You are on page 1of 52

Aralin 1

Batayang Kaalaman
sa Panunuring
Pampanitikan

Kyle Aris Dayvid D. Roño, MAFil


Ano nga ba ang
PANITIKAN?

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Para kay Arrogante (1983), isang talaan ng buhay
ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang
tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna
niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang
daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang
tao sa pamamagitan ng malikhain pamamaraan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Inilarawan ni Salazar (1995), ang panitikan
bilang isang lakas na nagpapagalaw sa
lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong
kasangkapang makapangyarihan na maaaring
magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas
upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong
kakaibang karanasang pantaong natatangi sa
sangkatauhan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Ayon naman kay Azarias sa kaniyang Pilosopiya
ng Literatura, “ang panitikan ay
pagpapahayag ng mga damdamin ng tao
tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa pamahalaan sa lipunan at sa
kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa “Dakilang
Lumikha.”

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Ayon sa Webster’s New Collegiate Dictionary,
ang panitikan ay kabuuan o kalipunan ng mga
pinagyamang isinulat o inilimbag sa isang
tanging wika ng mga tao.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Dalawang Anyo ng Panitikan
1. Anyong Patula o Poesya
2. Anyong Tuluyan o Prosa

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


1. Patula o Poesya
• Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga
taludtod, may sukat o bilang ng mga pantig at
pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga
taludtod sa bawat saknong.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Tula
• Nagpapahayag ng tiyak na diwa at damdamin
ng makata sa mga karanasan niya sa buhay,
maaaring may sukat at tugma o di kaya’y
malaya.
• Ang Guryon, Isang Dipang Langit, Isang
Punongkahoy

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Epiko
• Ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa
pakikipagsapalaran, katapangan at
kabayanihan ng mga tao noong unang
panahon.Kinapapalooban ito ng mga
pangyayaring hindi kapani-paniwala at mga
kababalaghan.
• Maragtas, Hinilawod, Biag ni Lam-Ang

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Soneto
• Tulang may labing apat na taludtud hinggil sa
damdamin at kaisipan. Ito ay naghahatid ng
aral sa mga mambabasa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Balagtasan
• Ito ay isang pagtatalo o pagdedebate na
binibigkas nang patula. Ipinangalan ito sa
tanyag na manunulat na si Francisco "Balagtas"
Baltazar, ang tinaguriang "Ama ng Balagtasan.”
Pinatanyag naman ito ng "Hari ng Balagtasan"
na si Jose Corazon de Jesus.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Dula
• Ito ay nagsisimula sa tula o sa tuluyang
pangungusap na naglalarawan ng buhay o
ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos
ng mga tauhan upang itanghal sa dulaan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Awit
• May sukat na 12 pantig at inaawit nang
mabagal sa saliw ng gitara o bandurya.
• Florante at Laura

Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,


dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Korido
• May sukat na walong pantig at binibigkas sa
kumpas ng martsa.
• Ibong Adarna

“O, Birheng kaibig-ibig,


Ina naming nasa langit,
liwangan yaring isip
nang sa layo’y di malihis.”

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Awiting Bayan
• Karaniwang paksa nito ay pag-ibig kawalang
pag-asa o pamimighati, kaligayahan, pag-asa
at kalungkutan.
• Leron Leron Sinta, Ati Cu Pung Singsing,
Paruparong Bukid

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


2. Tuluyan o Prosa
• Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang
pagsasama-sama ng mga salita sa mga
pangungusap. Hindi limitado o pigil ang
paggamit ng mga pangungusap ng may-akda.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Maikling Kwento
• Nagsasalaysay ng mga pangyayari na
kadalasang may suliraning nilulutas ang
pangunahing tauhan, may tagpuan,
kasukdulan at wastong pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari.
• Ang Ama, Suyuan sa Tubigan, Ang Kuwento ni
Mabuti

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Nobela
• Kadalasang nahahati sa mga kabanata, higit
na marami ang tauhan, may masalimuot na
mga pangyayari at may kahabaan ang sakop
na panahon.
• Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Bata, Bata…
Pa’no Ka Ginawa?

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Talambuhay
• Nagsasalaysay tungkol sa buhay na
pinagdaanan ng isang tao.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Sanaysay
• Tumatalakay sa isang mahalaga at
napapanahong usapin sa lipunan, anumang
bagay tungkol sa pagbabago ng ekonomiya,
pulitika, sosyal, kultural at personal ay maaaring
talakayin.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Talumpati
• Isang akdang pasalita na naglalayong
talakayin ang isang napapanahong isyu sa
lipunan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Talaarawan
• Isang kalipunan ng mga salaysay o
pangyayaring naranasan ng may-akda.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Pabula
• Ang mga karakter nito ay mga hayop,
naglalayong gisingin ang isipan ng mga bata sa
mga pangyayaring nahuhubog sa kanilang
ugali.
• Si Langgam at si Tipaklong, Si Pagong at si
Matsing, Si Kalabaw at si Tagak

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Parabula
• Isang maikling kwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.
• Ang Alibughang Anak, Ang Ginintuang Aral,
Ang Regalo ng Liwanag

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Alamat
• Nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga
bagay- bagay sa daigdig.
• Ang Alamat ng Pinya, Ang Alamat ng
Sampalok, Ang Alamat ng Sampaloc Lake

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Balita
• Naglalahad ng mga mahahalagang
nangyayari sa loob at labas ng isang bansa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Sa iyong palagay, ano ang kalagayan ng panitikan sa
panahon natin ngayon?

