You are on page 1of 6

Pasulat na Ulat PANANALIKSIK

Karl Lester R. De Vera 1-2

Prof. Pat Villafuerte

I.
1.

Pagsasanay
Buuin ang kasunod na semantik map upang mailarawan ang pananalik. Isulat ang iyong sagot sa loob ng mga bakanteng bilog

Pananaliksik

2.

Ipaliwanag ang kahalagahan ng pananaliksik sa napili mong disiplina o prfesyon sa hinaharap.

II.

Pagtalakay
Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na

humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay (o ng hindi-pagpapatotoo) ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan. Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik ng mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik sa isang klinika, laboratoryo, o kaya isang planetaryo. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-aralan ang sanlibutan.

Mga Katangian ng Mabuting Mananaliksik


1. Ang pananaliksik ay sistematik. Mayroon itong proseso o magkakasunod na hakbang na dapat sundin tungo sa pagtuklas sa kasagutan sa kung anumang layunin ng pananaliksik. 2. Ang pananaliksik ay kontrolado. Dapat ay hindi mabago ang mga baryabol na sinusuri, lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik. Dahil anumang pagbabagong magaganap dito ay makaaapekto sa buond pananaliksik. 3. Ang pananaliksik ay empirikal. Dapat ang mga pamamaraan at baryabol na gagamitin sa pananaliksik, gayundin ang mga datos na makakalap, ay katanggaptanggap. Hidni ito dapat maging isang teorya lamang o kaya nama'y gawa-gawa lamang. Dapat ito ay maging katotohanan na sasang-ayunan ng nakararami. Dapat ay may basehan na karanasan o obserbasyon. 4. Ang pananaliksik ay mapanuri. Ang mga datos na nakalap sa pananaliksik ay dapat suriin ng mabuti upang hindi magkamali sa pag-iinterpret ang mananaliksik. Madalas na ginagamitan ng estadistika ang pagsusuri upang masabing analitikal ang pananaliksik. 5. Ang pananaliksik at obhetibo, lohikal at walang pagkiling. Anuman ang lumabas na resulta sa pananaliksik ay hindi dapat mabago o mabahiran ng personal na saloobin ng mananaliksik.

6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwantiteytib o istatistikal na metodo. Nakalahad sa numerikal na pamamaraan ang mga datos at ginagamitan ng istatistika upang maging mas akyureyt ang resulta. Madalas na ginagamitan ng porsyento, ratio at distribusyon ang paglalahad ng mga numerikal na datos. 7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda. Ang isang pananaliksik ay naglalaman ng mga datos na nakalap ng isang mananaliksik na nagmula mismo sa kanyang paghahanap at pagtuklas dahil kailangan na ang mga datos ang galing sa praymari sorses. Hindi ito galing sa pag-aaral ng ibang mananaliksik. 8. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali. Kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik upang mapanatili ang accuracy ng mga datos na makakalap, pati na rin ang magiging resulta nito. Pinaglalaanan ito ng sapat na panahon at ibayong pag-iingat dahil kung hindi ay hindi magiging matagumpay ang pananaliksik at hindi magiging matibay ang mga reulta at kongklusyon. 9. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang. Dapat ay maging matapang ang isang mananaliksik sapagkat hindi maiiwasan na makaranas siya ng di magagandang bagay habang ginagawa ang kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding hindi sumasang-ayon ang lipunan sa resulta ng pag-aaral, o kaya nama'y magkaroon ng hindi pakakaunawaan sa pagitan ng mga mananaliksik. 10. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon. Bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik ay dapat na maisagawa ng tama upang maging tama rin ang resulta. Nararapat lamang na ang kongklusyon sa isang pag-aaral ay may kaakibat na matibay na ebidensya upang sumuporta dito.

Layunin
Pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang presentasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao.  Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.  Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at informasyon  Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrumento o produko.   Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.   Masatisfay ang kuryosidad ng mananaliksik Mapalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman.

Pinagkuhanan
Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik http://tl.wikipedia.org/wiki/Pananaliksik http://tl.answers.com/Q/Ang_katangian_ng_pananaliksik

You might also like