Professional Documents
Culture Documents
Pananaliksik sa Wika at
Kultura 11
Table of Contents
1 Aralin 1: Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika
9 Aralin 2: Tungo sa Mabisang Komunikasyon
16 Aralin 3: Barayti ng Wika
19 Aralin 4: Gamit ng Wika sa Lipunan
21 Aralin 5: Pagsulat ng Sanaysay
25 Aralin 6: Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas at Kakayahang Pangkomunikatibo
31 Pananaliksik
Panahon ng Katutubo
Sa kabila ng mga teorya hinggil sa pinagmulan ng mga naunang nanirahan sa Pilipinas ay
may mga katibayang ang mga sinaunang Pilipino ay may mayamang kultura. Mahihinuha na sila
ay may sariling wika ngunit walang iisang wikang nanaig sa buong Pilipinas noon. May
sinusunod silang sinaunang sistema ng pagsulat, ang baybayin. Ang baybayin ay binubuo ng
labimpitong titik (tatlong patinig at labing-apat na katinig). Binibigkas ang katinig na may
kasamang tunog na patinig na /a/. Kung ang patinig ay bibigkasin ng may kasamang patinig na
/e/ o /i/ nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas, samantalang tuldok sa ibaba naman kung ang nais
isama ay /o/ o /u/.
Kaugnay nito ay hindi rin mabilang ang mga panitikan na madalas ay nasa oral na
tradisyon. Ilan sa mga panitikan noong panahong iyon ay samut-saring tula tulad ng bugtong,
salawikain at epiko; awiting-bayan tulad ng oyayi o hele na awit sa pagpapatulog ng bata,
soliranin na awit tuwing naglalakbay, kumintang na awit ng pakikidigma, kundiman na awit
tungkol sa pag-ibig at iba pa; kuwentong bayan tulad ng alamat, mito at pabula; ang dula naman
sa panahong ito ay mga mimetikong mga rituwal at seremonyas na pinapangunahan ng mga
babaylan o catalonan. Ipinakita ng mga dula noon ang buhay ng komunidad ganoon din ang
paggaya sa mga kilos ng mga hayop, halaman at iba pang nagaganap sa kapaligiran. Sa proseso
ng pagtatanghal, nilalangkapan ito ng mga sayaw at awit.
Panahon ng Kastila
Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga
misyoneryong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo. Nakita nilang mas
madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat ang wikang Espanyol.
Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon, mas magiging kapani-paniwala at mas
mabisa kung ang mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo. Dahil dito, ang mga
prayle ay nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga kumpesyonal
para sa mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika. Naging susi ang katutubong wika
upang mapalapit ang mga katutubo sa mga prayle samantalang napalayo naman ang mga
katutubo sa pamahalaan dahil sa wikang Espanyol. Noong Disyembre 29,1972, si Carlos IV ay
lumagda sa isang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang
itatatag sa pamayanan ng mga Indio. Mula sa baybaying paraan ng pagsulat ay pinalitan ito ng
alpabetong Romano at ipinakilala rin nila ang alpabetong Abecedario na binubuo ng 30 titik.
Ang Doctrina Cristiana (1593) ang unang nailimbag na aklat sa Pilipinas; inilimbag ng
mga Dominikano. Ilang nilalaman ng Doctrina Cristiana ay Ave Maria, Credo, Sampung Utos
ng Diyos, Mga Utos ng Santa Iglesia, Pitong Kasalanang Mortal, Pangungumpisal at katesismo.
Isinasagaw sa panahong ito ang mga dulang komedya (comedia) na tungkol panrelihiyon tulad
ng Panunuluyan, Senakulo, Moro-moro at iba pa. ika-19 na siglo nang mauso naman ang mga
dulang zarzuela, isang drama-musikal sa España. Noong ika-18 na siglo ay umuso ang mga akda
tulad ng awit (Florante at Laura) at korido (Ibong Adarna). Nagkaroon din ng paglabas ng iba’t
ibang manwal at sulatin na nagtuturo at nagbibigay-diin sa mga tamang gawi at kilos. Nariyan
ang akdang Tandang Bacio Macunat (1875) ni Miguel Lucio de Bustamante at Pagsusulatan ng
Dalawang Binibini na sina Urbana at Feliza (1864) ni Padre Modesto de Castro.
Panahon ng Rebolusyong
Pilipino
Ayon kay R. Amparado (2016), umusbong ang pagkanasyonalismo ng mga Pilipino
noong panahon ng Himagsikan kung saan pinili nilang isulat ang mga sanaysay, tula, kuwento,
liham at talumpati sa Tagalog. Ang tinatalakay sa iba't ibang uring panitikan na ito ay ang mga
Espanyol bilang paraan ng paghihimagsik at pag-aalsa.
