You are on page 1of 5

EBOLUSYON NG WIKANG FILIPINO

Bawat bansa ay may kaniya-kaniyang pagkakakilanlan. Maaring ito ay sa porma ng watawat, sa


himig ng pambansang awit, o sa wikang sinasalita. Tulad din ng ibang bansang malaya, ang
Pilipinas ay may sarili ding wika. Ngunit saan nga ba nagsimula ang wikang Filipino? Kusa
lamang ba itong sumibol? Ito ba ay isang wikang hiram? O ito ba ay pinagsama-samang mga
salita mula sa iba’t-ibang kultura?

May siyam na pamilya ng wika sa buong daigdig at kinabibilangan ito ng humigit-kumulang


3,000 pangunahing wika. Isa sa siyam na ito ay kinabibilangan ng wika sa Pilipinas. Ang ating
wika ay nasasaklawan ng pamilyang Austronesian o Malayo-Polynesian na kinabibilangan ng
mga kawikaan sa Timog Silangang Asya gaya ng Indonesia at Malaysia.
Sawaiori at Jahori, Mela-nesia, at Malay ay ang tatlong subpamilyang nasa ilalim ng pamilyang
Malayo-Polynesian. Sa mga sub-pamilyang ito, ang ating wika ay napapaloob sa Malay bilang
sangay na Tagala.

Itinuturing pangunahing wikang katutubo ang Tagalog, Ilocano, Pangasinan, Kapam-pangan,


Bicol, Waray o Samar-Leyte, Cebuano, Hiligaynon o Ilongo, Maranaw, Tausug, at
Maguindanao, batay sa dami ng populasyon o porsyento ng mga tao na gumagamit, nagasalita,
nagsusulat, at nakakaunawa rito. Halos lahat ng mga wikang ito ay may kanya-kanyang
dayalekto, gaya ng Tagalog (Tagalog-Rizal, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-
Marinduque, Tagalog-Cavite, at iba pa. Gauyundin sa Cebuano, na kung saan ay may
Cebuano-Cebu, Cebuano-Bohol, Cebuano-Surigao, at iba pa. Ang Hiligaynon naman ay
mayroong Aklanon, Kiniray-a, Cuyunon, Palaweño, Ilongo, at iba pa. Ang Bicol ay mayroong
Naga, Legaspi, Bato, Buhi, Catanduanes, Sorsogon, Masbateño, at iba pa. Samantala ang
Ilocano naman ay may Ilocos, Abra, Cagayan, Samtoy, Ibanag, Bulubundukin, at iba pa.

Ang alif-ba-ta at abecedario

Bago pa dumating ang mga banyaga dito sa Pilipinas tulad ng mga Kastila, ang mga
katutubong Pilipino ay may sarili ng alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas kilala sa
tawag na “alibata” o alif-ba-ta sa Arabo. Ang matandang alpabeto ng mga katutubo ay syllabic
at binubuo ng tatlong patinig (vowels) at labing-apat na katinig (consonants). Ang patinig ay
mayroong a, e, at i, samantalang ang o at u naman ay may iisa lamang tunog na lubhang
nakalilito. Bawat isa sa mga katinig ay binabasa na may kasama na patinig a, kapag ito ay
walang marka sa itaas o sa ibaba na mas kilala sa tawag na “kudlit,” o isang uri ng marka na
ginagamit sa mga matatandang sistema ng pagsusulat. Kapag ito naman ay may kudlit sa
ibaba, ang patinig a, ay napapalitan ng patinig o o di kaya ay u. Ngunit kung ang kudlit naman
ay nasa itaas, ang patinig ay nagiging e o i.

Nang sinakop ng mga Kastilang mananakop ang Pilipinas, pilit na binago ng mga ito ang
kulturang pangkatutubo ng mga sinaunang Pilipino. Binura ng mga Espanyol ang mga
paganong pag-uugali ng mga katutubo, kabilang na ang pag-iiba sa sistema ng pag-susulat,
pagbasa at mga salita ng mga ito. Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang sariling bersyon ng
alibata, ang abecedario o ang alpabetong Espanyol.

Nang dumating naman ang mga Amerikano sa Pilipinas, ipinatupad ang patakarang alinsunod
sa ilang patakarang ipinatupad ng mga mananakop na Kastila. Ang mga ito ay ang pagyakap sa
Kristyanismo at ang pagiging sibilisado ng mga pamayanan. Ipinalaganap ng mga Amerikano
ang pam-publikong sistema ng edukasyon. Ginamit ang wikang Ingles bilang pangunahing
instrumento sa pagtuturo kaya ang Hispanisasyon ng mga Kastila ay napalitan ng
Amerikanisasyon.

