Professional Documents
Culture Documents
Inihanda ni:
Bb. ADELFA I. MENDOZA, PhD
Dalubturo
Pangalan: _____________________________________
Kurso: _______________________________________
Modyul para sa Paghahanda ng mga kagamitang Pampagturo
Layunin (Objective):
- Matukoy ang ibat-ibang kagamitang pampagtuturo at
- Maunawaan ang ibat-ibang Pampagtuturo
Introduksyon (Instroduction):
Ano ang mga kagamitang Pampagtuturo? Ang mga ito ay anumang karanasan o bagay na
ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohana, saloobin, kaalaman,
palagay, pang unawa at pagpapahalaga sa mag –aaral upang lalong maging kongkrito, tunay,
daynamik at ganap ang pagkatoto. Hindi sapat na may magagamit ng kagamitan ng
pampagtuturo ang isang guro kundi kailangan niyang gamitin ang mga ito at alam niya kung
kalian gagamitin ang mga ito.
Nahahati sa apat na bahagi ang mga kagamitang pampagtuturo nakapaloob sa aklat na ito.
Ang unang bahagi ay naglalaman ng mga kagamitang tanaw-dinig. Ang mga kagamitang tanaw-
dinig ay mga bagay o kasangkapan may kinalaman sa paningin tulad ng pisara, bolitin board,
dayorama at mobil o yung may mga kinalaman sa sabayang paggamit ng mga mata o tainga tulad
ng telebisyon at pelikula. Ang ikalawang bahagi ay tungkul sa paglikha ng mga lunsaran sa
paglalahad ng mga aralin sa Filipino. Ang ikatlo ay tumutukoy naman paghahanda ng mga
pagsasanay at pagsusulat sa wika at pagbasa.
Kabanata 1
Kapag tinalakay ang mga kagamitang tanaw-dinig ay hindi maiiwasang mabanggit ang
hagdan ng karanasan na tinatawag na “cone of experience” sa Ingles. Ang hagdan ng karanasan
ay binubuo ng labing isang baitang. Ang bawat baitang ay mahalaga sa isa’t-isa. Nagsisimula
nag hagdan ng Karanasan sa tuwirang karanasan at nagtatapos naman sa simbolong berbal.
Bagamat baitang ang mga karanasan ay naroon parin ang ugnayan ng bawat isa.
Makikita sa ibaba ang anyo ng hagdan ng karanasan.
Ang Labing isang baitang ng hagdan ng karanasan ay maaring pangkatin sa tatlo ayon sa antas
ng pagiging tuwiran hanggang sa maging abstrak. Ang tatlong pangkat ay ginagawa sa pagkat ito
ay aktwal na ginagawa ng tao. Binubuo ito ng mga tuwirang karanasan at madulang pakikilahok.
Ang pangalawang pangkat ay tinatawag na minamasid sa pagkat bukod sa pinagmamasdan ay
pinapakinggan pa ang mga karanasang nakapaloob dito. Ang pakitang turo, paglalakbay, eksibit,
telebisyon, pelikulang gumagalaw. Teyp recording, radio sapagkat ito ay gumagamit ng mga
simbolong biswal at berbal.
Ginagawa
A. Ang mga tuwirang karanasan
B. Ang mga binalagkas na karanasan
C. Ang madulang pakikilahok
Minamasid
A. Ang pakitang-turo
B. Ang ekskursyon
C. Ang mga eksibit
Ang mga Medyang pang-Edukasyon
1. Telebisyon
2. Pelikula
3. Radyo
4. Prodyektor
5. Larawang di-gumagalaw
a. Islayd
b. Filmstrip
6. Teyp Rekording
Sinasagisag
A. Ang simbolong biswal
B. Ang simbolong berbal
Tunay na maakyat ang mga mag-aaral ang hagdan ng karanasan sa isang mabilis at kapaki-
pakninabang na kaparaanan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng mga kagamitang tanaw-
dinig na inihahanda ng guro sa bawat gawaing ipinararanas sa mga mag-aaral.