Ayon kay Dir. Hen. Roberto T. Añonuevo, ang Saligang batas ng Biyak-na-Bato na
itinatag at pinagtibay noong taong 1987 ang kauna-unahang republikang naitatag sa Pilipinas sa
ilalim ng pamumuno ni Emilio Aguinaldo. Isinasaad nito na ang wikang Tagalog ang magiging
opisyal na wika ng Pilipinas.
Ayon kay J. Blaneria (Kasaysayan ng Wika, Wika sa Kasaysayan), napakalaki ang
ginampanang papel ng wika, partikular ang wikang Filipino sa rebolusyong naganap. Ito ang
ginamit sa pagsulat ng Kalayaan (pahayagan ng Katipunan), naglalaman ng plano ng Katipunan
na may mga artikulo ni Emilio Jacinto at iba pa na siyang kinalat sa mga kalapit na probinsya.
Dito masasabi na ang mga Pilipino ay nagkakaisa sa sariling wika dahil nagresulta ito sa paglaki
ng kanilang pwersa.
Naging instrumento ang ilang mga panitikan nang mga panahong ito upang pag-alabin
ang nasyolismo ng mga Pilipino. Una na rito ang pagpapalimbag ng mga pahayagang La
Solidaridad at La Independencia ng Kilusang Propaganda, isinulat nina Jose Rizal, Marcelo H.
del pilar, Graciano Lopez- Jaena at marami pang iba. Taong 1885 ay isinulat naman ni Pedro
Paterno ang kauna-unahang nobela sa Pilipinas, ang Ninay, na naglalarawan at nagsasalaysay ng
mayabong na tradisyon at kultura ng mga Pilipino. 1887 nang isulat ni Jose Rizal ang una niyang
nobela na Noli Me Tangere, na sinundan ng El Filibusterismo noong 1891. Isinulat din niya ang
sanaysay na Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos. Ang mga nabanggit na nobela ang naging
mitsa upang tawagin si Rizal bilang erehe at ipinatapon sa Dapitan. Sa pagtatapos ng ika-19 na
siglo, umusbong ang isang lihim na kilusan, ang Katipunan, na itinatag ni Andres Bonifacio.Sa
pamamagitan sana ng Kalayaan, ang opisyal nilang pahayagan, ilalathala ng Supremo ang
sanaysay niyang Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog at ang tula niyang Katapusang Hibik ng
Pilipinas. Nagsulat din ng sanaysay si Emilio Jacinto na pinamagatang Liwanag at Dilim.
Panahon ng Amerikano
Dumating ang mga Amerikano noong 1898 sa pamumuno ni Almirante Dewey. Sa
panahong ito ay nagtatag ang mga Amerikano ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas na
pinamunuan ng mga sundalong Amerikano na kilala sa tawag na Thomasites. Ang komisyong
pinangungunahan ni Jacob Schurman ay naniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong
primarya. Nagtakda ang komisyon ng Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Marso,1901 na nagtatag ng
mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo. Noong 1931,
ang Bise Gobernador-Heneral George Butte na Kalihim ng pambayang pagtuturo, ay nagpahayag
ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taon sa pag-
aaral. Dahil sa umusbong na pagsasalungatan kung Ingles lamang o bernakular na wika ang
gagamitin sa pagtuturo ay nagkaroon ng eksperimento at sarbey upang malaman kung alin ang
epektibong paraan sa pagtuturo. Matapos ang isinagawang pag-aaral, eksperimento at sarbey,
ayon kay Henry Jones Ford -"Gaya ng makikita, ang gobyerno ay gumastos ng milyon- milyon
para maisulong ang paggamit ng Ingles upang mabisang mapalitan nito ang Espanyol at mga
dayalek sa mga ordinaryong usapan, at ang Ingles ang sinasalita ay kay hirap makilala na Ingles
na nga.” At kina Najeeb Mitri Saleeby at Paul Monroe - “Kahit na napakahusay ang maaaring
pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino
ay may kani-kaniyang wikang bernakular.” Naipasok sa usapin ang pagkakaroon ng wikang
pambansa ng Pilipinas. Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang
Asambleya noong 27 Oktubre 1936, “ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang
estado ay dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”
Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa “na
mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng
isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Ang pagpili ng isang
pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang
tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Pilipino.”
Sa madaling salita, Tagalog ang napiling batayan ng wikang pambansa. At pinili ang
Tagalog sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte), at kinabibilangan ng mga
kasaping sina Santiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto
(Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog).
Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala rito “na ginagamit ito ng nakararaming bilang ng
mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan,
publikasyon, at manunulat.”
