You are on page 1of 9

PANITIKAN

ETIMOLOHIYA
Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping pang- at
hulaping -an sa ugat na titik. At ang titik ay nangangahulugang "literatura".
URI NG PANITIKAN
Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang anyo ng panitikan: ang mga Piksiyon (Ingles: fiction) at
ang mga Di-piksiyon (Ingles: non-fiction) na mga sulatin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat
ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila
ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari,sabunutan, sakuna, at pook na pinangyarihan ng
kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng mga maikling kuwento.
Para sa pangalawang anyo ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba
pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na
maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakaka-
engganiyong kuwento. Kabilang sa mga hindi-bunganga-isip na mga sulatin at babasahin ang mga
talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.
MGA AKDANG PAMPANITIKAN
Mga Akdang Tuluyan
•Anekdota
- ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa
buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong
buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
•Nobela
-ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-
200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at
naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong
artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
* Kahulugan
Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng
hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring
ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling
balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
*Layunin
~gumising sa diwa at damdamin
~nananawagan sa talino ng guni-guni
~mapukaw ang damdamin ng mambabasa
~magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
~nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
~nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
~nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
* Katangian
1.pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
2.dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
3.pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
4.kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
5.maraming ligaw na tagpo at kaganapan
6.ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
7.malinis at maayos ang pagkakasulat
8.maganda
9.maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
*Elemento
A.tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
B.tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
C.banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
D.pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
E.tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
F.damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
G.pamamaraan - istilo ng manunulat
H.pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
I.simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan
•Pabula
-ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at
kambing,at kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang
kuwentong nagbibigay-aral.
•Parabula
- ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling
salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa
isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa
pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa
kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang
kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay.
Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng
kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
•Maikling kuwento
- ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento
lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si
Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong
panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
Ang alamat ay naiiba dito at sa kasaysayan bagamat may mga elemento ang dalawa. Ang ito ay di-
totoo. Ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat ay may mga bahaging totoo at mayroon
din naman na hindi totoo ang kuwento at kadalasang ang kuwento ay tungkol sa mga naganap sa
di-totoong lugar at di-totoong panahon.
*Kayarian
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kuwento ng
isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling
panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
*Mga Elemento
•Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala
ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
•Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
•Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
•Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran o kalikasan.
•Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
•Kakalasan- Tulay sa wakas.
•Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
•Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento.
•Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
•Kaisipan- mensahe ng kuwento.
•Banghay- pangyayari sa kuwento.
* Mga uri
May sampung uri ng maikling kuwento:
∆Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
∆Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga
tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
∆Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong
bayan.
∆Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
∆Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
∆Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap
ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
∆Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
∆Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
∆Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao
•Tema
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang
pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. At ang
kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging
tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng
may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap
ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang
mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.
* Mga bahagi
Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:
∆ Simula
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing
tauhan. Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng Tagpuan.
∆ Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian
naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
∆ Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-
unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang
katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng
kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang
maaring kahinatnan ng kuwento.
•Dula
- ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok
sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang
itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.
•Pasaling Dula
•Sanaysay
- ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
* Dalawang uri ng sanaysay
∆Pormal
Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan
o kaalaman sa ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng
pinakapiling paksang tinatalakay. Tinuturing din itong maanyo sapagkat pinag-aaralan ng maingat
ang piniling pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan din ito dahil makahulugan, matalinhaga,
at matayutay ang mga pangugusap. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang
pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, pang-
intelektuwal, at walang halong pagbibiro.
Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang pahayagan. Isa itong sanaysay na may
opinyon tungkol sa mga maiinit na mga balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng
unang panauhan sa paglalahad.
∆Di-pormal
Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na personal o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-
lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal.
Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang
personalidad ng may-akda ay maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa sa kanyang
pananalita at parang nakikipag-usap lamang ang may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at
madaling maintindihan. Personal din ang tawag sa uring ito dahil palakaibigan ang tono nito dahil
ang pangunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at
paniniwala ng may-akda ang pananaw.
•Talambuhay
-(mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang "tala ng buhay") o biyograpiya
ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga
tunay na tala, pangyayari at impormasyon.
* Mga uri ng talambuhay
¶Uri ng talambuhay ayon sa paksa at may-akda
∆Talambuhay na pang-iba- isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na isinulat
ng ibang tao.
∆Talambuhay na Pansarili- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may
akda.
∆Talambuhay Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang hayop na naging sikat sa
isang bansa, lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao dahil sa
angking galing ng mga ito.
¶Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman
∆Talambuhay na Karaniwan- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang
hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga
kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga naging tungkulin, mga nagawa, at iba
pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya.
