You are on page 1of 8

Garcia, Jennylisa F.

BVE 3-11

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

DLC Number and statement: F8PT-IIc-d-24:Naipaliliwanag ang mga eupimistiko o masining na


pahayag na ginamit sa balagtasan

Paksa: Eupemistiko

Value To be integrated: Pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba o empatiya

Value concept: Ang empathy o pag-unawa at pagsasaalang-alang sa damdamin, kalagayan, at


sitwasyon ng isang tao ay labis na kailangan sapagkat ito ay makatutulong upang hindi
makasakit ng ibang tao at makatutulong na maintindihan ang iba. Ang mga taong may empatiya
ay ang pag-iwas sa mga aksyon at salita na magdudulot ng discomfort o pinsala sa iba. Ang
paksang eupemistiko ay tungkol sa pagbuo ng masisining, magaganda sa pandinig, at
magagaang salita upang ipalit sa mga bulgar, labis na masakit, at mararahas na salita kung
kaya’t ang paghalo ng kahalagahan ng empatiya ay konektado rito.

I.
● Naipaliliwanag ang mga eupimistiko o masining na pahayag na ginamit sa
balagtasan; - C
● naipapamalas ang pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba gamit ang pag-buo
ng mga salitang hindi bulgar at hindi makasasakit; at - A
● nakagagamit ng mga eupemistiko o masining na pahayag sa pagbuo ng isang
balagtasan - B

II. Paksang - Aralin

Paksa: Eupemistiko

Kagamitan: Laptop, Internet, Papel, Ballpen, Lapis, Pentelpen, Pictures

Sanggunian:
Capilitan, Y. (2020). Eupemistikong pahayag.
https://pt.slideshare.net/YhanzieCapilitan/eupemistikong-pahayag-238649764

Carmen Christian School. (2020). Paghahambing o mga eupemistikong pahayag.


https://www.youtube.com/watch?v=FaYZK-G36js
Dolorito, J. (2021). Eupemistikong pahayag.
https://www.slideshare.net/JANETHDOLORITO/eupemistikong-pahayag-250528556
Ki in Educational (2020). Eupemistikong Pahayag: Ano Ito At Mga Halimbawa.
https://philnews.ph/2020/02/26/eupemistikong-pahayag-ano-ito-at-mga-halimbawa/

Monde, J. (2022). Balagtasan Kahulugan (Ano Ang Ibig Sabihin Ng Balagtasan?).


https://philnews.ph/2022/11/15/balagtasan-kahulugan-ano-ang-ibig-sabihin-ng-balagtasa
n/

Padin, C. (N.D). Balagtasan: Sipag O Talino.


https://www.scribd.com/doc/274180979/Balagtasan-Sipag-o-Talino

III. Pamamaraan/Estratehiya

Gawaing-Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin 1. Panalangin
Magsisimula ang guro sa isang maikling Inaasahan na ang lahat ng mag-aaral ay
panalangin. tatayo at magdadasal kasabay ng guro.

2. Pagbati 2. Pagbati
Babati ang guro sa mga mag-aaral at Inaasahan na ang mga mag-aaral ay babati
magsisimula sa isang maikling kamustahan. pabalik at sasagot sa mga pang
kamustahang tanong ng guro.

3. Pagtala ng mga liban 3. Pagtala ng mga liban


Magtatanong ang guro kung kumpleto ang Isa sa mga mag-aaral ang inaasahang
klase at kung sino ang mga mag-aaral na magbibigay sagot sa guro kung may liban o
wala. wala.

B. Balik-aral

Ipaliliwanag ng guro ang kahulugan ng Ang mga mag-aaral ay inaasahang makikinig


balagtasan bilang balik-aral at tulong upang at sasagot lamang sa guro kung ito ay may
simulan ang bagong aralin. katanungan.