Sa panahong ito ay umusbong ang romantisismo sa mga panitikan ngunit hindi naglaho
ang panitikan bilang instrumento sa pagtuligsa sa mga bagong mananakop. Nariyan ang El
Renacimiento, sa patnugot ni Teodoro Kalaw, pahayagang binatikos ang patakarang kolonyal.
Bagaman nasa wikang Espanyol, maraming makatang Pilipino ang tumuligsa sa bagong
pamahalaan tulad nina Cecilio Apostol na nagsulat ng Al Yankee (1899) at Fernando Ma.
Guerrero na nagsulat ng Crisalidas (1914). Sa mundo naman ng teatro ay nakilala ang mga
dulang nagpakita ng nasyonalismo sa likod ng mga temang pag-ibig. Ang ilan dito ay ang
Walang Sugat (1902) ni Severino Reyes, Tanikalang Ginto (1902) ni Juan Abad, Hindi Aco
Patay (1903) ni Juan Matapang Cruz, at Kahapon, Ngayon at Bukas (1903) ni Aurelio Tolentino.
Naging aktibo rin ang zarzuela na naisulat sa katutubong wika tulad ng Dalagang Bukid
(1919) ni Hermogenes Ylagan, Ang Panimalay ni Kabesang Ytok (1907) ni Angel Mangahum,
Maysa a Kandidato (1908) ni Mena Pecson Crisologo at Anak ng Dagat (1922) ni Patricio
Mariano. Nauso rin ang balagtasan, isang patulang debate, na isinunod sa pangalan ng
pinakamahusay na makatang Tagalog, si Francisco Baltazar.Ang unang balagtasan ay ginanap sa
Instituto de Mujeres sa Tondo, Maynila, noong Abril 1924. Sa balagtasang ito ay nagtagisang ng
galing sina jose Corazon de Jesus (bilang paruparo) at Florentino Collantes (bilang bubuyog) na
inaalayan ng tula ang isang kampupot. Ang balagtasan ay kinilala bilang bukanegan ng mga
Ilokano bilang pagkilala kay Pedro Bukaneg at crissottan ng mga Kapampangan bilang pagkilala
kay Juna Crisostomo Soto. May mga nobela ring naisulat na umayon sa romantisismong
tradisyon tulad ng Nena at Neneng (1903) ni Valeriano Peña (kilala sa taguri na Ama ng
Nobelang Tagalog), Pusong Walang Pag-ibig (1910) ni Roman Reyes, at May Pagsinta’y
Walang Puso (1911) ni Iñigo Ed Regalado (may sagisag panulat na ‘Odalager’). Umusbong din
ang nobelang sosyalista ni Lope K. Santos na Banaag at Sikat (1904). Itinatag niya rin ang
pahayagang Muling Pagsilang (1902) na naglathala ng samut-saring maikling kuwento. Ang
mga maikling kuwento ay unti-unting pinalitan ang de-seryeng mga nobela. Si Deogracias
Rosario ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Nakilala rin ang magasin na
Liwayway noong 1920, Bannawag at Pilipino Free Press. Maraming manunulat ang naglabas ng
kanilang mga katha na nagkubli gamit ang mga sagisag-panulat – si Valeriano Peña ay si Isang
Dukha at si Benigno Reyes ay si Gat Lotus. May mga Pilipinong manunulat din ang sumulat
gamit ang wikang Ingles na nagbigay ng local color. Nakilala naman sa pagsulat ng malayang
taludturang tula sina Jose Garcia Villa sa kanyang tulang Aklasan at Alejandro G. Abadilla sa
kanyang tula na Ako ang Daigdig. Naipakilala rin sa panahong ito ang pelikula. Ginamit ng mga
Amerikano ang mga rolyong kuha ng Edison’s (1899), upang ipakita sa mamamayang Pilipino
ang sandatahang lakas at kapangyarihan ng Amerika. Sa kabilang banda, ang pinakaunang
pelikulang Pilipino ay ang Dalagang Bukid (1919) na idinirehe ni Jose Nepomuceno.
