You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF GENERAL TRIAS CITY
GENERAL TRIAS MEMORIAL ELEMENTERY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4


Ikaapat na markahan Markahan
Ika-anim na Linggo
June 8, 2023

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahan nang;
1. Nakikilala ang Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
2. Nakabubuo ng pangungusap sa bawat uri ng pangungusap ayon sa gamit
3. Nagagamit sa maayos ang mga uri ng pangungusap sa pasulat man o pasalita.

II. Paksang Aralin


PAKSA: Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
SANGGUNIAN: Wika at Pagbasa sa Elementarya sa pahina 78-79
KAGAMITAN: Pentlepen, Manila Paper.Chalk.Laptop, TV

III. Pamamaraan
A. Integrated Subjects:
EsP: ICT, Kahalagahan ng Paggamit ng kompyuter
Music: Pag-awit
Mathematics: Numeracy

I. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Tsek attendance
4. Pampasiglang Awitin

B. Balik-aral

Habang tumutugtog ang musika ay magpapasahan ng bola ang mga bata. Kapag tumigil ang
tugtog ay sasagutin ang mga salita o tanong na sasabihin ng guro. Makakatanggap ng premyo ang
makakatama ng sagot.

C. Pagganyak

Ano ang nakikita nyo sa larawan?


Madalas ba kayong gumagamit ng kompyuter?
Ano ang kalimitang ginagawa ninyo dito?

Ano-anong mga laro ang alam ninyo?

Hahatiin sa dalawang grupo,may inihandang diyalogo ng dalawang


magkaibigan, Ang bawat grupo ay babasahin ang diyalogo nina Kara at
Dika, ang unang grupo ay kay Kara at ang pangalawa naman ay kay
Dika.

Tanong
Gaano ba kahalaga ang kompyuter sa isang estudyante?

Kara: Nakita mo ba ang bagong laro sa kompyuter?


Dika: Aba, oo. Talagang nakakaaliw! Kara: Hindi nakakasawang paglaruan.
Dika: ito ay palagi kong ngang nilalaro sa tuwing ako ay nakauwi na mula
sa eskwela.
Kara: Hala ka! Mag-aral ka muna bago ka maglaro. Iyan ang kabilinbilinan
ng tatay ko sa akin. Diba tama naman iyon?
Dika: Tama at mabuting paalala.
Kara: Sige na. umuwi na tayo at mag-aral muna.
Dika: Sige. Pero mamaya, tayo ay maglalaro muli.
Kara: Pagkatapos natin mag-aral
Dika: Okey! Ako ay mag-aaral na. Ako ay uuwi na.

Tanong:
Tungkol saan ang kanilang pinag usapan?
Maganda ba sa isang mag-aaral ang paglalaro sa kompyuter?
Ano ang sabi ni Kara tungkol dito?
Ito ba ay inyong ginagawa na mag-aral muna bago maglaro?
Paano mo maipakikita ang wastong paggamit ng kompyuter?
Ano kaya ang pwedeng mangyari kung hindi tama o wasto ang paggamit ng
kompyuter?
Kung ikaw si DIKA gagawin mo din ba ang ginawa nya?

A. Pagtalakay sa Aralin

Pansinin ang mga pangungusap o pangkat ng pangungusap mula sa


binasang diyalogo.

A
1. Nakita mo ba ang bagong laro sa kompyuter?
2. Nag-aral ka na ba para sa ating pag- susulit?

Ano ang isinasaad sa unang hanay?


Anong bantas ang ginamit?
Sa anong uri ng pangungusap kabilang ito?
Ano nga ba ang pangungusap na patanong?

B
1. Hindi nakakasawang paglaruan ang kompyuter.
2. Ang kompyuter ay palagi kong nilalaro tuwing ako ay umuuwi mula sa
eskwelahan.
Ano ang isinasaad sa ikalawang hanay?
Sa anong bantas ang mga ito nagatatapos?
Sa anong uri ng pangungusap kabilang ito?
Ano nga ba ang pangungusap na pasalaysay?

C
1. Aba, talagang nakakaaliw!
2. Hala ka! Mag-aral ka muna bago maglaro.

Ano ang isinasaad sa ikatlong hanay?


Sa anong bantas ang mga ito nagatatapos?
Sa anong uri ng pangungusap kabilang ito?
Ano nga ba ang pangungusap na padamdam?

D
1. Diyan ka lang at huwag kang kikilos.
2. Paki dala muna nitong bag ko.

Ano ang isinasaad sa huling hanay?


Sa anong bantas ang mga ito nagatatapos?
Sa anong uri ng pangungusap kabilang ito?
Ano nga ba ang kaibahan ng pangungusap na pautos sa pangungusap na
pakiusap?

PAGLALAHAT
Ano ang apat na uri ng pangungusap?
Ilan ang mga ibat -ibang uri ng pangungusap?

May apat na uri ang pangungusap ayon sa gamit, ito ay ang Paturol o
Pasalaysay, Patanong, Pautos, at Padamdam.

Ano naman ang kaibahan ng pangungusap na pasalaysay sa


pangungusap na padamdam?
Ano naman ang kaibahan ng pangungusap na patanong at pangungusap
na pautos?

E.Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment)

A. Gawain I
Gumawa ng 3 pangungusap gamit ang uri ng pangungusap na
pasalaysay.

B. Gawain 2
Gumawa ng 3 pangungusap gamit ang uri ng pangungusap na
patanong.
C. Gawain 3
Gumawa ng 3 pangungusap gamit ang uri ng pangungusap na
Pautos / pakiusap.
Gawain 4
D. Bumuo ng 3 pangungusap gamit ang uri ng pangungusap na
padamdam.
Pagpapahalaga

Ano ang mga bagay na dapat natin isaalang-alang sa paggamit ng

kompyuter?

F.Pagtataya ng Aralin(Evaluation)
Panuto: Kilalanin kung anong uri ng pangungsap ang sumusunod.Isulat sa
patlang kung pasalaysay, pautos, patanong o padamdam.

1. Mahilig ka bang kumain ng junkfood?


2. Iwasan mo ang ganyang uri ng pagkain.
3. Nakabubuti kung masusustansyang pagkain ang iyong
baon sa paaralan.
4. Huwag kag magpuyat sa gabi upang hindi ka inaantok sa
paaralan.
5. Ang sarap bumangun sa umaga kapag kompleto ang iyong
tulog.

G.TAKDANG ARALIN

Panuto: Bumuo ng pangungusap ayon sa hinihiling gamit sa bawat


bilang kaugnay ng kaisipan sa kahon.

Ang malinis na katawan at paligid ay mabuti sa kalusugan ng tao.

1. Pasalaysay

2. Padamdam

3. Patanong

4. Pautos

Inihanda ni:

ROSEMARIE E.POLITADO
Teacher I

Iniwasto ni:

ROWENA R. SUSTAL
Master Teacher II

Noted by:

NICOLAS D. TACCAD
Principal II

You might also like