Balagtasan

● Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng


dalawang magkaibang panig ukol sa
iisang paksa
● Hinango ito sa pangalang Francisco
Balagtas
● Isa itong uri ng panitikan kung saan
inilalahad ang panig o
pangangatwiran sa pamamagitan ng
pagsasalita na may tugmaan
● Kadalasang binubuo ng tatlong
magtatanghal: lakandiwa at ang
dalawang magtatalo

Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral Ang mga mag-aaral ay inaasahang sasagot
kung tunay bang naintindihan ang aralin na naintindihan na ang balagtasan at handa
tungkol sa balagtasan at kung handa na ba na sa susunod na tatalakaying aralin.
ang mga mag-aaral na tumungo sa tunay na
aralin.

C. Pagganyak - (Hulaan ang salita o


grupo ng mga salita) - ENTRY POINT
FOR VTI

Magbibigay ang guro ng iba’t-ibang


eupemistikong salita o grupo ng mga salita,
ang mga mag-aaral ay inaasahang mahulaan
ang tunay na ibig-sabihin ng mga
eupemistikong salita gamit ang mga larawang
ipapasakil ng guro

Hanay A. (Mga eupemistikong salita) Mga inaasahang sagot:

1. Tinatawag ng kalikasan 1. Nadudumi


2. Maalisansang o may amoy
3. Lumulusog
4. Makati ang kamay
5. Bahag ang buntot
6. Sumakabilang bahay

2. Mabaho
3. Tumataba

4. Magnanakaw

5. Duwag

6. Kabit o may kabit


1. Mga katanungan sa ginawang 1. Inaasahang sagot sa mga
pagganyak katanungan

1. Naging madali ba o mahirap ang 1. Maaaring madali o mahirap dahil may


naging gawain? mga salitang madaling hulaan at
mayroong mahirap.

2. Ano ang iyong napansin sa mga salita 2. Ang mga salita sa hanay A ay hindi
sa hanay A? At ano naman ang direkta ang kahulugan at ang hanay B
napansin sa mga larawan sa hanay ay ang mga direktang salita.
B?

3. Ano ang mararamdaman mo kung 3. Masasaktan kung ang mga salita sa


ikaw ang makaririnig o pagsasabihan Hanay B ang maririnig sapagkat ito ay
ng mga salitang nasa Hanay B? At mga direktang salita at mas magaan
ano naman ang mararamdaman mo naman ang pakiramdam kung ang
kung ikaw ang makaririnig ng mga mga salita sa hanay A.
salita sa hanay A?

4. Sa iyong palagay, bakit 4. Upang makaiwas sa mga bulgar at


kinakailangang gumamit ng mga labis na masakit na salita
eupemistikong salita?

5. Nararapat bang isipin o 5. Oo, dahil ang mga salita ay masakit at


isaalang-alang ang damdamin ng makakapinsala sa tao. Ang pag-iisip o
ibang tao? Bakit? pagsasaalang-alang ng
nararamdaman ng iba ay mahalaga.

6. Bakit gumagamit ng eupemistiko sa 6. Dahil may mga paksa sa balagtasan


balagtasan? na sensitibo at kinakailangan ng mga
salitang hindi bulgar at pormal.

D. Paglalahad D. Paglalahad

Magsisimula ang guro sa pagtalakay ng Ang mga mag-aaral ay inaasahang makikinig


aralin tungkol sa eupemistiko o masining na sa talakayin ng guro
pahayag gamit ang pagpapaliwanag nito at
pag-gamit ng halimbawa ng llinya mula sa
isang balagtasan na mayroong eupemistiko.

Eupemistiko

● Ito ay mga salita na pampalubagloob


o pampalumay upang ito ay hindi
masamang pakinggan o basahin.
● Ito ay mga salitang pumapalit sa mga
matatalim, masyadong bulgar, bastos,
o hindi magandang mga salita.
● Mga salitang nagpapagaan sa bigat
ng realidad upang hindi ito lubos na
makasakit ng damdamin,
makapagpalungkot, o
makapagpagalit.
● Ginagamit ang eupemistiko upang
bawasan ang rimarim sa isang
malagim na paksa, gaya ng patayan o
karahasan upang hindi lubos na
bulgar ang magiging labas ng mga ito.
● Mga pahayag upang mapalambot ang
paraan ng pagkakasabi ng isang
pahayag o maibigay ito sa tao nang
mabawasan ang mararamdaman
niyang lungkot, galit, o poot.

