You are on page 1of 6

Unang Markahan

Ikaapat na Linggo
Unang Araw Ika03 ng Hulyo 2013
Lingguhang Tunguhin
a. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa isang akda batay sa
pagkagamit sa
pangungusap (PB1Aa).
b. Nasasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa akdang narinig
(PN1Ab).
c. Nakapagbabahagi ng epektong pandamdamin ng akda (PB1Cb).
d. Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa kinahinatnan ng mga pangyayari sa
akda
(PB1Ac).
I.
Paksa
Nagbabagong Ako Lunsarang Teksto: Sandaang Damit ni Fanny Garcia
II.
Kagamitan
Kopya ng akdang Sandaang Damit
Kartolina/manila paper para sa panimulang pagtataya (talasalitaan)
Larawan/Video na nagpapakita ng bullying
III. Pamamaraan
A. Panimulang Pagtataya
TALASALITAAN: Ipapaskil sa pisara ang kartolina/manila paper na
naglalaman ng mga salita at pangungusap na matatagpuan sa kuwento.
teheras pupitre
paanas abaloryo
mapakagat labi pambubuska
walang imik pagyayabang
1. Madalas na nag iisa sa isang sulok _____________ ang batang
babae.
2. Mahina at ___________ pa kung itoy magsalita.
3. Kung minsay di bahagyang sulyapan ang mga pagkaing nasa ibabaw
ng _____________ ng kaniyang mga kaklase.
4. Tumindi ang ________________ at panlalait ng mga kaklase sa
batang babae.
5. Punung puno ng maliliit, makikinang, at makukulay na ___________
ang damit ng batang babae.
6. Nakadispley sa _______________ ang sari saring damit ng batang
babae.
Ipababasa sa mga mag aaral ang mga pangungusap nang isa isa.
Papipiliin sila ng salitang akma sa bawat pangungusap, mula sa kahon.

Ibibigay sa klase ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit nito sa


pangungusap.
B. Pagganyak
Magpapakita ng mga larawan at video ng bullying. Itatanong sa mga
mag aaral ang mga sumusunod:
Alam ba ninyo kung ano ang bullying?
Mayroon na ba sa inyong nakaranas nang ma bully?
C. Presentasyon at Pagpapayaman ng Teksto
Magtatawag ng mga mag aaral na magbabasa nang malakas sa
bawat bahagi ng kuwento (pinutol ng mga gabay na tanong ang kabuuan
ng kuwento). Hihinto sa pagbasa sa bawat tanong na isiningit. Tatawag
ng mga estudyanteng nais sumagot sa tanong. Pagkatapos ay tatawag ng
iba naman mag aaral para magbasa ng susunod na bahagi ng kuwento.
Uulitin ang proseso hanggang matapos.
Mga Gabay na Tanong:
Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang
babae.
Bakit naging malulungkutin at walang kibo ang batang
babae?
Ano sa iyong palagay ang estado sa buhay ng pamilya ng
batang babae? Patunayan ang iyong sagot.
Naniniwala ka bang may sandaang damit ang batang babae?
Bakit oo? Bakit hindi?
Ano sa iyong palagay ang nangyari sa batang may sandaang
damit? Bakit kaya siya hindi nakakapasok sa eskuwela?
D. Pagpapayaman
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I: Mula sa napakinggang akda, itala ang mga
pagbabago o transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan
sa kanyang ugali, pananaw niya sa kanyang sarili at sa pagtingin
niya sa kaniyang kalagayan sa buhay. Gamitin ang paraang flip top sa paglalahad.
PANGKAT II: Mula sa napakinggang akda, itala ang mga
pagbabago o transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan
sa kanyang ugali, pananaw niya sa kanyang sarili at sa pagtingin
niya sa kaniyang kalagayan sa buhay. Gamitin ang paraang
sabayang pagbigkas sa paglalahad.
PANGKAT III: Mula sa napakinggang akda, itala ang mga
pagbabago o transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan
sa kanyang ugali, pananaw niya sa kanyang sarili at sa pagtingin
niya sa kaniyang kalagayan sa buhay. Gamitin ang paraang
talkshow sa paglalahad.

PANGKAT IV: Mula sa napakinggang akda, itala ang mga


pagbabago o transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan
sa kanyang ugali, pananaw niya sa kanyang sarili at sa pagtingin
niya sa kaniyang kalagayan sa buhay. Gamitin ang paraang Q&A
na tulad ng sa isang pageant sa paglalahad.
2. Pag uulat ng pangkat
3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral
4. Pagbibigay input ng guro
E. Sintesis
Matapos mapakinggan ang kuwento, ano ang iyong naramdaman
para sa batang babae? Bakit ganito ang iyong naramdaman?
IV.
Takdang Aralin
1. Ano ang diskriminasyon?
2. Magdala ng mga larawang nagpapakita ng ibat ibang uri ng
Diskriminasyon.
Ikaapat na Linggo
Ikalawang Araw Ika04 ng Hulyo 2013
Lingguhang Tunguhin
a. Malinaw na nakakapaglarawan ng mga pangyayari (PB1Ab).
b. Nakapag uugnay ng pinakamalapit na sariling karanasan o karanasan ng
iba sa
mga karanasang inilahad sa binasa (PB1Af).
c. Nakagagamit ng mga angkop na salita sa paglalarawan (PA1Ac).
d. Nakikilala ang payak na paglalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng
simpleng
panuring (Pang uri at Pang abay) (PU1Ac).
I.
Paksa
Nagbabagong Ako Lunsarang Teksto: Sandaang Damit ni Fanny Garcia
II.
Balik Aral
Sa pamamagitan ng mga larawan, itala ang mga transpormasyong naganap
sa pangunahing tauhan (batang babae) sa kanyang ugali, pananaw niya
sa
kaniyang sarili at pagtingin niya sa kaniyang kalagayan sa buhay
III. Presentasyon
Bigyang kahulugan ang salitang diskriminasyon. Iuugnay ang salitang ito
sa
kuwentong natalakay.
DISKRIMINASYO
N
Sasagutin ang mga sumusunod na tanong:
Paano ipinakita ng may akda na naging biktima ng diskriminasyon ang
batang babae? Magbigay ng mga tiyak na pangyayari.
Sa iyong palagay, naging matagumpay ba ang awtor sa pagpapalutang
ng ganitong ideya sa kaniyang akda? Bakit mo ito nasabi?
IV.
Pagpapalawig

