang mangyayari. Kapag hindi naman nasagot ng wasto ang puntos ay
mapupunta sa pangkat na nagtatanong at sila muli ang magtatanong. Ang
guro ang tagaiskor. Ganito ng ganito ang gagawin hanggang sa matapos ang
itinakdang oras. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang panalo.
Lunting Ilaw, Pulang
Ilaw
• Ang guro ay nasa harap ng klase habang ang mag-aaral ay nakaupo sa kani-
kanilang upuan. Kapag sinabi ng gurong “lunting-ilaw”, lahat ng mag-aaral
ay tatayo at kapag sinabing “pulang-ilaw”, uupo naman sila. Maaring salit-
salit o sunod-sunod ang pagkakasabi ng “lunting-ilaw” o “pulang-ilaw”. Ang
sinumang mahuling magkamali ay pinapupunta sa harapan. Ang mga
pinapunta sa harapan ay parurusahan sa pamamagitan ng pagtatanong
tungkol sa liksilyong pinag-aralan. Sa paraang ito, naglalaro na sila, nag-aaral
pa.
Modelo

• Ang modelo ay panggagaya sa orihinal na kaanyuan at


kabuuan ng isang tunay na bagay. Maaaring ito ay
gaawa ng kahoy, plastic o bakal. Bagamat may
kaliitan ay katulad na katulad ang anyo sa ginayang
tunay na bagay.
Mock-up
• Ang mock-up ay panggagaya rin tulad ng modelo. Ang pinag-
iba lamang ng mock-up sa modelo ay isa o ilang bahagi lamang
ang gagayahin at hindi ang kabuuan.
Ispesimen

• Isang mabuting panghalili sa mga tunay na karanasan


ang ispesimen. Halimbawa. Kung hindi madadala ang
mga mag-aaral sa pook na pinagkukunan ng mineral,
maaaring magpakita na lamang sa klase ng iba’t ibang
uri ng bato bilang ispesimen.
Mga Tunay na
Bagay
• Ang mga tunay na bagay ay mahalagang kagamitang tanaw-
dinig. Nahahawakan, nasusun at nagpag- aaralan ang mga ito ng
mga mag-aaral. May mga mag-aaral pang nagdadala sa silid-
aralan ng mga bagay na dala ng kanilang mga magulang o
kapatid na galling pa sa ibang bansa. Ipinapakita ang mga ito sa
mga kamag-aaral upang mapag-aralan.
Madulang Pakikilahok

• Ang mga kagamitang tanaw-dinig na maaaring gamitin


ng guro para sa madulang pakikilahok maging
mabunga at matagumpay ang kanyang pagtuturo ay
ang mga sumusunod:
Mga
Dula
• 1.1 Pagtatanghal (Pageant)
Ang pagtatanghal ay isang makulay na pagkilala ng mga
mahahalagang bahagi ng kasaysayan na kung saan ang
mga tauhan ay nakasuot na angkop na damit.
1.2 Pantomina o Panggagagad
• Ang Pantomina ay pag-arte nang walang salitaan. Kilos at aarte
ang kasali ayon sa hinihingi ng kanyang papel na
ginagampanan. Ito ay payak na anyo ng dula na magagamit sa
iba’t ibang pagkakataon. Ang mga mahiyaing mag-aaral ay
nalilinang na magkaroon ng tiwala sa sarili, maging magalang
sa pagkilos sa pamamagitan ng pantomina.
1.3 Tableau

