You are on page 1of 4

Malamasusing Banghay sa Filipino 7 Nobyembre 13, 2019

l- Layunin.
1. Nababatid ang kakalabasan sa uri ng pagbabasang di nalalapatan ng kulay o
damdamin.
2. Nalalaman kung ano ang Suprasegmental at mga nakapaloob nito.
3. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental.
4. Naipapamalas ang kahusayan sa paggamit nang wasto ng suprasegmental.
ll- Paksang-aralin
Paksa: Suprasegmental
Sanggunian: rexinteractive.com p. 6
Kagamitan : laptop, projector, manila paper
Ill- Pamamaraan
a. Balik-aral
-Magbabalik-aral hinggil sa nakalipas na paksa na patungkol sa Mitolohiya,
Alamat at Kwenton Bayan.
b. Tuklasin
Panuto: Una ay ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na salita o
pangungusap na walang buhay o damdamin. Sa pangalawang pagpapabasa’y
lalapatan na ang damdamin o bugay.

Mga gabay na tanong:


1. Ano ang inyong napapansin habang binibigkas ito ng walang buhay o
damdamin?
2. Maganda ba itong pakingggan?
Mga salita at pangingusap:
baka-baka ang ganda ng tula? Hindi maganda.
aso-aso ang ganda ng tula. Hindi, maganda.
tubo-tubo ang ganda ng tula!
burol-burol
c. Linangin
Iuugnay ang unang gawain sa paglalahad sa bagong paksang tatalakayin.
Magtatanong kung alam nila ang mga sumusunod na mga salita. Pagkatapos ay
tatalakatin ito isa-isa.
1. Suprasegmental 4. Antala
2. Diin
3. Tono
d. Ilipat
Ang klase ay hahatiin sa tatlong pangkat.
Unang Pangkat
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang tono sa nagtatanong?
2. Ano ang tono sa sa nagbibigay ng impormasyon?
3. Ano ang tono sa sa masidhing damdamin?
4. Ano ang mga pananda ang ginagamit sa antala o paghinto?
Pangalawang Pangkat
Panuto: Tukuyin kung ano ang suprasegmental ng mga sumusunod na salita o pangungusap
at ang kahuluhang ipinapakahulugan.
1. Mamaya? 6. SIra- siRA
2. Maligaya siya. 7.PAsa-paSA
3. Hindi siya, si Maria.
4. kaWAyan
5. saLA
Pangatlong Pangkat
Panuto: ibigay ag pagbabagong nagaganap sa kahulugan sa bawat pagbabago sa
suprasegmenral.
1. /BUhay/- /buHAY/
2. Umuwi siya. –Umuwi siya?- Umuwi siya!
3. Maria, Ann, May at Sarah ang mga kaibigan ko.
Maria Ann, May at Sarah ang mga kaibigan ko.
Maria Ann May at sarah ang mga kaibigan ko.
4. KawaYAN-kaWAyan

e. Kasunduan
a.Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa layunin nito. Maaaring gamitin
ang 1 sa mababa at 2 sa katamtaman at 3 sa mataas.
1. kanina________ nag-aalinlangan
2. Kanina________nagpapatibay, pagpapahayag
3. Magaling _________ pagpupuri
4. Magaling ___________pag-aalinlangan
5. Kumusta___________ nagtatanong
b. Panuto: Sumulat ng limang halimbawa ng salita na magkapareho ang baybay ngunit
magkaiba ang kahulugan batay sa diin ginagamit sa bawat salita.
.
BABIEJANE M. GUILLEN
. Guro sa Filipino 7
Malamasusing Banghay sa Filipino 8 Nobyembre 13, 2019

l- Layunin.
1. Nakakapagbahagi ng kani-kanilang naiiisip na mga bagay kapag dumarating ang
buwan ng Pebrero.
2. Nauunawaan at naipapaliwanag ang kaisipan sa napanood na unang bahagi ng
sarsuwelang ‘Walang Sugat”.
3. Nasusuri ang kaisipan sa napanood na sarsuwela.
4. Nakakabuo ng sariling kwento hinggil sa pagsusuyuan o pag-ibig.
ll- Paksang-aralin
Paksa: Sarsuwela (Walang Sugat) Unang Tagpo.
Sanggunian: rexinteractive.com p.
Kagamitan : laptop, projector, manila paper
Ill- Pamamaraan
a. Balik-aral
-Magbabalik-aral hinggil sa nakalipas na paksa na patungkol sa Pang-abay.
b. Tuklasin
Ano ang inyong naiiisip na mga bagay kapag dumarating ang buwan ng
Pebrero.

c. Linangin
Panuto: Panuuring mabuti ang isang maikling video tungkol sa unang
takbo sa sarsuwelang “Walang Sugat.”
d. Panilayan
Ang klase ay magkakaroon ng mga gawain. Pumunta sa inyong kanya-
kanyang pangkat.

Unang Pangkat
Panuto: Suriin ang pagsuyoang ipinamalas nina Julia gamit ang pagguhit
bilang paglalarawan nito.

Pangalawang Pangkat
Panuto: Suriin ang napanood na sarsuwela. Ano ang inyong napapansin
sa kaugaliaan at pananamit nila. Iugnay ito sa kasalukuyan.

Pangatlong Pangkat
Panuto: suriin ang damdamin nakapaloob sa video.

e.Kasunduan
Panuto: Bumuo ng inyo sariling kwento hinggil sa pagsusuyuan o pag-
iibigan sa inyong kapanahonan o sa kasalukuyan.

Pamantayan:
Pagkamalikhain sa paggawa ng kwento-----------30%
Organisaston o pagkakasunud-sunod-------------20%
Wastong gamit ng mga salita/gramatika---------10%
Kabuuan -----------------------------------------------60

BABIEJANE M. GUILLEN
. Guro sa Filipino 8

You might also like