Panahon ng Hapon
Sa panahong ito ay nagkaroong ng pagkakataon ang mga Pilipino na mayabungin ang
sariling wika at panitikan. Ipinatupad sa panahong ito ang Ordinansa Militar Blg.13 na nag-uutos
na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nihonggo). Itinuro ang wikang
Nihonggo sa lahat, ngunit binigyang-diin ang paggamit ng Tagalog upang maalis na ang
paggamit ng wikang Ingles.Para sa pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon at
pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones ay
itinatag ag KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas. Katulong nito ang
Surian ng Wikang Pambansa sa pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa kapuluan. Taong 1940 ay
binuo ni Lope K. Santos
(Ama ng balarilang Tagalog) ang ABaKaDa na may 20 titik (a, b, k, d, e, g, h, i, l, m, n, ng, o, p,
r, s, t, u, w, y). Ang nagturo naman ng Tagalog sa mga Hapones at hindi Tagalog ay si Jose Villa
Panganiban gamit ang “A Short to the National Language” upang madaling matuto ang kanyang
mga mag-aaral. Iba’t ibang pormularyo ang kanyang ginawa upang lubos na matutunan ang
wika. Nagkaroon ng masiglang talakayan tungkol sa wika sa panahong ito dahil na rin sa
pagbabawal ng mga Hapones na tangkilikin ang wikang Ingles.
Kinilala ang panahong ito bilang Gintong Panahon ng Panitikang Tagalog sapagkat
namayagpag sa panahong ito ang kalipunan ng mga pampanitikang akda na binubuo ng tula
(tanka, haiku, at tanaga), maikling kuwento, nobela, dula, musika, teatro at mga sanaysay sa
wikang Tagalog.Sa unang bahagi ng panankop ay maraming manunulat ang sumulat sa wikang
Ingles at Tagalog. At dahil sa mahigpit na ipinagbawal ang wikang Ingles ay unti-unting
natutuhan ng mga makata ang sumulat sa wikang Tagalog.
Pinanukala ng mga Hapones ang paligsahan sa pagsulat ng maikling kuwento, sanaysay,
nobela at dula upang mahikayat ang mga Pilipino na sumulat ayon sa panuntunan at pamantayan
ng mga Hapones. Ang mga nagwaing pampanitikang akda ay binigyan ng malawakang
pagkilala. Ang ilang nagantimpalaang mga akda ay ang mga sumusunod: Lupang Tinubuan ni
Narciso G. Reyes, Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo at Lungsod, Ngayon at
Dagat-dagatan ni N.V.M Gonzales.
Nakilala naman si Vicente Sotto ng Cebu, isang gerilya, dahil sa pagkatha ng mga dagli
na isang panitikang walang timping nangangaral, nanunudyo o kaya’y nagpapasaring.
Dalawa lamang na pelikulang Pilipino ang naipalabas noon dahil sa digmaan. Ang mga
ito ay ang The Dawn of Freedom at Tatlong Maria. Mga Pilipino nag mga artista sa mga
pelikulang ito ngunit Hapones ang tagapayo at direktor. Dahil sa kakulangan ng pelikula ay
nabigyang buhay ang Tanghalang Pilipino at naging gintong panahon ito sa palabas na
itinatanghal sa entablado. Kinagiliwan ang pagtatanghal ng mga stage show na ayon kay Jose M.
Fernandez, ito ay naglalarawan ng mga katutubong tagpuan, kahusayan sa pagpapatawa at
nagtatampok sa mga katutubong awitin at sayaw na may makukulay at katutubong kasuotan.
Ang Malayang Pilipinas ang kauna-unahang ipinalabas na umabot ng apatnapung (40) minute
ang pagtatanghal. Sa larangan ng musika ay hinimok ng mga Hapones ang pagpapatugtog ng
musikang Pilipino upang patunayan na sila ay nanakop upang paunlarin ang sining ng Pilipinas.
Panahon ng Pagsasarili
hanggang sa Kasalukuyan
Nagpatuloy ang pagpapayaman sa ating wika nang matamo ang kalayaan ng bansa.
Nariyan pa rin ang impluwensya ng ibang wika lalo na ang wikang Ingles. Ang opisyal na wika
ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang Wikang Filipino (wikang pambansa) at wikang Ingles.
Ang mga wikang ito ang ginagamit sa pamahalaan, paaralan at sangay ng lipunan.
Hunyo 4, 1946 Nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Pambansang
Asembleya noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang
Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang
opisyal.
1973 Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga
hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na
wikang pambansa na tatawaging Filipino.
Marso 26, 1946 Nagsimula ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa paglagda ni Pangulong
Sergio Osmeña sa Proklamasyon Blg. 25 na nagsasaad na ang panahon
mula Marso 27 hanggang Abril 2, taon-taon ay magiging “Linggo ng
Wika” bilang pagsunod sa Batas komonwelt Blg. 570 na kailangang
gumawa ang gobyerno ng hakbang tungo sa pagsulong ng Wikang
Pambansa.Saklaw ng petsa ang
kaarawan ng isa sa mga haligi ng panitikang Pilipino na si Francisco
“Balagtas” Baltazar.