Halimbawa ng mga linya mula sa Kahulugan ng urong-sulong: Alanganin at


balagtasan na may eupemistikong walang katiyakan
pahayag:

Kapag baya'y umunlad. Ang pagko'y


pinupukol.
Sa gobyerno at mga tao, sama-sama't
tulong-tulong.
Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati'y
ano ngayon?
Wala na ngang pagbabago. Kabuhaya'y
urong-sulong

Halimbawa ng isang linya na gumamit ng


eupemistiko:

Direkta: Tabi! Dadaan ako.


May eupemistiko: Makikiraan po, dadaan
ako.

E. Indibidwal na gawain

Iisasagot ng mga mag-aaral sa guro ang mga Inaasahang sagot:


salita na maaaring ipalit sa mga
eupemistikong pahayag na sasabihin ng guro
Mag-aaral 1: Mahirap
1. Hikahos sa buhay Mag-aaral 2:Sumakabilang buhay o kinuha
2. Patay na na ng Diyos
3. Halang ang bituka Mag-aaral 3: Masamang tao
4. Ibaon sa hukay Mag-aaral 4: Kalimutan na
5. Malikot ang isip Mag-aaral 5: Malawak ang imahinasyon/
masyadong maraming naiisip/ madumi ang
isip
F. Panglalahat F. Panglalahat

Magtatawag ng dalawang mag-aaral ang Ang mga mag-aaral ay inaasahang


guro na magbibigay pahayag sa kanilang magtataas ng kamay at sasagot sa guro.
natutunan sa klase.

H. Pagtataya H. Pagtataya
Magbibigay ang guro ng maikling pagsusulit Ang mga mag-aaral ay sasagot sa maikling
tungkol sa talakayin. pagsusulit na ibibigay ng guro.

1. Ano ang tawag sa mga masining na Mga inaasahang sagot:


salita na ginagamit upang maiwasan 1. C
ang mga bulgar o hindi kaaya-ayang 2. B
mga salita? 3. A
4. A
a. Balagtasan 5. C
b. Idyoma
c. Eupemistiko
d. Tula

2. Ano ang kahulugan ng eupemistikong


salita na “balat sibuyas”?

a. Mabaho
b. Sensitibo
c. Duwag
d. Pinaglihi sa sibuyas

3. Bakit kinakailangang gumamit ng mga


eupemistikong salita kung maaari
namang direkta na lamang sabihin ang
mga salita sa isang pahayag?

a. Upang maiwasang makasakit ng


damdamin ng iba at maiwasan ang
kabulgaran ng salita
b. Upang mapaganda ang isang
pahayag kahit walang kinalaman ang
salita
c. Upang mag mukhang malalim ang
pahayag at magmukhang matalino
d. Wala sa nabanggit

4. Ano ang kahulugan ng eupemistikong


“sumakabilang-bahay”?

a. Naki-apid
b. Lumipat ng tirahan
c. Bumili ng bagong bahay
d. Bagong gawa ang tirahan

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi


kabilang sa dahilan kung bakit mahalaga
ang eupemistiko sa isang balagtas?

a. May mga balagtas na ang paksa ay


mabigat gaya ng karahasan at
patayan na kinakailangang palitan
ang mga bulgar na salita
b. Kinakailangang pormal ang isang
balagtas kung kaya’t mahalagang
gumamit ng mga salitang kaaya-aya o
eupemistiko
c. Kailangang malalim ang mga salita sa
balagtasan upang masindak ang
kabilang punto
d. Kinakailangan sa ibang paksa ng
balagtasan ang pagpapalambot o
pagpapagaan ng mga salita upang
makaiwas na makasakit ng iba

I. Takdang-aralin

Hahatiin ang klase sa dalawang grupo at ang


bawat grupo sa inaasahang gumawa ng
dalawang saknong na tula na ginagamitan ng
dalawa hanggang tatlong eupemistikong
salita. Ang paksa ng tula ay naka depende sa
paksang ibibigay ng guro sa grupo.

Group 1: Pag-ibig
Group 2: Pandemya

You might also like