• Malaki ang pagkakatulad ng tableau sa pantomina dahil


parehong walang salitaan. Kaya lamang ang tableau
ay walang galaw samantalang ang pantomna ay may
kilos at galaw. Ito ay parang isang larawang
eksenang may mga tauhang tahimik na tahimik
ngunit may sapat at magandang kapaligiran.
1.4 Saykodrama
• Ang saykodrama ay isang kusang-loob na dula na nauukol sa
pansariling lihim o suliranin ng isang tao. Ang mismong may
suliranin ang gagawa ng iskrip at magsasadula. Karaniwang
ginagawa ito sa nga asignaturant Homeroom Guidance at
Edukasyong Pagpapahalaga. Mabisa ito sa paglutas ng
pansariling problema na kung tawagin ay “therapeutic value”.
1.5 Sosyodrama
• Ang dulang ito ay walang gaanong paghahanda at pag-
eensayo. Umiinog ang paksa sa suliraning panlipunan.
• Sa pagsasadula, ipakikita ang suliraning panlipunan at pipiliting
mabigyang-kalutasan ng mga tauhan ang nasabing suliranin.
Isang mabisang pamamaraan ito sa pagtuturo ng Sibika at
Kultura at Wastong Pag-uugali.
1.6 Role-Playing
• Kung sa sosyodrama ang diin ay sa suliraning panlipunan, sa
role- playing naman ay ang papel na ginampanan. Ang
importante rito ay mabigyang-buhay at halaga ang papel na
ginagampanan.
• Dahil madaling ihanda ang role-playing, maraming mag-aaral
ang nagaganyak at nawiwiling sumali.
1.7 Dulang Pasalaysay o Chamber
Theater
• Ang dulang pasalaysay o chamber theater ay isang paraan ng
pagpapakahulugan sa panitikang pinag- aaralan gaya ng maikling
kuwento, pabula, tulang pasalaysay at bahagi ng nobela sa pamamagitan
ng diyalogo, aksiyon at pagsasalaysay.
• Bawat isang tauhan ng kuwento ay kinakatawan ng isang aktor na
tagapagsalaysay rin at mayroon pa ring pormal o sadyang tagapagsalaysay. Sa
pagtatanghal na ito ang mga aktor ay gumagamit ng angkop na kasuotan,
may kagamitang pantanghalan (props) at mayroon ding tanawin.
1.8 Sabayang Pagbigkas
• Isa sa mabisang paraan ng pagpapakahulugan at pagpapahalaga
sa isang tula ay sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas. Bukod
sa nadaramang pagkalugod sa isang kathang sining ay may ilan
pang makabuluhang bunga ang sabayang pagbigkas para sa mga
mag- aaral. Nagkakaroon sila ng malinaw na pang-unawa sa tula.
Nalilinang ang kanilang wastong pagbigkas at nabibigyang-diin
ang bahaging dapat bigyan ng diin. Naiiwasan din ang pagbigkas
na paawit.
Mga
Papet
• Ang papet ay isang tau-tauhang kaya nagsasalita at gumagalaw ay dahil sa
tagapagpaandar nito. Ito ay kagamitang tanaw-dinig na nagpapayaman sa
mga karanasan ng mga mag-aaral. Nagdudulot ito ng kasanayan sa
pasalitang pakikipagtalastasan dahil sa mga diyalogong sinasabi.
• Nalilinang sa mag-aaral ang tiwala sa sarili dahil sa pagharap sa madla o
kamag-aral. Nararamdaman niya ang mga usapang ipinahahayag na parang
siya ang nasa katauhan ng tauhang ginagampanan. Hindi siya
nakakaramdam ng hiya o takot dahil ang pansin ng manonood ay nasa
papet na hawak niya.
Karily
o
• Ang karilyo ay pagpapagalaw ng mga anino ng mga
pira- pirasong kartong hugis-tao o hayop sa likod ng
isang kumot na puti na naiilawan. Habang
pinapagalaw ang hugis-taong karton ay sinasabayan ng
pagsasalita. Ang hugis ng karton ay ayon sa mga
tauhan ng isang salaysay, alamat, kuwento, balita, at
iba pa.
Istik
Papet
• Ang istik papet ay cut-out ng anumang bagay
na idinidikit sa patpat. Mabisa itong
pangganyak sa mga bata lalo’t sinasabayan ng
pagkukuwento.
Kamay na Papet o Hand
Papet
• Ang kamay na papet ay anumang anyo ng tao, hayop o bagay
na iginuguhit sa supot na papel. Ang isang kamay ay ipinapasok
sa supot na papel. Kapag iginagalaw ang kamay gumagalaw din
ang papet.
Daliring
Papet
• Ito ay paggamit ng mga daliri sa paggawa ng anumang hugis
o anyo na gustong gayahin.
• Bukod pa sa nabanggit, ang daliring papet ay maaaring mga
daliring ginuhitan ng anyong mukha ng tao. Pinagagalaw ang
daliri habang sinasabayan ng pagsasalita o pagkukuwento.
Maryonet o Pising Papet

• Gumuhit ng larawan ng tao o hayop o anumang bagay


sa isang malapad na karton. Gupitin ito. Paghiwa-
hiwalayin ang mga bahagi ng katawan (ulo, paa,
kamay). Ikabit ang mga bahagi sa pamamagitan ng
tamtaks. Itali ang pisi sa mga bahaging gustong
pagalawin. Kung hihilahin nang paitaas ang pisi,
kikilos ang papet.

You might also like