Marso 26, 1954 Naglabas ng Proklamasyon Blg. 12 ang pangulong Ramon Magsasay na
may pamagat na “Nagpapahayag na Linggo ng Wikang Pambansa ang
Panahong Sapul sa Ika-29 ng Marso hanggang Ika-4 ng Abril Bawat Taon”
Hunyo 15,1997 Sa Proklamasyon Blg. 1041 ay idiniklara ni pangulong Fidel V. Ramos ang
pagtatalaga ng “Buwan ng Wikang Pambansa” tuwing buwan ng Agosto.
Uri ng Komunikasyon
Verbal ang tawag sa komunikasyon kapag ito ay ginagamitan ng wika o salita ng mga titik
na sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe. Di verbal kapag hindi ito gumagamit ng salita
bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe sa
kausap. Ayon sa pag-aaral ni Albert Mehrabian, propesor sa Clark University, na lumabas sa
kanyang aklat na Silent messages, Implicit Communication Of Emotions And Attitudes, isang
aklat hinggil sa Komunikasyong Di Verbal
Ayon kay Albert Mehrabian,
7% ng komunikasyon ay nanggagaling sa salitang binibigkas
38% tono ng pagsasalita
55% galaw ng katawan
Sa madailng salita, 7% lang ng nais nating iparating ang nanggagaling sa ating mga
salita. Ang resulta ng kanyang pag-aaral ay ginagamit at itinuturo din sa ilang Judicial
Institutes sa America, bagama’t marami ang hindi sumasang-ayon sa kanyang natuklasan.
Ayon sa ilang eksperto, kadalasan ang pag-aaral ni Mehrabian ay hindi nauunawaan. May
katotohanan man ito o hindi, isang aral ang iniiwan nito sa atin na kung anuman ang
mensaheng nais nating ipahatid ay hindi masasabi lahat ng salita. Kaya kung minsan, ang
ilang maseselang bagay na maaaring magkaroon ng ibang interpretasyon ay mas mabuting
sabihin ng personal.
Mahalaga ang di verbal na komunikasyon sapagkat inilalantad nito ang emosyon ng
nagsasalita at kinakausap, nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe, at pinananatili nito ng
resiprokal na inter-aksiyon ng tagapagpadala at tangatanggap ng mensahe.
IBA’T IBANG PAG-AARAL SA MGA ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON
1. Kinesika (Kinesics)- Pag-aaral sa kilos at galaw ng katawan. Hindi man tayo
bumibigkas ng salita,sa pamamagitan ng pagkilos ay maipaparating natin ang
mensaheng nais nating ipahatid.
2. Galaw ng Mata (Oculesics) - Sinasabing mata ang durungawan ng kaluluwa,
nangungusap ito. Nakikita sa galaw ng ating mga mata ang nararamdaman
natin. Ipinababatid ng ating mga mata ang mga damdaming nararamdaman
natin kahit hindi natin ito sinasalita. Ang panlilisik ng ating mga mata ay
nangangahulugang galit tayo, ang panlalaki ng ating mga mata kung minsan
ay nagpapahiwatig na pang-aakit. Maipakikita rin ng galaw ng ating mga mata
ang pagnanais upang makipag-usap.
3. Vocalics-Pag-aaral ng mga di-lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa
pagsasalita. Kasama rto ang pagsutsot, buntong hininga, at iba pang di
linngguwistikong paraan upang maipahatid ang mensahe. Tinutukoy rin nito
ang tono, lakas, bilis, o bagal ng pananalitang nagbibigay linaw sa verbal na
komunikasyon
4. Pandama o Paghawak (Haptics)- Pag-aaral sa paghawak o pandama ng
naghahatid ng mensahe. Isang anyo rin ito ng di verbal na komunikasyon. Ang
pagtapik sa balikat, ang paghablot, pagkamay, o pagpisil, ito ay mga paraan
upang mapabatid ang isang mensahe.
5. Proksemika (Proxemics) - Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo na
ginawa ni Edward T. Hall(1963) na ang distansiya ay maaaring magpahiwatig
kung anong uri ng komunikasyon ang namamagitan sa magkausap.
a. Intimate-1-1.5 feet
b. Personal- 1.5-4 feet
c. Social Distance- 4-12 feet
d. Public-12 feet
6. Chronemics- tumutukoy sa oraas na nakaaapekto sa komunikasyon. Ang
paggamit ng oras ay maaring kaakibat ng mensaheng nais iparating. Ang
pagdating nang maaga sa isang job interview ay nangangahulugang may
disiplina at nag-aaplay at interesado siya sa inaaplayan. Ang pagtawag sa
telepono sa dis-oras nggabi ay maaring magahulugan na pang-iistorbo o
maaaring emergency ito.