GINAGAWA
Tuwirang Karanasan
1. Eksperimento
Ang pag-eekspereminto sa laboratory ay isang halimbawa ng isang karanasan.
Dito ang mga mag-aaral ay nasusubukang tumuklas ng bagobg kaalaman ayon sa
syensiya. Sila mismo ang gumagawa sa gawain.
2. Mga Laro
Likas na mahilig sa paglalaro ang mga bata. Nagiging masaya at aktibo sila sa
pamamagitan ng paglalaro. Kung nakikita natin na nababagot na ang mag aaral, maari
natin silang ganyakin at pasiglahin sa pamamagitan ng paglalaro.
Ang paglalaro ay mabisang paraan para mabigyan-buhay ang pag-aaral ng mga
bata. Gaano man kahirap ang mga liksyon ay magaganyak parin sila sapagkat Ganado
sila sa paglalaro.
Bagamat maraming uri ng laro, ang bibigyang pansin dito ay iyong mga larong
maaaring gawin sa loob ng klase at habang nagkaklase. Ang mga larong ito ay hindi
lamang nakalilinang sa pisikal kundi pati rin sa mental, sosyal at emosyonal na aspekto
ng tao. Narito ang ilang halimbawa ng laro na maaring gawin sa loob ng silid-aralan.
b. Hot Potato
Mga kagamitan :
Panyo
Mga batang Manlalaro
Paglalaruan: silid-aralan
Paraan:
Maghahawak kamay ang mga bata gagawa ng pabilog na pormasyon. Ang taya ay tatayo sa gitna
at pipiringan ang mga mata. Kakanta ngayon ang mga bata habang iniikutan nila ang taya.
Paghinto ng kanta, hihinto rin sap ag-ikot ang bata. Iikot ngayon ang taya. Paghinto niya’y agad-
agad niyang ituturo ang isa sa mga batang nakapaligid sa kanya. Ang batang itinuro ay
magbibigay agad ng tanong at sasagutin naman ng taya. Kapag nasagot ng wasto ang
katanungan, ang nagtatanung ang magiging taya. Kapag hindi naman nasagot ng wasto,
mananatiling taya ang dating taya.
Paraan:
Bubunot ang mga mag-aaral ng tig-iisang kard na may nakasulat na pangalan ng mg
akda. Dadalhin nila ang mga ito sa kanilang upuan at magsisilbing kard nila. Pagkatapos,
bubunot ang guro ng mga akda na nakasulat sa mga papel. Babasahin nya ito . titingnan ngayon
ng mga bata ang hawak nilang kard. Kapag nakasulat ang pangalan ng may-akda sa hawak-
hawak nilang kard lalagyan nila ng ekis ang nasabing pangalan. Patuloy ng pagbasa ng guro ng
mga tanong at patuloy rin ang pagmarka ng mga bata sa kanilang kard. Kung may batang
nakapag ekis na ng limang tamang sagot sa kanyang kard na deritsong pahalang, pababa o
dayagonal, nanalo siya. Bibigyan siya ng regalo bilang pabuya.
d. Pahulaan
Ang mga manlalaro ay binubuo ng dalawang pangkat. Magbibigay ng katanungan
ang guro sa mga kasapi ng unang pangkat. Pag- nasagot ng wasto ang katanungan,
bibigyan ng puntod ang pangkat na kinabibilangan niya. Susunod na tataungin
ngayon ang ikalawang manglalaro na nasa unang pangkat parin. Pag nasagot ulit nang
tama, isang puntos ulit ang ibibigay sa kanila. Ngunit kung hindi tama ang kasagutan,
ang ikalawang pangkat na ang sasagot. Ganito ng ganito ang gagawin hanggang
umabot sa takdang oras na itinakda. Kung aling pangkat ang may mas maraming
puntos, iyon ang mananalo.
e. Magdala Ka
Kagamitan:
Mga bagay na nasa loob ng silid – aralan
Paraan:
Ang mga guro ay magsasabi ng bagay o mga bagay na dadalhin sa kanya. Kapaga
nagsabi na siya ng bagay unahan ngayon ang bata sa paghahanap. Ang mga batangn
unang nakapagbigay sa guro ng bagay na binanggit niya ang siyang panalo.
