You are on page 1of 12

Inihanda ni:

Bb. Viverly Kate Antonio Ildefonso


Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay
itanghal sa tanghalan.

Ayon kay Arrogante (1991) ang dula ay isang pampanitikang


panggagaya sa buhay na ipinamalas sa tanghalan.
Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahagi ng
buhay.

Ang dula ay lumilibang, nagbibigay-aral, pumupukaw ng


damdamin, at humihingi ng pagbabago.
Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa ibang akda
sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang
kilos at galaw sa tanghalan.

Di pa man dumarating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay


pinaniniwalaan nang kilala na ang dula sa ating bansa. Nag-
ugat ito sa mga ritwal at seremonyang isinasagawa noon ng
ating mga ninuno tulad ng canao ng mga Igorot, ang bayak
o embayoka ng mga Muslim (na kagaya ng iyong binabasang
dula), ang Tatarin ng mga Tagalog, at iba pa.
1.
Ito ay isinasagawa
tuwing buwan ng Mayo
tungkol sa paghahanap ni
Santa Elena sa krus na
pinagpakuan kay Kristo. Ang
mga tauhan o kasali sa
pagtatanghal ay kahalo-halo
ng taong-bayan.
2.
Inilalarawan ditto ang simula
ng lahat – ang paglalang kay Eba
at Adan, ang pagsilang kay
Jesus, ang Kanyang kamatayan,
at muling pagkabuhay.
Itinatanghal ito bilang isang serye,
mula Lunes Santo hanggang
Sabado de Gloria.
3.
Ito ay isinasagawa tuwing
sasapit ang ang Pasko, Disyembre
24 ng gabi bago magmisa de
gallo. Sina Mariaat Jose ay
naghahanap ng bahay na
masisilungan at mapagsisilangan
kay Hesus.
4.
Dulang panrelihiyong
ginaganap sa mga lansangan
sa lalawigan ng Mindoro at
Marinduque tuwing mahal na
araw. Ang mga karakter na
gumaganap ay nakasuoto
naglalagay ng mga maskarang
may iba’t ibang kulay at iba
pang palamuti o guhit sa
kanilang katawan.
5.
Dulang panlansangan at
panrelihiyon kung saan isang
marangyang parade ng mga
sagala at konsorte ang
nagaganap. Sila ay lumilibot sa
mga kalye hanggang sa
makarating sa simbahan upang
maihatid ang krus.
Nang dumating ang panahon ng 1960 hanggang 1980 ang
mga dulang lumaganap sa bansa ay may layuning
magbigay ng kabatiran , kamalayan at panghihikayat.

Ayon sa Panitikan sa Pilipinas 2001 ni Ruben et al, ang mga


tema ng dula sa panahong ito ay may usaping panlipunan at
itinatanghal na mga protesta, simposya, welga,
demonstrasyon ng mga taong nagsama-sama at nagtipon-
tipon upang ipadama ang mga karaingan.

You might also like