• Ano-anong mga isyu ang kinahaharap ng lipunan sa


kasalukuyang panahon? Bilang isang Pilipino ano ang
pananaw mo dito?

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Panunuring Pampanitikan
• Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga
akdang pampanitikan sa pamamagitan ng
paglalapat ng iba’t ibang dulo ng kritisismo sa
mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat
o katha.
• Isang pag-aaral, pagtatalakay, pagsusuri, at
pagpapaliwanag ng panitikan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Mga Simulain sa
Panunuring Pampanitikan

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Ang pagsusuri ng akda ay dapat may
katangian ng katalinuhan, seryoso, at
marubdob na damdamin at ng tapat na mithi
sa kalayaan.
• Sa pagsusuri ng ano mang akda, kailangang
mahusay ang organisasyon o balangkas ng
lahok.
• Sa pagsusuri ng ano mang akda, dapat maging
maganda ang paksa, may kalinisan ang wika,
at organisado ang paglalahad.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Ang susuriing akda ay kailangang
napapanahon, may kaisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at
may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan.
• Ang susuriing akda ay kailangang
nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng
mga sangkap ng pagsulat.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Teoryang Pampanitikan

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Ito ay sistema ng mga kaisipan at kahalagahan
ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng
panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa
pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na
ating binabasa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Realismo
• Katotohanan kaysa kagandahan ang
mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano
mang bagay at lipunan ay dapat
makatotohanan ang paglalarawan o
paglalahad. Nagpapahayag din ito ng
pagtanggap sa katotohanan o realidad.
• Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may
layuning ilahad ang tunay na buhay,
pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa
lipunan tulad ng korapsyon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong
nakapokus sa lipunan at gobyerno.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Humanismo
• Ipakita na ang tao ang sentro ng mundo,
binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Imahismo
• Gumamit ng mga imahen na higit na
maghahayag sa mga damdamin, kaisipan,
ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng
may-akda na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Marxismo
• Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban
ng dalawang magkasalungat na puwersa,
malakas at mahina, mayaman at mahirap,
makapangyarihan at naaapi.
• Ipinakikita na ang tao o sumasagisag sa tao
ay may sariling kakayahan na umangat,
buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampulitika.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Moralistiko
• Pinahahalagahan ang moralidad at disiplina.
Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o
kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Formalismo
• Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura
o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng
matatalinghagang pahayag.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Sikolohikal
• Makikita ang takbo ng isip ng may katha, antas
ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalagahan at mga tumatakbo sa isipan
at kamalayan ng may-akda.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Sosyolohikal
• Ipinakikita ang kalagayan at suliraning
panlipunan o lipunang kinabibilangan ng may-
akda.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Biyograpikal
• Ipinamamalas ang karanasan o kasagsagan sa
buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga
akdang bayograpikal ang mga bahagi sa
buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na
inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Historikal
• Ipinakikita ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi
ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong
ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay
ng tao at ng mundo.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Klasismo
• Naglalahad ng mga pangyayaring payak, ukol
sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng
mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos
nang may kaayusan.
• Mas higit na pinapahalagahan ang kaisipan
kaysa damdamin.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Romantisismo
• Ipinamamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang
pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakihan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin
at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa
tao o bayang napupusuan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Eksistensyalismo
• Ipinakikita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Istrukturalismo
• Nakaugat sa paniniwalang ang kahulugan ay
maaari lamang mapalitaw kapag ito ay
tiningnan sa mas malawak na istruktura - ang
istruktura ng wika. Ang kahulugan ay
nakapaloob sa sistema ng wika na
nakadepende naman sa aktwal na sinasabi o
binibigkas.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Dekonstruksyon
• Ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa
tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga
pilosopo at manunulat na walang iisang
pananaw ang nag-udyok sa may-akda na
sumulat kundi ang pinaghalo-halong pananaw
na ang nais iparating ay ang kabuuan ng
pagtao at mundo.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Feminismo
• Nagpapakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag babae
ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang
mabubuti at magagandang katangian ng
tauhan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Naturalismo
• Naniniwalang sa malayang kagustuhan ng
isang tao dahil ang kanyang buhay ay
hinuhubog lamang ng kanyang heredity at
kapaligiran. Layon nito na ipakita na walang
panghuhusga ang isang bahagi ng buhay.
Nabibigyang pansin dito ang mga saloobin,
damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

You might also like