Sagot: Sipilyo
Para sa Matematika:
2. Sino ako?
Mula ako sa pamilyang “set”
Bumukod ako’t
Nagtatag ng panibagong “set”
Sagot: subset
Para sa sibika at Kultura:
3. Prrt…prrt…Sino ako?
Dala ko’y batuta
Dala ko’y baril
Hinuhuli ko ang mga salarin.
Sagot: pulis
BINALANGKAS NA KARANASAN
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga kagamitang tanaw-dinig para sa binalangkas na
karanasan
1. Mga Modelo
Ang modelo ay panggagaya sa orihinal na kaanyuan at kabuuan ng isang tunay na bagay.
Maaring ito ay gawa sa kahoy, plastic o bakal. Bagamat may kaliitan ay katulad na
katulad ang anyo sa ginayang tunay na bagay.
Dapat ganyakin ang mga mag-aaral na gumawa ng mga modelong gagamitin sa
kanilang pag-aaral. Sa paggawa ng mga modelo, ngakakaroon sila ng tuwirang karanasan
kung paano ginawa ang bagay na ginagaya.
Ang halimbawa ng mga modelo ay globo,ginayang bulkan, eroplano, bahay-kubo,
maliit na Bangka, malaking modelo ng puso o utak at iba pa.
Halimbawa:
Sa eroplano, kung ang pag-aaralan ay makina, iyon lamang ang gagawan ng
mock-up
Ang Planetarium sa Maynila ay isang halimbawa rin ng mock-up. Ito ay bahagi lamang ng
santinakpan.
3. Ispesimen
Isang mabuting panghalili sa mga tunay na karanasan ang ispesimen. Halimbawa, kung
hindi madadala ang mag-aaral sa pook na pinagkukunan ng mineral, maaring magpakita
na lamang sa klase ng ibat-ibang uri ng bato bilang espisimen.
Kung ang pag-aaralan naman ay tungkol sa buhay sa dagat, hindi na
nangangailangang dalhin pa ang mga mag-aaral sa dagat. Ang guro o mag-aaral ay
makapagdadala sa paaralan ng ibat-ibang uri ng isda, mga halamang dagat at iba pa
bilang espisimen. Mahahawakan at masusuri pa ng mga mag-aaral ang mga ispesimeng
ito.
Sa Siyensiya, magandang mag-imbak ng mga ispesimen. Ang isang masikhay na
guro ay makakagawa ng paraan upang makaipon ng mga ispesimeng gagamitin bilang
kagamitang tanaw-dinig. Ang ,maliliit na bagay at ispesimen ay maaaring dikit sa
cardboard sa pamamagitan ng scotch tape at balutan ng plastik.
1. Mga Dula
1.1 pagtatanghal(Pageant)
ang pagtatanghal ay isang makulay na pagpapakita ng mga mahalagang bahagi ng
kasaysayan na kung saan ang mga tauhan ay nakasuot ng angkop na damit.
Isang mabisang kagamitang tanaw-dinig ang pagtatanghal. Kaya lamang
may kahirapang ihanda ito. Nangangailangan ng panahon, pera at mahabang pag-
eensayo. Kadalasan, ginaganap lamang ito para sa mga Araw ng Magkakaanib na
bansa, araw ng mga Bayani, araw ng kalayaan at iba pa.
1.3 Tableau
Malaki ang pagkakatulad ng tableau sa pantomina dahil parehong walang salitaan.
Kaya lamang, ang tableau ay walang galaw samantalang ang pantomina ay may
kilos at galaw. Ito ay