A. Pangkatang Gawain
Bawat pangkat ay magdudula-dulaan tungkol sa ibat ibang uri ng
diskriminasyon sa lipunan.
PANGKAT I: Diskriminasyon sa kulay/lahi
PANGKAT II:Diskriminasyon sa katayuang sosyoekonomiko (mahirap)
PANGKAT III: Diskriminasyon sa relihiyon
PANGKAT IV: Diskriminasyon sa kasarian (bakla, tomboy)
V.
Sintesis
Gagawa ng bookmark ang mga estudyante tungkol sa mensahe ng tekstong
kanilang binasa. Isusulat sa pisara ang mga kakailanganin sa bookmark.
1. Sa harap ng bookmark, ipasusulat ang mensahe ng akda.
2. Sa likod, pasusulatin ng isang paalala ang mga estudyante tungkol sa
malaking responsibilidad ng bawat isa upang tuluyan ng mawala ang
di pantay na pagtingin sa kapwa.
3. Palalagyan ng disenyo ang mga bookmark.
4. Hahayaang magpalitan ng gawain ang mga estudyante.
VI.
Takdang Aralin
1. Ano ang idyoma?
2. Magbigay ng 10 idyoma at isulat ang kahulugan ng mga ito.

Ikaapat na Linggo
Ikatlong Araw Ika05 ng Hulyo 2013
Lingguhang Tunguhin
a. Nakikilala ang mga paraan para makabuo ng mga matalinghagang
paglalarawan
(Idyoma at Tayutay) (PU1Ad).
b. Malinaw na nakapaglalarawan ng mga bagay sa paligid (PA1Aa).
I.
Paksa
Nagbabagong Ako Lunsarang Teksto: Sandaang Damit ni Fanny Garcia
II.
Pamamaraan
A. Panimulang Pagtataya
PANUTO: Hanapin ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A mula sa
Hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.
Pagkatapos masagutan, gamitin sa pangungusap ang bawat idyoma.
B. Presentasyon
Ang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi literal
sa ibang salita, ang idyoma ay may kahulugang iba sa kahulugan ng mga
salitang bumubuo rito. Ito ay di tuwirang pagbibigay kahulugan
at
pagpapakita ng kaisipan. Ito rin ay mga salita na ginagamit sa pagbibigay
ng deskripsyon sa isang bagay o tao sa paraang masining.

Halimbawa:
Anak dalita mahirap
Alilang kanin utusang walang suweldo
Ang tayutay ay isang salita o parirala na lumalayo sa direkta o literal na
pananalita. Madalas na ginagamit ito upang maiba, maging kaakit akit,
mabigyang diin at maging maliwanag ang anumang ipinahahayag.
A
_____1. pusong bakal
_____2. nagbibilang ng poste
_____3. butas ang bulsa
_____4. ilaw ng tahanan
_____5. alog na ang baba
_____6. ikurus sa kamay
_____7. kapilas ng buhay
_____8. bahag ang buntot
_____9. balat sibuyas
_____10. bukas ang palad
B
a. walang pera
b. ina
c. matanda na
d. madaling masaktan
e. duwag
f. tandaan
g. matulungin
h. asawa
i. walang trabaho
j. di marunong magpatawad

1. Simili o pagtutulad ito ay direktang paghahambing ng


dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga
pariralang tulad ng wangis, wari, gaya ng, tila, mistula, animo,
sing, tulad, katulad, parang, kasing, ga at iba pa.
Halimbawa:
Sakong na waring kinuyam na rosas.
2. Metapora o pagwawangis ito ay pahiwatig na
paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na di
ginagamitan ng mga salita o pariralang pagtutulad.
Halimbawa:
Labanos sa kaputian ang kanyang kutis.

3. Pagtatao Paglalarawan sa mga bagay sa paligid gamit ang


mga katangiang pantao lamang.
Halimbawa:
Tumatakbo ang oras.
4. Pagmamalabis Sobra sobrang paglalarawan, madalas na
hindi makatotohanan.
Halimbawa:
Timba timba ang pawis niya.
C. Pagpapalawig
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I:
PANGKAT II:
PANGKAT III:
PANGKAT IV:
D. Sintesis
Sa kalahating intermediate paper, ilarawan ang naging buhay ng
pangunahing tauhan sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostiks. Sa
paglalarawan, gumamit ng idyoma at tayutay na angkop sa pinagdaanang
buhay ng batang babae.
III. Kasunduan
Humanda sa pagsulat ng lingguhang output.

You might also like