∆Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad- hindi gaanong binibigyan-diin dito ang mahahalagang
detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip
ay binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung
paano nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan.
•Talumpati
- ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita
sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap
ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa
paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring
may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles
ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati.
Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at
iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga
tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng
mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na
talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.
* Layunin at bahagi
Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon,
magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o
paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring pagpasyahan ang
layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng pagdiriwang o okasyon.
Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati:
∆ Pamagat - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang
atensiyon ng madla.
∆Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
∆Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang
pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao
ayon sa layunin ng talumpati.
•Balita
- ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng
isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa
pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahihimpawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong
partido o sa maramihang mambabasa, nakikinig o nanonood.
•Kuwentong bayan
•Alamat
-ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa
tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga
mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legendus" ng wikang Latin
at "legend" ng wikang Ingles na ibig sabihin ay "upang mabasa".
Nalikha marahil sa pandarayuhan ng ating mga ninuno at dahil wala pang sistema ng panulat, ito ay
nag pasalin-salin nalamang.
•Mito
-kuwento o salaysay hingil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba't ibang paniniwala sa
mga diyos at diyosa , kuwento ng tao at ng mahiwagang linikha.
Π Mga Akdang Patula
∆ Mga Tulang Pasalaysay
- pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at
kabayanihan ng tauhan.
•Awit
•Korido
- ay isang uri ng panitikang pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensiya ng mga
Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.
Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.
MGA HALIMBAWA:
1.Ibong Adarna
2.Prinsipe Orentis ni José de la Cruz
3.Rodrigo de Villa ni José de la Cruz
4.Doña Ines ni Ananias Zorilla
5.Don Juan Tiñoso
6.Ang Haring Patay
•Balada
- ay isang uri o tema ng isang tugtugin na pasalaysay. Katang-tanging katangian ng mga sikat na
tula at awit noon sa Pulo ng Briton ang Balada simula noong huling bahagi ng Gitnang Panahon
hanggang ika-19 na dantaon at labis na ginagamit sa buong Europa at lumaon ay ginamit din ng
mga bansa sa Amerika, Australia at Hilagang Aprika.
•Sawikain
-ay maaaring tumukoy sa:
~idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
~moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
~salawikain, mga kasabihan o kawikaan.
•Salawikain
- ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.
Ilan lamang ang mga sumusunod sa mga salawikain mula sa Pilipinas:
Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.
Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong
din ito sa kasalan.
Salawikain: Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng
naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.
Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.
Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng
sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.
Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.
Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na
nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.
Salawikain: Magkulang ka na sa asawa huwag lamang sa iyong anak..
Kahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-
asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na
mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang
tao.
Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga
magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng
pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang
ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.
Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.
Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo.
Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan mo.
Salawikain: Ang taong ginigipit sa patalim man ay kumakapit.
Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na
maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na
pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging
dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.
•Kasabihan
•Bugtong
-ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga
o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang
metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay
para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong
gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at
katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang
palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.
•Soneto
-ay isang uri ng tulang may 14 na taludtod tungkol sa damdamin at kaisipan, may tugma, at may
mapupulot na aral ang mambabasa.
•Kantahin
•Tanaga
- ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral agimas at payak na
pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May estruktura itong
apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod. Katumbas nito ang haiku ng mga Hapones.
•Tula
-ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at
estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay
tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern
sa pagbigkas ng mga huling salita.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-
animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at
sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.
*Mga uri ng tula
1.Liriko o pandamdaming tula
~Awit - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman
~Dalit/Himno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
~Elehiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
~Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
~Soneto - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro
2.Patnigan
~Duplo
~Balagtasan
~Karagatan
3.Naratibo o nagsasalaysay
~Epiko
-ay isang uri ng panulaan, na kilala din bilang panulaang epiko.Bagaman, sa makabagong
katawagan, kadalasang napapalawig ito sa ibang anyo ng sining, tulad ng sa teatrong epiko, mga
pelikula, musika, nobela, palabas sa telebisyon at kahit sa mga larong bidyo, kung saan may mga
tema ang kuwento ng kadakilaan ng kabayanihan, katulad sa panulaang epiko.
4.Padula/Drama
~ trahedya
~komedya
~parsa
~melodrama
~saynete
*Mga sangkap ng tula
1.Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
2.Sukat - bilang ng pantig ng tula.
3.Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
~Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa patinig.
~Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos
sa katinig.
Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:
•Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig
•Mga nagtatapos sa l,m, n, ng, w, r, y
4.Sining o kariktan - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang
impresyon sa bumabasa.
5.Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
6.Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang
talinghaga sa tula
7.Anyo - porma ng tula.
8.Tono/Indayog - diwa ng tula.
9.Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA NAGDALA NG MALAKING IMPLUWENSYA SA BUONG
DAIGDIG
∆ Bibliya o Banal na Kasulatan
- naging batayan ng pananampalataya ng mga Kristiyano
∆Qu'ran na nagmula sa Arabya
- banal na aklat ng mga Muslim
∆ Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos- nagbukas ng kaisipan ng mga
Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na paglaganap ng
demokrasya
∆ Iliad at Odyssey ni Homer ng Gresya
- kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya
∆ Divina Comedia ni Dante ng Italya
- nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng mga Italyano sa kapanahunang
yaon
∆ Canterbury Tales ni Chaucer
- naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles
∆Aklat ng mga Araw ni Confucius
- naging batayan ng pananampalataya at kalinangang Intsik
∆Isang Libo't Isang Gabi
- naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya
∆El Cid Compeador
- tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng katangiang panlahi ng mga Kastila
∆Awit ni Rolando
- nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya, napapaloob dito ang Ronces
Valles Doce Pares ng Pransya
∆Aklat ng mga Patay
- tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan ng Ehipto
∆Mahabharata
- ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong mundo na tumatalakay sa pananampalataya sa
India

You might also like