You are on page 1of 7

Banghay-Aralin sa Filipino Baitang 6

Markahan: Ikatlo Linggo: 3 Araw 4


I. LAYUNIN: MARCH 9, 2023
A. Pamantayan Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/ binasang
Pangnilalaman seleksyon tekstong pang-impormasyon.
(F6PB- IIId-3.1.2)

B. Pamantayan sa Natutukoy ang sugnay na nakapag-iisa at di-nakapag iisa


Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang uri ng pangungusap
Pagkatuto (F6WG- IVa-j-13)

III. NILALAMAN
Pagtukoy sa sugnay na nakapag-iisa at di nakapag-iisa
(Hugnayang Pangungusap)

III. MGA KAGAMITANG PANTURO


Mga Sanggunian
1.Mga Pahina sa Gabay Gabay Pangkurikulum sa Filipino Ikaanim na Baitang MELC, p. 167,
ng Guro Ikatlong Markahan

2.Mga Pahina sa
Wala
Kagamitang Pang Mag-
Aaral

3.Mga Pahina sa Alab Filipino Batayang Aklat sa Filipino Ikaanim na Baitang pp. 212-215
Teksbuk
4.Karagdagang Wala
Kagamitan Mula sa LR
Portal
5.Iba Pang Kagamitang Larawan, tsart, power point, akda
Panturo

II.PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Anu ano ang apat na uri ng pangungusap?
nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong
aralin
1. Ilahad ang mga layunin para sa araw ng aralin.
B. Paghahabi sa layunin
ng aralin 2. Sa araw na ito ay pagtutuunan natin ng pansin ang paggamit ng iba’t
ibang uri ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyon at ang tungkol sa
sugnay na makapag-iisa at di makapag iisa o ang tinatawag na
Hugnayang Pangungusap.

C.Pag-uugnay ng mga Magpakita ng mga REALIA


halimbawa sa bagong Fire Estiguisher. Posporo, lighter, uling
aralin Anong salita kaya ang maaari ninyong maiugnay sa mga ipinakita kong
mga bagay?

Nakararanas o nakakita na ba kayo ng bahay o kabahayang nasusuno?


Ano ang inyong naiisip? Sa iyong palagay, bakit kaya nangyayari ang
ganitong mga aksidente?

Ipakita ang larawan ng bomberong lalaki at babae?


Sino ang nakikita ninyo sa pisara? Ano kaya ang papel na ginagampanan
nila sa lipunan? Sang-ayon ba kayo na kaya ring gawin ng babae ang mga
bagay o gawaing ginagawa ng kalalakihan?

D.Pagtatalakay ng A. Bago ipabasa ang isang seleksyon, ihawan muna ang sagabal at
bagong konsepto at pagyamanin ang Talasalitaan (ROLETALASALITAAN). Ibigay ang panuto
paglalahad ng bagong sa gawaing ito.
kasanayan #1
B. Ipatukoy ang mga Panuntunan sa Pagbasa ngTahimik.

C. Pagkatapos bumasa.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


(Gagawin sa pamamagitan ng TANONGBYULO)

1. Bakit idineklara ang Marso bilang Fire Prevention Month?


2. Anong ahensya ng pamahalaan ang namamahala sa Fire Prevention
Month?
3. Ayon sa ulat, anu ano ang kalmitang sanhi ng sunog?
4. Anu ano ang paalaala ng Bureau of Fire Protection sa mga mamayan?
5. Saan kalimitang nagaganap ang sunog? Bakit?
6. Ilan na ang bilang ng naitatalang sunog sa unang dalawang buwan ng
taon 2015?
7. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pahayag na ito: “Huwag hayaang ang
inyong mga ipinundar ay maging abo pa.”
8. Ipaanalisa ang mga datos o numero na kalakip.
E.Pagtatalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong Pagtalakay ng aralin:
kasanayan #2 Basahin ang sumusunod na pangungusap:
1. Bukod sa nalalapit na bakasyon, ang buwan ng Marso ay
iniuugnay rin sa mga sunog.

2. Dahil sa buwang ito nagaganap ang maraming sung sa iba’t


ibang bahagi ng Pilipinas.

Ang mga binasa mong pangungusap ay tinatawag na hugnayang


pangungusap.

Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng sugnay na majkapag-


iisa at sugnay na di- nakapag-iisa.Pinag uugnay ito ng mga
pangatnig na kung hindi/ kundi, dahil, nang, kaya, kung, sapagkat,
at ba pang kauri nito.

Sa dalawang pangungusap na iyong binasa, matutuukoy mo ba


ang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa?
(Magpasuri ng mga halimbawang ]pangungusap)

F.Paglinang sa Hatiin sa 3 pangkat ang klase.


Kabihasaan
(Tungo sa Formative Pangkat 1. Ikahon ang sugnay na nakapag-iisa at guhitan
Assessment) naman ang sugnay naman ang sugnay na di nakapag-iisa.

Pangkat 2. Tukuyin sa sumusunod na pangungusap ang


sugnay na makapag-iisa at sugnay na di nakapg-iisa.
Gayahin ang talahanayan.

Sugnay na Sugnay na
Nakapag-Iisa Di- Nakapag-Iisa

Pangkat 3. Punan ng sugnay na nakapag-iisa o sugnay na


di nakapag-iisa ang pahayag sa bawat bilang upang mabuo
ang diwa ng pangungusap.

G. Paglalapat ng aralin sa Paano natin maipapakita ang kahalagahan ng pag-alam sa


pang-araw araw na buhay mga dapat gawin kapag may disaster kagaya ng sunog?
Sa panahon ngayon, nararapat na bang bigyan ng pantay
na pagtingin ang mga kalalakihan at kababaihan?

H. Paglalahat ng Aralin Tungkol saan ang ating pinag-aralan ngayon? (Hayaang ang
bata ang magbigay ng paglalahat)
Ano amh hugnayang pangungusap?
Ano ang sugnay na makapag-iisa at di nakapag-iisa?
I. Pagtataya ng Panuto: Salungguhitan ang sugnay na makapag-iisa o ang
Aralin malayang sugnay at bilugan naman ang sugnay na di makapag-
iisa sa bawat pangungusap.
(1-10)
J. Takdang- aralin/ Gumawa ng talata gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap
Karagdagang Gawain ukol sa kung paano ka makakaambag sa pag-iwas sa sunog o
anumang sakuna .
V.MGA TALA
VI.PAGNINILAY
A. Bilang ng magaaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng magaaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain
para sa remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral
na nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation

E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano
ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking nasolusyunan sa
tulong ng aking
supervisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni: Nabatid:

JOY KAREN M. MORALLOS BEATRIZ D. BELBES


Teacher III ESP I

You might also like