7. Expresyon ng Mukha (Pictics) - ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha
upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid sa paghahatid ng mensaheng
di verbal, hindi maipagwawalang-bahala ang ekspresyon ng mukha. Ang
ekspresyon ng mukha, kadalasan, ay nagpapakita ng emosyon kahit hindi man
ito sinasabi. Sa ekspresyon ng mukha ay mahihinuha natin ang nararamdaman
ng isang tao, kung ito ay masaya, malungkot, galit, o natatakot.
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo
at Multilingguwalismo
Ang monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng
isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa kung saan iisang
wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon,
sa sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersiyo,
wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.
Sa dahilang napakaraming umiiral na wika at wikain sa ating bansa, ang Pilipinas ay
maituturing na multilingguwal kaya’t mahihirapang umiral sa ating Sistema ang pagiging
monolingguwal.
Ang billinguwalismo ay binigyang pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935), isang
Amerikanong lingguwista bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika tila ba ang
dalawang ito ay kanyang katutubong wika. Ang pagpapakahulugang ito ni Bloomfield ay
maaaring mai-kategorya sa tawag na “perpektong bilingguwal” ay kinontra ng
pagpapakahulugan ni John Macnamara (1967), isa pa ring linguwistang nagsabing ang
bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang
pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika
maliban sa kanyang unang wika. Sa pagitan ng dalawang magkasalungat na pagpapakahulugang
ito ay may iba pang pagkakahulugan ang naibigay tulad ng kay Uriel Weinreich (1953), isang
lingguwistang Polish-American, na nagsasabing ang paggamit ng dalawang wika nang
magkasalitan ay matatawag na billinguwalismo at mga taong gagamit ng mga wikang ito ay
bilingguwal. May mga taong sa ganitong pagpapakahulugan ni Weinreich dahil hindi nabanggit
kung gaano ba dapat kadalas o kung gaano ba dapat kahusay ang isang tao sa ikalawang wika
upang maituring siyang bilingguwal (Cook at Singleton: 2014).
Maituturing na billinguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika ng
matatas sa lahat ng pagkakataon. Sa pananaw na ito, dapat magamit ng mga bilingguwal ang
dalawang wika nang halos hindi na matukoy kung alin sa dalawa ang una at pangalawang wika.
Balanced Bilingual ang tawag sa mga taong nakakagawa nang ganito at sila’y mahirap mahanap
dahil karaniwang nagagamit ng mga bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa
taong kausap (Cook at Singleton: 2014).
Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon natin ng
inter-aksiyon, maging sa mga taong may naiibang wika. Sa ganitong mga inter-aksiyon
nagkakaroon ng pangangailangan ang tao upang matutuhan ang bagong wika at nang
makaangkop siya sa panibagong lipunang ito. Sa paulit-ulit na exposure o pakikinig sa mga
nagsasalita ng wika, unti-unti’y natutuhan niya ang bagong wika hanggang sa hindi niya
namamalayang matatas na siya rito at nagagamit na niya nang mabisa ang bagong wika sa
pakikipag-usap at sa paglalahad ng kanyang mga personal na pangangailangan. Sa puntong ito’y
masasabing bilingguwal na siya.
Makikita sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon para sa
bilingguwalismo o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal
na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon nsa pamahalaan man o kalakalan.
“Ang Batasang Pambansa ay masasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga’thindi binago ang batas, ang
Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.”
-Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Bansa ng 1973
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika at
wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal. Karamihan sa atin, lalo na sa
mga nakatira sa labas ng Katagalugan, ay nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino,
Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo na karaniwang ang wika o mga wikang
kinagisnan. Sa kabila nito, sa loob ng mahabang panahon, ang wikang Filipino at wikang
Ingles ang ginagamit na wikang panturo sa mga paaralan.
Gayunpama’y nananatiling laganap sa nakakaraming batang Pilipino ang paggamit ng
unang wika sa halip na Filipino at Ingles. Kaya, sa pagpapatupad ng DepEd ng K to 12
Curiculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon para sa magiging wikang panturo partikular
sa kindergarten at sa Grade 1, 2, at 3. Tinatawag itong MTB-MLE o Mother Tongue Based-
Multillingual Education.
Isang malaking hakbang ang ginawa ng ating bansa sa pagkakaroon ng pambansang
polisiya parasa multilingguwal na edukasyon. Ito ay isang magandang modelo ng pagtuturo
para sa isang bansang tulad nating may heograpiyang pinaghiwa-hiwalay ng mga pulo at mga
kabundukan at may umiiral na napakaraming pangkat at mga wikain sapagkat mapalalakas
muna nito ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kani-kanilang unang wika. Inaasahang higit
nalang mauunawaan at kalulugdan ang mga aralin kung ito’y ituturo sa wikang matatas na
sila at lubos na nalang nauunawaan. Ito ngayon ang magiging bridge o tulay upang kasunod
na mapalakas at mapalusog ang pagkatuto ng ating wikang pambansa, ang Filipino at
gayundin ang wikang Ingles.
