You are on page 1of 5

3/2/2019 Isang pagsusuri sa akdang : MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren Reyes Abueg

Marvin A. Bulaquińa

Isang pagsusuri sa akdang :


MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren
Reyes Abueg
March 29, 2017

Pagkilala sa may-akda:

 Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista,


kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon.
Sumulat at nag edit ng maraming mga sangguniang aklat si
http://bulaquinamarvin.blogspot.com/2017/03/isang-pagsusuri-sa-akdang-mabangis-na.html 1/5
3/2/2019 Isang pagsusuri sa akdang : MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren Reyes Abueg
Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si

Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado


at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya
hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang
mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor.  At isa
sa mga akdang kanyang mga naisulat ay ang Mabangis na
Lungsod.

Uri ng Panitikan:

Ang akdang ito ay isang maikling kwento.


kwento Ang Maikling Kwento ay isang akdang pampanitikan
na binubuo ng mga elemento katulad ng tauhan, tagpuan at banghay. Ito ay maaring piksyon o
di-piksyon na nagmumula sa mga kwento ng totoong buhay o likha lamang ng mambabasa.

Layunin ng may-akda:

Ang may-akda ay naglalayong ipaalala sa atin na hindi lahat ng tao ay pantay pantay. 
Sa ating lipunan, mayroong mga mahirap na patuloy na humihirap at may mga mayayaman na
patuloy na yumayaman.  Dahil ditto, maraming mga tao ang gumagamit na lamang ng dahas
upang makuha at makamit ang mga ninanais.

Tema o Paksa ng akda

Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon. Lahat ng tao, ay may kanyang contribusyon sa


ating komunidad. At tayo ay may mapagpiliian kung ano gusto natin. Hindi tayo pinipilit ng
Diyos na gawin ang gusto niya. Binibigyan tayo ng ang pagkakataon na gawin ang kung
anuman gusto natin gawin. Ngunit, sinasabi lang niya na may kahihinatnan ang lahat ng
ginagawa natin.

Mga tauhan/ Panahon

Adong- 12 gulang na batang pulubi sa Quiapo.


Aling Ebeng- matandang pilay sa tabi ni adong sa dakong luwasan ng simbahan.
Bruno- isang siga na kinatatakutan ni adong na siyang kumuha sa kanyang pera.
    

Nilalaman/ Balangkas ng mga Pangyayari


http://bulaquinamarvin.blogspot.com/2017/03/isang-pagsusuri-sa-akdang-mabangis-na.html 2/5
3/2/2019 Isang pagsusuri sa akdang : MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren Reyes Abueg

Hindi naging isang gasgas ng pangyayari ang inilahad sa akda sapagkat may
kaisahanan ang pagkakakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas. Dati na ang
mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, at pananaw. Walang kakaiba sa nilalaman
ng akda, sapagkat ipinapakita lang nito ang mga totoong pangyayari sa lipunang ating
ginagalawan ngayon. Naging dominante na naganap ang mga pangyayari sa tapat ng
Simbahan ng Quiapo.

Mga kaisipan/ ideyang taglay ng akda

Ang mga kaisipan ay sumalungat din. Ito ay may katotohanang unibersal, likas sa tao
at lipunan. Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang
umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon at maging sariling karanasan
may akda.

Istilo ng pagkakasulat ng akda

Para sa akin mabisa ang istilo na ginamit sa pagkakasulat sa nilalaman ng akda.


Maayos naman maganda ang pagkakasulat parang batay sa mga totoong ngyayari. Angkop
lamang sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda. Kung kaya
masasabi kong epektibo ang paraan ng paggamit ng mga salita sa akda.

Buod

                             Ang kwento ay umiikot sa batang si Adong na gumigising ng maaga at


nagtutungo sa Quiapo upang mamalimos para siya ay magkaroon ng pagkain na kanyang
maipantatawid gutom. Si Adong ay labindalawang taong gulang. Sa murang edad ay
naranasan na ni Adong ang kahirapan ng buhay. Namuhay rin siya ng walang mga magulang
na mag-aaruga sa kanya. Ngunit nagugulat ang mga namamalimos sa tapat ng Simbahan ng
Quiapo kapag dumarating na ang mayabang at nagpapaka-haring si Bruno. Lahat sila ay
natatakot kay Bruno. Lahat ng kanilang napapalimos ay napupunta lamang kay Bruno.Si Bruno
ang nakikinabang ng lahat ng mga ito.

http://bulaquinamarvin.blogspot.com/2017/03/isang-pagsusuri-sa-akdang-mabangis-na.html 3/5
3/2/2019 Isang pagsusuri sa akdang : MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren Reyes Abueg

Unknown October 7, 2018 at 6:04 AM


Ano po yung mga napulot mong aral sa akdang mabangis na lingsod?
REPLY

jijiburetche November 8, 2018 at 4:07 PM


Nasaan po yung Banghay ng Kwento

REPLY

jijiburetche November 8, 2018 at 4:08 PM


diba yung istilo ng pagsusulat ay :PAGLALAHAD , PASALAYSAY ,
PAGLALARAWAN DIBA GANUN

REPLY

Enter your comment...

Popular posts from this blog

Technologies: Classroom Distraction to Learning Attraction


February 03, 2017

Do you embrace technology in your classroom? What bene ts do you think


technology brought for you?  Is is a sort of distraction or an attraction? 

READ MORE

Powered by Blogger

Theme images by Galeries

http://bulaquinamarvin.blogspot.com/2017/03/isang-pagsusuri-sa-akdang-mabangis-na.html 4/5
3/2/2019 Isang pagsusuri sa akdang : MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren Reyes Abueg

MARVIN BULAQUIÑA

VISIT PROFILE

Archive

Report Abuse

http://bulaquinamarvin.blogspot.com/2017/03/isang-pagsusuri-sa-akdang-mabangis-na.html 5/5

You might also like