You are on page 1of 14

MGA PANGUNGUSAP NA

MAY PANAGURI AT
PAKSA
Taga-ulat:
FRANCES VALERIE C. PACETE
Sangkap:

Paksa

Panaguri
PAKSA
 Bahaging pinagtutuunan ng
pansin sa pangungusap.
 Nasa paksang pokus ng sinabi
sa loob ng pangungusap.
Ayon sa pagsusuri:
 Ang Simuno ay tinawag na
Paksa(Topic) sapagkat higit na
angkop ang salitang paksa sa
tunay na kahulugan ng
kinakatawan nitong bahagi ng
pangugusap.
PAKSA
 Ang paksa ay maaaring tao, hayop, bagay,
lugar, o pangyayari na gumaganap ng kilos o
pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa
pandiwa.

Halimbawa:
Nag-aalaga si Inang ng mga baboy at manok.
PAKSA
 Maaaring gumaganap ng kilos o
pinagtutuunan ng diwang
isinasaad sa pandiwa at
ganapan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:

1. Naglalaro si David ng bola.


(gumanap ng kilos)
2. Inihaw ni Girly ang mga
nahuling isda. (pinagtutuunan
ng diwang isinasaad ng ng
pandiwa)
PAKSA
 Mayroon din namang paksa na
sa kahulugan ay siyang layon ng
kilos na isinasaad.
Halimbawa:
1. Inaalagaan ni Inang ang mga
baboy at manok na iyan.
(tagatanggap)
2. Pinakain ng masarap na pagkain ng
mga taga nayon ang mga turista.
(tagatanggap)
PAKSA
 Maaari ring ang paksa ay lugar o
pook na ganapan ng kilos sa
pandiwa.

Halimbawa:
Pinagpaksiwan ni Nanay ang bagong
palayok. (ganapan)
PAKSA
 Marami pang ibang kahulugan o
diwa ang ginagampanan ng
paksa ng pangungusap.
Tinatalakay ito nang ganap sa
bahaging nauukol sa pokus ng
pandiwa.
PANAGURI
 Bahagi ng pangungusap na nagbibigay
kaalaman o impormasyon tungkol sa
paksa.
 Sa dating paraan ng pagbibigay
katuturan, sinasabing ang panaguri ang
nagsasabi ng tungkol sa simuno o
paksa.
Halimbawa:
1. Si Jose Rizal ang pambansang
bayani ng Pilipinas.
2. Sina Rose at Bella ay magaling sa
Matematika.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like