“We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the
World. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and connect to
your heritage.”
-Pangulong Benigno Aquino III
1. Pormal na Sanaysay
Ito’y maingat at maayos na isinusulat ng may-akda. Nagtataglay ito ng
mabisang paraan ng paglalahad. Hindi pangkaraniwan ang paksa nito at
kailangang ang mga pahayag ay pinatitibayan ng pananaliksik. Gumagamit ito ng
mataas na uri ng wika. Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa
teknolohiya, syensya, kultura, edukasyon, pulitika at iba pa. Kadalasan ay may
kahabaan ang ganitong uri ng sanaysay at kasama ang ginamit na mga
sanggunian. Ang tanging layunin nito ay magbigay-impormasyon hinggil sa ilang
maseselang pangyayari.
2. Di-Pormal na Sanaysay
Ang sanaysay na ito ay may himig na nakikipag-usap lamang. Maaaring
paksain dito ang kahit anong bagay- personal, sosyal, emosyonal, moral at iba pa.
Ang pagiging kawili-wili ang ipinagkakaiba nito sa pormal na sanaysay. Ang
tanging layunin nito ay makapagdulot ng aliw sa mambabasa. Sa pagsulat nito ay
hindi na kailangan ang sanggunian sapagkat kadalasan ito’y batay lamang sa
karanasan, pagmamasid o pananaw sa buhay ng sumulat. Hindi mahirap ang
pagsusulat nito pagkat hindi na nangangailangan ng balangkas na gaya ng pormal
na sanaysay.
Paraan ng Pagsulat ng
Sanaysay
Ang pagsulat ng sanaysay ay tulad din sa pagsulat ng isang komposisyon. Kailangang
ito’y may simula, may pikakatawan at may wakas.
1. Panimula o Simula ng Sanaysay
Ito ang pinakamahalaga dahil kinukuha nito ang atensyon ng
mambabasa at maganyak ang mambabasang ipagpatuloy ang kanyang
pagbabasa. Dapat din na ibagay sa haba ng sanaysay, sa paksa at
layunin nito.
Ang ilang paraan ng kawili-wiling panimula:
a. Paggamit ng katanungan
Halimbawa: Ano ba ang kabayanihan? Ang kabayanihan ay isang
paglilingkod na hindi naghihintay ng kabayaran sa
anumang hirap o pagod.
3. Wakas ng Sanaysay
• Ito ang huling bahagi ng sanaysay. Dito nagbibigay ng hamon ukol
sa paksa ang mayakda sa kanyang mambabasa. Ito ay para
maisakatuparan ang mga nabanggit na puntos sa katawan ng
sanaysay.
Flip Top
Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan
dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagama’t sa FlipTop ay hindi nakalahad
o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng
naunang kalahok ay siyang sasagutin sa kanyang katunggali. Hindi tulad ng balagtasan na
gumagamit ng pormal na wika sa pagatatalo, sa FlipTop ay walang nasusulat na iskrip kaya
karaniwang ang mga salitang binabato ay di pormal at maibibilang sa iba’t ibang barayti ng
wika. Pangkariniwan din ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa
kalaban.
Pick-up Lines
May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may
tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng
buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nangnanais
magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa dalagang nililigawan. Kung may
mga salitang angkop na makapaglalarawan sa picku-up line, masasabing ito’y nakakatuwa,
nakakapangiti, nakakakilig, cute, cheesy, at masasabi ring corny. Madalas itong maririnig sa
usapan ng mga kabataang magkakaibigan o nagkakaibigan. Nakikita rin ito sa mga
Facebook wall, sa Twitter, at sa iba pang social media network. Ang wikang ginagamit sa
mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at mga barayti nito subalit nagagamit din ang
Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito.
Hugot Lines
Ang hugot lines, kaiba sa Pick-up lines ay tinatawag ding love lines o love quotes.
Ito ay isa pang patunay na ang wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya
ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakakainis. Karaniwang
nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng
mga manonood subalit madalas nakakagawa rin ng sarili nilang “hugot lines” ang mga tao
depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan. Minsan ang mga
ito’y nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish ang gamit na salita sa mga ito.
