“KAPITAN SINO” Sa sanaysay na ito ay tatalakayin ko dito ang mga aspeto sa akdang/kuwentong “KAPITAN SINO”. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang taong nagngangalang Rogelio, isa siyang elektrisyan na may kapangyarihan at naging superhero. Nakatira at matatagpuan siya sa isang maliit na baryo ng Palaez. Ang tagpuan ay isang maliit na baryo kung saan ang bida nakatira, si Rogelio Manglincot. Itong kuwento nato ay nakakaaliw basahin dahil isinasabuhay nito ang mga problema sa lipunan at isinasabuhay ang mga totoong katangian ng taong may kapangyarihan. Istorya ito ng pilit-to-be bayaning si Rogelio with friends Bok-bok and Tessa. Sanhi ng pagbagsak ng katawan ng ama niyang si Mang Ernesto na rapat na bumubuhay sa kanila ni Aling Hasmin, si Rogelio na ang naituring na padre de pamilya ng tahanan. Di lamang padre de pamilya kundi all around ang trabaho nito, nagtinda siya sa kaniyang sari-saring tindahan at di naglaon naluge, at naging tagabutingting siya ng elektronikong kagamitan na may kinalaman sa kurso niyang bitin (B.S.ECE) – kaya may kaalaman siya ruun, at di naglaon ano pa ba . . . natuklasan na niya ‘ATA yung superpowers niya matapos nun.Konsepto ng Bayan isang Akda ng “Kapitan Sino” ni Bob OngCamille L. ValdezAng bayani ay tinuturing na isang unibersal na karakter na binibigyangbuhay samidya, sining at panitikan. Isa ang bayani sa mga sentral na tauhan kayanaman hindi kataka-taka na maging laganap ang konseptong ito sa buongmundo. Ang pokus ng pag-aaral na ito ay ang akdang Kapitan Sino ni Bob Ong.Layunin ng pag-aaral na matuklasan ang konsepto ng bayani at pagkabayani saakda.Gagamitin ang teoryang arketipo ni Carl Jung at konsepto ng Political Unconciousni Fredric Jameson. Sa pamamagitan ng kolektibong memorya ni Carl Jung atkolektibong represyon ni Jameson, mabubuo ang isang pagbibigay- kahulugan sakonsepto ng bayani na matatagpuan sa akda.Mula sa kolektibong memorya, mabubuo ang isang simbolikong imahe mula sapinagsama-samang karanasan, mithiin at kultura ng iba’t ibang grupo sa iba’tibang panahon. Mula naman sa kolektibong represyon, matutunghayan ang mgatunggalian at lipunang hindi hayagang makikita. Ang dalawang konseptong itoay patuloy na umiiral at naggigiit ng impluwensya sa kamalayan ng bayan.Nagkakaroon din ng historikal na pagbagtas sa mga konsepto ng bayani saumiiral sa lipunan tulad ng mga bayani sa epiko at mga superhero sa komiks.Sa pag-aaral, matutunghayang umaangkop si Kapitan Sino sa mga katangian ngisang bayani sa teoryang Arketipo ni Jung. Mayroon siyang mga kalakasan atkahinaan. Batay naman sa kolektibong impresyon, mabibigyanglinaw ang mgausapin sa Lipunan ni Kapitan Sino. Makikita ang kontradiksyon sa lipunan satunggalian sa pagitan ng naghaharing uri at di-naghaharing-uri. Angnamamayaning ideolohiya ay nagsisikap na matabunan ang ediolohiya ngnakararaming api sa lipunan na naghahanap ng mga “bayani” na siyang kikilosnang sama-sama upang maging kinatawan ng kanilang kolektibong mga mithiin.Si Kapitan Sino ay nagsilbing simbolikong resolusyon na inaasam ng mga taga-Pelaez na hindi natatamo sa tunay na Buhay. Ipinakita ni Kapitan Sino na angpagkabayani ay hindi nangangailangan ng iisang dakilang taong siyangnagliligtas sa lahat, bagkus ang bayani ay nag-uudyok sa mga taong kumilos atmaging bayani din sa kanilang paraan Sa librong ito ay nakakatulong sa iyung isip, damdamin at sa lipunan. Isinasabuhay ng kuwentong ito ang mga suliraning nangyayari dito sa kasalukoyan.Nagkaproblema din ang unang tauhan na si Rogelio o kilala bilang “Kapitan Sino” sa lipunan dahil siya ay isang superhero na pinilit lamang. Ang kaniyang tunggalian ay tao laban sa lipunan.