Ang Surian ng Wikang Pambansa

Nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt at si Sergio Osmeña


bilang pangalawang Pangulo, binig-yan pansin ang isyung “nasyonalismo.” Naniniwala ang mga
liderato ng bansa noon na dapat magkaroon ng isang pangkalahatang pambansang wika na
siyang mahalaga sa pagtataguyod ng pangkabuuang unawaan at pagkikintal ng pambansang
pagmamalaki ng sambayanan. Ayon sa Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong 1935, ang
magiging bagong wika ay ibabase sa mga kasalukyang katutubong wikang meron sa ating
bansa.

Ang Unang Pambansang Asemblea noong ika-13 ng Nobyembre, 1937, ang siyang bumuo sa
Institusyon ng Wikang Pambansa. Ang mga naging kasapi sa komiteng ito ay sina Jaime de
Veyra (Hiligaynon), Santiago Fonacier (Ilocano), Casimiro Perfecto (Bicol), Felix Rodriguez
(Samarnon), Felix Sotto (Cebuano), Cecilio Lopez (Tagalog), Hadji Butu (Maranao-
Maguindanao), Isidro Abad (Cebuano), Zoilo Hilario (Pampango), Jose Zulueta (Pangasinan), at
Lope K. Santos (Tagalog).

Nang binuo ang Commonwealth Constitution, ang wikang “Tagalog” ang siyang naging
pambansang wika ng Pilipinas, ayon na rin sa Executive Order Bilang 134. Ang mga naging
batayan nito ay ang: pagiging lingua franca nito, o paggamit ng Tagalog sa maraming sangay
ng komersyo at kalakalan; ang dami ng katutubong nagsasalita nito, sa dahilang ang wikang ito
ay ang pangunahing ginagami
IMPLUWENSYA NG ESPANYOL SA ATING BANSA

SISTEMA NG EDUKASYON:
mga prayle ang unang nagbukas ng mga paaralan sa kapuluan alinsunod na rin sa kautusan ng
hari ng Spain na palaganapin ang Kristiyanismo sa bansa. Sa pamamagitan ng mga paaralang
pangparokya na kanilang itinatag, itinuro ang mga sakramento, dasal, at iba pang paraan ng
pananampalatayang Kristiyano. Nagtayo ang mga espanyol ng mga kolehyo tulad ng Colegio
de Santa Potenciana, COlegio de San Ignacio, Colegio-Seminario de San Jose, Colegio de
Santo Tomas ( na ngayo'y University of Santo Tomas) at Colegio de San Juan De Letran.

LIBANGAN
Natuto ng iba't ibang paraan ng paglilibang ang mga pilipino. Natutuhan nila sa mga espanyol
ang paglalaro ng baraha, sabong, karera ng kabayo, loterya, at cara y cruz.

KULTURA
Itinatag ng mga espanyol ang mga bayan at lalawigan. BAwat bayan ay may patron. Ipinakilala
ng mga espanyol ang pagsamba sa iba't ibang santo bilang patron. Nagdaos sila ng mga pista
taun-taon sda iba't ibang lalawigan para sa mga santong nakatulong sa kanila. Ilan sa mga
pistang kilala ay ang Moriones sa Marinduque, Pahiyas sa Lucban, Quezon at Hermosa sa
Zamboanga.

PAGKAIN
Makikita sa panghimagas ang impluwensiya ng kastila. Karamihan sa Mga putaheng
ginagamitan ng itlog at gatas ay halaw sa lutuing kastila, tulad ng leche flan, braso de
mercedes, at pastillas.
At ang mga Kastila ang nagpakilala sa atin ng Kristiyanismo, at kundi dahil sa kanila, hindi natin
makikilala ang salitang "nasyonalismo".

Lahat na yata ng aspeto sa buhay ng mga Pilipino ay naimpluwensya ng mga Espanyol. Unang-
una ang Katolisismong pananampalataya at pagdiriwang ng mga fiesta. Sa edukasyon, pilit na
itinuro ang relihiyon at wikang Espanyol. Kaya kapansin-pansin ang mga hiram na salita gaya
ng mesa, taza, tinidor at iba pa. Ang mga pangalan din ng mga Filipino ay pinalitan. Maraming
Filipino ngayon ay may apilyidong Espanyol gaya ng Chavez, Zamora, Quezon, Rodriguez,
atbp. May impluwensya din ang mga Espanyol sa pananamit at pagluluto.

You might also like