Layunin ng Pananaliksik:
1. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid na paksa
2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas
3. Madagdagan, mapalawak at mapatotohanan ang mga kasalukuyang kaalaman
Tungkulin at Katangian ng
Mananaliksik (Sarili, sa mga awtor,
mambabasa at sa Lipunan)
Masipag at Matiyaga
Maingat
Sistematiko
Kritikal na nagsusuri
Plagiarism/ Pangungopya
Ginagamit ang gawa ng iba
Kinuha, ninakaw ang disenyo, balangkas at hindi kinikilala ang orihinal na manlilikha
Kapag isinalin ang gawa ng iba ngunit hindi ito kinilala
Kapag namulot ng ideya, pahayag, termino na nakasulat sa ibang wika at isinalin
ngunit hindi kinikilala ang awtor
Kung ginagamit lahat at hindi kinulong sa panipi at hindi itinala ang pinagkunan
Kabuuang Bahagi
1. Pangmukhang Pahina
2. Pasasalamat
3. Talaan ng Nilalaman
4. Panimula
5. Paglalahad at Pagsusuri
6. Buod, Kongklusyon, at Rekomendasyon
7. Sanggunian
Panimula
Ano ba ang tungkol sa pag-aaral?
Bakit ito ang gusting pag-aralan?
Bakit mahalaga ang pag-aaral na ito?
Ano ang halaga nito sa iyo at sa lipunan?
Ano ang nais patunayan ng sa isinagawang pag-aaral?
Ano ang posibleng kalalabasan ng isinasagawang pag-aaral?
Kasali ang paglalahad ng kaugnayan sa literatura
Paglalahad at Pagsusuri
Ano ang mga mahahalagang puntong naipakita sa resulta ng pag-aaral?
Paano nakatulong ang pag-aaral sa paglutas ng katanungan/ suliranin?
Ano ang mahahalagang implikasyong mahahalaw sa pag-aaral?
May malaking pagbabago ba sa mga resulta ng datos na nakalap?
Paano naiiba ang mga kaalamang natuklasan sa mga dati nang kaalaman?
Buod, Konklusyon, at Rekomendasyon
Ano ang pinakamahalagang natuklasan sa pananaliksik ukol sa isinagawang pag-aaral?
Ano ang implikasyon ng mga mahahalagang natuklasan na datos?
Ano ang kasagutan sa mga tanong o haypotesis sa panimulang bahagi?
Ano ang mga mungkahing maaaring makatulong sa ginawang pananaliksik?
Ang Paksa
Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang sulating
pananaliksik. Nararapat na ang paksa ay pinag-iisipang mabuti at dumaan sa maingat na
pagsusuri upang matiyak na makabubuo ng isang makabuluhang sulatin. Minsan ay nagbibigay
na ang guro ng ilang paksang maaaring pagpilian ng mag-aaral. Ito ay mga paksang inaakala
niyang magiging interesado at kakayanin ng mga mag-aaral. Gayunpaman, kung ang naiisip
mong ay hindi kabilang sa listahang ito, huwag mag-atubiling lumapit sa guro at ilahad ang
iyong ideya. Dahil baguhan ka pa lamang sa gawaing ito ay mangangailangan ka ng gabay mula
sa isang taong may malawak nang kaalaman at makapagsasabi kung ang paksang naiisip mo ay
posibleng maisagawa ng isang mag-aaral na tulad mo sa haba o lawak sa panahong nakalaan.
Narito ang ilang tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang magpasiya sa
paksang susulatin:
Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang
pananaliksik at pagsulat sa ukol dito?
Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging kapaki-
pakinabang ba ang magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikular
sa mga kaklase ko? Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado
ba itong limitado?
Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa
amin?
Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng
impormasyon upang mapalawak ang paksang napili ko?
Kung OO ang sagot mo sa tanong, maaari ito na nga ang pinakaangkop na paksa para saiyo.
Maaari ka nang magpatuloy sa ikalawang hakbang ng pananaliksik.
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis(Thesis Statement)
Kapag napagpasiyahan na ang paksa, bumuo ka na ng iyong pahayag sa tesis.Ito ang pahayag na
magsasaad ng posisyong sasagutan o patutunayan ng iyong binubuong pananaliksik.Naririto ang
ilang tanong na maaaring gumabay o magbibigay dereksiyon sa pagbuo mo ng pahayag ng tesis.
Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong maglahad ng
impormasyong magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon?
Sino ang aking mga mambabasa? Ang guro lang ba ang makababasa ng
sinulat ko? Sino pa kaya ang makababasa nito? Ano kaya ang inaasahan at
karanasan ng aking mga mambabasa?
Ano-anong mga kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat
bang kagamitan o sanggunian upang magamit sa pagpapatunay sa aking
pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga ito?